Ch25: Na-aftershock syndrome
Kinakabahan talaga ako ng sobra sa tuwing naaalala ko 'yung ginawa ni John, yung tibok ng puso ko nung ginawa niyang 'yun eh ganun din ang tibok sa tuwing naaalala ko. Nararamdaman ko pa rin 'yung pagdampi ng labi niya na para bang ginagawa niya ulit sa tuwing naalala ko.
Hindi rin 'to isang pantasya o panaginip at hindi na ako nagjojoke.
Totoong nangyari na 'to.
Apat na araw na ang nakakaraan pero grabe pa rin 'yung epekto niya sa akin na para bang nakaramdam ako ng napaka raming boltahe ng kuryente nung dumampi ang labi niya, yung tipong nakakabaliw, nakakaabnormal at nakakaadik.
Abnormal na nga ako mas lalo pa ako magiging abnormal.
Grabe 'yung parang ang saya ko na hindi ko malaman na bawat gabi 'yun na lang naiisip ko, tapos biglang magkakaroon ng something na umiipit sa tyan ko pero hindi siya masakit, masarap siya sa pakiramdam. Ewan ko, ramdam ko pa rin 'yung gulat at saya, saya nung nangyari 'yun.
Pero simula din nun…
“Uy!” Umupo sa tabi ko si John at feeling ko, sasabog na 'yung puso ko sa sobrang kaba. Nung hinawakan din niya 'yung balikat ko feeling ko mamatay na ako sa kuryenteng dumadaloy sa palad niya papunta sa katawan ko.
Ang lamig dito sa library pero biglang uminit pakiramdam ko.
“U-Uy” Nauutal na ako sa harap niya at ang worst… “Ano, teka may ah… pupuntahan kasi ako, ah sige, alis na ako” Tumayo agad ako pero bago pa ako makaalis talaga.
“Sama na ako!” Patayo na sana siya pero pinigilan ko siya sa pagtayo.
“Nako, hindi na… ano, mahihirapan ka lang tapos mapapagod tapos mainit pa, sige, bye!” Tumakbo na ako palayo para hindi niya ako mahabol.
“Teka!”At pumunta agad sa 4th floor at pumasok sa cr.
Opo, ayaw ko man pero umiiwas ako sa kanya. Ayaw ko talaga pero sa tuwing nakikita ko siya at naririnig ko boses niya o kahit man 'yung pangalan niya, naaalala ko 'yung ginawa niya at feeling ko sasabog ako.
Hindi ko alam kung sa kilig ba to pero hindi ako kinikilig ng tulad ng dati na natutuwa talaga ako pero ewan ko, ang gulo rin eh!
Huhuhuhuhu ano na bang nangyayari sa akin, ang epal kasi nitong si John eh bakit ba kasi niya ginawa 'yun! Kung hindi lang niya ginawa 'yun, eh di masaya pa rin ako di ba?!
Ay wait, masaya pa rin naman ako eh?
PERO EEEHHH, IBA PA RIN EH! Iba tong nararamdaman ko, nakakainis na para akong abnormal na kinikilig pero kinakabahan pero naiilang na hindi ko malaman. Kahit pa sabihin nating “friendly kiss” lang 'yun.
Shit lang, kung ganito pala feeling pagkatapos ng friendly kiss eh di, masaya!
Naghilamos muna ako sa cr at tinignan ko ang sarili ko sa salamin, tinitigan ko lang ang mukha ko hanggang sa…
NARAMDAMAN KO NA NAMAN 'YUNG HALIK NIYA.
AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH, MABABALIW NA AKO!!!!
“Hoy Zelle, naaabnormal ka na d'yan?” Napalingon ako sa may pintuan ng cr at nakita ko si Enzo na parang nagtataka sa akin.
Speaking of him, hindi ko rin siya nakita sa school pagkatapos nung sinuntok niya 'yung lamesa, ewan ko, parang hindi ko rin nga masyadong napansin kasi masyado akong naooccupy sa nangyari sa amin ni John. Ughhh.
“Samahan mo ako, tara kain.” Sumama na lang ako kay Enzo at habang naglalakad papuntang caf ang tahimik naming dalawa. Hindi na kami dating nagbabangayan at nagbabatukan, ang awkward. Ngayon ko na lang rin kasi siya nakasama ng ganito kasi ngayon na lang ulit niya ako pinansin at ewan ko ba, ang awkward awkward talaga ng—
“Uy, ano ba?!” Nagulat ako kasi bigla niya akong tinulak sa pader at tinitigan ng mabuti na parang ineexamine niya ako, ewan, nakakailang tae ano bang problema nitong lalaking 'to!
Nagulat lang rin ako kasi kinuha niya 'yung panyo niya at may kinuha sa bag, alcohol, tapos nilagyan niya ng alcohol 'yung panyo niya at biglang pinunasan 'yung noo ko!
“Enzo, ano ba 'yang ginagawa mo!” Tinulak tulak ko siya pero pinasadahan niya ng alcohol 'yung buo kong noo na para bang may germs 'yung noo ko tapos ngumiti siya at pinitik 'yung noo ko.
“Ayan na, malinis na 'yan” Napakunot ang noo ko, anong pinagsasasabi niya?!
ANG ABNORMAL TALAGA NIYA!
Binatukan ko siya after ilang weeks na hindi ko siya nababatukan, pansin ko rin na medyo gumaling na 'yung kamao niya mula sa pagsuntok niya dun sa kahoy na lamesa dun sa cottage. Hindi ko na lang itatanong kung bakit niya ginawa 'yun, ayokong may malaman pang iba.
So pumunta na nga kami ng cafeteria at siya, umorder na habang ako, NGANGA. Yes po, nganga lang kasi ayaw niya ako ilibre, madamot! Eh wala akong pera so ayun, nganga talaga habang siya, siguro ang dami na niyang biniling pagkain para sa kanya.
Ganyan talaga, masama ugali eh.
Kinakalikot ko na lang 'yung selpon kong sobrang hi-tech nang biglang…
“Dito ka lang pala pupunta eh” Napalingon ako at nakita ko ang lalaking nagpapatibok ng sobrang bilis sa puso ko. Yung totoo, hinahabol mo ba ako John? Please naman, hindi na carry ng puso ko baka sumabog na ako!
“Ah eh ano, nagpaano kasi…” WAAAAHH ITO NA NAMAN AKO, NAG IISTAMER NA NAMAN AKO HUHUHUHU. “…sinamahan ko kasi si, ano, uhm… aalis na pala ako!”
Tumayo na ako at paalis na sana nang biglang may sumigaw ng pangalan ko, paglingon ko, nakita ko si Enzo na dala 'yung tray at mga pagkain na nagtataka.
“Saan ka pupunta, nilib—“
“Ah ano kasi, aalis na ako! May kailangan pa akong puntahan eh, bye!” Medyo nagmadali na ako sa paglalakad at lumabas na ng school.
OA ba ako? Sobrang over acting ko na ba talaga kung kahit ilang araw na ang nakakaraan, naaalala ko pa rin 'yung halik niyang 'yun?
“Teka!” Nagulat ako sa paghatak niya sa akin at bigla bigla, hinalikan niya ako…
…sa noo.
Nastun ako, nashock, natigilan, nafreeze at lahat na ng pwedeng madescribe sa taong nagulat at hindi makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko alam kung mabilis o matagal ang halik niyang 'yun pero nanghihina ang buong katawan ko.
Nanghihina ako sa hawak niya sa braso ko, nanghihina ako sa amoy niyang alak, nanghihina ako dahil ang lapit lapit nila sa akin at nanghihina ako dahil nakadampi ang labi niya sa noo ko.
Narinig kong parang bumukas ang pintuan at nagliwanag ang buong paligid, nanlalaki pa rin ang mga mata ko hanggang sa naghiyawan ang mga kaklase ko na nakakita sa amin. Inialis niya ang labi niya sa noo ko at ngumiti sa akin.
Maraming naghihiyawan at ang lalakas nito pero ang narinig ko lang ay boses niya. “Maraming salamat sa oras”
“John…” Pabulong kong sabi na hindi ko napansing nasabi ko pala.
“Ito ang gusto nila hindi ba? Pasensya na nadawit ka pa.” Saka siya umalis sa closet at ako, ewan ko pero nadikit na ata ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makapagsalita, gulat pa rin.
Sabi nila, 'yun daw ang dare nila--'yung 1 hour sa closet tapos dapat daw halikan pero nung pauwi naman na kami ni John, nagsorry ulit siya sa akin at friendly kiss lang daw 'yun pero sorry ah, sorry talaga.
Hindi ko magawang isipin na friendly kiss lang 'yun eh. *insert face palm here*
Kinakabahan na naman ako dahil naalala ko na naman ang senaryong 'yun. Feeling ko umaakyat na naman 'yung dugo sa mukha ko saka ko lang narealize na medyo pagod na ako sa paglalakad ng mabilis. Nagnormal walk na ako nung nasa may tawiran ako pero ang hindi ko ineexpect…
“Iniiwasan mo ba ako?”
SYET.
---x
Author's Note:
Ang bilis ko na mag update no? (Kumapara nung may pasok pa ako, buwan ang tinatagal ng update) hahaha sorry kaya sorry talaga ah, tapos thank you din kasi nagtatyaga kayo dito. :">
Natapos ko na 'yung final outline nitong JOA at... eksayted na ako sa magiging ending! Kayo din ba? Ahihihihihi hindi ko akalain na magtatagal tong story na to (bagal kasi ng update) kasi lokohan lang naman to tapos bigla kong sineryoso mehehehe.
Dedicated to queengothica dahil sinusuportahan niya ang JOA at dahil sa reason niya kung bakit binabasa pa rin niya ang JOA. (Picture at the right or click external link para mabasa ng maayos) Thank you :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top