CH23: Serious mode: ON

“Du—Du—Dugo!”

Nagpanic ang lahat ng tao habang nakatayo lang si Enzo sa pwesto niya at ako nakaupo sa pwesto ko. Tumakbo palapit sa amin sila John at Elle na hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit sila magkasama.

“Anong nangyari Enzo?” Nagpapanic na tanong ni Elle, hinawakan niya ang kamay ni Enzo na puno ng dugo. Ganyan talaga 'yang si Elle, masyadong mabait, maraming alam--nakakainggit nga eh.

“O-Okay ka lang?” Pagtatanong ni John, nagpapanic ang ilan pero si Enzo, parang hindi ko malaman kung kalmado ba or what.

“Uhm John, may panyo ka ba d'yan? Para medyo maibsan 'yung pagtulo ng dugo…” Ewan ko pero parang nagslowmo ang buong paligid. Nakita kong nakatingin lang si Enzo kay Elle na hawak ang braso niya para gamutin siya, si John na nagpapanic habang hinahanap ang panyo niya at si Elle, ang magandang si Elle na parang anghel na pinalibutan ng tao.

Nung nakita na ni John 'yung panyo niya, ewan ko ba pero parang may naramdaman akong pag ipit sa puso ko nang mapansin kong nagdampi ang balat nila sa isa't isa.

OA ba ako, or what?

Napatingin ulit ako kay Enzo, tahimik lang siya. Dumating na 'yung life guard at nagbigay ng gamot.

Gusto ko siyang sampalin kaliwa't kanan hanggang sa bumalik na siya sa dating Enzo na minsan masaya kasama at madalas nakakakabadtrip dahil sa pang aasar niya sa akin pero hindi ko magawa dahil sa ngayon, pakiramdam ko ang layo namin sa isa't isa kahit isang lamesa lang naman ang layo namin.

Sinugod siya sa ospital, well, hindi naman talaga “sinugod” pero pumunta ang ilan para samahan si Enzo sa ospital at nagstay ata doon. Si Elle naman, pumunta lang pala dito para ipaalala sa amin na malapit na ang prom pero mas malapit na ang foundation day saka umalis naman agad.

Nung nawala na ang commotion, bumalik na ang lahat sa dati na parang masaya na ulit. Nagswimming na ang lahat kasama ako at si John. Well, masaya naman pero sinusumpa ko na talaga ang swimming pool, seryoso.

Una, dahil muntikan na akong malunod.

Pangalawa, hindi si John ang sumagip sa akin.

Pangatlo, may life guard nga pala dito, paksyet lang.

Nagstay na lang ako sa cottage, parang wala na nga akong mukhang maihaharap eh. Ayoko na, kasalanan ko bang hindi ako marunong magswimming?! Kasalanan ko bang magdaydream?! Ahuhuhuhuhuhu.

Tinitignan ko lang sila… pero mas focus ko si John.

Kausap niya si B1 sa swimming pool, hindi sila magkakilala talaga pero parang close na sila. Ewan ko pero naiinis ako, ganyan ba talaga ka malalapitin si John ng babae to think na hindi naman malakas appeal niya at parang nagbeblend in lang naman siya sa crowd?

Kung tutuusin mas gwapo si Enzo eh… pero, ibang iba si John.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha na lang ng chichirya sa may dulo, nagtingin tingin ako at kinuha ko 'yung oishi prawn crackers. Pagbalik ko sa may pwestong upuan ko, nakangiti sa akin si John habang basang basa.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain. Parehas kaming nakatingin sa may swimming pool, walang nagsasalita.

“Ayaw mo na mag swimming?”

“Matapos kong mainom lahat ng dumi niyo sa katawan? No thanks” sabay kain ulit ng Oishi, nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa tapos tumingin sa akin. Ewan ko pero kinilig ako ng bahagya sa pagtawa niyang 'yun.

“Ang cute mo talaga Zelle” Napahinto ako sa sinabi niya. Binalik niya ang tingin niya sa pool habang nastak ata ang paningin ko sa kanya. Kinabahan na naman ako… sanay na ako kay John at hindi na ako masyadong kinikilig sa kanya pero bakit ngayon?

Simpleng sentence lang sinabi niya pero bakit… bakit sobra akong kinakabahan?

“Penge nga ako n'yan!” humarap siya ulit sa akin at dumukot ng maraming Oishi na kinakain ko. Kain lang siya nang kain at rinig na rinig ko 'yung pagnguya niya. “Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito”

 

“Ako rin eh” matipid kong sabi.

“Alam mo ba dati nung bata ako, akala ko ang pangalan talaga nito Oishi, brand lang pala 'yun?” Medyo nanlaki ang mata ko.

“Ha? Hindi ba Oishi pangalan nito?” Nagtataka kong tanong habang tinitignan 'yung package design.

“Hindi ata, prawn crackers ata pangalan niyang chichirya”

 

“WEH?!”

 

“Oo, di ba Oishi din brand ng ibang chichirya?” Sabi niya habang ngumunguya.

“Hala, my whole life has been a lie all along?!” Nanlalaking mata na sabi ko saka naman siya tumawa ulit at pinatong ang kamay niya sa ulo ko. Kung si Enzo siguro gumawa nito baka natapon ko na siya sa ibang galaxy pero pag si John gumawa, gustong gusto ko.

“Ayan, naging abnormal ka na ulit. Ang emo mo kanina eh…” Ewan ko ah, pero sa sinabi niyang 'yun, napangiti ako.

“Hindi daw magsyota pero kulang na lang lalagyan para maging asukal…” Biglang sabi ng isa kong kaklaseng lalaki. “Oy kayong dalawa, baka magkadevelopan kayo d'yan ah”

“Hoy hindi ah!” pero sana… ahihihihi.

Nakita ko namang ngumiti lang si John sa kaklase kong 'yun. ANONG IBIG SABIHIN N'YAN JOHN?! SUMASANG AYON KA BA?

Ahihihihihi.

Pagsapit ng gabi, hindi pa rin kami umuuwi dahil may ginagawa pa sila. INUMAN. Nandito kami ngayon sa malaking bahay ng mayaman naming kaklase. Hindi ako nakakarelate kasi nanonood lang ako ng tv.

Hindi kasi ako umiinom… buti sana kung milo iniinom nila eh. Nagulat din ako dahil may ibang kaklase ako na naninigarilyo din, thank you naman dahil si John kahit anong pilit nilang panigarilyuhin, ayaw talaga.

YAY, PLUS 100 GAZILLION POINTS!

Pero kasama siya sa mga umiinom, nagtutruth or dare ata pero mukhang ganun nga kasi kanina may nakita ako naghuhubad eh, at medyo parang lasing na ata sila. Aba, malay ko at wala akong pakielam dahil hinihintay ko lang mag umaga para makalayas na.

“WOOOOHHHH!” Narinig kong sigawan nila at napatingin kaming mga nanonood ng tv sa kanila. Nagkakantyawan lang naman sila kaya binalik ko na agad 'yung paningin ko sa tv at ganun rin 'yung mga kasama ko nang…

Nagulat ako sa biglang pag takip sa mga mata ko ng panyo. Kinakapa ko kung sino 'yung epal na abnormal na mamamatay na pag alis nitong piring na to sa akin pero lumalayo sila.

“Hoy ano ba, nanonood ako!” Hinila niya ako patayo at hinawakan ang kamay ko para hindi ako makaalis. “Ang babastos naman nito eh, nanonood ako ng tv!”

Pinalakad nila ako, may naririnig akong parang mga naghihiyawan. Naglalakad lang ako hanggang sa pinatigil nila ako sa paglalakad pero hindi pa rin binibitawan 'yung kamay ko.

“Dahil masyadong mabilis ang 7 minutes to Heaven, 1 hour na lang. Hahahahahaha goodluck!” Pagkaalis na pagkaalis ng nagsalita 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko agad kong tinanggal 'yung piring ko at bago pa ako makapag react, sinarado nila agad 'yung pintuan—ang dilim!

“Hoy, anong ginawa ko sa inyo paalisin niyo ako dito!!” Pagmamaktol ko.

“Sisihin mo 'yung nakipag laro sa amin!” Natatawa nilang sabi. Ano daw?! Medyo tumingin ako sa gilid, ang liit, parang walk in closet na maliit at ang dilim pa, 'yung source lang ng ilaw is 'yung tatlong maliit na mahabang butas dun sa baba ng pintuan!

“Pasensya na napasama ka pa dito…”

 

“AH!!” Nagulat ako sa biglang nagsalita at pagtingin ko sa baba, nakita ko siyang nakasandal sa isang pader at nakaupo.

Si John... kasama ko si John sa maliit at madilim na space na 'to. *insert nagulat face here*

---x
Author's Note:
Uyyy ang bilis ko na mag update hahahaha improving ako! :DDDD Thank you sa mga hundred ++ (ata) na nagbabasa nito or baka napadaan lang 'yung iba hindi ako syor hahahaha pero thank you po! Lalo na sa mga nagkocomment, kayo talaga inspirasyon ko pramis. Thank you din sa mga nakaappreciate sa bagong book cover, yaaay! :D

Dedicated to Leigh (ang ganda ng name na to) kasi isa siya sa inspirasyon ko sa afgitmolfm dati hahaha magaling magreview ng works 'yan tapos napansin ko binabasa din niya 'to so ayun, nakakatuwa na kahit may mga bad side siyang nakita sa afgitmolfm eh binabasa pa rin niya tong JOA na joke time. Thank you Leigh! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top