Ch21: Anyareh?
Nababaliw na ba ako kung lagi kong naiisip 'yung senaryo namin ni John sa cafeteria 1 week ago?
Alam mo kung sinong badtrip? Ako. Sa umaga, sa hapon at sa gabi--lagi ko siyang naiisip. Nakakabadtrip kasi paulit ulit, LSS ba 'to?! Nakakainis talaga huhuhuhu John please, get out of my mind!!!
Dito ka na lang sa puso ko.
AHIHIHIHIHI.
Sa 1 week na 'yun, normal lang naman kami ni John. Normal naman lahat eh… pwera kay Enzo.
Pagkatapos kasi ng senaryong 'yun, ewan ko ah pero panay na siya dikit sa mga babae naming kaklase. Hoy, hindi ako selos pero kasi kakaiba 'yung kinikilos niya at hindi siya ganung klaseng lalaki na panay ang lapit sa mga babae plus hindi rin siya masyadong pumapasok at hindi ko siya masyadong nahahagilap sa school.
Anyare dun sa lalaking 'yun?
Baka nababaliw na naman.
So anyway, mag isa lang ako ngayon naglalakad papuntang cafeteria ng sa hindi kalayuan ay may napansin akong pamilyar na lalaki—si Enzo, may kasamang dalawang kaklase ata niyang babae. Napatingin lang ako sa kanya at ng medyo magkakasalubong na kami, tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin.
Ewan ko pero, nakakadisappoint 'yung kinikilos niya ngayon.
Parang hindi siya.
Lumagpas na kami sa isa't isa pero walang ngumiti ni isa sa aming dalawa, para ngang hindi kami magkakilala eh. Nakakadisappoint talaga, pero buti na lang si John madadatnan ko sa caf, mawawala 'yung disappointment ko, ahihihihi.
Malapit ko na sana marating 'yung caf nang makarinig ako ng parang mabilis na takbo mula sa likod at nagulat ako nang may mabigat na braso ang umakbay sa akin.
“Huy!” Paglingon ko ng kaunti, si Enzo, nakangiti sa akin. “Ang snob mo naman, hindi namamansin!”
Tumawa siya… pero alam kong plastic. Ngumiti na lang ako.
“Busy ka eh” Tumingin siya sa akin tapos umiwas ng tingin, nakaakbay pa rin siya at ang bigat ha? “Tanggalin mo nga braso mo, bigat eh”
Sumimangot naman siya at tinanggal pagkakaakbay sa akin. “Sungit talaga. Saan ka punta?”
“Sa caf, obvious ba?”
“Ah…” Tumingin siya sa caf na konti na lang eh mapapasukan na namin ng bigla niya akong hinawakan sa braso at pinatigil sa paglalakad. “Teka”
Mababadtrip na sana ulit ako at titignan ng masama pero nang lingunin ko siya, ang seryoso ng mukha niya. Mukhang natatae hahahaha!
“Oh, bakit?”
“Ano, uh…” Ano na naman ba inaarte nitong lalaking to? “Samahan mo ako”
“Ha? Saan? Teka inaantay kasi ako ni John sa caf—“
“Tara na please!” Napakunot lang ang noo ko at aayaw pa sana ako pero bigla niya akong hinila ng sobrang lakas. Walanghiya, kinakaladkad ako palabas ng school! Huhuhuhuhuhu. My beauty is being nakakaladkad! Huhuhuhuhu.
“Huy ano ba, nag hihintay si Joh—“ Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumawa ng malakas. “Nababaliw ka na—“
Napatigil ako sa sasabihin ko nang magsalita siya agad.
“Puro ka na lang John…” Mula sa mabilis naming paglalakad, bumagal ang phasing ng pagkaladkad niya sa akin. Kung ano ang kinabagal ng paglalakad namin, 'yun naman ang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
“Ha?” Pabulong ko.
“John dito. John d'yan. Puro na lang John…” Anong… ano na namang dinadrama nitong lalaking to? “Bakit ba puro na lang John?”
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako sa paglalakad. Hawak pa rin niya ang braso ko at nararamdaman kong nanlalamig ang kamay niya.
“Pakisabi nga sa akin…” Nakatalikod lang siya sa akin at unti unting humarap nang sabihin niyang… “Bakit hindi na lang Enzo?”
Natigilan kaming dalawa, magkatitigan. Ang bilis at ang bagal ng paligid. Ang daming jeep na umaandar. Ang daming taong nagsisilakaran at nilalagpasan kaming dalawa. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yun pero matagal tagal din ang nangyaring titigan nang…
“Hoy kayong dalawa kung maglalandian kayo huwag dito sa kalsada!” Natauhan ako sa biglang sumigaw na mama na nakabike at mukhang natauhan rin siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Ang babata pa ang lalandi na, nako”
Nakaramdam ako bigla ng hiya at naglakad na lang. Naramdaman ko namang sinusundan niya ako pero wala pang ilang minuto, naramdaman ko na naman ang mabigat na braso ni Enzo sa balikat ko.
“Huy joke lang 'yun ah! Hahahahahaha ang epic ng mukha mo! Hahahahaha” Naningkit naman ang mga mata ko habang tinititigan siya ng sobrang sama na sana ikamatay niya ang titig kong 'yun.
“I hate you forever” Inirapan ko siya at tinanggal pagkakaakbay niya sa akin saka naglakad na lang ulit kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
“Same to you Criselda, same to you”
DobolyuTeeEff CRISELDA?!
Gusto ko na sana siya bigwasan sa ulo nang...
“Uy Zelle, teka!” Ewan ko ah, pero 'yung mahinahon kong puso, nagwawala na naman. Tumigil ako sa paglalakad at paglingon ko, nakita ko si John na tumatakbo palapit sa akin—este sa amin.
“Zelle…” Napalingon naman ako kay Enzo na medyo nauna na pala sa akin, seryoso na naman ang mukha.
“Hintayin na natin si John” Nilingon ko ulit si John na medyo malapit na sa kinatatayuan ko. Nakangiti lang siya at parang may tinignan siya sa may likod ko.
“Bakit ba lagi na lang siya?” Mga 2.43432 seconds pa bago nagsink in sa utak ko ang bulong ni Enzo. Paglingon ko, naglalakad na siya—palayo?!
“Uy Enzo!” Hahabulin ko sana si Enzo nang maramdaman ko namang may humawak ng balikat ko.
“T-teka…” Hinihingal pa si John kaya tumigil ako sa paglalakad. “Saan..” Hingal. “Saan pupunta 'yun?”
Napatingin lang ako kay John na hinihingal tapos kay Enzo na naglalakad palayo. Ano bang nangyayari?!
“Enzo!” Sigaw ko. “Huy! Saan ka ba pupunta?! Teka lang!”
Lumingon siya at tinignan ako, pero tinignan lang niya ako—walang reaksyon—walang emosyon.
Anyareh?
---x
Author's Note:
Naguguluhan na ba kayo? Ako din eh. Mehehehe maraming salamat sa pag babasa nitong JOA at sa mga naghihintay d'yan, nakakakilig lang aheheheks. Pasensya na ang tagal ko mag update, sobrang busy eh may pasok pa rin ako
Dedicated kay ate Jam hahahaha thank you sa pagbabasa ng JOA at sa mga comments mo na parang nadidisappoint ka pa ata sa mangyayari... well isa lang masasabi ko, don't expect anything. Promise, kasi baka magulat ka ahihihihi. Joke lang pero ayun nga, thank you dahil inaanalyze mo ang simpleng story na to :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top