Ch16: "Mahal Kita"
Gustong gusto ko sana gawin 'yung fifteen days wallpaper at baka matulad ang kapalaran ko kay Justine with e sa dulo pero isa lang ang humahadlang sa akin—hindi 'yun pupwede sa cellphone ko.
As you can see which I doubt that you can really see it, ang cellphone ko ay sobrang high-tech—sa sobrang pagkahigh-tech, hologram na siya! De joklang—de flashlight lang kasi 'yung phone ko. Alam mo 'yung cellphone na colored, pwedeng mag wallpaper pero ang wallpaper eh mountains, flowers at kung anu-ano pang kaechosan?
GANUN LANG.
Sa sobrang high-tech ng phone ko, walang siya camera.
ANG SAYA SAYA, DI BA?! *insert pagbubunyi face here with tears of hatred in the world*
So back to the story, matapos ang insidenteng 'yun—panay na ang pag uusap nila John at Enzo, minsan nga sumasama na rin sa amin si John. Nakakatuwa kasi… wala lang! Nakakatuwa lang! Sino bang hindi matutuwa kung ang crush mo eh nakakausap mo na ngayon, aber?
KINIKILIG AKO AHIHIHIHI.
Ang advantage ng nakakasama ko si John, lagi akong kinikilig.
Ang disadvantage naman ng nakakasama ko siya, lagi akong kinikilig.
Jusko po, ang hirap kaya pigilan ng kilig! ALAM MO YUNG FEELING NA NAUUTOT LAGI? Hay nako. Napapahay nako na lang ako.
So habang nagmamaganda ako sa hallway, tinawag ako ni Elle na maganda.
“Uhm Zelle, favor naman” Gusto ko sana siyang isnob-in dahil ayaw kong may gawin pero mukhang wala akong magagawa dahil mukhang magmamakaawa siya sa akin.
“Yes, ano 'yon?”
“Okay lang ba na pakuha yung mga gagamitin sa pag decorate ng library? Pinapatawag kasi ako ni Miss eh” Hmp, kung hindi lang to maganda eh.
“Ah sig—“ Napatigil ako nang biglang may humawak sa balikat ko at feeling ko mamamatay na ako sa kilig dahil si John ang humawak sa balikat ko. Nakangiti pa siya sa akin paglingon niya.
“Hi Zelle”
“Hi John” AHIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHI.
“Uy kuya, tamang tama!” Napatingin naman ako kay Elle, ay, andito pa pala siya? Panira ng moment ano ba 'yan. “Pwede mo ba tulungan si Zelle sa pagbubuhat? Nasa store room lang 'yung boxes tapos padala sa library. Alam na ni Zelle 'yun.”
Napatingin ako kay John na nakangiti kay Elle at umalis na si Elle. Napahinto ako sa nakita kong 'yun. Nagulat na lang ako ng akbayan ako ni John at inaya na ako papunta sa store room.
Kikiligin sana ako pero bakit…
Bakit nakaramdam ako ng sakit? Nagkangitian lang naman sila pero bakit… bakit nasasaktan ako?
HAY NAKO, MAITAGO NA NGA SI JOHN BAKA MAAGAW PA HMP.
Lumipas ang ilang araw at parang enjoy na enjoy si Enzo sa buhay niya. Medyo nabuburyo na nga ako dahil ayaw kong nag eenjoy siya sa buhay niya, gusto ko lagi siyang malungkot. Muhahahahaha.
Nakatambay lang kami ni John sa cafeteria at nagmomoment kaming dalawa nang biglang dumating ang epal na enjoy na enjoy sa buhay niya.
“Hoy Zelle!” At syempre, 'yan pambungad niya. “Malapit na birthday ko. Regalo ko?”
Ay, nagbibirthday pala 'to?
“Pagkakaibigan, pakikisama at pagmamahal na lang” Ngiti pa ako habang sinasabi ko 'yun hanggang sa napatigil siya at napatingin sa akin. Napatingin ako kay John na nakangiti naman sa akin at gusto ko maglupasay sa kilig pero natigilan din ako nang marealize ko ang sinabi ko.
OMAYGAHD YAK KADIRI OMAYGAHD BAKIT KO NASABI YUNG PAGMAMAHAL YAK EW GROSS.
CHANGE TOPIC!
“So ano balak? Saan mo kami ililibre?” Napabuntong hininga ako. Thank you John, hulog ka talaga ng langit at bagay talaga tayo! You just save us from an awkward silence.
“Sa bahay namin, may kaunting party. Sama kayo?”
Tumango kami ni John and the next thing I knew, birthday na ni Enzo at nasa party na kami.
Ang sakit sa mata dahil medyo madilim tapos parang pang bar pa 'yung ilaw sa loob ng bahay nila. Ang dami pang tao at feeling ko mga naglalandian ang mga 'to. Nakaupo lang ako sa isang tabi habang hinihintay si John dahil nag CR siya. Si Enzo? Ewan ko dun nawala na lang bigla.
Napatingin ako sa may CR at parang gusto kumulo ng dugo ko dahil nakita ko si John na may kausap na babae na unknown specie. ANONG KALOKOHAN 'TO, BAKIT SIYA MAY KAUSAP NA IBANG BABAE?!
“Am I not good enough?!”
“Anong good enough?” Narealize ko na lang na nasa harap ko na pala si Enzo at narealize ko din na nasabi ko ng malakas ang dapat na nasa utak ko lamang.
“Wala, happy birthday” Feeling ko tuloy ang lamya ko ngayon. Ang landi kasi nung babae eh! Kita namang kasama ko si John tapos kakausapin niya? Tae ba siya? Sarap niyang iflush.
Napansin ko na papalapit na si John kaya nilayo ko 'yung tingin ko at ininom na lang 'yung juice na hawak ko. Snob ko siya, galit ako eh.
“Uy pare, busy ka ah. Happy birthday”
“Salama—“ Natigil sa pagsasalita si Enzo nang biglang may babaeng sumulpot sa may table namin at feeling ko gusto ko na talaga siyang iflush sa inidoro. Anong problema nito at lumalapit kay John, ha?!
“Enzo tara, laro tayo!!!” Hinila niya si Enzo pero ang ikinagulat ko sa lahat ay…
“WAG MO AKO HILAHIN OMAYGAHD JOHN HELP!” Hinahatak na din ako ni Enzo at hinawakan ko naman si John sa braso (uy chansing) pero nahatak din siya kaya na no choice kami at napapunta sa may center thingy na ginawa ditto sa bahay nila.
“Ito ang gagawin, ipapasa pasa lang 'yung mga baraha hanggang dito” Tinuro ni malanding girl 'yung mga bowl na magkakatabi sa may dulo. “4 members per team at paramihan lang ng baraha na malalagay sa bowl. Pero syempre, may twist ang game. Bawal gamitin ang kamay sa pagpapasa, labi lang ang pwede”
"Teka paano 'yun?" Tanong ko.
"Well, your style. Bawal kagatin so ang kailangan gawin, higupin mo 'yung baraha hanggang makarating sa partner mo or else..." Ngumiti siya kay John na hindi naman siya napansin at feeling ko gustong pumilantik ang kamao ko papunta sa mukha ng babaeng 'yan.
WATDAHEK, ANONG PINAGSASASABI NITONG BABAENG TO! PANG MALANDING GAME ATA 'TO EH.
“At dahil kasali si birthday boy. Enzo” Hinawakan niya sa braso si Enzo. “You choose your team”
Napatingin ako sa kanya at nakita kong napatingin din siya sa akin. OMAYGAHD NO ENZO, STOP! Don't!
“Siya” Hinawakan niya ako sa braso. “Si John at ikaw” pertaining dun sa malandi.
Nanlaki lalo ang mata ko, OMAYGAHD THIS IS MY CHANCE PARA MACHANSINGAN LALO SI JOHN! Hahaha okay joke.
Pinwesto na kami nung nagfifeeling referee at kinilig naman daw ako sa pwesto ko pero nabadtrip din kasi 'yung malandi ang una, sunod si John tapos ako then huli si Enzo. Syempre wapakels ako kay Enzo pero omaygahd 'yung malandi!
What if malaglag 'yung baraha?! Eh di nagkiss sila?! OMAYGAHD HUHUHU.
Nagsimula na 'yung game at hinihintay ko na lang 'yung baraha. Kinuha na nung girl 'yung baraha then pinasa niya kay John. Nagkatinginan kami ni John at bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Syaks, bakit ako kinakabahan.
Medyo bumaba ako ng kaunti para mapasa niya sa akin 'yung baraha at nung napasa na niya, bumilis naman ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko kasi 'yung labi niya na para bang nagkiss kami pero may baraha nga lang.
Pinasa ko na kay Enzo yung baraha at paglingon ko kay John.
OMAYGAHD, MAY IPAPASA SIYA ULIT.
Huhuhuhuhuhu baka bigla na lang akong himatayin sa kilig huhuhuhuhuhu.
After ilang pasahan, narinig ko na lang na nagkocountdown na 'yung mga nanonood sa amin. Medyo nagpapanic na kami dahil marami na rin 'yung ibang kalaban at nung ipapasa na sa akin ni John yung baraha sa labi niya, biglang nalaglag 'yung baraha at bago pa kami makareact...
...
...
NAGKISS KAMI!!!!
JOKE.
Ang totoo n'yan eh muntikan nang magkadampi ang mga labi namin pero nagulat ako ng biglang may humawak sa bibig ko na parang tinakpan kaya ang nadampian ng labi ni John ay 'yung kamay nung humawak sa labi ko.
Si Enzo.
PAKSYET TONG ENZO NA TO PANIRA MOMENT EH ANG EPAL TALAGA.
“Okay, play time’s over” Pagalit na sigaw ni Enzo. Nagkatitigan muna kami ni John na parang parehas kaming nagulat sa pangyayari. Tinanggal naman na ni Enzo 'yung kamay niya sa bibig ko at ewan, napatahimik kaming tatlo.
Bumalik kami ni John sa table namin habang si Enzo ay parang may hinilang someone dun sa group of guys at lumabas. Feel na feel ko ang awkwardness between sa amin ni John. Hays.
“Sorry kanina” Napatingin naman ako sa kanya.
“Para saan?”
“Dun sa baraha, nawalan kasi ako ng hininga kung hindi lang kay Enzo baka dumampi…” Hindi niya tinapos 'yung sasabihin niya siguro dahil nahiya.
Ewan ko kung manyak ba ako or what pero… kinikilig ako pag naiimagine kong natuloy 'yung ‘dampi’ na 'yun ahihihihi.
Medyo nagtagal pa kami ng kaunti sa bahay nila pero nung mapansin kong 12am na, nag aya na akong umuwi. May ilang hindi pa umuuwi dahil nagpapakawild na 'yung mga bisita. As in sumasayaw na hindi ko malaman kung highschool pa rin ba sila at may mga nag iinom na.
“Sure ba kayong okay na kayo dito?” Tanong sa amin ni Enzo na parang ewan din ang kinikilos simula pagtapos nung game kanina. Tumango lang kaming dalawa ni John at bumaba na sa kotse nila. Hinatid kasi kami ng kuya niya dito sa pasay. “Uhm sige, ingat kayo”
Pero ang nakakatawa n'yan, nung umalis na sila Enzo…biglang umulan at hindi lang basta basta ulan dahil malakas na ulan 'yon. Agad agad kaming tumakbo para may masilungan dahil wala pang jeep na dumadaan. Nagulat naman ako dahil biglang tumawa si John at tumingin sa langit.
“Nakakatawa talaga eh no”
“Bakit?” Pagtataka ko.
“Pag magkasama tayo, laging umuulan” Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Actually dapat kikiligin na talaga ako pero antok na kasi ako dahil 1am na at gusto ko na matulog. Nahiya pa nga ako dahil bigla akong nahikab.
“Gusto mo bang magpatila muna ng ulan?” Hindi ko napansin na nakatingin lang ako kay John at nakasimangot pa ako kaya bigla siyang tumawa.
“Ang cute mo, para kang bata!” Kikiligin na talaga ako eh! Inaantok lang talaga ako ng sobra at gusto ko na matulog!
Pero ang pinaka kinagulat ko ay nung napatigil siya, may tinignan na kung ano at tumingin sa akin ng seryoso.
“Mahal kita!”
Wait, WHAT!? Bakit biglang nawala ang antok ko?!
---x
Author's Note:
Thank you for reading this. Ang mga nagbabasa nito ay sa tingin ko ang mga tunay na readers ko na kahit hindi ito 'yung afgitmolfm na bigatin eh handa pa rin silang basahin kahit ano pa ang isulat ko so thank you po and belated Merry Christmas!
Dedicated kay ate Lily dahil sa sagot niya sa prologue na "Silang dalawa ang pipiliin ko". Hindi ko kinaya ang pagkagahaman sa lalake! Hahaha joklang pero thank you dahil ikaw unang nagsagot n'yan :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top