Ch14: Music video tuwing umu @ulaaaann

Pwede bang… hindi ko na lang narinig?

Pwede bang… nakalimutan ko na lang?

Pwede bang… huwag ko munang malaman?

Halos ilang araw na rin ang nakakaraan mula nung insidenteng 'yun. Hindi kami nag usap ni Enzo tungkol sa nangyari sa clinic at hindi rin naman nabring out 'yung topic nung binulong niya—actually, bulong lang naman kasi talaga 'yun.

Kung bakit ba ang epal ng tenga ko at narinig ko 'yun, eh di sana—hindi ako nakakaramdam ng awkwardness ngayon?

Hindi niya alam na narinig ko 'yung bulong niya at hindi ko na papaalam pa sa kanya na narinig ko nga 'yun. Bakit? Hindi ko rin alam, siguro napaisip lang ako pagkauwi ko ng bahay. Ngayong alam ko na ang pinuputok ng butsi niya, ano na mangyayari?

Dalawa lang 'yan.

Hindi.

Oo.

At sa dalawang sagot na 'yan, wala ang gusto ko.

Napabuntong hininga ako matapos ng klase namin. Kanina pa ako uwing uwi, siguro kasi ayaw ko pa talaga makita si Enzo? Siguro kasi kapag nandyan siya, sobra pa sa sobra ang awkwardness sa aming dalawa? PERO KASI SIYA EH! Oo, sinisisi ko siya.

Kung hindi ba naman siya isa't kalahating tanga, eh hindi ako makakaramdam ng ganito.

At kung hindi rin naman ako isa't kalahating chismosa, hindi tatalas ng grabe ang panrinig ko.

“Good bye and take you Miss, see you tomorrow. Classmates, study your lessons”

Nagmadali ako sa pag aayos ng mga gamit ko. Nagbabye na rin ang ilan sa mga classmates ko. Pumunta ako sa locker area para ilagay 'yung mga notebook at books ko dahil nakakatamad dalhin. Pagbukas ko ng bag ko, medyo napatigil ako sa nakita ko.

Payong ni Enzo.

And as if on cue, napatingin ako sa may binata at nakita kong umuulan pala.

Napabuntong hininga ulit ako, pahiram muna ah, Enzo?

Bumaba na ako at lumabas ng school. Binuksan ko 'yung payong at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan. Nagmumuni-muni lang ako habang naglalakad, medyo kumakanta kanta pa para mafeel ko ang music video habang umuulan nang biglang…

Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Naglalakad lang siya ng dahan dahan, hindi niya iniinda kahit na mabasa ang uniform at mga gamit niya. Ano kayang ginagawa niya at hinahayaan niyang mabasa siya ng ulan? Nasaang parte na kaya siya ng sarili niyang music video?

Hindi ko malaman kung bakit pero tumakbo ako at lumapit sa kanya, ang epal ko man pero ewan ko, gusto kong mapasali sa loob ng music video niya.

“Huy kuya! Bakit ka nagpapabasa?” Nagulat siya sa paglapit at sa pagpayong ko sa kanya. Napangiti lang siya sa akin at tumingin sa langit sa harap namin.

“Alam mo, gusto ko ang ulan” Panimula niya. Feeling ko tuloy, biglang nagkaroon ng background music ng…


♪ ♫ Lagi na lang umuulaaaann
Parang walang katapusan

“Bakit naman?” Sabay na kaming naglalakad at ayaw ko man pansinin, nagtatagpo ang mga braso namin.

KINIKILIG AKO JUSKO PO LORD.

“Kasi tuwing umuulan, no one notices when I cry” Napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin 'yun. Medyo nagtagal ng ilan pang segundo ang pagtitig ko sa kanya hanggang sa…

“HAHAHAHA SYET ANG KORNI MO! HAHAHAHA” Sabay tulak ko pa sa kanya ng kaunti. Tawa lang ako nang tawa at pati na rin siya, tumatawa. “Badtrip, ang emo kainis! Hahahahaha

Hindi ko sure kung bakit ako natatawa talaga hanggang ngayon. Dahil ba sa kakornihan niya o dahil ba sa… kinikilig ako?

AHIHIHIHIHIHI.

“De joklang. Wala kasi akong payong, eh uwing uwi na ako kaya ayun” Napatango na lang ako dahil wala na akong iba pang masabi. Nakakaramdam na ako ng awkwardness, nakakainis naman hays. Nakarating na kami sa may sakayan, maglalakad lang pala siya kaya hindi kami sabay sa jeep pero parehas kaming tumawid.

“Oo nga pala, salamat sa pagpayong. Zelle, di ba?” Tumango ako at napangiti habang 'yung puso ko naman ay kumakabog na naman. Heart, CHILLAX LANG. Pero syet, KILALA NIYA AKO!!!!! “John nga pala”

Ngumiti lang ako, actually kung hindi lang niya sinabing aalis na siya, hindi pa ako babalik sa earth. SYET. Ito na ba? Ito na ba ang simula?

NAKO, THANK YOU ULAN KUNG GANUN MAN.

Masaya akong umuwi ng bahay. Hindi mawala 'yung ngiti ko hanggang sa maggabi na at napagdesisyunan kong mag online. Agad agad akong nagstatus sa facebook sa sobrang kakiligan ko na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala.

 

Pwede bang, pasali sa sarili mong music video? ♥

 

Wala pang ilang minuto, may mga jeje ng nag comment at may ilang kaklase na nagsabing ang landi ko daw at anong music video itong kinakana-kana ko. Snob ko lang sila, snobbish ako eh. So habang nagtitingin tingin sa facebook, biglang nagred 'yung friend request notification ko at feeling ko sasabog na ako sa nakita ko.

John A. Tan added you as a friend

OMAYGAHD LORD, TOTOO PO BA ITO? BAKA PINAGTITRIPAN NIYO AKO? BAKA NAMAN, BAKA NAMAN POSER NIYA 'TO?!

Nanginginig ang mga kamay at nanlalamig kong inaccept ang friend request mula sa isang “John A. Tan”. Viniew ko ang timeline niya at bumungad sa akin ang picture niya—lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

TOTOO BA TO?! TOTOO BA TO?!?!?!!!

Nagscroll down pa ako hanggang sa may nakita akong status niya na kakaupdate lang din niya ngayong gabi.

SALAMAT, kilala mo na kung sino ka :)

 

Bago pa bumilis lalo ang tibok ng puso ko, may nag pop up namang chatbox at feeling ko, sasabog na lahat ng veins ko sa katawan sa sobrang kaba, saya, gulat at kilig.

Uy Zelle :D

 

Si John, omaygahd si John chinat ako omaygahd!! Nagtatatalon talon pa ako at hindi ako mapakali kaya nagpunta muna ako ng kama at nagsisisigaw sigaw hanggang sa makuntento na ako. Ngiting ngiti akong bumalik sa harap ng computer at magrereply na sana ako nang biglang…

…ERROR CONNECTION.

WTF?! WTF?!!!!

---x
Author's Note:
Sana, may nagbabasa pa rin hahahaha ito ay isang after shock birthday update ko chos lang. Dedicated kay Chie dahil wala lang, trip ko lang deh joke, dahil sa pag sagot ng tanong sa prologue ahihi. Thank you sa mga naghihintay ng update nito at sobraaaang salamat sa mga nagkocomment. Aheheheks ^^v 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top