Ch13: Sorry hangover

Napatitig ako sa text ni Enzo ng mga ilang minuto para madecipher kung ano kinakana kana niya sa text na 'to.

g manhid mo

Ano ba 'to? Para sa akin or na wrong send siya? I mean, SINO SI G? Sa pagkakaalam ko, ako si Z--or okay pwede na ring C for my real name pero wala sa pangalan ko ang G. Ay wait, nasa apelido ko pala yun na "HindimapantayanGkaGandahan" pero kahit na, G?! G? Sino ba 'yun.

Teka, magrereply pa ba ako?

Err, wag na nga. Kaasar talaga 'tong lalaking 'to eh. Gabing gabi na gumaganito pa ng text.

Excited akong pumasok ng school dahil makikita ko ulit si John sa klase. Ang saya lang dahil magkaklase kami, may dahilan para magkausap kami.

Tulad na lang... ngayon.

"Zelle, may index card ka ba?" Tanong sa akin ng isa naming kaklase na unknown ang pangalan dahil wala naman akong pakielam sa kanya.

"Ay, wala eh--wait hanap tayo"

Syempre ako, lilinga kung saan-saan kuno hanggang sa marating ng mga mata ko ang nasa harap kong si John na kumuha ng index card mula sa kanyang bag.

EHEM EHEM, hindi ako nagpapacute okay? Kailangan lang ng kaklase namin ang index card at life and death situation 'yon. Dahil isa akong mabait at huwarang kaklase, tutulungan ko siya magkaindex card.

Yun lang 'yun, no other reasons.

"Uhm, kuya..." Kinalabit ko si John kaya napatingin siya sa akin.

GOOSEBUMPS, ang dramatic ng pagtingin niya sa akin omaygahd ampogi.

“Ano kasi, may index ka pa?” ngumiti naman siya sa akin. NGUMITI SIYA SA AKIN SYET LANG at kumuha ng index card sa bag niya at binigay sa akin.

Napatingin ako sa index card na hawak ko at feeling ko ayaw ko na ibigay ito sa kaklase ko pero dahil may index naman ako sa bag ko—ay wait, ahihihi may index pala ako sa bag ko hindi ko namalayan nanghingi pa ako kay John ahihihi.

“O, inde—” Ibibigay ko nasana'yung index card sa kaklase kong nanghihingi nang magulat ako sa paghawak ni John sa kamay ko.

“Sa'yo na 'yan, meron pa akong isa dito” Natulala lang ako sa nangyari at napansin ko na lang na nagthank you 'yung kaklase namin sa kanya.

OMAYPAKINGAD HAWAKAN NG KAMAY BASIS NA BA KAMI!?

Okay joke lang sa hawak ng kamay, more like pinigilan lang niya 'yung kamay ko, pero hinawakan pa din niya okay!!! Hindi ako ilusyunada!

Pero pagtalikod na pagtalikod niya sa akin para humarap sa board, napayuko agad ako at ngiting ngiti sa nangyari.

Ano ba naman 'tong buhay na 'to oh, pinapasabog ako sa sobrang kilig eh! Ahihihihihi.

Sa sobrang kilig na naramdaman ko, napansin ko lang na wala pala sa tabi ko si Enzo. Nung pagpasok na pagpasok niya ng classroom eh bigla niya akong tinuro at biglang sumigaw ng:

“Ikaw!”

Napatingin sa akin lahat ng kaklase namin, including John at ako naman eh takang taka sa nangyayari.

Sinamaan ko ang tingin ko kay Enzo na parang natatawa tawa pa na hindi ko malaman.

“Mr. Walangmaisipnaapelido, aga natin ah?” Pagpansin sa kanya ng teacher namin.

“Ahahahaha onga eh ahahaha” Hala, sabog nitong si Enzo bakit niya ginaganyan teacher namin?! Matapos ang spotlight sa akin dahil sa pagturo ni Enzo, may kaklase ako na lumapit sa akin at binulungan ako.

“Anong nangyari kay Enzo? Mukhang may hangover ah?” Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam kung ano nga ang nangyari sa kanya.

Medyo kinausap pa siya ng teacher namin “in private” kaya nagkagulo pa ng kaunti 'yung mga kaklase ko kasi nasa labas sila Enzo at 'yung teacher namin.

Teka, hangover? Yun 'yung kapag uminom tapos… teka, tama ba? Wala akong masyadong alam sa mga ganung terms eh! Lasing ba ibig sabihin nun?

Nagsitahimik naman agad mga kaklase ko pagpapasok ng teacher namin at ni Enzo.

“Just… just be quiet” Pahabol na sabi ng teacher namin.

“Yes ma'am!” Nagsallute naman si Enzo at gumegewang na naglakad papunta sa tabi ko at umupo. “Yo, Zelle!”

Ngiting ngiti na bati sa akin ni Enzo. Sinamaan ko naman ang tingin ko sa kanya sabay binatukan siya.

“Walangya ka, bakit mo ako tinuro kanina? Nakakahiya ka talaga kahit kelan”

“Ahahahaha wala lang ahahaha” Nanlaki ang mata ko dahil sobrang lakas ng boses ni Enzo kaya napahawak agad ako sa bibig niya para takpan pero naramdaman kong may laway na dumampi sa kamay ko.

YUCK EWW GROSS!!!!!

“Mr. Walangmaisipnaapelido!” Pasigaw na sabi ni ma'am.

Tinanggal naman ni Enzo 'yung kamay ko sa bibig niya. “Oo na, ssh na, oo na…”

ANO BA YAN, ANO BANG NANGYAYARI SA LALAKING TO BAKIT ANG LAKAS NG BOSES.

“Pweh, ano ba 'yan Zelle, panget ng lasa ng kamay mo” Nanlaki ulit ang mga mata ko sa sobrang lakas ng sinabi niya. Pinapahiya ba talaga niya ako!?

“Mr. Walangmaisipnaapelido, pumunta ka na lang sa clinic para makapagpahinga. You’re excused” Napabuntong hininga naman si ma'am at agad tumayo si Enzo.

“YES! Ano, inggit ka Zelle no? Hahahaha bye!” Nag iinit na ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan. Syet na malagkit 'yang si Enzo, ang sarap ibaon sa lupa!

At feeling ko gusto ko na talagang bumaon sa lupa dahil napatingin sa akin si John. Syet sorry John, nakakahiya kasi 'tong epal na lalaki na 'to eh.

Dumaan ang oras at nag uwian na. Hindi ko na alam kung may mukha pa akong maihaharap kay John—okay meron pa naman. Sa ganda kong 'to?! Joke. Pero meron pa nga kase, yun lang nakakahiya.

Ito 'yung mga panahong ayaw ko munang makita si John sa school dahil sa kahihiyan na idinulot sa akin ni Enzo pero malakas talaga ang trip ng tadhana dahil mga 3 times kong nakita at nakasalubong si John nung pumunta ako ng locker area, pumunta ako sa cr at ngayon na papunta ako sa clinic.

Hay, lakas talaga ng trip ng mundo.

Pagkakita na pagkakita ko kay Enzo, binatukan ko siya agad dahil nakaupo na siya sa higaan sa clinic.

“Aray ano ba, masakit ulo ko!” Pagrereklamo niya.

“Pasalamat ka lang hindi ka okay kung hindi napaslang na kita” Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan siya. Kasi pramis, nakakainis siya. Hindi dahilan ang “hindi siya okay” para lang maging ganun—sa klase pa, plus, nandun pa si John!

“Wow, thank you ha?” Inirapan naman niya ako. NAKOABA, ANG EPAL TALAGA NITONG LALAKING 'TO.

“Peste, oh!” Inihampas ko sa kanya 'yung binigay na review paper sa isa naming klase pagkatapos nung klase namin na kaklase namin si John.

“Ano 'to?”

 

“Alamin mo”

 

“Tss… sungit” Narinig kong bulong niya at tinignan 'yung papel na binigay ko sa kanya.

“Alis na ako” Bored kong sabi at tumalikod na sa kanya. Paalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Naaasar akong lumingon sa kanya at napansin kong ang seryoso ng mukha niya.

“Nareceive mo?” Napataas naman ang kilay ko. “Yung… text ko?”

At ewan ko ba, bigla na lang lumakas kabog ng dibdib ko.

“Anong text?”

“Yung, text ko. Last text?” Inialis ko 'yung pagkakahawak niya sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay—pero nanlalamig na ako kahit mahina lang ang aircon sa loob ng clinic.

“Text? Wala eh. Bakit?” Parang nagulat naman siya na hindi ko malaman kung ano naging reaksyon niya. Basta, parang nagulat siya or nadismaya ata hindi ako sure. Yumuko naman siya at nagbuntong hininga.

“Zelle…” Bulong niya, mahina pero rinig. Hindi ako nagreact, nakayuko lang siya then nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan 'yung wrist ko sabay tingin sa akin.

“Nakakainis ka talaga…” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. “Nakakainis, bwisit”

“Hahaha ano ba nangyayari sa'yo? Nababaliw ka na naman hahaha” I tried to laugh, ang fake lang talaga ng dating dahil kinakabahan talaga ako.

Ano bang nangyayari dito kay Enzo?

“Sorry…” Tinanggal ko pagkakahawak niya sa wrist ko at tumingin tingin sa paligid.

“Anong pinagsasasabi mo?”

 

“Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nagsosorry?” Titig na titig siya sa akin kaya sobrang naiilang na ako. Lingon naman ako nang lingon kung saan saan dahil nakakakaba na 'yung mga nangyayari.

“Zelle…” Nagulat ako lalo dahil hinawakan niya 'yung mukha ko at tinutok sa kanya kaya magkaharap na talaga kami at wala na akong takas. “Sorry na kasi…”

“Okay sige, apology accepted. Uwi na ako” Tinanggal ko paghawak niya sa mukha ko at medyo lumayo sa kanya.

“Hindi mo talaga itatanong kung bakit ako nagsosorry?” Oh please Enzo, kung ano man 'yang balak mong sabihin, wag mo na ituloy.

Hindi ako tanga at hindi ako manhid pero Enzo please, stop.

“Para saan pa eh nagsorry ka na? Sige, alis na ako” Tumalikod na ako at agad agad na umalis pero lalo akong kinabahan at nilamig nung marinig ko ang bulong niya—bulong pero loud and clear kong narinig.

“Sorry, gusto kita”


---x
Author's Note:
Kailangan ko ata humingi ng kapatawaran ng ilang beses dahil sobrang tagal na panahon ang inabot bago ako nakapag update. Sobrang busy lang talaga, I'm sorry sa mga patuloy na naghihintay (sana meron pa ring nagbabasa nito) at thank you sa mga taong hanggang ngayon ay binabasa pa rin ang JOA :)

Dedicated to KwinDeAlva dahil isa siya sa mga sumagot sa tanong sa prologue. Thank you sa pagpansin ng JOA :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top