Ch11: Classmates

Hindi naman talaga umiikot ang mundo ko sa pagpapacute-kuno kay John. Actually, marami naman ang nangyari sa akin the whole term—nagkataon lang na parang siya ang naging highlight ng buong term ko sa school.

Pumapasok naman ako ng school para mag aral pero hindi maaalis sa isip ko na gusto ko siya makita o masilayan kahit isang sandali lang. Kumbaga okay lang naman kung hindi ko siya makita everyday na nasa school ako pero super duper plus points sa kilig meter kapag nakita ko siya at nakatinginan ko pa.

Ngayong bago na ang term namin, hindi ko na alam kung sa BAUL Ac pa rin ba siya mag aaral or what. Syempre wala naman akong idea kung anong nangyayari a buhay niya at hindi ko siya mastalk sa facebook dahil super private siya at hindi ko siya maadd sa facebook dahil ayokong matawag na stalker.

So anyways, bagong term, bagong mga subjects, bagong mga kaklase, bagong mga makikilala—pero sana naman si John, nandito pa rin sa school mag aaral di ba? Sana lang talaga please lang.

Ewan ko ba, pero simula nung huling kita namin sa may hagdan tapos nakakita ako ng puting uwak, parang gusto ko magpaparty sa sobrang saya. Hindi ko naman kasi expected 'yun pero grabe lang 'yung nangyari, as in buong araw akong ngiting ngiti.

At syempre, si Enzo na epal ang sinabi niya sa akin buong araw na 'yun eh:

“Wag ka nga ngingiti ngiti, para kang ewan. Bakit ka ba nangiti ng ganyan?”

Pero syempre hindi ko siya pinansin noon kaya hanggang makauwi ako eh masaya ako.

Walang basagan ng trip.

Bago mag pasukan, buong araw akong nagfacebook lang nang nagfacebook. Hindi ko maitatanggi na sa tuwing nagkakared ang notification ng facebook kapag may nag aadd sa akin, lagi kong ineexpect makita ito:

You have a request from John A. Tan to add him as your husband.

Ay wait, joke lang! Hindi pala 'yan, ito pala:

You have a request from John A. Tan to add him as your boyfriend.

Hahaha okay fine, hindi na nga ako mangangarap.

Kahit simpleng friend reuqest lang talaga mula kay John, masaya na ako. As in. Kahit next time na lang 'yung boyfriend at husband, papakipot muna ako syempre. Ahihihi.

But anyways, sa buong araw na nagfacebook ako.

Wala. Fail. Bigo.

Patulog na sana ako nung mga oras na 1am pero nagulat ako sa nagtext sa akin. Syempre, I won't expect na si John 'yun dahil malay ba niya kung anong number ko pero kung siya man.

PWEDE NA AKO MAMATAY SA KILIG PLES.

But unfortunately or fortunately dahil hindi pa ako mamamatay, si Enzo lang ang nagtext:

Uy pre, bukas pumasok ka a?

Nagreply naman ako ng:

Kdot

Nilapag ko na ulit 'yung phone ko sa table at bumalik na sa pagkakahiga pero hindi pa ako nakakapikit, mag nagtext na naman. Nako 'tong Enzo na 'to ang kulit eh! Pagkabasa ko naman, nagtaka ako sa text niya.

Nakakainis ka.

Watdahek? Anong nakakainis ako? Abnormal talaga 'tong lalaking 'to nag aadik na naman. Iniisip ko pa kung rereplyan ko siya or what dahil 1am na omaygahd lang. Ano 'yun, magtetextmate kami ng ganitong oras plus may pasok pa kami bukas?

Rereplyan ko sana siya ng kdot ulit pero may nagtext ulit sa akin. Pagtingin ko naman, si Enzo na naman. Napakunot naman ang noo ko sa text niya.

Alam mo Zelle, nakakainis ka talaga.

Isa pang ganyan niya papatayin ko siya. Hay nako! Ano bang nakakainis amp ako naiinis sa kanya madaling araw tapos text ng text. Nako, nag iinom na naman siguro 'yun nako.

Rereplyan ko na sana talaga siya na naiinis na din ako sa mga pinagtetext niya pero nagtext siya ulit. Ngayon, hindi ko na alam kung anong irereact ko sa text niyang:



Sorry.

ANO BA, ANG GULO. WATDAHEK ANO BA NANGYAYARI SA ENZO NA 'YUN? BAKA KINUKULAM NA OR WHAT. Itatanong ko sana kung bakit siya nagsosorry pero nagtext na naman siya. Mas lalong hindi ko na alam ang irereact ko sa nabasa ko:



Sorry Zelle, sorry. Pero alam mo, nakakainis ka talaga eh. Sobra. Badtrip na badtrip na ako sa'yo. Bakit ba an *some text missing*

WATDAHEK ULIT, BAKIT SOME TEXT MISSING?! NAKAKALOKA AYOKO NA ITUTULOG KO NA LANG 'TO BADTRIP NA ENZO 'YAN ANG EPAL TALAGA.

So the next day, hindi na nakakagulat ng malate ako ng gising kaya late na ako. Tinatamad na talaga ako pumasok dahil alam kong orientation lang naman ang gagawin per subject pero dahil itong konsensya ko, binubulong ba naman sa akin ang motivation ko:


pumasok ka na Zelle, pumasok ka na... baka makita mo si John sa school...

Deh ayun, napabangon ako ng wala sa oras. Una kong tinignan ang cellphone ko kung may nagtext ba or what pero nagulat ako dahil nagtext si Elle at ang text niyang 'yun ang nakapagpadesisyon sa akin na huwag na nga lang pumasok.

BAULers, we all need to wear our halloween costume in our first day to celebrate the second term of the year. Please be reminded: No costume, no attendance. Better wear your best scary costume now and have fun studying! See you! :)

Da hek lang di ba? Halloween costume? Sa school? Nakakaloka. Iba talaga trip ng president ng school namin. Ang lawak ng imagination eh, hindi ko kinaya.

But the point here is, hindi na ako pumasok at kinabukasan na lang ako pumasok dahil sobrang nakakatamad talaga at ayaw kong mag costume.

Masaya akong naglalakad papunta sa room haggang sa...

“Zelle!” Paglingon ko, napansin kong hinihingal pa si Enzo sa harap ko. “Bakit ba ang bilis mo maglakad!” Hinga. “Hinabol pa kita...”

Tinignan ko siya with my noo na nakakunot.

“Huwag mo kasi akong habulin!” Natatawa kong sabi sabay irap. Binuksan ko na 'yung pintuan ng room at bago pa ako makapasok, may narinig akong sinabi niya.

“Gusto kitang habulin eh...” Hindi na ako lumingon pa at naupo na lang sa isang upuan.

“Pumasok ka ba kahapon?” Tanong ko kay Enzo.

“Hindi eh. Ikaw, pumasok ka?” Ang weird talaga minsan ng mga tao ano? Kaya ko nga tinanong kung pumasok siya dahil obviously, wala ako dito kaya hindi ko alam. Ang weird lang na itanong niya sa akin kung pumasok ba ako eh hindi ko nga alam na pumasok siya.

I mean, kung pumasok ako, dapat alam kong hindi siya pumasok di ba? Sa isip ko lang sana 'to sasabihin pero dahil nakakabadtrip si Enzo (joke, trip ko lang siya basagin) eh sasabihin ko sa kanya.

“Kung pumasok ako, dapat alam ko—” Napatigil ako dahil napatingin ako sa may pintuan at parang tumigil ang lahat sa nakita ko.

“Alam mo ang alin?” Napatingin ako kay Enzo na nagtataka dahil napatigil ako sa sinasabi ko.

Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi lang pumasok si John sa classroom, naupo pa siya sa upuan sa harap ko.

Oh sht lang, kaklase ko siya?! 



---x
Author's Note:
More exposure for John sa mga susunod na updates! Yay. Pasensya na sobrang tagal mag update, busy bee ng onti sa school eh.. hehehe.

Salamat sa patuloy na pagbabasa at pagkocomment, really appreciate it. This chapter is dedicated to Roselyntorreswatty for answering the question sa prologue. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top