Ch10: Puting uwak

Baliw? Assumera? Abnormal?

Oo, siguro baliw na nga ako. Assume na nga ako nang assume at abnormal na nga sigurong maituturing dahil sa parang adik na ako kay John. Hindi naman ako adik talaga eh, parang lagi ko lang siyang hinahanap hanap.

Ganun lang, nothing more.

Hindi ko naman masyadong hinihiling na makausap ko siya o maging kaclose dahil may huge possibility na kapag naging close kami or nagkausap, dalawa lang 'yan:

Aayawan ko siya.

Lalo ko siyang magugustuhan.

Okay na ako sa ganitong set up siguro. Yung abot ko siya pero hindi ko mahahawakan. Yung nakikita ko siya pero hindi ko pwede makausap. Yung pwede ko siya makausap pero hindi.

Basta, yung saktong kilig.

Yung pwede ko siya maging daily dose of kilig.

Pero masama na ba talaga ngayon kung hihiling ako ng isang sign ngayong araw na last day of the term na? Next week enrollment na namin at hindi ko na alam kung ano mangyayari sa susunod. Meron kasi ng kumakalabit sa utak ko na gusto ako makausap ni John.

Lalo na nung last incident sa cafeteria, ang epal lang talaga ni Enzo.

*insert buntong hininga here*

"We need to finish all of it, okay?" Sigaw ng isa naming kaklase.

Actually, buong school body ang busy ngayong week lalo na ngayong araw dahil last day na nga ng term, may mga lilipat sa school namin kaya kailangan namin linisin ang buong school at design-an. At dahil mag hahalloween na, horror school ang BAUL Ac for the next term.

Umupo muna ako sa isang tabi at taimtim na nakipag usap kay God with matching pagpikit pa ng aking beautiful eyes.

Dear Lord God,

I know ang weird dahil ang taas ng sikat ng araw at sobrang init pero heto ako ngayon at kinakausap po Kayo. Gusto ko lang po magpasalamat sa buhay na binigay Niyo po sa akin. Humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko po atsanapo ay huwag Niyo po ako papabayaan. Actually, huwag Niyo po kaming lahat papabayaan, kaming mga anak Niyo po.

PS: Lord God, hihingi lang po ako ng sign. If ever soulmate ko po si John, gusto ko po sana  makakita ng itim na uwak bago matapos ang araw na ito.

Thanks po.

Ang pinaka maganda Niyo pong anak,
Zelle.

Dumilat na ako mula sa mataimtim na panalangin ko nang...

"AYSOULMATEKAMINGCRUSHKOPAGNAKAKITAAKONGITIMNAUWAK!" Napasigaw ako dahil nagulat ako sa sobrang lapit sa akin ni Enzo na nakatingin with his nagtatakang mukha. "Pusang gala ka naman, bakit ka nasa harap ko!?"

"Itsura mo kasi eh! Hahahahaha tska teka ano, pagnakakita ka ng itim na uwak , soulmate kayo ng crush mo?" Tinignan niya ako, again with nagtatakang mukha.

"Wala kang pakielam" Patayo nasana ako pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. As in, kailangan sa kamay?!

"Ayan ka na naman sa crush mo eh, sino ba 'yan ha?" Napakunot ang noo ko dahil sa pagkunot ng noo niya.Aba, anong pakielam niya?

"Secret..." Inialis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad pero pinigilan na naman niya ako. Ngayon naman, hinawakan niya ako sa braso.

"Wait, masyadong madali 'yang itim na uwak na 'yan eh..." Hay nako, ano na naman ba ang kinakana kana ng abnormal na 'to?

"O tapos?" Ewan, nararamdaman ko kasing naiinis na ako sa inaasal niya.

"Try nating..." Nag pose naman siya na kunwari nag iisip siya pero I doubt it dahil, may isip ba siya?! Okay joke ang sama ko. "...puting uwak"

"Seryoso ka ba d'yan?!" Unti unti na namang nagkukunot ang noo ko. "Eh imposibleng mangyari yang sinasabi mo eh"

"Exactly!" Ako naman ngayon ang nagbigay ng nagtataka na mukha.

"Ha?"

"Imposible kasi yang iniisip mong soulmate soulmate na 'yan. Hahahahaha" Naningkit ang maganda kong mata at tinitigan siya. Kung nakakapatay lang 'tong titig na 'to, napatay ko na 'tong lalaki na 'to eh.

"Ewan ko sa'yo, Enzo..." Lumayas na ko sa harap niya dahil kung hindi, nabatukan ko na siya ng wala sa oras.

Actually, ewan ko kung ano nangyayari sa kanya eh. Minsan ang seryoso, minsan naman hindi. Nakakaburyo! Tapos 'yung mga joke niya nakakainis na din.

Or kaya lang siguro ako naiinis sa kanya dahil dun sa pag epal niya sa muntikan na naming moment ni John? Hay nako, ewan.

Aakyat na lang ako papunta ng library dahil gusto ko magpalamig, ayaw kong tumulong sa pagdesign ng room at baka makita ko si John sa last day namin, mainspire na din kahit papaano.

Paakyat na ako at nagsisisi ako dahil nagstairs ako. Ang taas nga pala ng building na 'to, kainis naman pero dahil nasa gitna na ako ng pag akyat, ipagpapatuloy ko na lang din 'to.

So while I'm happily going up stairs, nakarinig ako ng mga foot steps… or shoe steps? Basta ganun, na paakyat din. Lilingon sana ako pero nagulat ako sa lahat ng nangyari dahil sa sobrang bilis.

May dalawang lalaki na tumatakbo pababa at may hawak hawak na mga boxes na tinamaan ako kaya naout of balance ako.

“Aaahh~” Sa pagkaout of balance kong 'yon, medyo nabuhol ang mga paa ko at nakarinig ako ng isang malakas na sigaw na:

“Zelle!” na feeling ko ay boses ni Enzo.

Pero hindi tulad ng mga cliché kung cliché na kwento na hindi ko mararamdaman ang lapag and all other matitigas na bagay na tatama sa katawan ko, MUNTIKAN lang akong mahulog pero napakapit ako sa railings agad agad pero hindi ko inaaakala na ang nasa likod ko ay ang taong hinahanap hanap ko kanina pa.

Si John, na mukhang nagulat din sa pagkaout of balance ko.

Nagkatinginan kaming dalawa—mata sa mata.

“O-okay ka lang?” Narinig kong tanong ni Enzo at lumapit sa akin at tinulungan ako sa pag tayo ng maayos.

Hindi ko na masyadong narinig mga sinasabi ni Enzo dahil parang nakastock ang tingin amin ni John sa isa't isa. Pero hindi ito tulad ng mga romantic-comedy dramas na kailangan pang magtitigan ng mga halos 10 minutes tsaka lang matatauhan, plus hindi naman niya ako nasalo or anything kaya nagbalik sa dati ang senaryo.

Kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng puso ko at nagwawala na 'to sa dibdib ko. Nanginginig na din ang buong pagkatao ko. Syet. Nanghihina ako.

“Hala ate sorry po!” Sabi nung dalawang lalaki na nabunggo ako. Ngumiti lang ako as response pero parang feeling ko gusto ko na mabaliw sa sobrang mixed emotions sa…

“Hala sht! Naging puti 'yung uwak na display!” Napatingin kaming lahat sa nahulog na puting paint at isang uwak na nahulog mula sa box na mukhang nabuhusan nung paint.  May ilan pang papel na nahulog din mula sa box.

“Lagot tayo kay sir!”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Enzo. Nanlalaki ang mga mata ko samantalang si Enzo ay hindi malaman kung ano ang expression ng mukha.

Puting uwak.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na nakatingin din sa uwak. Napatingin siya sa akin at hindi ko malaman kung ngingitian ko ba siya or what. Napayuko na lang tuloy ako sa sobrang kaba.


Without any other word, tinuloy niya ang pag akyat niya sa hagdan habang ako napaupo na sa sobrang panghihina. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko na talaga macontrol ang lakas ng kabog nito.

“Uy bakit? May masakit ba sa'yo?” Tanong ni Enzo na parang nag aalala, napatingin lang ako sa kanya, hawak pa din ang dibdib ko dahil hindi pa rin humuhupa ang lakas ng kabog nito.

Ngayon ko lang naramdaman 'tong klaseng kaba at panghihina. Pahiyang pahiya pa ako sa harap ni John pero bakit nung nakita ko siya pati 'yung puting uwak, hindi ko mapigilang hindi ngumiti?

Lord, ito na ba 'yung hinihingi kong sign? :">

---x
Author's Note:
Ipagpasensya na ang kahibangan ni Zelle, aminin niyo na lang na ganyan din kayo sa mga crushes niyo. Hahahahahaha >:D Maraming thank you sa mga nagbabasa. Love you all :"> (ang landi!)

This chapter is dedicated to Jeykii aka  Dyeekkk na nung una nagloko pa ng sagot pero kalaunan eh nagbigay ng napaka gandang opinion tungkol sa tanong sa prologue. NAKANAMAN SI JEYKII LALIM NG PINAGHUHUGUTAN! Hahahahaha :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top