Ch1: My first friend

“Psst ate, anong ginawa last meeting?”

Dito nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Enzo—kapwa ko transferee sa bago kong school na may pangalang Bumuhos Ang Ulan Lan Academy o mas kilala bilang BAUL Academy. Ang BAUL Ac ay hindi isang prestigious school. Simpleng paaralan na may prep hanggang highschool. 

Ang totoo n'yan, 3rd year high school na ako pero alam ko namang wala kayong pakielam na 3rd year na ako pero wala din naman kayong pakielam kung sabihin kong 3rd year na ako dahil kwento ko 'to, nakikibasa ka lang.

Ang pinagkaiba lang ng Baul Ac sa ibang high school schools (wow so redundant) eh ang school namin ay nakabase sa ibang bansa. Bale para kaming mga college students na nakapang uniform ng highschool. Kanya kanya kami ng pili ng subjects as long as matugunan namin 'yung needed units every school year.

Asan na nga ba ulit tayo?

Ah oo, si Enzo.

Sa isang kalabit niya sa akin isang araw, sa isang pagtanong niya sa akin kung anong ginawa last meeting at sa isang pag ewan ko rin dahil absent din ako last time--naging magkaibigan kami.

Na minsan ay pinagsisisihan kong pinansin ko pa siya noon dahil harujusko po Lord, hangkulit po niya!

"Ano nga kasi mas pipiliin mo?" Kanina pa 'to ah? Kabadtrip na.

"Isa pang tanong mo sa akin n'yan, mamimeet mo kapwa aliens mo sa pluto" Inunahan ko na siya sa paglalakad dahil kung sasabay pa ako sa kanya sa paglalakad, hindi ko na malalaman kung ano pa magagawa ko sa kanya.

Kanina pa kasi niya tinatanong kung ano mas pipiliin ko. Yung teacher ko may kasalanan nito eh! Kung hindi lang siya nag paactivity kanina sa values education, eh di sana tumahimik na 'tong Enzo na 'to.

Paano ba naman, nakisit in 'tong si Enzo sa klase ko at ang walangya, nakijoin pa sa mini debate sa tanong na:

"Anong mas pipiliin mo: Ang taong mahal mo na hindi ka naman mahal o taong mahal ka pero hindi mo naman mahal?”




Woooh, if I know nakikichismis lang si miss sa mga lovelife ng kaklase ko eh. As for me, nagvolunteer ako maging scorer kasi ayoko lang 'yung ganyan.

I mean, love? Love agad? Anong alam ko sa mga ganyan? AGAD AGAD? Ano ako--tao. Tao ako syempre. Hehehehe.

Ay teka, kanina pa ako dadak nang dadak dito hindi pa pala ako nagpapakilala! Ehem, ehem. Mic test, 1.2.3.

HI! Ako nga pala si Angel Locsin Marian Rivera Anne Curtis Smith, 12 years old at nakatira sa MagagandaLangPwedeDito City! May kasabihan po tayo na kung akala mo panget ka, maniwala ka.

Nililigawan po ako ni Daniel Padilla pero sabi ko, huwag muna dahil may three month rule pa kami ni Elmo Magalona. You know, respect na lang sa ex. At alam kong masakit pa din kay Elmo ang mga nangyari sa amin pero sabi ko, hindi man siya makahanap ng better sa akin, alam ko na 'yon. Kaya better luck next time na lang.

Maraming nagsasabi sa akin na maganda daw ako pero hindi ako naniniwala sa kanila. I mean, hello? Ako maganda? Mga bulag ba sila? Nakakainsulto kasi hindi naman ako maganda dahil ako ay isang Diyosa! Yes, you read it right.

ISA AKONG DIYOSA.

D I Y O S A.

Ito ang kwento ko at ng taong makakatuluyan ko sa huli ay ang lalaking makakabunggu--

"AR--OUCH" Aray ko po, jusko. May nabunggo akong kasing tigas ng pader. Aray.

"Hahahahahaha. Ang tanga tanga mo talaga Criselda, nakabunggo ng pader nakatingin na nga! Hahahaha" Napatingin ako ng masama kay Enzo. HOW DARE HE CALL ME CRISELDA?!

Napatingin naman ako sa nabangga ko at magsosorry sana pero nagulat ako sa nakita ko. Talaga po Lord, balak niyo pong makatuluyan ko ang isang pader? Grabe naman po kayo! :(

"Hoy! Zelle ako! Zelle!" Babanatan ko na sana si Enzo at papunta na sa kanya ng bigla akong may nabunggo na naman at pagtingin ko...

'yung halaman. -__-

Yung totoo Lord, ayaw niyo ako magkalove life?

Napatingin naman ako kay Enzo na tawa pa din nang tawa pero imbis na mainis ako lalo, para akong naparelax nang may nakita akong parang pamilyar na lalaki na naglalakad mula sa likod ni Enzo.

Tumigil ang buong paligid, nagslowmo at nawala ang sounds. Tanging siya lang ang nakikita ko habang naglalakad. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at medyo nagkatinginan kaming dalawa. Nagkasulobong na kami pero nung paglapit ko kay Enzo, napatingin pa din ako sa kanya na ngayon ay paakyat na ng hagdanan.

"O anyare sa'yo?" Napatingin naman ako kay Enzo. Umiling ako at naglakad na ulit ako para pumunta sa next class pero hindi ko mapigilang lumingon...

..at tignan kung lumingon din ba 'yung lalaki pabalik sa akin.

---x
Author's Note:
Maraming salamat sa mga sumagot sa tanong sa prologue. Hindi ko syor kung dahil ba nagustuhan niyo 'yung tanong, gusto niyong madedicate-an o dahil natripan niyo 'yung prologue kaya niyo nilike at kinomentan. But anyways, thank you pa din!

Kung binabasa mo pa din ito, thank you din :3

Dedicated to callmeSIC dahil sa suportang natanggap ko sa kanya. Nagkaroon pa ng misunderstanding dun sa part na shinare niya tapos, hahahaha sorry ang fail ko. But anyways, thank you!

Siya din pala ang unang sumagot sa tanong ko na tumatak sa isip ko ang mga sinabi niyang;

Sa taong mahal ko pero hindi ako mahal dahil "kahit gaano kahabang panahon. kahit hindi nako mag-asawa basta mahintay ko lang sya. Handa akong magpakatanga. " Kahit hindi daw mag asawa oh? Weh? Hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top