PART VII
Nagkaka-ingay na ang lahat pero dahil sa tunog ng inaayos na mic sa speaker, tumahimik ang paligid.
"Good evening everyone! For the last program of the night, get your feet ready and partners ready for a slow dance!" Anunsyo ng kung sino man ang nagsasalita.
Teka, slow dance? May paganito sila?
"Slow dance lang pala eh. Kaya ko 'yan! Ikaw ba Jas, kaya mo?" Hamon sa akin ni Jonas habang nakangiti.
Napa-tsk na lang ako. "Ang yabang mo! Kaya ko rin 'yan," sambit ko.
Maya-maya lang ay tumugtog na ang 'Can I Have This Dance' ng High School Musical.
Nagsimula nang mag-sway ang mga taong nakapaligid sa amin. Kami na lang ang hindi.
Inilahad ni Jonas ang palad niya sa harap ko. I sadly smiled at kinuha ito. I put my other arm at his shoulder habang siya naman ay inilagay ang isa pa niyang kamay sa baywang ko. He started to dance kaya sinusundan ko na lang siya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at nagsimula na namang umiyak.
I never thought that this is the day that our friendship will end. The guy whom I trust so much left me broken in pieces. Tama nga ang sinabi nila. Kung sino yung taong pinaka-pinagkakatiwalaan mo, siya yung taong may kakayahang saktan ka nang sobra. Pero mahal ko pa rin siya eh. Ganito pala ako ka-tanga.
Kahit nakikita ko na na masaya na siya sa piling ni Keily, nagbabakasali pa rin ako na may konti pang pagmamahal na natitira para sa akin. Na ako pa rin yung pipiliin niya sa aming dalawa pagkatapos nito. Na sana panaginip na lang 'to. Kasi ang hirap tanggapin eh.
Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko ni Jonas. Tiningala ko naman siya at siya na ang nagpunas ng mga luha ko.
"Stop crying," he said. "Nakakahiya sa ibang nakakakita oh. Baka isipin nila pina-iyak kita.
Napailing na lang ako at natawa na rin. Tama siya. Nagpatuloy kami sa pagsayaw hanggang sa napansin ko na parang naiirita siya na ewan. Tingin pa siya ng tingin sa kaliwa niya. I want to see kung sino o anong tinitingnan niya pero nakakahiya eh. Baka kasi makita nila akong ganito ang ayos.
"Anong problema?" Tiningala ko siya.
Iritado siyang umiling. "Nothing. It's just that someone keeps on bumping me over and over. Parang hindi siya marunong sumayaw."
Huh? Binabanggaan siya? Bakit hindi ko nararamdaman? Sino ba 'yon? Pa-epal naman.
Mas lalo pang nagdikit ang mga kilay ko ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin. I quickly looked at the direction where it came from then my heart leaps for a second.
"Cjay?!" Banggit ko sa pangalan niya. At dahil do'n napatingin na rin si Jonas sa kanya.
"Huh? Yung nanloko sa'yo?" Tanong sa akin ni Jonas, tumango naman ako.
"Exchange partners!" Sigaw niya pero tama lang na marinig naming dalawa.
Anong—bakit—I don't understand!
Jonas looked at me na para bang tinatanong kung papayag ako kaya umiling ako. No way! Ano 'yon bigla niya akong babawiin? Pagkatapos niya akong iwanan mag-isa.
Yumuko ako at hindi na lang siya tiningnan. Kung kailan tumigil na ako sa pag-iyak saka siya muling magpaparamdam. Para ano? Para guluhin na naman ako? Hindi ko talaga siya maintindihan.
Nabigla ako nang itapon ako ni Jonas papunta sa kung saan. Mas lalo pa akong nagulat nang makita ko sa harap ko si Cjay. I was frozen in my place.
∞∞∞
Preview for the next chapter:
He sweetly smiled at me kagaya ng dati. Yumuko na lang ako at hindi tinugunan ang ngiti niya.
"Can I have this dance?" Dinig kong tanong niya. Hindi ako umimik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top