PART VI

I waited for him for like 5 minutes I think.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin.

Inakbayan ko siya sa braso. "I have a favor. Please."

Tinanggal niya naman ang pagkaka-akbay ko sa braso niya at tiningnan ako nang masama. "Ano ba 'yon?"

"Ikaw sana ang gusto kong partner. Pumayag ka na. Please," pagpapa-alam ko. Pumayag ka. Pumayag ka.

"Ano?! Ayoko!"

I pouted. "Sige na. Ngayon lang 'to."

"Ano ka!" Pagsalungat niya ulit.

"Dali na." Sinundot ko ang tagiliran niya. Nando'n kasi ang kiliti niya. "Please."

"Bakit ba ako? Saka bakit maga 'yang mata mo?" Inis niyang tanong.

Napabuntong hininga naman ako. Biglang may tumulong isang patak ng luha sa mata ko na agad ko namang napunasan pero napansin siguro ito ni Jonas dahil nawala ang pagka-inis niya.

"Anong problema?" Malambot niyang tanong.

Hinila ko siya papasok at iginiya sa paglakad habang kinikwento ang mga nangyari kahit nahihirapan na ako. Wala eh, masakit talaga.

"Pina-iyak ka niya?" Pag-uulit niya pa.

Tumango ako.

Nakita ko siyang ngumisi. "Paiiyakin din natin siya. Alam ko na ang plano mo. Gawin na agad natin."

Hayst salamat! Blessing talaga ang magka-pinsan na tulad niya.

Sinabi ko kay Jonas na bumili muna kami ng snacks. Sinunod naman niya ako kaya nandito kami sa mga booths at namimili ng mga pagkain. Wala ng masyadong tao dahil kanina pa nagsisimula ang movie. Tingin ko nga ay nasa kalahatian na ang movie dahil matagal-tagal din akong umiyak sa isang tabi.

Habang naglalakad kami papunta sa main place ay nakahawak ako nang mahigpit sa dulo ng t-shirt ni Jonas. Mas matangkad naman siya sa akin, at kung ikukumpara ko ang height niya kay Cjay ay mas matangkad pa rin siya.

Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na likod ng lalaking mahal ko. Nakasandal sa balikat niya si Keily. Para na namang pinipiga ang puso ko. Masakit talaga.

"Tumigil ka na nga sa kaiiyak! Binilhan na nga kita ng pagkain eh." Saway ni Jonas. "Punasan mo nga 'yan."

Natawa ako bigla at sinunod ang utos ni Jonas. Kasalanan ko bang may pumatak na isang butil ng luha galing sa mata ko?

Pumili kami ng pwesto sa pinakalikuran at umupo sa telang nakalatag do'n. Agad kong kinuha kay Jonas ang sweet popcorn na binili namin kanina at nilantakan ito.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong interes sa movie kaya hindi ako nanonood. Pumunta lang naman talaga ako dito para kay Cjay eh, pero mukhang nakahanap siya ng mas magandang partner. Yung mas bagay sa kanya.

Palihim akong tumitingin sa kanila at 'di ko maiwasang maluha. Ang sakit palang ipagpalit. Parang kanina lang ang saya-saya namin sa video call tapos ngayon biglang masaya na siya sa piling ng iba. Masyado ko ba siyang pinahirapan? Siguro nagsawa na siya sa akin.

Nagulat ako ng humarang ang isang kamay para matakpan ang tinitingnan ko. Inabot ni Jonas ang gilid ng ulo ko at iginiya ito papunta sa balikat niya.

"Wag mo na kasing tingnan," narinig ko ang boses niya. I slowly close my eyes kasabay ng pagtulo ng luha  sa mga mata ko.

Naalimpungatan ako dahil may tumatapik nang mahina sa pisngi ko.

"Gising na, tapos na ang movie," sabi ng isang boses. Narecognize ko lang ito ng magising ako nang tuluyan. Nakatulog pala ako.

Tinulungan ako ni Jonas na tumayo. Nakikita kong nagsisi-tayuan na rin ang iba at...at hindi ko na makita sina Cjay.

∞∞∞

Preview for the next chapter:

"Anong problema?" Tiningala ko siya.

Iritado siyang umiling. "Nothing. It's just that someone keeps on bumping me over and over. Parang hindi siya marunong sumayaw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top