PART V
Pumunta ako sa mga booths para doon bumili. I'm convincing myself na makakatulong sa akin ang ice cream at kailangan kong bumili no'n pero ako ata ang napiling pagtripan ngayon ni tadhana.
I saw the two of them, Keily and Cjay, buying at the ice cream booth. Parehas silang malawak ang ngiti at magka-akbay pa sa isa't isa.
I can't hold it anymore kaya tumakbo ako sa pinakamadilim na parte ng parke kung saan wala sa aking makakakita at doon sumiksik.
Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. I'm biting my lower lip hard to prevent any sound from escaping.
Ganito pala 'yon kasakit. Parang pinipiga ang puso ko. I can't hardly breath. I'm in an unbearable pain.
Ang sakit. Sobra. I can't explain it. Bakit? Bakit niya ako niloko? Hindi ko pa nga siya sinasagot tapos ganyan na ang gagawin niya.
Ano bang kulang sa akin? Dahil ba mataba ako? Hindi ako maganda? Sana sinabi niya. Hindi yung biglaang ganito. I can change this for him. This is unexpected that's why its so painful.
Unti-unti nang lumalabas ang mga hikbi ko. Niyakap ko ang sarili kong tuhod at pinatong do'n ang ulo ko. Hindi tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.
Bakit pa niya ako niligawan? Bakit niya biglang guguluhin ang tahimik kong mundo tapos sa huli ay iiwan lang pala rin niya ako? Hindi ko maintindihan. Am I not enough? Masaya ba akong paglaruan?
Akala ko...akala ko siya na eh. I imagined him being with me for the rest of my life. Hindi niya lang alam pero kasama na siya sa mga plano ko sa future. Parte na siya ng buhay ko. Pero wala eh...niloko niya lang ako. Bakit ba ako nagpa-uto?
"I-i love y-you, C-cjay," bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
Dapat ba sinagot ko siya ng mas maaga? Dapat ba hindi ko na siya pinahirapan? Pwes ngayon, pinagsisisihan ko na. Gusto kong mabalik ang dati. Gusto ko siyang bumalik. Mahal ko siya eh. And I can't imagine myself living with another man. Siya lang.
Saka mo lang talaga malalaman kung gaano kahalaga sa'yo ang isang tao kapag wala na siya. Pero hindi pa naman huli ang lahat 'diba? As long as buhay pa si Cjay, may pag-asa pa ako.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Unti-unti kong pinunasan ang mga luha ko. I have an idea. Kaya ko 'to kahit masakit. Mas pagsisisihan ko kapag 'di ko ito ginawa.
I took my phone inside my bag and called my cousin, madali naman niya itong nasagot.
"Hello, Jonas?" Bati ko.
"Oh? May sipon ka?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman," sagot ko. "Busy ka?"
"Hindi masyado. Bakit?"
Nakuha ko pa ring ngumiti. "Pumunta ka sa address na isi-send ko sa'yo. Aabangan kita sa gate."
Pagkatapos no'n ay ibinaba ko na ang telepono. I texted him the address of this park at naglakad na rin papunta sa gate.
Just you wait!
∞∞∞
Preview for the next chapter:
Nagulat ako ng humarang ang isang kamay para matakpan ang tinitingnan ko. Inabot ni Jonas ang gilid ng ulo ko at iginiya ito papunta sa balikat niya.
"Wag mo na kasing tingnan," narinig ko ang boses niya. I slowly close my eyes kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top