PART IV
Pagkababa ko ay bumungad agad sa akin ang gate ng parke na puno ng fairy lights, actually, yung buong parke ang napaliligiran ng fairy lights, medyo maliit lang naman kasi ito. Pero mukhang pinaghandaan talaga ang event ngayon.
Si Keily ang unang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob, nakangiti siya sa akin.
Tama...si Keily na ultimate crush ni Cjay, kaklase ko kasi siya. At aaminin ko na mas maganda siya sa akin at oo na, mas mapayat.
"Hi Jasmine! Buti nakarating ka," bungad niya sa akin.
I smiled at her too. "Oo nga eh. Anong ganap?"
She clasped her hands at mas lumawak pa ang ngiti niya. "As the co-organizer of this event, may I escort you to the waiting area?"
Tinanguan ko siya. Siya pala ang nag-organize nitong event? Nice.
Dinala niya ako sa parte ng parke kung saan mga babae lang ang nadatnan ko na naka-upo sa mga benches.
"Where are the others?" Tanong ko sa kanya. 'Di pa ba dumarating si Cjay?
"Boys you mean?" Pagdidiretso niya na tinanguan ko naman. "I forgot to tell you na kasama sa event ang paghihiwalay ng mga babae sa lalaki. Then later kapag nagsimula na, susunduin ng mga boys ang partner nila dito."
I simply nodded. "I understand. Hanap lang ako ng upuan. Pwede mo na akong iwan," sabi ko sa kanya.
Hindi naman sa pagmamataray or what pero syempre as a co-organizer busy siya sa ibang bagay kaya sinabi ko na pwede niya na akong iwan. But honestly...I'm uncomfortable na nasa paligid ko siya at hindi ko alam kung bakit.
Tumabi ako kay Alexa, isa sa mga kaklase ko, though hindi kami masyadong close. Nginitian lang namin ang isa't isa then we mind our own business na.
Base sa mga nakikita kong mukha. Puro schoolmates lang ata namin ang nabigyan ng invitation para sa event na'to, pero hindi naman ganon karami kasi masyadong maliit ang park para sa maraming bisita. Most of them are familiar to me dahil nakikita ko sila sa campus.
I used my phone for a couple of minutes bago ako makarinig ng maingay. The music started and even Keily took her seat, she looks so excited. Magsisimula na ata.
Tinago ko agad ang phone ko at naghintay ng sunod na mangyayari. Wala talaga akong kaalam-alam sa daloy ng movie night na ito. Basta ang alam ko ay sinama ako ni Cjay. Andito naman siya eh kaya siya na ang bahala sa akin. I trust him.
Maya-maya lang ay nahagilap na ng mata ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Aaminin ko na na ang gwapo niyang tingnan sa long sleeve polo shirt at black pants niya. Medyo pandak nga lang siya pero mas pandak ako sa kanya.
Habang papalapit siya ay nagtama ang paningin namin. I smiled at him pero hindi niya ako nginitian pabalik.
Is there something wrong? Ba't parang may mali. I can't explain it but I can feel it.
I am now getting worried but then I saw him smile kaya nakahinga ako ng maluwag. Siguro wala lang 'tong nararamdaman ko. Gutom lang ata ako.
Tumayo ako para salubungin siya imbis na sunduin niya ako. Oo na. Namiss ko siya. Masama ba 'yon?
Mas lumawak pa ang ngiti ko dahil mas malapit na kami sa isa't isa. I was about to hug him but then—
"Keily, will you be my partner?" Narinig ko ang mga katagang lumabas sa bibig niya.
Doon ako natigilan. Tama ba ang narinig ko? Keily? I slowly look at my right side para makita kung saan si Cjay nakatingin. At doon, nakita ko nga si Keily.
Biglang nanlamig ang katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. My lips are trembling, my hands are shaking. I'm too shock to move. Ang sakit ng puso ko.
Napaatras ako habang umabante naman si Keily papunta kay Cjay. I can see their smiling faces. Their eyes are twinkling as they look at each other, parang kami lang no'ng nagsisimula palang siyang manligaw. I think...their too focus on each other to notice me.
I can feel pain. Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. Sobrang sakit na gusto ko nang umiyak. Pero hindi pwede. Maraming tao.
Tumingin ako sa langit para hindi matuloy ang luhang nagbabadyang tumulo. Nakita ko ang mga bituin. Ang ganda nila. Tama, the night is so beautiful para lang iyakan ko.
Bumalik ako sa inupuan ko kanina kahit na sobrang sakit pa rin. I remained seated kahit nagsisi-alisan na ang mga mag-partner para bumili ng makakain para mamaya.
Hanggang sa ako na lang ang natirang naka-upo dito at naka-yuko. A tear escape from my eye pero agad ko itong pinunasan. I can't...the pain is too much. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, hindi na ako pumunta.
Another tear fell pero kagaya kanina ay pinunasan ko ito agad.
"Pagkain lang ang katapat niyan, self. Remember? Food will never leave you," I cheered myself up.
Tumayo ako at isinuot ang dala kong sling bag. I'm gonna buy some ice cream.
∞∞∞
Preview for the next chapter:
"I-i love y-you, C-cjay," bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top