PART II

"Hi, my beautiful sweet honey pie Jasmine!"

I imaginary face-palmed dahil sa bungad ni Cjay. At dahil naka-video call kami, kitang kita ko ang gwapong pagmumukha ng manliligaw ko. Bibigyan ko na sana siya ng isang matamis na ngiti para sa matamis niyang bungad pero naalala ko na may atraso pa siya sa akin. Yung shinare niya!

"Asan si mama?" Tanong niya sa akin. Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya dahil pagkatapos ni mama na marinig ang pagtawag ni Cjay ay pumunta agad siya sa likod ko.

"Ano 'yon my future son-in-law?" Bati ni mama kay Cjay. Wow ha!

Natawa si Cjay. "Ipagpapaalam ko lang po sana 'yang anak niyo. May movie night po kasi mamaya. Bring your own partner daw. Pwede po ba?" Napakamot siya sa batok.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit kay mama ka unang nagpaalam? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sasama ako?" Hirit ko. Duh! Ako yung isasama niya tapos kay mama siya unang nagpaalam, sa akin, hindi. E'di sana si mama na lang ang kinuha niyang partner.

Binigyan niya ako ng isang nakakatunaw na ngiti. "Ba't pa ako sa'yo magpapaalam? Alam ko namang oo ang isasagot mo, masyado mo lang akong pinahihirapan."

Biglang naghiyawan sina mama at ate dahil sa hirit ni Cjay. I just rolled my eyes.

Well...tama naman siya pero kahit na! "Eh bakit ka pa diyan nagpapaalam kay mama? Alam mo namang oo agad ang isasagot niyan," wika ko sa kanya. Totoo naman kasi.

'Di sadyang naitulak ako ni mama nang mahina pagkatapos ay inilapit niya ang mukha niya sa camera, pero ako pa rin yung may hawak. Oh 'diba, ang hirap ng pwesto ko.

"Oo naman!" Patango-tango pa si mama. "Basta 'wag mong pababayaan 'yang anak ko. At pag-uwi niya, dapat ihatid mo siya at dapat, kayo na rin ha."

"Ma!" Gulat kong sigaw. "Mahal niyo ba talaga ako? Bakit parang 'di kayo protective sa akin? Ampon lang ba ako?"

Sumingit naman si mukhang singit—este ate sa usapan. "Ang drama mo, tayat! Yie, magkakalove-life na siya."

Binalingan ko si ate ng tingin at inirapan. Hindi ba sila nahihiya kay Cjay? Kasi ako, oo.

"Tayat? Anong tayat?" Tanong sa akin ni Cjay.

Napanguso ako. "Tawag 'yan sa akin ni ate, short for taba na feeling payat."

"Anong taba na feeling payat?" Dinig ko ang pagkontra ni ate sa likod ko. Lumipat na rin siya sa tabi ni mama para makita si Cjay. "Tayat means taba na hindi na papayat. Ano ka ba?!"

Naririnig ko ang malakas na pagtawa ni ate na sinabayan pa nila mama at Cjay. Sige lang, may araw din kayo sa akin.

"Bye na," paalam ko kay Cjay. "Tapos na yung hugasan, ililigpit ko lang. Send mo na lang sa akin 'yong details. 'Wag mo na akong sunduin mamaya. Ayokong may dumayong alien dito sa bahay."

"Bye my sexy but chubby Jasmine," natatawang paalam niya sa akin na sinuklian ko naman ng pekeng ngiti para sabihin na hindi ako natutuwa bago i-end ang call.

Tumayo ako pagkatapos para iligpit ang mga pinggan habang sina mama ay pinagpatuloy ang pagsi-cellphone.

∞∞∞

Preview for the next chapter:

To be honest, excited talaga ako para mamaya. Kasi malay ko, kung sagutin ko na pala mamaya si Cjay, matagal na rin naman siyang nanliligaw eh. Pero parang 'di ko pa feel.

"Bakit hindi pa ako tinatawagan ni Cjay?" Bulong ko sa sarili ko makalipas ang ilang minuto. I just shook my head at naisipan ng bumaba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top