PART I

"Hoy tayat! Bumaba ka na raw!"

Yan ang unang pangungusap na narinig ko ngayong umaga. Ang boses ng mapang-asar kong ate na nasa kabilang banda ng pinto ay tunay ngang nakakarinding pakinggan. May pangalan naman ako pero tayat pa rin ang tawag niya sa akin, pina-ikling taba na feeling payat.

Umirap ako sa hangin at nagpatuloy sa pagkulikot ng cellphone ko. Syempre sa umaga, dapat, cellphone ang almusal.

"Jasmine! Bababa ka o papasukin ko yang kwarto mo?! Pili!" Pagbabanta pa niya.

Napatingin lang ako sa pintuan at sakto namang pagbalik ng tingin ko sa cellphone ko ay lumitaw ang chat heads ng nanliligaw sa akin, si Cjay. Oh 'diba, mapapasana-all na lang kayo sa akin.

"OO!" Tanging sigaw ko pabalik at dali-daling pinindot ang chat heads sa screen ng phone ko.

'Good morning, my beautiful Jasmine!'

Basa ko sa chat niya. I smiled then replied 'good morning too' bago pindutin ang profile niya para i-stalk. Syempre kailangan kong i-check ang social media account ng manliligaw ko. Pa'no na lang kung may pinost o ginawa siyang kalokohan do'n, mas mabuti na yung alam ko—sinasabi ko na nga ba!

Shinare niya ang pinost na picture ng ultimate crush niyang si Keily na may caption na 'I woke up like this' pa. Ako'y—nag-iinit ang dugo ko! Pinayagan ko na nga siyang magka-crush habang nanliligaw siya sa akin tapos ganito ang makikita ko. Dapat loyal siya sa akin!

Icha-chat ko na sana siya at kokomprontahin tungkol do'n pero may narinig akong sumigaw.

"Ma! Si Jasmine! Pinanggigigilan yung phone niya dahil kay Cjay! Pabebe pa kasi, ayaw sagutin!" Pagsusumbong ng ate ko.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa ate kong nakapasok na pala nang hindi ko alam.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Ano? Bababa o bababa?" May diin niyang tanong. Padabog akong tumayo sa higaan at nangunang naglakad pababa.

"Ano? Bababa o bababa?" Pangongopya ko sa sinabi niya kanina pero pabulong. "Ano ka minions?" Dagdag ko pa with matching irap at haba ng nguso.

Ng makarating ako sa hapag-kainan ay pabagsak akong umupo sa upuan. "Ma—"

Pinutol ni mama ang sasabihin ko, "Mamaya na magsumbong kumain na muna."

Napabusangot na lang ako pagkatapos ay sinimulang kainin ang inihanda ni mama'ng almusal. Hanggang sa pinakahuling patak ng kape ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko.

"Ano ba kasi 'yon?" Si mama na ang unang nagsalita habang niligpit ni ate ang pinag-kainan namin.

"Ma, si tayat ang maghuhugas ha!" Pagpapaalala ni ate.

Mas humaba pa ang nguso ko habang masamang nakatingin sa kanya. "Ma, si ate nang-aasar na naman, ang aga-aga. Pa-epal. Sinasabihan ako na sagutin ko na raw si Cjay. Ano siya? Desisyon?"

Tinawanan lang ako ni mama kaya mas napasimangot pa ako. "Ma naman!"

Mas lalo pang natawa si mama. Naiiling na lang ako. Ma, am I a joke to you? Ba't mo ba ako tinatawanan? Sa ganda kong 'to, tatawanan mo lang ako? I can't believe this.

"Susko po! Parang 'di ka na nasanay sa ate mo. Nasa tiyan pa nga lang kita, pinagbabantaan ka na niyan. Sagutin mo na kasi 'yang manliligaw mo," turan niya sa akin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya at umiling. Desisyon din 'to si mama ah. Mag-ina nga talaga sila ni ate.

"Maghuhugas na ako," parinig ko sa kanila, lalo na kay ate.

"Mabuti pa nga," sagot niya.

Tapos siya naka-upo na at nagsi-cellphone. Hindi ata ako papayag nito. Now, now, now...What should I do?...

Napangisi ako sa napakaganda kong naisip. Para saan pa ang dishwasher kung 'di naman gagamitin, di'ba? Ganyan talaga pag tamad ka, tapos madiskarte pa.

Isa-isa kong nilagay sa loob ng dishwasher ang mga ginamit namin sa pagkain at pinaandar ito. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinau-upuan ko kanina at inilabas ang phone.

Gulat na napatingin sa akin si ate, sunod ay inilipat niya ang tingin sa lababo at dishwasher. "Ma, si tayat! Ginagamit na naman yung dishwasher," sumbong niya.

Dumating naman si mama at naki-upo na rin. Nakangisi pa rin ako habang tinitingnan si ate. "Hayaan mo na."

Halata naman sa mukha ang pagkontra ni ate. "Pero ma! Hindi siya ang nagbabayad ng kuryente!" Kontra niya pa...

Ano man!

"E'di ako ang magbabayad. Ka-simpleng bagay," mahinahong tugon ni mama. Ako naman ang napasimangot.

Ang bait talaga nito ni mama. Hindi ko tuloy alam kung kanino kami nagmana ni ate. Eh may pagka-maldita kaming dalawa tapos silang dalawa ni papa parang anghel.

Dapat pala magpasalamat sa akin si ate dahil hindi siya ang magbabayad ng kuryente ngayong buwan.

"Sabi mo yan ha," paninigurado ni ate na tinanguan naman ni mama. Naka-kotong na naman si ate ah.

Pagkatapos no'n ay nabalot na ng katahimikan ang buong area dahil nagkanya-kanya kaming cellphone.

Napapitlag ako sa gulat ng mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong sinagot.

∞∞∞

Preview for the next chapter:

Binigyan niya ako ng isang nakakatunaw na ngiti. "Ba't pa ako sa'yo magpapaalam? Alam ko namang oo ang isasagot mo, masyado mo lang akong pinahihirapan."

Biglang naghiyawan sina mama at ate dahil sa hirit ni Cjay. I just rolled my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top