Singko

Singko

Langauge: Tagalog
A poem

*

Anong Nangyari?

Una palang kitang nakilala,
Ako'y nabighani, tayo'y nagkamustahan.
Pusong nagkalapit, binigay ay pagkakaibigan.
Para sa akin, sapat na iyan.

Lumipas ang mga taon,
Ako'y sayo lang nakatuon.
Kinuha mo ang aking buong atensyon.
Sana ganoon din ang iyong impresyon.

Namutawi ang ganda ng iyong ngiti,
Hindi naalis sa aking isip,
Kislap sa iyong mata ninanais.
Hinahangad ay ngiti mong parang matamis.

Pusong kong hindi maawat sa pagtakbo
Sa isang daan na sa'yo lang patungo.
Ngunit sa isang iglap, daan ay nagbago,
Ating pagkakaibigan, humantong sa dulo.

Di ko akalain na ika'y magbago,
Nais kang tadyakin kasama pagpalo.
Hindi mo nalaman na ika'y gusto ko,
Gusto kong mayakap, ngunit ika'y naglaho.

Naglaho ikaw na parang bula,
Hindi ka man lang nagpaalam.
Hinahanap ang kasagutan
Kung anong nangyari sa'ting dalawa.

Asahan mong isang araw wala ka na,
Sa isip ko wala ka na
At sa puso ko wala ka na
At dadating ang araw na may mahal na akong iba.

Dadating ang mga araw,
Mga araw na hindi ka na hinahanap-hanap,
Mga araw na makakalimutan ka,
At nga araw na hindi na kita mahal.

Sa pagbalik mo, mapapanibago ka
Mga ngiti kong matamis ay para na sa iba,
Atensyon ko na sa kanya na,
At ika'y naman mapapaisip kung anong nangyari sa ating dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top