094

A D I

For the first time in my life, hindi sina Lexi, Liv o si Stacy ang tinawagan ko para mag-rant ng mga problema ko.


Alam ko rin naman na may mga sarili silang dinadalang problema at ayaw ko pang dumagdag roon. Tsaka, busy rin sila sa paggawa ng kanilang thesis at malapit na rin ang pasahan nito. Balita ko nga'y nahihirapan sina Lexi sa kanilang thesis hindi dahil sa topic nila kundi dahil sa mga pabigat niyang kagrupo. Halos siya rin daw ang gumagawa sa kanila. 


Kino called at the right timing, just when I needed someone. Kahit na kagrupo ko si Kino sa thesis namin ay nahihiya pa rin akong humingi ng tulong sa kanya at halos lahat ng kailangan kong gawin ay willing siyang gawin ito.


Well, it was partly my fault kung bakit ako nahihirapan sa pag-edit ng thesis namin at kung bakit ako tambak sa gawain. Sa dami kasi ng mga schoolworks na binibigay sa amin ng aming mga professor ay mas lalo akong tinatamad gawin ang mga ito. Kaya eto ako ngayon, cramming. 


Hindi rin ako sanay na mag-cram at kadalasa'y nagagawa ko ito nang maaga. Usually, days or weeks before the deadline. Pero ewan ko ba. May sumpa yata ngayong second semester at mula no'ng nagsimula ito, bigla na lang ako nawalan ng gana.


Naiinis na lang ako sa sarili ko dahil hindi naman talaga ako ganito. Hindi ko rin alam kung anong sanhi nitong katamaran ko. Ang malala pa'y grade conscious ako. Sa tuwing ako'y nagb-breakdown, napapaisip ako ng mga bagay na hindi ko dapat isipin. Kagaya ngayon. 


I kept on overthinking what if my grades lowered down because of my laziness? What if matanggal ako sa Dean's List? What if magpatuloy 'tong papetiks petiks kong asal hanggang fourth year ako, kung kelan graduating na ako?


Hindi naman naghahangad ang mga magulang ko na napakataas na grado. Para sa kanila, okay na 'yong nakikita nilang nag-aaral ako at may natututunan. Ako lang naman ang naglagay ng pressure sa sarili ko. It wasn't them who'll be disappointed but me. That was what frustrates me the most; 'yong 'di ko maabot ang standards na meron ako sa sarili ko.


Nahinto ang aking mga iniisip nang makarinig ako ng katok sa pinto ng apartment ko. Si Kino na kaya 'to?


Pinunasan ko ang mga luha sa 'king pisngi at dali-daling tumayo para buksan ang pinto. Tama nga ang hinala ko. Siya 'yon. Nagmadali yata siyang pumunta rito kahit gabi na at nakapangbahay na damit lang siya. Medyo basa ang kanyang buhok at gulo-gulo. Kahit yata haggard 'tong si Kino ay ang lakas pa rin ng dating.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at niyakap ko na siya agad. Medyo nagulat siya sa ginawa ko dahil muntikan na siyang matumba patalikod. 


As soon as he regained his balance, I felt his hands wrap around my waist as he returned the hug. "What's the problem, baby?" he whispered in my ear, planting soft kisses on the side of my neck. 


"Just needed this," pabulong kong sagot habang nakapalibot pa rin ang mga braso ko sa kanyang leeg. 


"I bought you your favorite kanina. Maybe that will make you feel better?" 


I broke off our hug as he tried to show me the box of cake he was holding. I let out a tiny squeal while jumping in place as I receive the cake from Kino. "You're really the best!" I exclaimed, which earned a soft chuckle from him.


Inaya ko siya sa loob para kumain ng cake na binili niya para sa 'kin pero as expected, tinanggihan niya ito. "'Yong ice cream kinain mo pero 'tong cake ayaw mo. Tch."


"I'm assuming it is sweeter than the ice cream, so no thanks," aniya habang pinunasan niya ang icing na nasa tabi ng aking labi gamit ang kanyang hinlalaki. Matapos niyang punasan ay sinubo niya ito. Hindi niya yata nagustuhan at inginiwi niya ang kanyang mukha nang matikman ito.


"Ayaw mo?" tanong ko.


Umiling siya't sumagot. "Yeah. It's sweeter as I expected."


Napatawa ako sa reaksyon na binigay niya sa 'kin no'ng sinubukan niya tikman 'yong icing. Icing pa lang iyan ha, what more pag buong cake 'yong kainin niya. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit ba ayaw niya sa mga matatamis.


Since curiosity hit me, I asked, "Ba't ayaw mo sa matatamis?" 


He shrugged his shoulders. "Wala lang. I guess it's not my thing."


I continued to eat the cake on my plate after that. Silence momentarily filled the room until he spoke. "I can listen."


Napatigil ako sa pagsubo ng cake sa bibig ko nang marinig ko siyang nagsalita. "Ha?"


"Rant all you want. I'll listen."


I just shook my head. "Okay lang. 'Wag na." Ranting is not important right now since I feel better much better than I was before, now that Kino's here. Surprisingly, his presence is enough to comfort me. 


"Sure ka? Your eyes are puffy. Looks like you've been crying hard." Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko at tiningnan siya. Nakasandal ang dalawa niyang siko sa lamesa. Nakakunot ang noo niya't nakasimangot ng onti na para bang nag-aala sa 'kin. 


"Oo nga, kulet eh."


Pagtapos kong kumain ng dalawang slice ng cake ay inaya niya akong lumabas at magpahangin. "You need a breather," sabi niya. Medyo pagod ang katawan at likod ko dahil magdamag akong nakaupo, pero kung kasama naman si Kino sa paglalakad, ba't ako tatanggi? 


Alas-onse na ng gabi no'ng nagsimula kaming maglakad-lakad sa labas. Wala na rin masyadong tao dahil nasa kani-kanilang bahay na't tulog. Ang pagsiyap ng mga ibon at ang mga busina ng nagsisidaanang kotse sa highway ang tanging naririnig namin. Kung noon man 'to nangyari ay siguro kasingbilis na ng tibok ng puso ko ang bilis ng liwanag. Pero ngayon, hindi eh. It was serene, walang halong paro-paro sa loob ng aking tiyan. 


Is this what people say that when you love someone, you feel calm instead of having butterflies because the latter tells you you're anxious? Gano'n ko na ba kamahal si Kino? Kung oo, delikado na talaga ako. 


"A penny for your thoughts?" biglang sabi ni Kino kaya nama'y napasulyap ako sa kanya. Napansin yata niyang nakatitig lang ako sa mga bituin habang kami'y naglalakad. 


Umiling ako't hindi sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi niya kailangang alamin kung anong iniisip ko no'ng sandaling iyon. Mapapaamin pa ako ng wala sa oras.


Nag-stopover kami sa isang park na hindi ko alam. Mayroon pala nito sa lugar namin? Kung nalaman ko ito noon pa, sana'y madalas akong nagpapahangin dito. Ang dami pa namang pumapasok sa isip ko kahit wala naman akong problema. It was like my mind is working 24/7.


Tumayo kami sa parang terrace na parte ng park. Na sa itaas kasi ito at ang baba ay mukhang ilog kaya may railing. Inihalukipkip ko ang aking mga braso habang nakasandal ang aking siko sa itaas ng railing. I saw peripherally that Kino did the same.


Tiningnan namin uli ang mga bituin sa langit. Hilig ko talagang tumitig sa itaas at pagmasdan ang kagandahan nito. Isama pa ang buwan. 


When I'm looking up at the sky, I'm always reminded of one thing: Amidst darkness shines something beautiful. It tells me no matter how deep into the darkness I may fall, there is always something beautiful that comes along with it, may it be a lesson or a reward. Nevertheless, it's what keeps me going.


I broke the silence between us as I faced him and said, "Thank you nga pala."


"Hmm? What for?"


"For this. For your time."


Bigla kong naramdaman na nakapatong na ang kanyang palad sa likod ng aking kamay kaya't napatingin ako rito. Bumalik ang mga mata ko sa kanya na hanggang ngayong nakatitig sa akin at nakataas ang bawat sulok ng kanyang mga labi. Napataas ang aking mga kilay sa biglaan niyang karinyo. "I told you before, didn't I? You can rely on me. I'm only one call away."


This simplest action he does was enough to make my heart burst out of my chest. There wass something comforting in his touch that I can't explain. Something that made me want to keep holding onto it forever and never let go. Ngunit lahat naman ng bagay ay nagtatapos, 'di ba? Sa tuwing ganito si Kino, iniisip ko na lang na isang araw hindi ko na 'to mararanasan at mararamadaman uli. Nang sa gayon ay maiiwasan kong masaktan pag dumating na kami sa dulo ng relasyon namin. 


Inalis na niya ang tingin niya sa 'kin at binalik ito sa langit pero hindi mawala ang mga mata ko sa kanya. Yes, I was fully aware of the situation I was in. I was also aware that Kino had been acting differently lately. May fling o magkaibigan bang gan'to? Halos pagkamalan na kaming magjowa sa school pero panay tanggi lang kami. Aaminin ko na may mga oras na iniisip kong baka may ibang pagtingin na siya sa 'kin. Pero ika nga ni Lexi, mahirap umasa. Mas gugustuhin ko pang hindi ikuwestiyon ang relasyon namin ngayon hangga't hindi niya nililiwanag ang nararamdaman niya sa 'kin. Baka lumabas pang assuming ako. 


Pero sa loob-looban ko, gusto ko na lang ihinto lahat. Gusto kong malinawan kasi sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Kung alam niya lang sana na halos mabaliw na ako kakaisip sa gabi kung ano ba kami. Flings nga lang ba kami? More than friends, but less than lovers?


Loving Kino was like one step forward and two steps back. May mga araw na ang sweet namin sa isa't isa pero bigla na lang mag-iiba. Bigla na lang 'di magpapansinan ng walang paliwanag. What does that make me? Am I toy that he can play anytime and abandon after he's bored? Tapos babalikan kapag na-miss, gano'n?


Nang mapansin kong masyado nang napapatagal ang titig ko sa kanya ay ibinalik ko na rin ang pagmasid sa kumikinang na mga bituin. Napabuntong hininga na lang ako.


Ano ba 'tong pinasok ko?


Nahalata ni Kino na medyo malalim ang aking iniisip kaya napatanong siya, "Oh? You still have some problems you want to share? I can offer an ear."


Umiling ako. "'Wag na. Okay lang," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Matapos akong sumagot ay binigyan na ako ng maikling tungo at binalik uli ang titig sa itaas. Mabuti na lang na hindi niya ako pinipilit sabihin kung ano man ang nakakabahala sa kapayapaan ng utak ko. 


Mga ilang oras yata kaming nanatiling nakatingin lang sa langit. Usually, whenever we don't say anything ang just appreciate each other's presence, it was...normal. Pero ngayon ay medyo naging awkward, siguro dahil sa mga iniisip ko kanina.


 Ngunit nahinto uli ito nang magsalita si Kino.


"The moon is beautiful, isn't it?" saad niya.


What did he just say?


Nang tumingin ako sa kanya ay gano'n din ang kanyang ginawa. Sa pagtama ng aming mga mata, napansin ko ang pag-iba ng tingin niya sa 'kin. Sa mga oras na kaming dalawa lang ang magkasama, he only look at me with lust. Ngunit ngayo'y hindi ko na mabasa kung ano ang kahulugan ng kanyang titig.


O meron nga ba?


Walang nagsalita sa aming dalawa. Parang huminto sa pag-ikot ang oras at mundo.


Bumaba ang kanyang mga mata sa 'king mga labi kaya't napababa rin ang tingin ko. It gave me deja vu. Ganito rin ang nangyari no'ng sumayaw kami sa ulan. Pinaglalaruan mo na naman ba ako, Kino?


Nang sinubukan kong maalala ang nangyari no'ng araw na 'yon ay hindi ko namalayang halos magkadikit na ang aming mga mukha. Napaatras ako ng kaunti at muling tiningnan ang kanyang mga matang hindi umaalis sa 'king labi. 


"You look like you want to kiss me right now," ulit kong pagsabi, kagaya ng gabing iyon. Baka sakaling iba na ang kanyang isagot.


At tama nga akong iba ang isinagot niya.


The hesitation to answer was apparent in his face. Halatang nagdadalawang isip siya kung ano bang isasagot niya sa sinabi ko. His eyes kept moving around, seemingly searching the answer in my eyes.


"Fuck yes. I do," were the last words I heard before he cupped my cheeks, pulled my face closer to his, and crashed his lips on mine. No. It wasn't a kiss. More like a peck. A long, sweet peck. Hindi ko binuksan ang aking mga labi sa sandaling iyon at hinayaang dumampi ang kanyang labi sa akin. 


Napamura ako. It was just a peck but why did I feel weak in the knees? Why was it difficult to breathe? Why was my heart about to jump out of my chest anytime now? Heck, it wasn't even the first time we kissed, but it felt like one. Gano'n na ba kalakas ang epekto ni Kino sa 'kin?


After a few seconds, to my dismay, he pulled away and released a heavy breath I didn't know he was holding. Did he feel the same way? Did that peck make him breathless, too?


He rested his forehead against mine, his eyes still closed and both of his palms still caressing both sides of my cheeks. I closed mine as well, breathing in his manly scent. 


"Aleah..." himig niya. "I want you to tell me to stop."


Naguluhan ako. "Huh?"


Inalis na niya ang kanyang noo at tiningnan ako muli. He stared at me with a soft look on his face. 


"Tell me to stop...this. What we're doing...Tell me to stop if you don't want it because I won't be able to stop myself if I continue," he explained in a breathy voice.


Napatigil ako ng saglit bago sumagot. "I want this. I want you," I reassured. 


I guess that was his last straw before pulling me in for another kiss, but this time it wasn't only a peck. It was much more than what he did earlier. Even much more than what we normally do. We didn't kiss with hunger and thirst for each other but rather, with passion. It was...intimate.  There was this indescribable spark that remains every after the kiss, this electric feeling every time our lips touched.


More. I want more. 


I found my hands traveling their way along Kino's nape, locking them around his neck as I deepen the kiss once more, the other hand raking his hair. Kino's hands that were on my cheeks were now circling around my waist, bringing my body even closer to his. It was as if we were glued to each other; it pained us to break away. 


I savored every minute, every second of that kiss, because who knows when will I be able to kiss him like that. Although, it was still not enough as we pull back to stop it. The longing for another kiss lingered on my lips. We stayed in place for a while, our foreheads touching each other and breathing still labored. Processing what just happened, I let out a short giggle that seem to send confusion to Kino's face. 


I bore my eyes into him, brushing my thumb on his lower lip. "That kiss...was something else."


The confusion present on his face earlier turned into a smirk. "Indeed it was."


I let what happened sink into me, pero imbis na kiligin ako, mas lalo akong naguluhan. Kino wouldn't kiss me like that if he didn't feel something else, doesn't he? I was fighting the urge to ask for the fear that I'll break the sweetness of that moment. For the fear of hearing what I don't want to hear. 


"I'm sorry," bigla niyang sambit habang hinihimas ang magkabilaan kong pisngi. "For not talking to you without an explanation," dagdag niya.


"Buti alam mo. Nakakatampo kaya," sagot ko nang palarong nakanguso. "So...care to explain?"


"I had... something to do. I know na maguguluhan ka sa sasabihin ko pero it's for the best that I omit some parts." Hindi ko alam kung sa'n patungo 'tong usapan namin. "How do I put this...I needed to stay away from you for a while because the longer I'm with you, the more dangerous it is. My past is messed up, you know that, at ayokong madamay ka pa."


Napakunot ang noo ko. Dangerous? Anong nangyayari? May masamang bang nangyayari sa buhay ngayon ni Kino na hindi niya masabi sa 'kin? 


Despite the questions formulating in my head, I obliged and listened. "Okay...but you're here with me now. So you mean, delikado ngayon?"


"No no, not anymore. I'm close to getting rid of it so no worries," he ensured as he tried to kiss the top of my head. It was funny how even if I didn't know what danger he was talking about, I felt a sense of security in that kiss. 


I heaved a sigh. What are you doing to me, Kino?


Matapos ang sandaling iyon ay naisipan na naming umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Oo nga pala, may mga naiwan pa akong gawain na gusto kong takasan ngunit hindi pwede. Muntikan ko na ring makalimutan dahil sa nangyari kanina.


Nang makarating kami sa aking apartment ay hindi kagad umalis si Kino. Parang ayaw nga yata akong papasukin sa loob at hindi makabitaw ng hawak sa 'king kamay. Napalapit ako sa kanya nang mahina niyang hinila ang kamay ko papunta sa kanya. 


"We'll do the thesis together, okay? Whether you like it or not," he commanded. I knew he wouldn't take no for an answer so I gave up and said yes. He nodded, satisfied with my answer.


"Go home na. It's getting really late. Alas dose na oh," paalala ko. 


"Go home? Then, I don't have to go anywhere if you want me to go home."


I tilted my head to the side, showing hints of confusion. "What do you mean by that?"


Inilapit niya ang kamay kong hawak niya kanina sa kanyang labi at hinalikan ito. 


"I'm already home, Aleah. My home is here. With you."

---------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top