091

TW: Mention of abuse

--------

K I N O

Manhid na yata ako.


Sa dami ng sampal na nakuha ko galing sa kanya, mukhang wala na akong maramdaman na sakit. Nakayuko't nakatitig na lamang ako sa sahig habang ang aking mga tuhod ay nakadikit dito. Ilang minuto na ba akong nakaluhod? Hindi ko na mabilang.


"Ano ba namang sabi ko sa 'yo, Kino? Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag mong kausapin 'yong babaeng 'yon?!" galit niyang sumbat sa 'kin. 


Nag-isip ako nang maigi kung ano bang isasagot ko dahil sa takot kong mas lalong umapoy ang galit sa loob niya. "Kaklase ko lang 'yon, Alena. Walang namamagitan sa 'min." 


Narinig ko ang tiyaw na lumabas sa kanyang bibig. Mali yata ang sinagot ko. "Sa tingin mo maniniwala ako roon?"


Iyon naman talaga ang totoo. No'ng maging senior high school kami, magkahiwalay ang paaralan na aming pinapasukan kaya naman todo ang pagseselos na nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang may kasama akong iba.


Noong una siyang magpakita ng pagseselos, I thought it was cute. Akala ko kapag may pinagseselosan ang 'yong girlfriend ay ibig sabihin mahal ka niya at ayaw kang mawala. Pero habang nagtagal, parang iba na yata ang pinaparating ng selos ni Alena. Nakakasakal. 


Nakahalukip ang kanyang mga braso nang magsalita siya uli. "Sabihin nga nating kaklase mo siya. E, ba't grabe makadikit sa 'yo 'yong bruhang 'yon? For fuck's sake, Kino! Can't you see that she was shoving her non-existent boobs at you?!"


"I shoved her away, Alena. 'Di mo lang nakita 'yon-" Hindi ko na natapos ang dapat na sunod kong sasabihin dahil nagkatagpo uli ang aking pisngi at ang palad ni Alena. 


"'Wag mo na subukan magpaliwanag, Kino. Alam ko ang nakita ko. Sinasabi mo bang sinungaling ako?"


"Hindi naman sa gano'n-"


"'Yon 'yong pinaparating mo!"


Hindi na lang ako umimik. Lahat naman ng sasabihin ko ay hindi niya pakikinggan. I'd rather stay silent than waste my effort trying to explain what happened. Alena's words and thoughts are absolute. Hindi na 'to maiiba. 


Nang siya'y huminahon, naningkayad siya't tinaas ang aking baba para tingnan ako sa'king mga mata. "I'm sorry. Alam mo naman na kaya ako ganito kasi mahal kita, diba?" aniya habang nakasimangot.


Hindi na ako nagulat. Ganito naman palagi. Magagalit siya at susunod manghihingi ng tawad. Siguro no'ng umulan ng katangahan ay sinalo ko lahat. Ang tanga ko lang dahil nagpapauto ako sa mga sabi-sabi niya. Magsasabi ng "sorry" pero uulitin. 


Kaso wala, eh. Mahal ko. Tiniis ko lahat ng pananakit niya kasi mas gugustuhin kong ako 'yong masaktan kaysa mawala siya. Tanga lang diba?


Naputol ang paggunita ko sa nakaraang ayaw kong ibalik nang marinig ko si Mateo na nagsalita sa kabilang dulo ng phone. "Sure ka na ba sa desisyon mo, pre?" 


Sa totoo lang, hindi. Ang daming tanong ang umiiral sa isip ko. Tama ba 'tong gagawin ko? Paano kung bumalik 'yong trauma ko? Paano kung sa kaligitnaan ng pag-uusap nami'y mag-panic ako? 


But truth be told, you never really know whether you have moved on from a certain trauma unless you faced the cause of it directly. Meeting up with Alena makes me doubt if I truly moved on from what happened, pero alam kong kailangan ko 'tong gawin. Matagal nang wala 'yong lalaking kilala niya. 'Yong lalaking sunud-sunuran niya na para bang buntot ng aso. 


"I'm sure, Mat. Really," I finally answered after having those thoughts. "If you want, you can stay outside the resto and watch from afar. Alam ko naman na kahit hindi ko sabihin 'yon, gagawin niyo parin ni Niko."


"Aba, syempre. It's Alena we're talking about, Kino. You know how protective we are to you when it comes to her."


Napangisi ako nang marinig ko ang sabi ni Mateo. How grateful I am to Mateo and Niko are beyond words. Sila talaga ang tumulong sa 'kin para tumayo uli. No'ng panahong hindi ako makakain nang maayos dahil sa mga sugat na binigay sa 'kin ni Alena, sila 'yong nagsilbing tagapangalaga ko, pati na rin 'yong parents ni Niko. Wala ring pakialam sa 'kin si Mom sa kung anong nangyayari sa 'min ni Alena noon. Nakakatawa lang na mas magulang pa ang turing ko sa magulang ni Niko kaysa sa sarili kong nanay. 


"Stop calling na. I'm driving," huling sabi ko bago ko ibaba ang tawag. 


It took me twenty-five minutes to arrive at the venue where we planned to meet. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse ay agad ko na siyang nakitang nakaupo malapit sa bintana. Napatigil ako sa paglakad. I suddenly had a cold feet. Hindi ko nagawang igalaw ang aking mga paa para humakbang pa papasok ng resto. Bigla akong nahirapan huminga nang maalala ko uli 'yong mga ginawa niya sa 'kin noon. Ngayong nakita ko na siya matapos nagdaan ang tatlong taon, I felt nothing but longingness. 


Longingness to be treated right.


Sometimes, I ask myself, "What did I do wrong to be treated like this? To deserve any of the abuse she gave me?" Masama ba akong tao para maranasan 'yong hirap na dinanas ko sa kanya? 


That longingness I felt then turned to anger and pity. Naiinis ako't naawa sa sarili ko dahil inisip ko talagang nagmamahalan kami noon. What we had was nothing close to love. It was pure toxicity.


"Kino!" 


Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. A sense a relief washed through me nang makita kong naka-park malapit sa 'kin ang kotse ni Mateo. Nakita ko rin ang nakalabas na ulo ni Niko sa bintana. Bumukas ang pinto ng sasakyan at sila'y lumabas para lapitan ako. 


"Dala mo ba pills mo?" tanong ni Niko na may bakas ng pag-aalala sa kanyang boses. 


"I'm okay, Niko. Now that you're here."


"Anong okay, e biglang nag-iba 'yong paghinga mo kanina?" sagot niya. "Did you or did you not bring your pills?"


Umiling ako. "Hindi naman na kailangan. My doctor told me I can stop taking it."


"Okay, then. Sige na, kanina pa naghihintay sa loob si ano," he said, giving up.


"Nandito lang kami sa labas kung kailangan mo kami ha?" sabad ni Mateo. Binigyan ko na lang sila ng maikling tungo at nagpatuloy maglakad sa loob ng resto. 


Kaya mo 'to, Kino. Kaya mo 'to.


'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa't tinanong ko na si Alena kung anong pakay niya nang makaupo ako sa harap niya. 


"Let's get back together," she said, casually, as if she did nothing wrong to me. 


I scoffed. This woman is unbelievable. "And what? Do you think I'll say yes to that?"


Napasandal siya sa kanyang upuan, nakahalukip ang mga braso. Muli siyang magsalita. "I'm not stupid, Kino. I know you won't say yes, but I can make you."


"And how will you do that?" I challenged her.


She took a sip of the water she had and brought it back to the table after. "Baka nakakalimutan mong I know about you and Aleah?"


"I told you to stay Aleah out of this. Wala siyang kinalaman sa kung anong relasyon man ang meron sa 'tin," galit kong pagsabi. 


"Why should I? She's the perfect tool to make you wrap around my fingers again. I seem to press a button inside of you when I mention her name."


"Her name's too precious to be tainted by that foul mouth of yours, Alena," I retorted.


She released a chuckle that could deafen one's ear. "I see how important this girl is to you. Makes it so much easier talaga. Just what did you see in that girl, Kino? She looks...average."


She's the complete opposite of you Alena, that was what I wanted to say. When I was with Alena, all I felt was anxiety and fear that maybe my littlest action can offend her in some way because she had a knack for twisting my words. But with Aleah, it was only ataraxia. Tranquility. Solace.


She felt like home. 


Thinking that may be too long to say, I simplified, "In those 3 years we've been together, she gave me everything I deserved to have in just 3 months. She's everything you're not."


Mukhang na-offend yata siya sa aking sinabi at nawala ang ngisi na naglalaro sa kanyang mga labi. The old me would've been scared of what will comes next, but I didn't feel like that anymore.


"I have a deal," she said, breaking the silence that have been on for a while after my remark. Tinaasan ko siya ng kilay, isang senyales na ipatuloy niya ang sasabihin niya. "Get back to me or kiss Aleah goodbye," she proposed, looking at me intently.


Bumukas uli ang kanyang bibig ang nagsimulang magsalita. "Or ganito na lang. Break up with Aleah and I won't do anything to her." Ano ako, tanga para piliin 'yong second option? Alam kong once na tinigil namin ni Aleah 'yong namamagitan sa amin ay hindi niya ako titigilan. 


"Ah, by the way," she added. "My restraining order got lifted off. I can go near you whenever I want. Share ko lang naman." Hindi niya ba alam ang salitang privacy?


"Baka gusto mong dagdagan?" ani ko. "I won't get tired of filing a restraining order until you get put right where you deserve to be." I leaned forward and continued, "In jail."


Sucks to be tied with a rich girl who can do whatever she can to avoid being held accountable for her actions. But then I remembered. "Don't forget, Alena. Your family is nothing without my family. Kayang kaya kong ibalik ang estado ng buhay niyo noon, subukan mo lang guluhin uli ang buhay ko at ang buhay ni Aleah."


She raised her hands, acting like she surrendered. "Ooh, I'm scared! You'll get help from your family? 'Kala mo naman may kakampi ka sa pamilya mo. Or, meron ka ba no'n? Last time I checked, walang pakialam sayo ang nanay mo at ang mga kamag-anak mo, ah?" 


Nag-igting ang panga ko. Sa totoo lang, I was just showing a facade at that moment. Ni hindi ko alam kung sa'n hihingi ng tulong dahil hindi ko matanggi ang katotohanang tama nga siya. My mom? Baka gawing tungkol pa sa acads ko ang usapan pag hiningan ko siya ng tulong. Sa side ni Dad, wala rin. Ayaw naman nila sa pamilya namin mula no'ng pakasalan ni Dad si Mom. 


Recalling my family tree, one person came into my mind. A person who could help but wouldn't be easily convinced. Though, it was worth a try.


I stood up, ready to leave the place. "Don't ever think of showing your face to me again. I will never ever agree to your deal, Alena. At 'wag na 'wag mong idadamay rito si Aleah," banta ko.


"Hm...And what if I already did? I figured you won't do the second option, e. So, I made my move ahead of time."


She just fucking did not.


Nagmadali akong lumabas ng resto at tinawagan ang number ni Aleah. Knowing Alena, she wouldn't joke about something like that. Fucking hell, she really was serious. Habang hinihintay kong sumagot si Aleah ay bigla akong tinawag ni Alena.


"Remember our deal!" sigaw nito.


I just raised my middle finger up and waited for Aleah to answer the phone. 


Please lang. Please. Pick up the phone, baby. I need to know you're safe.


Matapos ang ilang ring ng phone ay sinagot na niya ito. Hindi ko na hinintay na magsabi siya ng 'hello' at agad kong tinanong, "Where are you right now?"


"Well, hello to you, too, Kino." Okay. She sounds good. She's not in danger. "Kasama ko si Lexi ngayon. We're currently walking sa may overpass, papuntang SM North. Bakit?"


"Wala naman nangyaring masama sayo ngayong araw na 'to, no?"


"Nangyaring masama? Parang wala naman?" I sighed in relief, thinking that what Alena said earlier was just bluff.


But I thought wrong when I heard what Aleah said next.


"Oh, does muntikang masagasaan counts? There's this one car kanina, e. Kala mo kung makadrive, tulog."


Fuck. 


She wasn't lying. It wasn't a coincidence. I was sure of that. Siya ang may kagagawan no'n.


"Can I see you later? After you and Lexi go to SM North. Ako na magsusundo sa inyo," aya ko. I just needed to see her one last time bago ko isagawa ang plano. A plan to make Alena pay for her actions. And for that plan to work, naisipin kong baka mas mabuting hindi muna kami magkita ni Aleah. It was for her safety.


"Miss mo ko kagad?" she teased.


Kung may halong biro ang pagsabi niya no'n, sa akin ay wala no'ng sumagot ako ng, "Yeah. I badly want to see you right now, pero you're with Lexi. Ayaw ko namang agawin ka sa kanya when you two are bonding." Huminga ako nang malalim. "Can I solo you for an hour? After I give you a ride home?"


"One hour lang?" 


Napatawa ako nang kaunti sa sagot niya. "Okay, maybe one hour is not enough."


"I have all night," sagot niya. 


If only I can have you forever. 


"Then, lend me your night."


After we talked, I immediately tried to contact my Tito who could end all of this. He was my only hope. My last resort.


And hopefully, he'll help me.


It's time to put this past to an end.

--------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top