Take 4

Click!

Napangiwi na lang ako habang ngiting-ngiti siya sa retrato ko. Tuwing aakyat na lang ako sa rooftop, ganito ang ginagawa niya. Hindi ko nga alam kung kailan ba ako masasanay. Wala ako halos matinong kuha sa kanya. Epic ang karamihan.

"Alam mo, kung gustong-gusto mong pinipicturan ako, sana sabihan mo na lang ako. Kaya naman kita bigyan ng matinong posing," sabi ko sa kanya’t nilampasan siya para kuhanin ang gitara niyang nakasandal sa monobloc.

"Edi hindi na first reaction 'yon. Kinokolekta ko kasi as part of memories mga pictures mong first reaction 'pag umaakyat dito sa rooftop, e," aniya sabay upo sa tabi ko. "Marunong ka ba?" tanong niya nang makitang sinusubukan kong i-strum ang gitara.

"Hindi gaano. Limang beses lang akong naturuan ng tatay ko pero tumigil din nung nagkakakalyo na ko sa kamay dati," sabi ko sa kanya. "Pero alam ko 'to..." sabay strum ng kantang Through the Years by Kenny Rogers.

Tas kumanta ako.

Napakinggan ko dati nung bagong alis ako sa bahay yung version ni Gigi de Lana at yun na yung na-adapt ko. Pumipikit-pikit pa ako habang maingat na binibitiwan ang bawat liriko ng kanta. Madalas ko pa ring naiisip na makipag-ayos sa mga magulang ko. Pero minsan, kapag naaalala ko kung paano ako masabihan na "anak ka lang" kaya wala akong karapatang magsalita, humihindi ako.

"Ang ganda ng boses mo," sabi niya. Naiirita talaga ako 'pag wala akong mabanggit na pangalan dahil hindi naman niya sinasabi. Wala pa rin kasi kaming ID ngayon at magpi-picture palang sa susunod na buwan. "Pwede ka magbanda."

"Hindi rin," sagot ko. "Chamba lang 'to kasi may iniisip ako."

Natawa siya sabay dinig ko na naman ng pagpindot niya ng shutter. Isa na lang, iisipin kong favorite subject niya ako. "Anong klaseng moments ba 'yong kinokolekta mo at puro candid yung kinukuha mo?"

Nang tingnan ko siya, tinititigan niya yung mga retrato na nakuha niya. May kaunting ngiti sa labi pero hindi ko makita kung ganoon din ba ang mga mata niya.

"Huy!" nag-snap ako ng finger. "Ayos ka lang?"

Umangat ang tingin niya sakin at tumango. "Candid lang. Tipong memories. Na pag binabalik-balikan ko, unang pipitik sa utak ko reaksyon mo tas maaalala ko agad bakit ganun yung reaksyon mo."

Sumingkit ang mga mata ko sa kanya. May pagka-sentimental pala siyang tao. Iba nga naman kung candid at first reaction pa. Dahil hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mong alalahanin yung naganap sa memories na 'yon.

"May certain moment ka ba na gustong makuha?" tanong ko sabay abot ng gitara sa kanya at binigay naman sa akin ang camera niya.

Natigilan pa siya, siguro para mag-isip pero umiling din agad. Nagsimula siyang mag-strum. "Wala naman. Halos lahat kasi ng nagaganap sa buhay ko, para sa akin, moment 'yon. Tini-treasure ko lang."

Pinakinggan ko lang kantahin niya ang Die With A Smile nina Lady Gaga at Bruno Mars. That duo. Hindi ko aakalaing gugustuhin kong makarinig ng collaboration nilang dalawa. All the words that they spit are golden.

Pinagkaiba lang siguro namin ng lalaking 'to, kung hilig niyang kuhaan ng litrato ang bawat moments na nararanasan niya—sa akin naman, madalas ko lang siyang i-picture out sa utak ko. At i-enjoy mismo. 'Pag nakakakita nga ako minsan sa social media ng mga umiiyak na tao or di kaya masaya sila sa ganap nila sa buhay, nagtatanong ako sa sarili ko, iniisip kaya nila yung tamang angle para ma-capture yung perfect reaction?

Although, wala namang masama. Gaya nga ng sinabi niya, tini-treasure niya ang bawat captured moment niya. Dahil paulit-ulit niyang binabalikan ito.

"Hmmm..." pabitin ko. "Anong memories ba yung pwede mong ma-capture na tungkol sa atin?"

Tumawa lang siya. "Walang tayo."

Binagsakan ko siya ng kamao sa braso. Napa-aww siya sabay tawa nang malakas. "Sa sitwasyon kasi. Assumero mo naman."

"Sus. Okay lang naman kung crush mo ako. 'Di naman ako magagalit," pang-aasar niya.

Crush? 'Di ko nga siya type. 'Di ko na lang sinabi at baka ma-offend.

"Okay lang maging assumero pero wag mong araw-arawin." Sumandal ako sa monobloc tas pinatong yung right leg ko sa left leg at huminga nang malalim. "Ni hindi ko pa nga alam yung pangalan mo."

"'Wag mo na tanungin. Ayaw mo ba yung ganitong set-up? Mystery sa isa't isa kaya mas nauuhaw tayong alamin yung pangalan natin," wika niya. Nakasandal na rin siya sa monobloc, nakadekwatro at patuloy na nagsi-strum ng gitara.

Biglang may nag-ting sa utak ko at napaharap sa kanya. "Alam ko na! Two months na lang, foundation week na. How about sa The Time Capsule?"

Ang The Time Capsule ay isang confession segment ng Almario Festival which is pinangalan sa may-ari ng school namin. At ang The Time Capsule ay para siya sa mga taong may gustong mag-confess. Either papapuntahin sila sa stage 'pag nabunot name nila sa fish program tas doon sila aamin. Or hahanapin nila sa gitna ng maraming tao yung gusto nila tas doon sila aamin. Bawal ma-cringe or makornihan kasi nga meant siya for confessions. Pero kung duwag ka't di mo kaya harapin crush mo, ayos lang din dahil meron namang bulletin board for the confessions. Kada building ay merong board, doon nakalagay ang mga confession over the years. Though, yung iba, yung mga old confessions—wala na.

"Para sa couples lang 'yon, a?" sabi niya, may tunog pang-aasar na naman yung boses.

Inambahan ko nga. Iwas siya eh. "Assuming mo. 'Di naman ako maghuhulog ng name sa drop box or susulat sa board. Kita lang tayo ulit dito sa rooftop, dito natin sabihin pareho pangalan natin."

Nagkibit-balikat siya. "Di ako mahilig pumunta sa ganoong events, e."

"Ikaw lang ba? Ako rin naman. Rinding-rindi na nga ko sa mga kwento ng mga kaibigan ko dahil doon nila nakilala crush or jowa nila," pagkukwento ko. "Hindi rin naman kita pipilitin."

Pero ang loko. Tuwang-tuwa yata akong inaasar dahil ngumisi siya sabay sundot sa akin sa tagiliran.

"Parang tanga!" sabi ko agad.

"Di raw hilig pero pupunta malaman lang pangalan ko? Ikaw ha."

Buti na lang talaga hindi pa rin siya tinatamaan ng kidlat sa sobrang hangin niya.

"Wala namang pilitan 'to. Kung ayaw, edi huwag. Kung gusto, edi go. Naisip ko lang naman 'yan as part of the memories," paliwanag ko.

Eager akong malaman pangalan niya. Kasi hirap na ako minsan talaga na walang mabanggit na pangalan. Para siyang laging nasa dulo ng dila ko. So familiar yet I don’t have any idea of what’s his name. Kaso syempre, if ayaw ng tao, hindi ko naman pinipilit.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tipong tanging paghinga ko na lamang ang naririnig dahil tumigil din siya sa pag-strum ng gitara niya.

"Sige."

"Huh?"

Sabay kaming lumingon sa isa't isa. At parang may kung anong tumigil sa kaloob-looban ko.

"Game ako. Sa The Time Capsule, sabay nating sabihin mga pangalan natin."

Nanlaki ang mata ko tapos hindi ko namalayan ngumingiti na pala ako.

"Yas! Tara!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top