Take 2
“Ano bang binabalikan mo sa rooftop, Rie? Hindi ka na sumasabay sa aming mag-lunch,” pagtatampo nina Diane matapos kong sabihin na sa rooftop ako ulit kakain ng lunch.
Napapadalas na yung tambay ko do’n. Hindi ko alam kung pwede bang rason yung nadi-drain ako ‘pag masyadong maingay sa paligid kaya gusto kong mapag-isa. Pero ayon talaga ang dahilan.
Sinuot ko ang headphones ko na niregalo pa ni mama last birthday ko, nung ‘di pa ako lumalayas sa amin, at p-in-lay yung kantang Janice by Dilaw. LSS ako dito nung mga nakaraang araw, e.
“Bawi na lang ako. Masyadong nakakaubos, e,” wika ko sabay tapik sa balikat ni Ianne na siyang nasa harapan ko.
Napailing na lang silang dalawa. Ito yung gusto ko sa kanila, nakakaintindi. Hindi nila pinipilit ‘pag talagang ayaw ko ang isang bagay. Palitan lang naman. ‘Pag ayaw nila ang isang bagay, hindi ko rin sila pinipilit.
Naghe-headbang pa ako kahit na malamyos lang naman yung kanta. Tipong handa kang samahan kahit saan ka man magpunta. Super rare ng ganung senaryo sa totoong buhay. Meron naman pero sa dulo, susumbatan ka ‘pag naubusan ka na ng gas para maglakbay pa kasama siya.
LSS ako dito kasi ang gaan pakinggan.
Pagdating ko naman sa rooftop, tinanggal ko yung headphones ko. Para akong binalik sa realidad. Ramdam ko yung hangin na yumakap sa katawan ko. At umikot ang paningin ko—parang may hinahanap.
“Para kang timang diyan,” may nagsalita sa tabi ko kaya muntikan akong mapatalon sa kinatatayuan ko.
Nang lingunin ko yung nagsalita, nakangiti sa akin yung lalaking nakita ko dito nung nakaraan sa rooftop.
“Hinahanap mo ako, ‘no?” nang-aasar ang boses niya tapos nilampasan ako. “Pasensya na, busy nitong nakaraang araw, e.”
Kumunot ang noo ko. Kaya pala hindi ko siya mahagilap nitong nakaraang araw? “Asa ka namang hinahanap kita.”
Naglakad na lang ako palapit dun sa railings ng rooftop sabay upo sa semento. Hindi mainit ngayon. Balanse lang din yung hangin saka lamig. Sarap ng ganitong weather.
“Ang pabebe mo rin pala?” aniya kaya sumama ang tingin ko sa kanya. “‘Kala ko nonchalant ka lang.”
Binuksan nya yung karton na nakasiksik sa gilid ng pader nitong nasa rooftop. Tapos, may nilabas syang gitara. Yung pader naman na ‘yon sa gilid may pinto. Doon yung main na daanan pababa at paakyat dito sa rooftop. Sadyang sa fire exit lang ako dumadaan. Bale, iyon yung pinaka humahati dito sa rooftop.
Hindi ko pinansin yung sinabi nya dahil na-curious ako sa taguan nya ng gitara. “Dito mo iniiwan yung gitara mo?”
Sinandal nya muna yung gitara sa pader tapos kumuha sya ng upuan sa magkakapatong na monobloc chair.
“Bawal ba?” tanong nya ng makaupo na sya at inaayos na ang tunog ng gitara. “Matagal naman na ‘kong tumatambay dito, kaya matagal ko na ring tinatago ‘to dito.”
Tumango-tango ako. “Hmm, sige. Tutal, natugtog ka naman, tugtugin mo nga yung kinanta mo nung nakaraan.”
Mabuti na yung may maganda syang magawa habang nandito ako. Hindi kami close. Hindi ko rin alam ang pangalan nya. At sya, ganoon din. Pero alam mo yung the best sa sitwasyon na ‘to?
Hindi ko na kailangang magpanggap na wala akong pakialam sa mundo.
“Alin?” tanong nya habang tinotono yung gitara.
“‘Yong kinanta mo nung una kitang nakita dito,” sagot ko. “Ang ganda ng boses mo nun. Naastigan ako.”
Natawa sya, may hagod yung boses. Hindi naman siguro nito pinipilit palalimin yung boses nya, ‘no? Yung dating kasi sa tenga ko, parang bagong gising palang tapos binabati ako ng good morning.
Kung saan-saan naman nakakarating yung utak mo, Sherrie.
Muntik kong hilahin yung buhok ko sa harap ng lalaking ‘to. Baka isipin nya kung anu-ano na iniisip ko tungkol sa kanya.
Aba…may tama siya.
“Straightforward mo naman. Pumitik ng ilang segundo puso ko do’n ah,” nakangiting sabi nya tapos ini-strum na yung intro ng kanta. “Idol mo ba si Miley Cyrus?”
Para akong na hipnotismo. Biglang wala na kong mapakinggan–hindi ko na nga na-stop yung kantang nagpi-play sa playlist ko–at naka-focus na lang yung mga mata ko sa kanya.
“Hindi.”
Hindi naman talaga. Nagandahan lang talaga ko sa boses nya no’n. Minsan lang makuha ang atensyon ko ng mga kumakanta ng cover. Dahil mas gusto ko pa rin yung original singer ang kumakanta. Kaya alam kong may kung ano sa boses nya na humila sa atensyon ko.
Tapos, lumabas na sa bibig nya yung first verse ng When I Look At You ni Miley Cyrus. Napansin kong nag-iba yung boses nya nang magsimula syang kumanta. Parang lumaki yung boses.
Pero ni hindi na kumurap yung mata ko habang pinapanood sya. Yung hagod kasi ng boses nya, parang makakalimutan mo bigla kung ano bang pangalan mo. May bigat sa bawat bigkas ng lyrics kaya tagos hanggang buto.
“You appear just like a dream to me…” kanta nya nang tinitigan nya ako sa mga mata.
Pumalakpak ako kaso natawa naman sya. Hindi yata sya naniniwala sa genuine reaction ko.
“Bakit hindi ka sumali sa Sovereign? Bagay sayo ang bokalista,” sabi ko pa. “Tutal, nabanggit na aalis na raw si Ace.” ‘Yong Sovereign ay banda rito sa school namin. Sikat ‘yon. Pero nabalita nito lang na aalis na raw yung bokalista.
Umiling sya, pero nakangiti. Kaso yung ngiti nya, tipong may pagsisisi. Yun bang gusto pero may pumipigil lang?
“Hobby ko lang kumanta. Pero ‘di ko nakikita sarili ko na nasa stage,” direktang sagot nya. “Pero salamat! Madalas ko ring marinig ‘yan sa iba. ‘Yon nga lang, di talaga para sakin.”
Pinagmasdan ko sya. Singkit saka liit kasi ng mata kaya hindi ko mabasa yung emosyon. Yung kilay naman nyang manipis pero bumagay sa kanya, hindi man lang nakakunot. Pero yung manipis at pinkish lips nya nakatikom na mukhang pigil na pigil magsalita.
Nagkibit balikat ako. Para akong nahiya sa sarili ko. Kung sya alam nyang hindi para sa kanya ang isang bagay—ako hindi ko alam kung ano ba yung bagay na para sa akin or hindi para sa akin.
“Well, good for you. Alam mo kung ano yung para sayo,” I tried to give him a smile but I failed. “Ang hirap ‘pag hindi mo alam ang gusto mo.”
May curiosity sa mata nya nang marinig ang sinabi ko. Bigla tuloy akong nahiya tapos parang ang sarap na lang ulit magpanggap na wala kang pakialam sa mundo.
“Hindi kita tatanungin dahil mukha namang ayaw mong pag-usapan,” wika niya. “Pero sana mahanap mo ang gusto mo.”
Natawa ako na may halong bitterness. Ironic ba kung sasabihin kong gusto kong tanungin ako? Hindi ko kasi talaga alam kung kanino ko dapat i-share ‘to. Medyo mabigat na kasi.
“Sa ngayon, sobrang dilim. Kaya malabong mahanap ko.”
Tumingala siya sa kalangitan. Habang ako naman, na-trap sa sariling utak. Sinusubukan bumuo ng rason, sinusubukang makawala sa tambak-tambak na ideya, at sinusubukan mag-isip kung ano ba talagang gusto kong gawin. Pero kahit isa—wala akong maisip.
Tsk.
“Gusto mo bang palagi kitang samahan dito?” tanong nya pero nasa langit pa rin ang tingin.
Tiningnan ko naman kung ano yung tinitingnan nya pero bukod sa medyo makulimlim na kalangitan—wala na akong makita.
Minsan talaga, kung alin pa yung pinaka walang laman at pinaka blankong bagay yung masarap gawan ng reflection.
Madali lang mag-isip na sa edad kong ‘to, hindi pa dapat ako ganito mag-isip pero anong magagawa ko kung maaga akong namulat?
“Sige,” tangi kong sagot.
Tapos, biglang tumunog ang bell.
Isang oras na pala.
Ganon ba talaga kabilis ang takbo ng oras?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top