CHAPTER 9

Chapter 9






I DIDN'T sleep last night thinking about Juvian. My mind is wondering in the galaxy with a million of stars twinkling in an endless space. Tipong, walang katapusang mga ideya at mga katanungan.

Mugto ang mga mata ko kinaumagahan kaya naglagay ako ng concealer para maitago iyon. I put make up to hide my pale skin, para magkaroon na rin ng kulay nang hindi mahalata ang nangingitim at haggard na mukha.

Wala pa rin si Juvian ngayong araw kaya tinawagan ko ang kumpaniya para alamin kung naroon ba siya, pero ang sagot lang nila ay hindi pa naman raw dumarating ang amo nila.

Hindi alam ng sekretarya niya kung saan siya pumunta pero ang sabi ay nasa bar daw kagabi si Juvian kasama ang mga kaibigan niya.

I was curious for what her secretary said to me. Friends? Over the years, tanging tatlong kaibigan niya lang ang nakilala ko at wala ng dumagdag pa.

Sina Lupin, Rufus at Freon lang ang bukod tanging kilala kong kaibigan niya. Bukod kasi sa hindi niya ako pinapakilala ay hindi niya naman sa 'kin kinukuwento ang buhay niya at mga taong nakapaligid sa kaniya.

He never opened in me, not a bit.  Ang mga impormasyong alam ko ay sa sarili kong pagsisikap nanggaling at sa mga pasimpleng pagtanong-tanong sa paligid niya. Ang iba naman ay base sa mga napapansin ko sa kaniya.

I remembered that I have Lupin's number and the other two. S-in-ave ko pala 'yon matapos na humiram sa 'kin ng phone noon si Juvian para tawagan sila. I was thankful that I save it and I didn't delete it. Alam ko kasing magagamit ko 'yon pagdating ng panahon.

I was praying that this number belongs to them, na hindi pa rin sila nagpalit ng numero nila. I tapped the call button and continuesly pleading that this is Lupin's number.

Kagat-labi akong naghintay habang nagri-ring ang kabilang linya. Matagal-tagal na iyon at kaunti na lang ay mapuputol na pero laking gulat ko nang may sumagot ng tawag ko.

"Hello?" bungad ng isang malalim na boses sa kabilang linya.

Napapikit ako nang hindi makilala ang boses na iyon. I can't say it was Lupin's voice dahil hindi rin ako sigurado sa boses nito. Isang beses ko pa lang narinig ang boses niya nang tumawag siya noon sa akin.

"Is this Lupin del. . . Acaz?" I hesitantly asked.Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya kaya nagpakilala agad ako, "This is Ridaya Jey Sujede-S-Soliven. . . w-wife of—"

"Ah! I know you! Your DM's wife!" masayang sagot nito sa kabilang linya.

Nakarinig ako ng mga tawanan sa kabilang linya at mga tilian ng mga babae. I think they are having a party there. Mukhang nagkakasiyahan kasi. Rinig din ang tugtugan sa phone call kaya parang sumisigaw si Lupin para marinig ko.

Lupin del Acaz, a notorious playboy in town, known for his best asset of owning a woman just by his winks.

I really don't get what others told to me that he can capture a woman's heart just by his eyes dahil nang makita ko siya, e, hindi naman ganoon ang naramdaman ko.

He was not my type after all kaya na rin siguro walang epekto ang ipinagmamayabang niyang karisma sa 'kin. Mabait nan siya, iyon mga lang hindi ko masyadong kilala.

"Can you hear me? Wait, I'l just go outside, maingay kasi rito. Wait lang ha?"

Napatango ako kahit hindi niya naman nakita iyon. "O-okay."

Pansin ko ang paghina ng mga ingay sa kabilang linya at mukhang malayo na siya. "You there?"

"Ah. Yes. May gusto lang sana akong. . . itanong."

"Hmm? Iiwan mo na ba si DM dahil sa 'kin?" Nakarinig ako nang pagtawa sa kabilang linya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. We are that close but I can feel that he was a good person pero hindi ko talaga maisawang ma-awkward-an sa mga biro niya. Like hello, friend siya ni Juvian, paano kung ma-misterpret iyon ng asawa ko?

E, wala naman siyang pakialam sa 'yo kahit na lumandi ka sa iba. Asa ka naman, Ridaya, sabat ng tinig sa isip ko. Tama nga naman. Wala naman siyang pakialam.

I brushed the thought off and cleared my throat. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa and asked Lupin about Juvian's whereabouts. "Alam mo ba kung na saan si Juvian kagabi?"

"Ow," pakinig kong aniya sa kabilang linya. "He's with us last night celebrating his birthday and. . ."

"And?" Hinintay kong dugtungan niya iyon pero nanahinik sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya na ako.

"Uh. . . we celebrate it together with our friends. That's. . . all."

I was silent for a moment, later on I thank him and ended the call. Tinanong ko rin kung na saan sila ngayon at nasa isang private island sila na pagmamay-ari nina Lupin sa Palawan at naroon daw si Juvian ngayon.

Gusto kong pumunta pero napakalayo ng Palawan mula rito sa Laguna. Ayaw ko namang umalis nang hindi nagpapaalam kay Juvian na pupuntahan ko siya at baka magalit sa akin na lumabas ako sa bahay. Ayaw ko ring mapahiya sa mga kaibigan niya.

Kahit na kating-kati ang paa ko na pumunta ay hindi ko ginawa. Inaliw ko na lang ang sarili sa mga gawaing bahay na hindi naman dapat ako ang gumagawa pero pinagpilitan ko iyon kay Aileen

Tanghali na at naisipan kong magbukas ng social media. Something was pushing me to open my dummy account in facebook and search Juvian's account.

Mabuti na lang at in-accept ako nito rito kaya hindi ako nahirapan i-stalk siya. He locked his profile kasi kaya hindi malalaman ng kung sino ang kung ano mang pino-post niya.

Friend naman kami sa real account ko pero may nararamdaman akong ito dapat ang i-open ko ngayon.

I scrolled in his timeline at maraming naka-tag na kung ano-ano. Juvian was quite famous, I admit. Sino ba naman kasi ang hindi sisikat dahil sa angking kaguwapuhan?

I continue what I'm doing. I happened to stumbled on someone and accidentally click her day. Napatigil ako bigla ng makita naka-mention si Juvian sa video na 'yon at may caption na "it was a hot kiss". 3 minutes ago pa lang iyon.

Bago pa lang. It was a video of him and someone was on his lap. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang makita ang cover ng video. Hindi ako nag-atubiling pindutin ang start at unalingawngaw ang tunog no'n sa kuwarto ko.

Nagkakasiyahan ang mga tao at nagsisigawan as if cheering the girl on Juvian's lap. Nagtatalon sila habang paulit-ulit na pagtsi-cheer sa dalawa.

Naikuyom ko ang kamao sa paulit-ulit na sigaw ng mga tao sa video. They are all chanting the word kiss at gustong-gusto kong sabunutan ang babaeng kahalikan ni Juvian.

Gusto kong ipangalandakan sa lahat ng nasa video na ako ang asawa ng taong iyon. Na ako ang mas may karapatan sa pag-angkin ng mga labi niya, na ako lang dapat ang nakakandong sa mga hita ni Juvian.

Imposibleng hindi nila alam na may asawa na si Juvian dahil nang malaman ng media na ang impormasyong ikinasal kami ay ilang araw na trending ang pangalan naming dalawa.

Halatang nasa bar sila sa video kaya tama nga talaga ang sinabi ng sekretarya ni Juvian sa 'kin. Pilit kong pinipigilang sumabog kaya kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi para doon mapunta ang atensyon ko.

Hindi ko pa man tapos ang video ay bigla na lang itong nawala. Nagtaka ako sa nangyari dahil lumipat sa ibang day ang pinapanood ko.

I search the girl's name on facebook na si Stephanie Rodrigez at agad kong nakita iyon. I click her account and I refreshed it dahil baka sa signal lang iyon pero matapos 'yon ay wala na akong makitang my day niya.

It was deleted!

Nagkalkal na lang ako ng mga pictures niya at wala naman akong nakitang picture nila ni Juvian. I logged out my dummy account nang wala na akong makita.

Parang kinukurot ang puso ko sa paulit-ulit na pangyayaring iyon sa isip ko. Mas lalo lang sumakit ang puso ko nang binuksan ko ang real account at in-stalk si Juvian pero wala akong makitang mga nakatag sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na naka-except ako sa mga post na iyon.

Wala sa sarili ni-log out ko ang account at pinatay ang data. I switched off my phone at iniwan 'yon sa bed side table. Ilang ulit kong pinikit ang mata at pumunta sa veranda para makalanghap ng sariwang hangin nang kumalma.

Bumaba na lang ulit ako nang maalala ang pagkaing hinanda ko kay Juvian. Nilabas ko iyon isa-isa sa ref at binalot para ibigay sa driver namin at kay Aileen.

"Naku, ma'am, sigurado po ba kayo?" naninimbang na wika ni Aileen sa akin habang inaabot ang paper bag na pinaglagyan ko.

I nodedd ang smiled to her. "Sa 'yo na 'yan, tiyak na matutuwa ang mga kapatid mo sa iuuwi mong 'yan."

I chuckled dahil excited na talaga ito. "Hala, ma'am! Maraming salamat talaga! Tiyak na masasarapan ang mga kapatid ko rito. Sobrang sarap pa naman nito!"

"Pakibigay na rin ito kay manong. P'wede na rin kayong mag-day off ngayon," dagdag ko pa sabay abot ng paper bag.

"Maraming salamat po, ma'am!" galak na ani Aileen sa akin. I smiled seing her happy.

Atleast nakain ang mga niluto ko, iyon nga lang, hindi kumain ang taong pinaghandaan ko nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top