CHAPTER 8

Chapter 8






"MA'AM, huwag po muna kayong lalabas, hindi pa po kayo magaling, ma'am," alalang ani Aileen sa 'kin habang dali-daling nakasunod sa bawat galaw ko.

I faced Aileen and smiled at her and held her right hand. "Aileen, okay na ako. I don't have a fever anymore at hindi na rin mabigat ang pakiramdam ko."

"Pero ma'am kasi—"

"Aileen, please? Parang mas lalo akong magkakasakit kapag nakakulong lang ako sa k'warto. Besides it's Juvian's birthday today, I want to cook his favorite food," ngiting saad ko.

I heard her sighed, a defeated one. "Basta po ay tutulungan po kita, ma'am, ha? Pagagalitan talaga ako ni sir kapag may nangyari po sa inyo," she said anxiously.

I gave her an assuring smile that I would not do anything that would trouble her. I walked towards the kitchen and Alyn was guiding me, afraid for something would happen to me.

Natawa ako sa ginagawa niyang ito, para naman akong imbalido sa paningin niya. For goodness sake's, nilagnat lang ako, hindi naaksidente o ano pa.

"Aileen kaya ko, okay? Huwag ka ng mag-alala, hmm? Ito na lang, kapag naramdaman kong sumasama ang pakiramdam ko, sasabihin ko agad sa 'yo. Okay ba 'yon?" Ngumiti ako sa kaniya nang makitang tumango ito kaya tuluyan na niya akong binitiwan sa braso.

Nilabas ko ang mga gagamitin sa pagluluto sa mga paboritong pagkain ni Juvian at tinulungan naman ako ni Aileen sa paghihiwa ng mga isasahog sa lulutuin.

Ilang oras ang ginugol ko sa pagluluto kasama ang isiping magugustuhan niya ang niluto ko. I accidentally cut my forefinger habang naghihiwa kanina ng manok.

Takot na takot si Aileen nang makitang dumudgo ang kamay ko at halos maiyak na sa kinatatayuan para lang mapigilan ang pagdurugo.

Imbes na ako 'yong mataranta sa sugat na dumurugo, siya pa 'yong parang halos mamatay na sa kaba at hindi mapakali. Sa huli, ako na lang ang gumamot sa sarili dahil nanginginig na si Aileen.

She was mumbling that Juvian will definitely fire her because of my wound. Pinakalma ko naman siya na hindi mangyayari iyon and assure her that she will stay here in our house.

She was scared of Juvian, I can see it. Simula noong tumapak ako sa bahay na 'to ay takot na takot siya sa kaniyang amo.

I onced asked her about it and she said that she don't want to loss her job because she have siblings that she need to feed. Takot siyang magkamali sa mga bilin ni Juvian dahil ayaw niyang mawalan ng isusustento sa pamilya niya.

Malaki-laki rin kasi ang pagpapasuweldo ni Juvian kumpara sa mga napagtrabahuhan na niyang mayaman.

I can see that Aileen was dedicated on her work. Hindi ko siya masisisi na ganito na lang ang takot niyang masisante. I smiled on Aileen and slightly tapped her shoulders.

"Okay na ako. Don't worry," I assured.

"Ako na lang po ang maghihiwa ng manok, ma'am. Tapos na po ito," agaran niyang sagot at kinuha ang kutsilyong hawak-hawak ko, takot na kung ano pa ang mangyari sa akin.

Hindi na ako pumalag pa sa kagustuhan niya at binigay na ng tuluyan sa kaniya ang trabaho. Hinanda ko na ang paglulutuan and Aileen was assissting me.

I really wanted to see how would Juvian taste my cooked foods. Sa isiping magugustuhan niya ang niluto ko ay napapatalon na agad sa puso ko.

Maggagabi na nang matapos ko lahat ng niluto ko. I cooked his favorite Italian food dahil alam kong masisiyahan si Juvian dito. Gusto kong makita ang pagiging magana niyang kumain.

Last time, habang nagpa-practice akong lutuin ito, nakita kong sarap na sarap si Juvian sa mga niluto ko noon kahit hindi pa gaanong kaperpekto.

I wanted to see that side of Juvian again kaya binalak kong ipagluto siya nito ngayong birthday niya. Wala rin naman akong maisip na gift sa kaniya dahil parang nasa kaniya na ang lahat ng bagay kaya naisipan ko na lang magluto nito.

I cooked all of this all my heart and love for him.

I cooked cheesy primavera chicken, capresse chicken lasagna and mozzarella-stuffed chicken parm. Just by seeing the food I cooked, something inside me was sceaming in happiness that I perfect it.

"Ang sarap talaga nito ng mga niluto mo, ma'am. Grabe! Para akong nasa restaurant! Ito talaga." Tinuro nito ang pagkain. "Itong mozzarella chuchunes ang paborito ko. Ang sarap-sarap! The best ka talaga, ma'am! Tiyak na matutuwa nito si Sir DM!" tuwang-tuwang ani Aileen  na ikinatawa ko.

"Paanong hindi sasarap, e, ilang ulit akong nabigo sa pagluluto nito. Trial and error din hanggang sa makuta ang tamang timpla at siyempre dahil na rin sa tulong mo," saad ko pa na ikinatawa naming dalawa.

"Naku, ma'am, hindi naman sasarap ang luto ko sa paghihiwa ko ng mga sahog. Ikaw ang may gawa ng lasa kaya sa 'yo dapat ang korona!" aniya na mas lalo kong ikinatawa dahil umakto itong pinapasa sa akin ang imahinasyong koronang suot niya.

Inayos ko na ang mga lagayan at in-arrange iyon sa mesa. Excited na akong umuwi si Juvian. I want to have dinner with him on his 31st birthday. I want to make this day memorable for him even I felt that he would not never loved me.

Bigla akong nalungkot sa isiping iyon. Will he be able to loved me? It had been three years but I'm always hoping that he will love me back the way I fall for him these past few years. I'm always hoping.

Pumunta na ako sa kuwarto para makapag-ayos ng sarili. Hindi na ako naglagay pa ng make up. Tinali ko lang buhok ko at kinulot ang dulo no'n. I chose a knee level simple light green sleveless dress.

As I stared my reflection on the mirror, I smiled when I saw how simple I am right now. Napatitig ako ng ilang minuto roon appreciating my beauty.

Nabaling ang tingin ko sa wall clock at halos mataranta ako nang makitang mag-a-alas otso na pala ng gabi. Ito 'yong oras ng uwi palagi ni Juvian kaya sigurado akong papunta na siya sa bahay.

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa living area para hintayin si Juvian dahil doon agad siya pumupunta kapag nakauwi na galing sa trabaho.

I patiently sat on the sofa waiting for him to arrived but one hour had passed and still no sign of Juvian arriving home. I waited him for another hour thinking that he finished all his works first before he go here but then, no Juvian coming. Mas lalo kong hinabaan ang pasensya at hinintay pa siya ng ilang oras.

Napatingala ako sa wall clock, mag-a-alas dose na ng hating gabi pero wala akong Juvian na nakikita. Matatapos na ang birthday niya na hindi man lang natikman ang mga niluto ko para sa kaniya.

Biglang nangiligid ang luha ko sa isiping hindi na talaga siya uuwi rito pero pilit kong pinapatatag ang sarili. Pinaniwala ko ang sarili na busy lang yata siya sa trabaho kaya hindi nakauwi.

Naglakad na ako papunta sa kitchen at isa-isang binalot at nilagay sa lagayan ang mga niluto. Nilagay ko iyon sa refrigerator at hinugasan ang mga pinaglagyan.

I let my tears dropped on my cheeks when I can't hold it any longer. Tahimik akong humagulgol at pilit na pinipigilang umiyak ng malakas kasabay ang ingay ng tubig mula sa gripo. Tinatakpan ng ingay no'n ang iilan kong hikbi.

Habang naghuhugas ng plato ay iyak ako nang iyak kaya hindi ko napansin na mahuhulog na ang platong hawak-hawak.

Huli na nang mapagtanto iyon at naglikha na ng malakas na pagkabasag ng pinggan. Sa pagkakataranta ay pinagkukuha ko ang mga nagkalat na parte ng nabasag na pinggan gamit ang kamay sa sahig.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na mga yabag patungo rito at alam kong si Aileen iyon. Bumungad ang nag-aalala nitong mukha sa bukana ng kusina at nanlaki ang mga mata matapos makita ang hawak na mga basag na piraso ng pinggan.

"Hala, ma'am! Ano po ang nangyari? Bakit hindi po ninyo ako ginising, ma'am? Ma'am huwag na po kayong dumampot ng mga basag na 'yan at baka masugatan ka pa po!" histeryang usal niya at nagtungo sa gilid ng pader kung saan naroon ang walis.

Mabilis niyang inalis ang mga basag na pinggan sa sahig at dahan-dahang pinabitiwan sa akin ang hawak na mga piraso.

"Ma'am, dumudugo po 'yong kamay ni'yo! Ma'am, naman, eh!" iyak pa niya.

"A-ayos lang a-ako, Aileen," basag na boses na sagot ko.

"Ma'am, hindi po iyan ayos ma'am! Hugasan po muna natin 'yan, ma'am." Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at hinugasan iyon.

The running water was cleaning the blood on my hands pero walang tigil pa rin ang paglabas ng dugo sa kamay kong iyon. Hindi ko man lang napansin na bumaan pala ang mga pirasong napulot ko sa kamay.

Parang namamanhid ang buo kong katawan at wala man lang maramdamang sakit dahil mas masakit pa ang katotohanang hindi umuwi si Juvian sa bahay.

Ginamot ni Aileen ang sugat at nilagyan ng bandage. Sinabi kong okay na ako dahil hindi talaga siya mapakali. Pumunta na ako sa kuwarto para magpahinga at siya naman ay hindi mapirme sa pag-aalala sa akin. Sa huli ay nakumbinsi ko rin siyang okay na talaga ako kaya napapunta ko na siya sa k'warto niya.

When I entered in my room, I sat on my bed while silently crying. Karamay ko ang unan sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayong araw. Ito ang nakasaksi sa lahat ng iyak ko gabi-gabi. Ito ang nagsilbing takbuhan ko sa mga malulungkot na araw ng buhay ko at kahit kailanman ay hindi ako iniwan.

Na saan si Juvian sa ganitong oras? Biglang sumagi sa isip ko na may kasama itong babae at may kasiping ngayong gabi. Tila pinipiga ng ilang kamay ang puso ko sa isiping iyon.

Kailan ako magtitiis sa ganito? Hanggang kailan ako aasa na may pag-asa? Kailan ko matatanggap na hindi talaga ako mamahalin ni Juvian? Ilang ulit nang pinagsasampal sa akin ng tadhana na hindi kami para sa isa't isa pero heto ako, pilit na nananatili, pilit na kumakapit, pilit na umiintindi, at pilit na nagmanhid-manhidan.

Araw-araw, pinapamukha ni Juvian sa akin na hindi ako kaibig-ibig. That I would not be his wife that he would loved so much, that I would always be his wife in a fucking document.

Dad, mom, I wished to have a relationship like you two had, but I think I can't experience that kind of love. I will never be. Me and Juvian was indeed bound by law but will never be bound for love. Tangina, napakasakit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top