CHAPTER 7
Chapter 7
PAGKATAPOS kumain at makaalis ni Juvian ay nagkulong ako sa kuwarto. Doon ko iniyak ang pag-asang nalusaw na lang bigla.
Ang assume-era ko naman kanina. Nakatatawa.
Of course, sino ka ba Ridaya? Isa ka lang hamak na babaeng hindi pagkakainteresan ni Juvian kahit kailan. Don't get your hope too high, Ridaya. Nakatatawa ka lang sa huli.
Nagmartsa na ako papasok sa banyo at hinilamusan ang mukha para mawala ang make up na nilagay.
Nagpalit na rin ako ng pantulog dahil balewala lang naman sa kaniya ang lahat ng iyon. Ni hindi nga niya ako sinulyapan kanina habang kumakain kami, pagtuon pa ba ng pansin sa suot ko?
Nagmukmok ako buong araw at hindi kumain ng pananghalian hanggang sa gumabi ay hindi ako lumabas. Panay na rin ang katok ni Aileen sa pinto pero pinagbingi-bingihan ko na lang.
Sa katunayan, biglang bumigat ang pakiramdam ko kanina mga bandang alas-tres ng hapon kaya hindi ko na nagawa pang tumayo.
Gusto ko na lang mahiga at matulog ngayon.
"Ma'am? Okay ka lang po ba, ma'am? Ma'am, andito na po si Sir DM, hinihintay ka po sa hapag. Ma'am Ridaya?"pakinig kong tawag sa akin ni Aileen.
Napamulat ako nang marinig na hinihintay ako ni Juvian sa dining area.
Ano'ng nangyari at hinihintay niya ako ngayon?
Hindi na ako nag-atubili pang tumayo kahit na parang may mabigat na kadenang nakapulupot sa katawan ko ngayon
Kinuhanan ko ng lakas ang isiping hinihintay niya ako sa baba.
Ang kaninang sama ng loob na dinadamdam ko sa kaniya ay bigla na lang nawala na parang bula at napalitan ng saya.
Nilabanan ko ang hilo at lamig na nadarama at binuksan ang pinto. Binati ako ng nag-aalalang titig ni Aileen kaya nginitian ko ito.
"Ma'am, bakit ka po hindi kunain kanina? Baka po nagugutom na kayo. Tara na po." Hinawakan ako nito sa braso at bigla siyang napatigil kaya napahinto rin ako sa paglalakad. "Ma'am, bakit po ang init n'yo? May lagnat po ba kayo?" hestirikal na usal niya. Ayaw ko sanang magpahawak pero huli na ang lahat. Tuluyan niya nang dinampi ang likod ng palad sa noo at leeg ko. Her eyes widened after she did that. "Hala, ma'am! May lagnat po kayo!"
Napailing ako. "No, I'm okay. Tara na sa asawa ko at baka naiinip na siya sa kahihintay sa 'kin."
"Ma'am, dito na lang po kaya kayo sa k'warto n'yo? Sasabihan ko na lang po si Sir DM na masama ang pakiramda—"
"Aileen, please?" mahinang pakiusap ko. "Ngayon lang niya ako hinintay na mag-dinner. Alam mo 'yon, right? He never eat dinner with me and this was the first time. I don't want to lose this oppurtunity."
"Ma'am kasi—"
"Aileen," I cut her off.
She heaved a sighed, a sign of defeat. "Tara na po. Basta po ay aalalayan ko po kayo, ma'am, ha?" she assured.
I smiled on her and nodded. Inilalayan nga ako nitong maglakad hanggang sa marating ang hapag.
I'm feeling dizzy but I managed to walked straight. Pasama rin nang pasama ang pakiramdam ko nang tumayo ako pero hindi ko pinahalata kay Aileen.
Gusto kong makasabay si Juvian kumain ng dinner at kapag hindi ko nagawa 'to ngayon ay baka hindi na maulit pa. Kailangan ko munang indahin ang nararamdaman pansamantala.
Juvian was sitting comfortable on the chair and patiently waiting for me when I saw him. Gustong tumalon ng puso ko sa tanawing iyon.
Walang kupas pa rin ang kaguwapuhang taglay nito kahit na kagagaling pa lang sa trabaho. Kung ang iba ay nanlalata matapos ang nakapapagod na trabaho, siya naman ay hindi makikitaan ng ganoon.
He was insanely handsome after office works.
Naupo na ako at nginitian si Juvian nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Sanay na ako sa pagbati niya sa 'kin ng seryosong tingin pero parang naiiba yata ito ngayon kaya napakagat ako sa pang-ibabang labi.
"Why you didn't eat your lunch? Bakit mo ginugutom ang sarili mo?" umpisa nito at mas lalo oa akong napakagat sa pang-ibabang labi.
Goodness! Was this all true? He's concern at me? Ngayon, hindi na talaga ako nag-a-assume dahil kahit ni Aileen ay nagulat din sa inasta ni Juvian ngayon at napatitig sa akin.
"Ano. . . wala lang kasi akong g-gana kanina," I said.
Totoo naman kasi kahit papaano ang sinabi ko, kaya hindi ako nagsisinungaling sa harap niya. Totoong wala talaga akong gana kanina sa sama ng loob.
Mas lalo kong nakagat ang pang-ibabang labi nang siya ang kumuha ng kanin at nilagay sa plato ko. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya at gusto nang umiyak pero pinigilan ko.
After being married, he never showed this kind of treatment on me. Never niya akong kinuha ng kanin at ulam tuwing kumakain kaming dalawa.
"This was your favorite, right?" patungkol nito sa spicy buffalo wings.
I nodded in response. Pati 'to ay alam niya rin?
I didn't imagined Juvian will remember my favorites. Knowing him, he doesn't care on me and didn't even give a damn for everthing I like this past years. Nakakagulat itong pinapakita niya ngayon at. . . nakakakilig!
"You're not going to eat?" puna nito na ikinatigil nang pagkakatulala ko sa kaniya.
Mabilis akong sumubo ng pagkain at unang tikim ko pa lang ay wala akong lasang malasap. Spicy buffalo wings is my favorite but I can't taste it right now.
Kumain na rin si Juvian at tanging mga kalansing lang ng kutsara't tinidor sa plato ang naririnig ko.
Tiniis ko ang pagkaing walang lasa at inubos ang nilagay na kanin ni Juvian. I don't want him to feel that I didn't appreciate what he did to me that's why I need to finish my food. I act like I enjoyed the food in front of him but in reality, wala akong malasahan, hindi ako nag-i-enjoy.
After I eat, para akong nasusuka pero pinigilan ko. Uminom ako ng tubig kaya medyo nawala iyon. Parang hindi ko kayang tumayo kaya nanatili ako sa upuan ng ilang minuto.
Binalingan ako ng tingin ni Juvian kaya napatayo ako at ngumiti sa kaniya. Pilit kong tinatago ang hilo na nararamdaman dulot ng biglaang pagtayo.
Lumapit ako at hinalikan ito sa pisngi 'gaya ng ginawa ko palagi. "Mag-ingat ka papunta sa trabaho, hon," I sweetly said.
Napansin ko ang pagkunot ng noo nito at tiim na tinitigan ako matapos na humalik sa pisngi nito. Nakita ko pang iaangat sana nito ang kamay pero pinigilan niya na lang at nilagay sa bulsa ng pantalon.
He have a deep sighed. I waited for him to say something to me but later on he averted his gazed and walked away without saying anything.
I can't explain what he was thinking when our eyes locked. Parang ang daming tinatago at mahirap pasukin kung gustuhin ko man. Iyan na rin ang dahilan kung bakit nahihirapan akong alamin kung ano ang nararamdaman niya. Ay patuoy na umaasa na sana ay magbago na siya.
Nang makitang tuluyan na siyang nakalabas sa bahay ay roon ako nawalan ng balanse dahil sa pag-ikot ng paligid. I don't know what happened to me after that because darkness invaded my system.
○••○••○••○
NAGISING ako sa pamilyar na paligid kaya hindi ako nagkakamaling kuwarto ko ito dahil na rin sa painting na nasa ceiling. It was an angel flying at the blue sky.
Nawala ang atensyon ko roon at bumungad sa akin ang kapapasok pa lang na si Alyn na may dalang tray.
Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa pagkatataranta. Muntik niya pang mabitiwan ang dala dahil sa akin.
Pilit akong bumangon at napadaing sa naramdamang kirot sa gilid ng ulo. Mas lalong nataranta si Aileen sa ginawa ko at parang hangin sa bilis kung lumapit sa 'kin.
"Ma'am, naku, huwag po muna kayong bumangon, ma'am! Hala naman, ma'am!" hesterikal na aniya at nilagay ang tray na dala sa bed side table.
Pilit niya akong pinigilan pero hindi ako nagpatinag.
"Ma'am, huwag matigas ang ulo. Baka dumugo 'yang sugat sa ulo ni'yo," tila naiiyak na aniya. "Mapapagalitan ako nito ni Sir DM, e."
I touched my head at mayroon ngang may nakalagay roon. "Bakit may sugat ako rito?" I asked confused.
Pinilit kong alalahanin kung saan ko ba ito nakuha pero wala aking mahitang sagot.
"Nahimatay po kasi kayo kanina, ma'am. Doon po kayo saktong tumama sa lagayan ng mga plorera. Naku! Nasa kusina po kasi ako at naghuhugas, bigla ko na lang narinig na may nabasag kaya dali-dali akong lumabas para alamin kung ano 'yon," kuwento niya.
"Did. . . Juvian know this?" nagbabakasakali kong sagot.
"Opo, ma'am. Mabuti na lang po at natanaw ko pa siya sa labas na papasok sa kotse niya kaya tinawag ko." Bigla akong kinilig sa isiping tumakbo siya papunta sa akin pero agad na nawala 'yon ng magsalita si Aileen. "Iyon nga lang po, pagkatapos niyang tawagan ang doctor, agad siyang umalis, ma'am."
"Ah. . ." iyon na lang ang naging komento ko.
I'm disappointed. Akala ko pa naman ay mag-aalala siya sa akin at siya ang mag-aalaga. Iyon naman pala ay sa iba niya ako ipapaalaga. Mas importante pa rin sa kaniya ang kumpaniya kaysa na aking asawa niya. Tila may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko sa pangyayaring iyon kaya nanahimik na lang ako.
"Ah, ma'am, kain na po muna kayo at saka uminon kayo ng gamot para bumaba ang lagnat ni'yo."
I weakly nodded to Aileen. Pinagmasdan ko siyang ilagay ang soup sa isang bowl at akma sanang isusubo sa akin pero sinenyasan kong kaya ko.
"Dahan-dahan lang po, ma'am, mainit pa iyan."
Tahimik kong inubos ang soup habang naglalayag ang isipan ko sa katotohanang wala talagang pakialam si Juvian kahit na ano pa ang mangyari sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top