CHAPTER 6
Chapter 6
IT have been 3 years of being a wife of Juvian Demetrius Soliven and I am completely fallen without him doing anything.
Ewan ko nga ba bakit ko minahal ang lalaking iyon. Maski ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.
Day by day, para siyang gumaguwapo sa paningin ko. Para lang akong highschool student na kinikilig kapag tinititigan siya. Hindi na ako mapakali kapag wala siya sa bahay tuwing gabi at nasasaktan na ako sa mga nababalitaan kong ginagawa niya.
He have one rule in this house, huwag siyang pakialaman sa mga ginagawa niya at hindi niya rin ako pakikialaman. Pero minsan sobra naman yata ang ginagawa niya. Ako pa rin naman ang asawa niya kahit na sa batas lang.
I know, wala akong karapatang magreklamo dahil unang-una pa lang ay pinaliwanag na niya iyon. I'm just his wife in law—his wife in papers.
Alam kong tungkol lang naman ang kasal namin sa negosyo pero umaasa ako na mamahalin niya ako katulad nang pagkatuto kong mahalin siya. Pero sabi nga nila, masakit umasa.
Over the years, I didn't saw any progress between us. Kahit sana ilang porsyento lang ay sobrang saya ko na pero hindi, e. Mas lalo lang siyang naging cold kapag kami-kami lang pero sobrang sweet kapag nasa harap ng madla o ni dad. Paulit-ulit lang iyon at paulit-ulit rin akong nasasaktan.
Gusto ko man sabihin ito kay dad pero alam kong mag-aalala lang siya sa 'kin. I don't want to be a burden to him anymore. Hindi ko kayang mag-alala siya sa sitwasyon ko ngayon kaya I can endure all of this, titiisin ko.
All he knew was I'm living my life with happiness. Na hitik sa pagmamahal ang samahan namin ni Juvian. Nakatatawa nga pero walang kahirap-hirap man lang sa akin ang magsinungaling sa harap niya. I felt guilty for this but I have no choice.
Napatitig ulit ako sa phone ko. Alas-onse na ng gabi pero wala pa rin si Juvian sa bahay. I can't help but to be worried.
Na saan na ba siya? Okay lang kaya siya?
Akma na sana akong lalabas sa kusina nang may marinig na mga yapak papasok sa bahay. Lalabas na sana ako dahil alam kong si Juvian iyon pero natigil iyon nang marinig ang isang hagikhik ng babae.
Tila may tumarak na isang libong kutsilyo sa dibdib ko habang palapit na palapit iyon sa direksyon ko. Napatago ako sa ilalim ng mesa at siniksik ang sarili sa gitna no'n. Maiigi kong kinubli ang presensya para hindi nila ako mapansin.
Alam kong hindi ako makikita rito dahil hindi nakabukas ang ilaw sa kusina at tanging sa sala lang ang may nakabukas na ilaw, dim pa.
"Silly, DM. You know I like you, right?" malanding ani ng babae at tumawa pa kunwari.
"Angela—"
"I'm not Angela, it's Bea," pakinig kong pagtatama ng babae kay Juvian.
Naaninaw ko ang mga paa nila na tumigil sa tapat ng kusina kaya napatakip ako sa bibig. I know it was Juvian's shoes dahil iyon ang hinanda kong susuotin niya kanina papunta sa trabaho. Ang kasama nito ay nakapumps at nati-tempt akong silipin kung sino ang nagmamay-ari no'n.
"After this night, siguraduhin mong gagawin mo ang sinabi mo," ani Juvian.
"Of course. Hindi ako kahit kailanman umaastras sa usapan."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang marinig ang hindi inaasahang tunog pagkatapos ng salitang iyon. Nanlaki ang mata ko nang mas lalo silang lumapit dito at tuluyan nang pumasok sa kusina.
I covered my mouth using my hands in order not to create a sound. Habang naririnig ang mga daing at ungol ng babae at palalim naman nang palalim ang pagtarak ng kutsilyo sa dibdib ko.
Hindi na bago ito pero napakasakit pa rin talaga. Juvian can do this thing pero sana huwag naman sa bahay na ito at iparinig sa akin. He was torturing me with this kind of pain at hindi ko alam kung sinasadya niya ba talaga o wala talaga siyang pakialam kahit kailan sa asawa niya.
"Hmm. . . DM. . ." ungol ng babae niya.
Rinig na rinig ko ang tunog nang marahas na halikan nilang dalawa. Napatakip ako sa bibig nang mas mag-ingay ang babae. Gusto kong takpan ang tainga pero hindi ko magawa dahil baka umalpas ang hagulgol na pinipigilan ko.
Nagtuluan ang mga luha ko sa naririnig.
Gusto kong lumabas at sabunutan ang babae sa kalandian niya pero alam kong magagalit ng sobra si Juvian sa akin kapag ginawa ko iyon, kaya pinili kong manahimik sa kinalalagyan habang patuloy na umiiyak.
Bakakabingi ang halikang ginagawa nila. I'm so angry and heartbroken at the same time but the only thing I can do is to cry and keep this feeling inside my chest.
Nang matapos nila ay narinig ko ang pag-akyat nilang dalawa sa itaas. Doon na ako napalabas sa pinagtataguan at napasalampak sa sahig habang humahagulgol.
Sobra na.
Kung hanap man lang ni Juvian ay parausan, andito naman ako. Kaya kong ibigay ang pangangailangan niya! I can do all of it, I can satisfy him on bed even I don't have any experience on it. Kaya ko naman pag-aralan na maging magaling sa kama basta huwag lang siyang humanap ng iba.
Ilang oras akong umiyak doon at nang mahimasmasan ay minabuti ko nang pumunta sa k'warto nang tahimik. Nang makapasok ako sa kuwarto ay doon ako naupo sa bean bag na nasa veranda.
I looked up to the clear sky that made me calm for a while. Ang nag-uumapaw kong nararamdaman kanina ay unti-unting nawawala sa pamamagitan ng mga bituing nagniningning sa kalangitan.
Hindi ko napansin na nakatulugan ko ang posisyong iyon sa mahamog na gabi. Nagising lang ako sa maliwanag na paligid at napansin kong may kumot na ang katawan ko.
My forehead knotted remembering if I have this before I go to sleep. But it was not. Wala akong dala nang makatulugan ko ang posisyong ito kagabi.
Juvian's face flashed in my mind and assume it was him who put it on me. My heart beat race for an instant having the thought that he got on my room and checked me.
Sumilay rin ang isang ngiti sa labi ko sa kaalamang nag-effort pa talaga siya para kumutan ako rito.
Kung ganito naman pala ang kapalit ng sakit kagabi, aaraw-arawin ko na lang. Napakasarap sa pakiramdam na may kaunti na rin siyang nararamdaman sa akin.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili at sinuot ang pinakamagandang damit na mayroon ako sa closet ko.
I picked the white sleeveless chiffon dress that was above the knee. I put a concealer to hide my eyebags and have a light make up for me to look fresh.
Ayaw ko namang makita ako ni Juvian na haggard ngayong araw. Baka biglang mawala ang nagsisimula niyang damdamin para sa 'kin kapag nakita niya akong miserable. Nag-spray rin ako ng perfume and I was done.
I excitedly got out my room and go to the dining area. Naroon na si Aileen, naghahanda ng kakainin namin at pansin kong wala pa roon si Juvian sa puwesto niya. Siguro ay nag-aayos pa.
Inabot ko ang pinggang nilalatag ni Aileen at ngumiti sa kaniya. "Ako na."
"Naku, ma'am, ako na po. Baka pagalitan po ako ni Sir DM kapag pinagtrabaho po kita," takot na anito.
Mas lalo akong napangiti sa narinig. Ayaw niya bang napapagod ako kaya niya pinagsabihan si Aileen?
Biglang akong kinilig sa isiping iyon.
Hinayaan ko na lang na tapusin ni Aileen ang ginagawa. Nakangiti lang ako sa kaniya the whole time at ilang ulit niya akong tinitigan. Nagtataka yata sa inaasta ko ngayong araw.
"Ma'am kung hindi n'yo po mamasamain, bakit parang hindi yata makuha ang ngiti ni'yo ngayon? Good mood yata kayo, ma'am, ah?" puna ni Alyn, tunog nang-aasar.
Through the years, we became close. Aileen was 3 years older than me at tatawagin ko sanang ate pero ayaw niya.
Tunog matanda raw kaya pangalan niya na lang ang tinawag ko para raw magkasing edad kami kunawari.
She was nice to me, a companion I was always running into whenever I was in pain. Siya ang naging kaibigan at katuwang ko sa lahat. Ang nagpapalakas palagi ng loob ko sa araw-araw kapag may nakikita at may inuuwing babae si Juvian sa bahay namin.
She knew my situation kaya mga pagpapagaan sa loob ang mga sinasabi niya sa akin. Para naman kahit papaano ay maging okay ako. I really appreciate what Aileen was doing.
"Wala, maganda lang talaga ang gising ko," sagot ko at hindi na lang binanggit ang kumot na nilagay ni Juvian sa akin kanina.
Kinuha ko na ang kanin at akmang ilalagay sa gitna nang magsalita si Aileen na nagpatigil sa kamay ko, "Ma'am, hindi naman po ba masama ang pakiramdam mo?"
"Ha? Hindi naman. Why?"
"Ah. . . ano. . . kasi ma'am, nadatnan kita kanina na nasa l-labas ng veranda ng k'warto mo na natutulog. Mahamog po kasi kaya ayun, kinumutan po kita," 'di inaasahang sagot niya kaya napatulala ako at nawala sa isip ko na may hawak pala akong lagayan ng kanin.
Naglikha iyon ng ingay sa dining area na naging dahilan para mataranta si Aileen, kaya kinuha nito ang lagayan ng kanin sa kamay ko.
"Hala, ma'am, okay lang po ba kayo?" alala niyang usal.
Marahan akong napatango. "Ah. . . oo. Nadulas lang sa kamay ko ang lagayan," I lied.
Pilit kong pinigilan ang luha para huwag mapansin ni Aileen.
Sa araw na 'to, ramdam ko na wala pa ring progreso, na wala pa rin ang hinihiling ko, na lahat ng mga iyon ay pag-a-assume lang pala.
Ang kaunting pag-asa na kanina ay sumibol sa puso ko ay unti-unting nalusaw na parang isang gulong na sinabuyan ng asido. Natutunaw. Nawala na lang bigla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top