CHAPTER 25

Chapter 25





NANG makabalik si Juvian sa loob ng kwarto ni Daneil ay hindi ko na tinangkang bigyan siya ng pansin.

Umidlip ako sandali habang nakapatong ang ulo sa kama ni Daneil.

"Mom."

Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon sa gitna ng kadiliman.

"Mom."

Daneil?

It's Daneil's voice, I'm sure of it.
Naglakad ako sa madilim na paligid at pilit na sinusundan kung na saan ang boses ni Daneil.

Gusto ko siyang tawagin pero walang lumalabas na boses. Taranta akong napahawak sa leeg ko at pilit na gumawa ng tunog pero nabigo lang ako.

Bakit wala akong boses?

"Mom."

"Anak!" sigaw ko sa isipan.

Napamulat ako bigla at napahawak sa leeg. Nangangamba na tuluyang nawala ang boses ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko na naging dahilan para mas bumilis din ang paghinga ko.

My gazed fixed to Daneil who's lying on the bed. Nangungusap na matang tinitigan ko ito ay inabot ang kamay.

"Kailan ka gigising, anak? Mom is lonely to see you like this," kausap ko sa kaniya.

Mabigat akong napabuntonghininga. Doon ko lang napansin na wala pala si Juvian dito.

Nangasim agad ang mukha ko nang maalala ang katawagan niyang Irene kanina.

Maganda ba 'yon at may number siya ng asawa ko?! Ako nga na asawa niya, e, walang numero niya! Tsk!

My phone rang at kamuntikan na akong mapatalon sa gulat. Hinanap ko kung nasaan iyon ay natagpuan na nakasiksik sa sofa.

I smiled when I see who's calling by now. It's Dexter.

"Hello, Dexter!" masayang bungad ko. I heard him chuckled on the other line.

I missed him.

"Mukhang miss na miss mo ako, Aya ah? Baka magselos 'yang asawa mo at bugbugin ako, ah," biro niya.

I felt about it and feeling sorry for him. Malaki ang atraso ni Juvian sa kaniya. My poor Dexter.

"Buang ka! Wala di siya, siya karun saputihun ko!"

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. "Ano. . . kumusta? Ay! May sasabihin pala ako."

"Ano 'yon? Mag-aasawa ka na ba?"

"Hindi!" kunwa'y singhal niya habang natatawa. "Nakakita na ako ng trabaho, Aya!"

"Talaga?! Nakakatuwa naman. Mabuti iyon, Dex. Kumusta 'yong nanay mo?"

"Ayun, bumubuti na siya. Nakakatayo na nga pero hindi nga lang katagalan."

"Mas mabuti na lang iyon kaysa sa wala, hindi ba? Masaya akong mabalitaan iyan, Dex. Ikaw? Kumusta ka na? Baka pinapabayaan mo 'yong sarili mo at magkasakit ka, ah! Naku, bumili ka ng vitamins para may laban 'yong resistensya mo." Nangunot ang noo ko nang marinig ang pagak nitong tawa sa kabilang linya.

Confused, I was able to get my phone on my ear and stared on the screen. Agad ko itong binalik sa tainga.

"Anong tinatawa mo? Nakadroga ka?"

"Sobra ka pa sa isang ina, Aya. Okay lang ako, ano ka ba? Hindi ko pinapabayaan ang sarili. Malakas pa ako sa kalabaw."

"Che!"

"Maiba ako, kumusta si Daniel?"

"Ganoon pa rin," malungkot na pahayag ko.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Aya, nararamdaman kong magiging okay na si Daneil. P'wede bang pakausap ako sa kaniya?"

Napatango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Sige, ilalagay ko na sa tainga ng anak ko 'to, ha."

Dahan-dahan kong nilagay sa tainga ng anak ko ang cellphone. Hindi iyon naka-loud speaker pero rinig ko kahit papaano ang boses ni Dexter sa kabilang linya dulot ng katahimikan dito.

"Uy, Dan, kumusta ka na? Ano? Tutulog ka na lang diyan? Alam kong umiiyak palagi ang mommy mo, gumising ka na para tumahan na siya. Alam mo? Marami akong chicks dito, gusto padalhan kita?" Dexter laugh at him.

Napailing din ako sa mga pinagsasabi ng kaibigan kong iyon. Marahan kong hinaplos ang mga daliri ni Daneil habang nakikinig sa mga kwento ni Dexter.

"Alam mo si Karmen? Naku! Palagi akong kinukulit kung na saan ka na raw ba, kung babalik ka raw ba rito sa Iloilo. Inlove na inlove ata sa 'yo ang bulinggit na iyon. Noong sinabi kong hindi ka na babalik dito, iniyakan ako ng isang oras, oo! Ambot na lang!"

Napahagikhik ako nang maalala si Karmen. Nakaka-miss ang ingay at hagikhik ng batang iyon.

I stopped when I noticed Daneil's finger. It moved!

Dumagundong  ang dibdib ko sa mumunting akyson ng kamay niyang iyon kahit panandalian lamang.

Tinampal ko ang pisngi at baka namamalikmata lang ako ngunit sa ikalawang pagkakataon ay gumalaw ang hintuturo nito.

Oh, God! Is this a good sign?

Napatakip ako sa bibig at napaluha. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa tainga nito.

"Dexter! Si Daneil! Si Daneil!" napaiyak ako.

"Anong nangyari, Aya?" tarantang anito.

"Gumalaw ang daliri nito, Dex! Gumalaw! Oh my god!"

"Talaga?!"

Ramdam ko rin ang saya ni Dexter sa kabilang linya. Napakapit ako sa kamay ng anak ko. Sana ay tuloy-tuloy na ito. Sana ay gumising na siya.

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Dexter ng aasikasuhin na niya ang nanay niya. Dahil sa sayang nararamdaman ko ay hindi ako umalis sa tabi ng anak ko. Nagbabakasakali na ang susunod na gagalawin nito ay ang talukap ng kaniyang mata.

However, time have passed but I'm not able to see it again. Bigo mang makita muli ang mumunting galaw ng daliri niya ay tila nagtatalon sa tuwa ang loob ko.

I can feel it, Daniel will soon wake up!

Tinawagan ko si Aileen na siya muna ang magbantay kay Daneil at uuwi ako. Matapos ang ilang minuto ay nakarinig ako ng katok at niluwa no'n si Aileen. 

"Ma'am, magandang gabi po," bati niya.

I smiled bago tumayo. "Ikaw na muna ang bahala kay Daneil dito. Call me if anything happens. Uuwi muna ako at may kukunin akong mga gamit sa bahay."

Aileen nodded in response kaya kinuha ko na ang wallet at cellphone saka lumabas ng hospital.

"You're going home?" anang isang hindi pamilyar na boses sa likuran ko.

Napalingon ako para alamin kung sino iyon at bumungad sa 'kin ang isang doctor. Pinanood ko itong kunin ang mask na nakalagay sa mukha niya at ngumiti ito sa akin.

My forehead knotted at luminhon sa paligid sa pag-aakalang may kausap na iba bukod sa 'kin.

I heard him chuckled. "I'm talking to you."

He's handsome, I can't deny that. Kahit gabi ay pansinin ang maputi nitong balat. Plus the features of his face like a greek god.

I think he's around my age. Nakita ko na rin ito sa hospital na ito noong may sinusugod na pasyente sa ER.

"Uh. . . you know me?" alinlangan kong tanong.

"Not really but I can always see you here."

"Ah. Ridaya," pakilala ko at ngumiti sabay lahad ng kamay.

Pansin ko ang pagnganga nito ngunit agad namang nakabawi. "Caldrene, I'm Doc Caldrene." Kinuha nito ang kamay oong nakalahad at ramdam ko ang malambot na kamay nito.

I smiled on him. Pareho sila ng katawan ni Juvian, iyong nga lang ay mas lamang si Doc Caldrene sa kaputian at kagwapuhang taglay. Gwapo rin naman si Juvian pero mas gwapo iyong kaharap ko ngayong doctor.

Hanggang dibdib lang din ako ng doctor na ito. Ang taas niya!

I wonder what's the feeling of being embraced by him and caged on his chest.

Napailing ako sa sariling ideya sa isip. Stop it, Ridaya.

We talked for a minute, a friendly conversation. Magaling itong magdala ng usapan at alam magbiro. Tuloy ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.

I looked at my watch, it's already 8 in the evening and I need to go home.

"Ano. . . mauuna na muna akong umuwi, maggagabi na."

Napatango si Doc Caldrene. "Kung hindi mo mamasamain, can I asked you to have coffee if you have time?"

Napatigil ako sa sinabi nito. Siguro wala namang masama roon. "Sure. Oh siya, mauuna na talaga ako. Next time ulit. It's nice to know you."

"You too. Take care, Ridaya." Ngumiti siya at nagpaalam kaya tumalikod na ako at pumara ng taxi.


☆○●○●○☆

TAHIMIK ang buong bahay namin ni Juvian at nakapatay ang mga ilaw. Dahan-dahan akong naglakad papasok at baka makabangga ako ng mga muwebles.

Doon ko napagtanto na may cellphone pala ako at pwede ko namang i-on ang flashlight no'n para hindi ako mahirapan sa dilim.

Nang ma-on ko ang flashlight ay halos mapatalon ako sa bumungad sa 'kin. "Oh my god!" sigaw ko at napatakip sa bibig.

Dumagundong ang dibdib ko at halos takasan ng kaluluwa ang katawan. Akala ko ay ibang tao at nang maaninaw ko ng maayos ay si Juvian pala iyon.

Nakaupo iyon sa sahig at nakasandal sa sofa na may hawak na bote ng alak. Wala itong pantaas at nakapikit.

Dali-dali akong nagpunta sa switch ng ilaw at binuksan iyon. Doon lamang lumiwanag ang buong bahay at lumantad ang nagkakalatang bote ng alak sa living room.

"Juvian!" nag-aalalang tawag ko at hinawakan siya sa pisngi. Mahina ko itong tinapik para gisingin siya at nagtagumpay naman ako.

"Hmm," he groaned as he opened his eyes. His bloodshot eyes stared at me at parang kinikilala kung sino ang nasa harapan niya. He smiled when he finally recognize me. "W-wife. . ." lasing na aniya na nagpakabog sa dibdib ko.

His words was full of longing and sadness na nagpabuhay sa kung ano mang damdamin na pilit kong tinatago sa kaniya nang makabalik kami sa puder niya.

***
A/N: Hello, everyone. Thank you so much for reading JHWIL. Hoping that you can recommend this story to your friends. Thank you so much for the support! <3. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top