CHAPTER 24
Chapter 24
"DOC! Save my son please! Please!" Pumalahaw ako sa iyak nang makitang flat line pa rin si Daneil.
Napaupo ako sa sa sahig at pilit na pinagmamasdan ang katawan ng anak kong pilit na binibuhay ng mga doctor.
Hindi ako makahinga ng maayos sa tanawing iyon at bigla na lang binalot ng kadiliman amg buo kong paligid.
"Daniel!" Napaupo ako at binalingan ang nanginginig na kamay. Nilibot ko ang paningin at nasa loob pa ako ng private room ng anak ko.
I finally realized that it was all a dream. Doon ko rin napansin ang basang pisngi.
Mabilis akong napababa sa sofa at tinungo ang kama ng anak ko para akamin kung totoo ba iyon.
"Anak? Wake up, please," I pleaded but still no response from him.
Nanatili akong nakahawak sa kamay ni Daneil habang binabalikan ang masamang panaginip na iyon.
Napahikbi ako dahil hindi ko na alam ang gagawin kapag nawala siya sa piling ko. I can't take it if he leaves me like this.
When I calmed down a bit, I decided to take a shower para mas lalong mahimasmasan sa bangungot na iyon.
Hinanap ko ang towel at pamalit na damit. Doon ko rin napansin na huling pares na ng damit itong susuotin ko ngayon.
Maybe I should ask Juvian to drive me home later.
Nang pumasok na sa cr ay halos manginig ako ng lumapat sa balat ko ang malamig na tubig. Napapikit ako ng mariin at napabuga ng hininga.
Shit! Ang lamig!
Binilisan ko ang ginagawa dahil parang may yelo itong tubig ngayon. Nang mapansin kong wala pala rito ang tuwalya ko at nasa labas, malapit sa pinto ay agad akong naglakad papunta roon.
I'm busy taking my step slowly dahil baka isang mali lang ay sumalampak ako sa malamig na sahig nang biglang bumukas ang pinto ng cr.
My eyes widened at agad na inalam kung sino ang gumawa no'n. To my surprise, it's Juvian—gulat na gulat din na nasa loob ako nitong banyo.
I stiffened. Tila pinako bigla ang mga paa ko at hindi magalaw ang buong katawan sa gulat na tinginan naming dalawa.
I noticed his eyes scanning my nakedness. He even swallowed when his eyes reach my thighs.
Ako lang ba, o sadyang gawa-gawa lamang ng isip ko na namumula ang mukha ni Juvian sa nakikita as if this is his frist time seing a naked body.
"I'm s-sorry," he stutered.
Doon ako nahimasmasan sa nangyayayri at pilit na tinakpan ang kahubuan.
"A-anong ginagawa m-o rito?! Can't y-you knock at the door before entering?" pagsusungit ko.
Before I can hear an answer, I heard the door closed. Dali-dali kong kinuha ang towel at nagbihis ng isang tshirt at maong shorts.
When I got out the comfort room, nadatnan kong nilalatag ni Juvian sa maliit na table ang pagkain namin.
Naramdaman niya yata akong tapos na kaya binalingan agad ako nito ng tingin.
"I cooked foods for you. Eat and don't stave yourself, Ridaya."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa inaasta nito mula nang makabalik kami rito sa Maynila.
He's cold but not like were he used to be. I can see him smiling at malambing ang tono ng pananalita.
I don't want to make things up but as if he's saying sorry to me through his action. Baliw na yata ako at iba na ang naiisip ng utak ko.
Stop it, Ridaya will you?
Pinagmasdan ko siyang ilagay ang kutsara't tinidor sa bawat plato namin. Nilagyan niya rin ng kanin at ulam ang pinggan ko.
Lahat ng ginagawa niya ay nakasubaybay lamang ako at tahimik na kinukurot ang sarili sa ilalim ng mesa. Parang wala lang kahihiyang nangyari kanina sa banyo.
"Eat," he commanded but with a soft voice.
Tila binuhay no'n ang tinatago kong kilig. Namula ako at mas lalong nangamatis ang mukha ng maalala ang pangyayari kanina sa habang naliligo ako.
Tuloy-tuloy ang kain ko ng adobong manok na niluto nito. Nagtatalo ang anghang nito ay tamis kaya sobrang sarap.
Nasa huling subo na ako nang mapagtantong hindi pa ginagalaw ni Juvian ang pagkain nito sa plato. Nang mabalingan ko ng tingin ay nahuli kong mataman itong nakatitig sa 'kin, tila aliw na aliw.
Bigla akong nabilaukan at napaubo sa harap niya kaya nagtalsikan ang mga kaning nasa bibig ko.
Oh my god!
Pilit kong pinigilan ang ubo gamit ang kamay ngunit hinaklit ni Juvian iyon.
"Don't force yourself to stop, mas lalo ka lang mauubo," aniya at kinuha ako ng tubig. "Here."
Agad kong tinanggap iyon at dahan-dahang ininom ang tubig. Nang mahimasmasan ay lalong hindi ako makatingin sa kaniya sa sobrang kahihiyan.
Ang kalat ko talaga! Maraming kaning naglaglagan sa sahig at nagkalat sa mesa. May mga kaning dumikit din sa buhok ni Juvian at sa puting polo nito.
Nakakahiya!
Napalunok ako at kagat-labing napayuko sa kaniya. Dinalahik ng kaba ang buo kong sistema dahil akam ko na sa anumang oras ay magsisisgaw ito at magaglit.
"S-sorry. . . h-hindi ko sinasadya na—"
"It's okay. Let's eat." Binaliwala nito ang mga kaning nakasabit sa buhok niya at nagsimulang kumain.
Mas lalong napaangat ang tingin ko at pinagmasdan si Juvian.
He's different, totally. Nakakalula ang pagbabago niyang ito. Hindi ako sanay. I felt. . . like he's playing with me. Ewan ko ba.
Tahimik kong pinagmasdan ang pagkain niya dahil tapos na ako sa kinakain ko. Napansin kong wala ng laman ang baso nito kaya dahan-dahan kong kinuha ang pitsel at pinaglagyan siya ng tubig. Dahil malayo sa akin ay tumayo pa ako para maabot iyon.
Juvian stop from eating and look into my eyes. "Thanks," malambing na aniya at ngumiti.
Ilang beses akong napakurap sa tanawing iyon. Dumungaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin sa 'kin na nagpahina sa tuhod ko.
Kamuntikan ko pang mabitiwan ang pitsel at halos hindi mapakali sa kinatatayuan. I put the pitcher back where it was.
Ramdam na ramdam ko ang bawat bayo ng puso ko sa simpleng ngiting iginawad ni Juvian sa 'kin. Ramdam ko na rin ang pag-iinit mg mukha ko dahil doon.
"Uh. . . toothbrush lang ako." Mabilis akong nagtungo sa cr at nang makapasok ay agad kong kinaltukan ang sarili.
Bakit ko pa sinabi 'yon? It's embarassing! Really, Ridaya? What are you? A teenager?
Mahina akong napapadyak sa ginawa. It's unnecessary!
Ginawa ko na lang ang dahilan kong pagto-toothbrush. Nang makalabas ay nililigpit na ni Juvian ang pinagkainan namin.
Ang tangi ko na lang ginawa ay maupo sa tabi ni Daneil at pinagmasdan ito 'gaya ng dati. Ngunit hindi pa rin ako mapakali at gustong titigan din si Juvian.
Kahit umalis kami noon ni Daneil ay hindi ko pa ring magawang kamuhian si Juvian dahil sa ginawa nito.
Pilit ko mang kumbinsihing galit ako sa kaniya at kalimutan siya ay hindi pa rin siya maalis sa sistema ko.
His phone rang that made me fixed my gaze to him. Napatingin din siya sa 'kin at agad na pinasok ang cellphone sa bulsa nito.
Bigla ay nagbago ang timpla ko at may bumubulong sa 'kin na isa iyon sa mga babae niya.
Then, his phone rang again. Nalukot ang mukha ko lalo.
Hindi ko pa man alam ay agad ko na siyang pinaparatangan sa hindi ko tanto na katotohanan.
Pilit kong kinukumbinsi na business partners niya ang tumatawag pero matabil talaga itong dila ko at naisatinig ang nasa isipan.
"Why won't you answer it? Baka naghihintay na ang babae mo," I bitterly said, giving an ounce of attention to him and give it back to our son again.
Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi.
Looks like I'm his jealous beloved wife. Ayokong iparating sa kaniya na after those what we did ay para pa rin akong asong nauulol sa kaniya.
"Hindi ko ito babae, Ridaya," seryosong sambit niya.
Ramdam ko ang paninitig nito sa likod ko at gumagapang ang kaba papunta sa puso ko.
Bakit ba ang lakas ng loob kong magsalita ng ganoon sa kaniya? F*ck it, Ridaya! This is not you!
The next thing I knew, I heard the door closed. Tila may sariling pag-iisip ang mga paa ko at dinala ako no'n papunta sa pinto.
Tahimik kong nilapat ang tainga sa likod ng pinto ngunit wala akong maapuhap na salita na nagmumula sa labas.
I carefully opened the door at nang makalabas ay unang bunungad ang likuran ni Juvian sa 'kin.
"Stop calling, Irine. I'm with my wife right now. How many times I remind you that stop bothering me when I'm in the hospital?" pakinig kong aniya.
Irene? Babae niya nga talaga! Hindi nga talaga ako nagkakamali!
Nag-init ang ulo ko bigla at napakuyom ang kamao. At tinatago pa? He don't want her to call him because I'm with him. Wow! Unbelieveable!
I thought, nagbago na siya! Nalinlang ako. Nag-a-assume!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top