CHAPTER 23

Chapter 23






NANG magsilabasan ang mga tauhan ni Juvian ay nabalot ng katahimikan ang pagitan namin ni Dexter.

"Dex, I'm sorry," basag ko sa katahimikan. "I'm sorry that I didn't tell you this part of me."

Dexter smiled on me. "Naiintindihan ko naman ikaw, Aya."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil akala ko ay magagalit siya sa 'kin.

Dexter is indeed a kind hearted man.

Inabot ko ang kamay nito. "Pasensya ka na talaga. Natakot akong sabihin na may asawa ako dahil. . . dahil s-siya ang dahilan kung bakit wala kang makitang trabaho." Napayuko ako ngunit napaangat ulit iyon ng marinig ko ang pagtawa niya.

"Simula pa lang talaga ay wala na akong pag-asa." Napailing ito. "Alam kong may asawa ka na sa simula pa lang at alam ko ring asawa mo nga ang may kagagawan no'n."

Nagulat ako sa narinig mula sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo?"

He nodded in response. "Nalaman ko no'ng pinilit kong sabihin sa 'kin ng may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko noong nakaraang linggo. Syempre, ano ba ang magagawa ng social media? Hinanap ko at hindi ko inaasahang asawa ka pala ng isang tanyag na bilyonaryo," kunwa'y natatawang aniya ngunit nakikota ang sakit sa mga mata nito.

I felt bad for Dexter. He's been good to me eversince the day we decided to reside here. Lahat ng tulong na kaya niya ay binibigay niya sa amin ng anak ko.

"I'm really sorry, Dex," ulit ko pa.

"Aalis ka na talaga?"

Napatango ulit ako. "It's for Daneil sake. Hindi ako papayag na mawalay siya sa 'kin."

"You really love that kid, huh?"

"More than my life."

Nabalot muli ng katahimikan ang pagitan namin. I smiled when I noticed that Dexter is looking at me.

"Huwag mo akong kalimutan, ah?"

"Bakit naman kita kakalimutan? Baliw! Tatawagan kita palagi, okay na ba 'yon?"

Nagtawanan kaming dalawa.

"Kapag pinaiyak ka ng taong iyon, sabihin mo lang. Welcome na welcome ka sa bahay namin. At nga pala, sabi ni nanay ay ipagdadasal niya palagi si Daneil para magising na siya."

We talked for about 1 and half hour when Juvian's men interfere us.

"Ma'am, pinapasabi ko si Sir DM na maghanda ka na po."

I nodded for response at binalingan si Dexter.

"Paalam, Dex. Maraming salamat talaga sa lahat. Ikaw na ang bahala sa mga gamit namin ni Daneil roon. You can sell it, pandagdag sa gastusin niyo. Ikaw na ang bahala roon."

Napansin ko ang pagdami ng tauhan ni Juvian at may mga nakaunipormeng doctor na kakaiba at hindi nabibilang sa hospital na ito.

I bet it's Juvian's family doctor at ang ibang doctor na kilala niya.

Isa-isang hinanda ang mga aparato na gagamitin sa paglipad naming lahat. A private jet was provided at may letrang S na nakalagay sa labas ng sasakyan.

Nakatingin lang ako at nananalangin na maayos naming mailipad si Daneil sa Maynila. Hanggang sa pag-alis namin ay naroon si Dexter.

Iloilo is the best place in the Philippines. Ang lambing ng mga tao at matutulungin. For a short span of time, this experience is so memorable to me and Daneil.

Dilat na dilat ang mga mata ko at minu-minutong nananalangin na sana ay walang komplekasyong maganap.

Buong byahe ay tila nahihirapan akong makahinga sa pag-iisip ng kung ano-ano. Napapasulyap ako kay Juvian at seryosong ekspresyon lang ang nakadikit sa mukha nito.

I almost jumped when his gazed turned to me. Feeling of discomfited rushed through my veins. Agad kong naibaba ang paningin sa kamay ko dahil sa hindi kumportableng sitwasyon na naroon ako ngayon.

Inaliw ko ang sarili para huwag nang mapasulyap kay Juvian. Though I can feel his stares towards me. Mas lalo kong kinumbinsi ang sarili na huwag na huwag siyang tapunan ng tingin.

Narinig namin ang pag-anunsyo ng piloto na malapit na kaming mag-landing.

Dahan-dahang binaba si Daneil ng mga tauhan ni Juvian at nakaalalay ang mga doctor. Bumungad sa amin sa ibaba ang isang ambulansya at ilang doctor at nurse na nakasuot ng kani-kanilang uniporme.

I was silencrd the whole time at nakasunod lamang kay Daneil.

"Go to my car," mando ni Juvian sa 'kin.

Napailing ako. "Dito ako sasama." Tinuro ko ang loob ambulansya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapagtantong puno na iyon ng doctor na nakaantabay kay Daneil.

"Ridaya," he warned.

Agad akong kinabahan kaya dali-dali akong napalakad papunta sa itim nitong sasakyan. Walang imik akong naupo sa passenger seat at nagmaneho naman si Juvian nang tahimik.

Nasa iisang sasakyan lang kami pero parang ang layo-layo namin sa isa't isa. Nakabuntot lamang kami sa ambulansya.

Agad naming narating ang hospital at hindi ko na hinintay pa si Juvian na makalabas sa kotse nito.

Sinundan ko si Daneil kung saan nila ito ilalagay. Tingin na lamang ang naitutulong at oanalangin na sana ay magising na sa lalong madaling panahon ang anak ko.

Habang naghihintay sa labas ay saktong tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong pinindot amg messagr ni Dexter nang makita ang pangalan nito.

From: Dexter

Nasa Maynila na ba kayo? Nakauwi na ako, Aya. Mag-ingat kayo riyan. Ipapanalangin kong maging okay na si Daneil. Alagaan mo yung sarili mo, ha?

Kahit papaano ay naoangiti ako sa mensahe ni Dexter. Agad akong nagtipa na narito na ako at maayos naman ang naging byahe namin ni Daneil.

Tinago ko na lamang ang cellphone nang maaninaw ang bulto ng katawan ni Juvian na papalapit dito kasama ang iba nitong tauhan.

Lahat ng nadadanaan niyang nurse ay agad na napapalingon sa kaniya, including those patients and doctors.

There's something inside me that wanted to stangle them one by one.

Napaisip tuloy ako, may mga babae pa kaya siyang dinadala sa bahay namin? No scratch that, bahay niya!

Maybe he's enjoying every girl he wanted to taste. Ilang babae na kaya simula ng umalis kamj? Siguro ay sobrang saya niiya dahil walang matang nakasunod sa bawat galaw niya.

Siguro, sa bawat sulok ng kwarto siya ay napwestuhan na niya at ng babaeng inuuwi niya!

Unti-unting uminit ang ulo ko sa isiping iyon kaya minabuti kong huwag na lang isipin. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako bumalik sa puder niya, kung 'di ay isinaalang-alang ko ang kalagayan ni Daneil dahil siya ang mas makakatulong sa 'min ngayon!

Nauna akong pumasok sa private room na kinuha niya para sa anak namin. Ilang segundo lang ay bunukas muli ang pinto ngunit hindi ko na nilingon kung sino man iyon dahil alam kong si Juvian lang iyon.

"Magpahinga ka na muna. I have foods here. Eat this," pakinig kong aniya.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, ako ba o ang nurse on duty ngayon.

"Ridaya," seryosong tawag ni Juvian.

Halos gapangan ako ng kung anong kuryente sa tinig niyang iyon. Agad kong inalis sa isip ang nararamdaman at binalingan ng tingin si Juvian.

"Busog pa ako. Mamaya na," tipid ngunit malamig kong sagot sa kaniya.

Napapikit ako at parang gustong sabunutan ang sarili.

Ridaya, ano itong ginagawa mo?! Tangina!

"You barely eat anything and you called that you're full? Stop fooling, Ridaya," malamig na aniya ngunit umismid lang ako sa kaniya saka binalingan si Daneil.

I didn't hear anything from him at narinig na lang ang pagbukas at sara ng pinto.

Nang mapansing wala ng tao sa loob ay agad kong sinabunutan ang sarili.

Ang lakas naman ng loob mo, Ridaya! May pagano'n ka pa talaga?! Gaga ka talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top