CHAPTER 22

Chapter 22






NANG mailipat na si Daneil sa ICU ay hindi pa kami pinapasok at tanging tanaw na lang ang magagawa namin sa bintana nito.

Different of machines are beaping on his side. Marami ring aparato ang nakakabit sa katawan nito at halos naninikip ang dibdib ko sa tanawing iyon.

Seing Daneil lying on the bed made my heart sunk deep in the ocean. Wala na yatang sasakit pa sa isiping nasa coma ang anak ko ngayon at hindi tiyak kung kailan magigising.

Again, my sobs filled the hallway.

Anak, please, gising na. Hindi kaya ni mommy makitang ganyan ka.

"Aya, magiging okay rin ang lahat," malumanay na ani Dexter at niyakap ako. "Shhh, andito lang ako."

I hugged him back but my mind flashed Juvian's image hugging me tightly. Agad akong napatigil sa iyak at napaalis ng yakap kay Dexter.

He look at me confused, nagtatanong sa pagbitiw ko sa yakap niya. Mabilis kong pinalis ang luha sa pisngi at malungkot na napangiti sa kaniya.

"M-magpahinga ka na muna, Dex. Ako na ang bahala kay Daneil."

"Mamaya na, Aya. Ikaw ang dapat na magpahinga. Ako na ang magbabantay rito kay Daneil."

Napailing ako. "Ako na. Gabi na at walang kasama roon sa bahay niyo ang nanay mo, Dex. Kailangan mong balikan iyon sa bahay niyo. Kaya ko na ito."

He heaved a sighed. "Sigurado ka?"

"Yup. Kaya ko na ito, Dex. Kapag may kailangan ako, sasabihin ko agad sa 'yo. Okay na ba iyon?" Matamlay akong ngumiti sa kaniya. I hugged him and tapped his shoulders. "Umuwi ka na. Kaya ko na 'to."

Kahit kita sa mata nito na ayaw niyang umuwi ay wala pa rin siyang nagawa. Dexter bid goodbye to me, however, he assured that he will comeback tomorrow.

I silently walked towards Daneil room at matiyagang binabantayan ito. Tangan ang pag-asang agad itong gigising ay hindi ko inalis ang paningin sa kaniya buong gabi.

Napansin ko na lamang na panibagong umaga na naman ng may kumausap sa 'king doctor na pwede nang pumasok sa loob.

Nanginginig kong hinakbang ang paa sa loob ng kwarto ni Daneil. Tanging bumubuhay sa loob ay ang tunog ng mga aparato nito sa katawan.

I shed my tears once again when I called his name. "Daneil. . . anak."

Napahikbi ako nang hindi man lang ito gumalaw o sumagot. Pilit kong kinakalma ang sarili ngunit patuloy pa rin ang agos ng luha ko.

Napakasakit pagmasdan ang isang anak na nakaratay sa isang higaan at nakikipagbuno kay kamatayan.

Tila inaapakan ang puso ko sa pagdaan ng oras. Hanggang dumaan ang napakaraming araw ay wala pa ring pinapakitang pag-asa si Daneil.

"Aya, nagdala ako ng paborito mong bulalo, kumain ka na muna at matulog. Kailangan mo na ng pahinga, nangangayayat ka na," alalang sambit ni Dexter.

Doon ako napatingin sa katawan ko sa salamin. Oo nga't malaki ang binawas ng timbang ko. Nangingitim din ang ilalim ng mata tila hindi kahit kailanman nakatikim ng tulog.

Ngumiti ako kay Dexter at sinunod ang gusto niya. Naligo ako at nagbihis ng kumportable at nahiga sa sofa.

Nang maramdaman ng katawan ko ang malambot na kutsong nakapatong sa mahabang sofa ay agad akong hinila ng antok.

"Sir, hindi ko po kayo kilala kaya p'wedeng huwag kayong pumasok dito? Respeto na lang po, may pasyente po kami rito."

Tila hudyat ang ingay na iyon para magising ako sa matagal na pagkakatulog.

Agad kong minulat ang mata para alamin kung kanino nanggaling ang boses na iyon.

Dexter is standing right through the door and arguing to someone outside it. I forthwith get off the sofa and walked towards Dexter.

He's totally pissed off for the person he was talking. Agad na nakuha ko ang atensyon ni Dexter at tinanong ito kung sino ba ang kaaway niya at inis na inis siya.

"Sino 'yan?" taka kong tanong.

"Hindi ko kilala, Aya. Nagpupumilit na pumasok dito. Ang sabi ay anak niya raw si Daneil," iritang saad nito

Tila ginapangan ako ng kaba nang marinig ang sinabi ni Dexter.  Kahit hindi ko pa nakikita ang taong kausap niya sa labas ay alam kong si Juvian iyon.

Halos matibag ako sa kinakatayuan nang dahan-dahan kong buksan ang pinto at bumungad sa 'kin ang malamig na ekspresyon ni Juvian.

Tinapunan niya ako ng seryosong tingin at hinagod ang buo kong katawan ng madilim niyang mukha.

I can see how his jaw clenched when we locked our eyes. Parang gusto kong maglaho na lang bigla o hindi kaya'y tumakbo palayo sa kaniya sa mga oras na ito. Pero alam kong walang magagawa iyon dahil isang pitik ng kamay niya ay agad niyang malalaman kung na saang lupalop ako ng mundo.

"Where's my son?" bungad niya.

Napipi ako nang marinig ang malalim at madiing boses niya. Parang nawala lahat ng gusto kong isumbat sa kaniya at hinayaan na lang na makapasok siya sa kwarto ng anak namin.

Ito na ang kinakatakutan ko. Kukunin na niya si Daneil sa 'kin dahil dito.

"Aya. . ."

"Dexter, please. . ." I pleaded to him not to say anything.

Alam kong napakasama kong tao dahil nilihim ko ang parte ng buhay kong ito kay Dexter. Naiintindihan ko naman siya kung magalit siya sa 'ming dalawa ng anak ko.

We've been closed but I can't revealed the fact that Juvian was the reason why he can't find a job until now.

Tahimik kong pinagmasdan ang likuran ni Juvian. Ganoon pa rin naman ang pangangatawan niya. Matikas at puno ng otoridad ang aura.

Napansin ko ang pagtipa nito ng cellphone at ilang minuto lamang ay isa-isang pumasok ang mga nakaitim na tauhan ni Juvian.

Sa kaba ko ay agad akong napunta sa kama ng anak ko to defend him form anyone including Juvian. "What will you do?! Anong gagawin niyp, ha?!" sigaw ko.

Sinenyasan niya ang isa niyang tauhan kaya agad akong hinawakan sa magkabilang kamay. "Huwag niyo akong hawakan!" sigaw ko at pilit na nagkukumawala sa mahigpit na kamay ng tauhan ni Juvian. Nanlilisik ang mata kong binalingan si Juvian. "Juvian! Anong gagawin mo?!"

"Aya!" sigaw rin ni Dexter. "Bitiwan niyo siya!" sigaw ni Dexter at akmang susuntukin sana ang tauhang nakahawak sa 'kin ngunit inunahan na iyon ni Juvian.

My eyes widened when Dexter's body hit the ground. Dinig na dinig ko ang malakas na impact niya sa sahig.

"Dexter! Oh my God! Juvian stop that!" Halos maputol na ang litid ko kakasigaw pero hindi pa rin tinantanan ni Juvian si Dexter kakasuntok. "Juvian. Tama na! Tama na!"

"Ito ang pinagmamalaki mo, Ridaya? Ipagpapalit mo ako sa lalaking ito? Because of him, nasa ganiyang kalagayan ang anak natin! " Ginawaran niya ng isa pang suntok si Dexter.

Hindi ko maintindihan kung saan nangggaling ang mga sinasabi niya. Siya pa iyong may ganang manumbat ngayon at parang ako pa ang may kasalanan sa ginawa ko.

In the first place, siya ang may babaeng nilalandi at siya ang dahilan kung bakit kami umalis ni Daneil sa puder niya.

Gusto kong matuwa sa pinapakita niyang emosyon ngayon pero nagpapanting ang tenga ko ngayon at parang ako at Dexter pa ang may kasalanan bakit nasa ganiyang kalagayan si Daneil.

"Juvian! Stop it! Stop it, please!"

Nagpumiglas ako sa mga tauhan nakahawak sa 'kin pero hindi ko magawang kumawala.

Napaiyak ako ng makitang dumudugo ang gilid ng labi ni Dexter.

"E, gago ka pala, e! Huwag na huwag mong sisihin si Aya sa mga nangyari! Sino ka ba ha? Ikaw ba yung asawa niyang gago na iniiyakan niya palagi? Alam mo, wala kang kwenta! Pinabayaan mo silang mamuhay rito! Gago!" Sinuntok ni Dexter si Juvian at agad na dumugo ang ilong ng asawa ko.

"Dexter! Tama na!" sigaw ko at nang maramdamang lumuwag ang pagkakakapit sa 'kin ng tauhan ni Juvian ay agad akong kumawala at pumagitna sa dalawa. "Tama na, please! Huwag sa harap ng anak ko! Tama na!" umiiyak na sigaw ko sa kanilang dalawa.

Naninikip ang dibdib ko na nakikita silang nag-aaway. Kung naririnig ito ni Daneil ay baka mas lalo lamang sumama ang kalagayan niya dahil dito pa sila nag-aaway.

"P-please, s-stop. . ." I begged while sobbing.

Dinaluhan ako ni Dexter ngunit agad akong hinila ni Juvian palayo sa kaibigan ko. Nakakuyom ang kamao ni Juvian at kitang-kita ang inis sa mukha nito.

Hindi na lamang ako umimik at nagpapaumanhing tinitigan si Dexter.

"Daneil's paper are now okay. We will fly to Manila."

Nagkatinginan kami ni Dexter at agad na du.apo ang ti gin ko kay Juvian. "Delikado pa ang kalagayan ni Daneil, Juvian! Hindi mo pwede—"

"I have already talked to his doctor and he give his consent. We will fly back to Manila after 2 hours. I will gave Daneil the best doctor. And you will leave your life here," he authoritatively said.

Ayaw ko man sana sa isiping babalik ako sa piling niya ay sinaalang-alang ko ang kalagayan ng anak ko. Juvian have connections and I am a hundred percent sure that he can look for the best doctor.

Hindi ko pwedeng piliin ang sariling kagustuhan dahil nakaatang sa desisyon ko ang magiging buhay ng anak ko.

Malungkot akong napabaling kay Dexter at tila alam na nito ang laman ng isip ko.

I stepped towards Dexter but Juvian didn't let me. Nangungusap akong napatitig sa mata ni Juvian. "Juvian, please, just this one. Sasama ako sa 'yo, however, let me talk to Dexter to bid my goodbye."

Naglapat ang mga labi ni Juvian at seryoso akong tinitigan. Doon ko narinig ang pagbuntonghininga nito at pagtalikod sa 'kin habang naglakad papunta sa pinto.

"Make it quick and get ready for our flight."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top