CHAPTER 2

Chapter 2






"RIDAYA, kain ka na. Pinaghanda kita ng paborito mo." Sinalubong ako ni mommy nang malapad na ngiti pagkababa ko pa lang.

Seing her how she smile on me right now makes my heart break into millions. I know, someday I will never see that heart warming smile of her.

Ginabayan niya ako para umupo at pinaghanda ako ng breakfast. It was a simple sunny side up, bacon and fried rice but it made my eyes welled on tears.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para huwag nang mas umiyak pa. Ilang ulit kong kinisap ang mata para lamang mapigilan ang pagbaba ng luha ko pero hindi ko talaga mapigilan iyon.

"Anak? What happened? Hindi mo ba gusto ang pinaghanda ni mommy?" puna niya sa akin nang mapapahid ako sa mata.

Kunwari akong natawa. "Nothing, mom, napauwing lang kasi ako kaya medyo namamait ang mata ko ngayon. Hindi pa yata nakuha ang puwing kaya ganito," I reasoned out, pilit na pinapatatag ang boses para huwag niyang mahalata.

Pilit kong iniwas ang tingin sa kaniya dahil baka kung titigan ko pa siya ng ilang minuto ay iiyak na talaga ako sa harapan nilang dalawa ni daddy.

Napasulyap ako sa tahimik na si dad. I smiled at him kaya binalik niya rin ang ngiting iyon. Sinimulan na naming kumain at bawat subo ko ay nahihirapan ako ng husto.

I can't act normal infront of mom for the truth I've discovered about her health but I need to. I can't afford to see her crying face.

Kapag nalaman niyang ganito ako, napanghihinaan ng loob, ay baka mas lalo lamang niyang problemahin iyon.

Asikasong-asikaso si mommy sa akin at kay dad buong oras na pagkain namin. Hanggang sa pag-alis namin ni daddy ay panay paalala niya sa amin na mag-ingat.

"Bye, hon, anak, ingat kayo ha?" she bid goodbye and kissed dad's cheeks. Bumaling siya sa akin at hindi ko na hinintay pa ang halik niya, basta ko na lang siyang kinulong sa mga bisig ko saka pinugpog ng halik.

Tumawa si mommy. "Ang baho naman ng laway mo, anak," kunwa'y reklamo niya.

Napanguso ako at napatigil. "Mommy! Hindi kaya!"

Mas lalo siyang natawa pati na rin si daddy. She was happy genuinely at wala na akong mahihiling pa roon.

Lord, kahit kaunting oras pa. Kung kukunin mo man si mommy sa piling namin, kahit kaunting oras pa sana ang palugit. Gusto ko pa siyang makasama.

Bigla akong may naisip kaya nilabas ko ang phone na nasa bulsa at in-open ang camera. "Dad, come closer to us. Let us take a picture here!" masayang aya ko.

Ginawa naman ni dad iyon ng walang pilitang nagaganap at inakbayan si mommy. I counted and take our pictures together. Ilang shots pa ang kinuha ko dahil parang hindi ako kontento sa iilan lang, hanggang si mommy na ang nagreklamo dahil ngawit na ngawit na ang labi nito sa kangingiti.

"Oh, sige na, pumasok na kayo at baka ma-late kayo sa trabaho. Ingat ha? Hon, hinay-hinay lang sa pagpapatakbo ng kotse," paalala ulit ni mom sa amin.

"I will, hon, don't worry. I will take good care of myself and our daughter," ngiting ani dad ngunit para sa akin ay iba ang impact no'n. Parang may iba pa ang kahulugan ang mga salita niya.

I brushed the thought dahil nagbabadya na naman ang luha ko. Nagpaalam na kami kay mommy at umalis na sa bahay.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami ni daddy hanggang sa magsabay kaming magsalita.

"Ridaya."

"Dad."

Napatigil ako at ngumiti sa kaniya. Tumango ito sa akin, sinasabing ako na ang mauunang magsalita.

I inhaled and gathered all my courage to speak about mom but it took a minute for me to open the topic. "A-about mom. . ."

"Hmm?"

"Was it really true. . . that. . ." Namasa ang mata ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. "that her d-days here with us are n-numbered?" my voice broke.

Napahina ang pagtakbo ng sasakyan at panaka-nakang bumabaling ng tingin si daddy sa direksyon ko.

"Paano mo nalaman 'yon, anak?" tunog iyon nagtataka.

"Last night," I answered. Napapahid ako sa luhang dumaloy sa pisngi ko kaya napatingin ako sa labas.

I heard him sighed. "Yes, and she have two months for us to be with, iyon ang sabi ng doctor. Tinago namin ito upon knowing her cancer as per requested by her dahil akala niya, gagaling pa siya. Because there are patients lived long after been diagnosed of colon cancer at stage 4. She was lively, poisitve thinker that she will be cured, but, you know, things didn't go as it was." Napatigil si dad sa pagsasalita at bumuntonghininga. "the cancer cells didn't behave well. We can't do anything about it. It can't be treated, anak, dahil m-malala na iyon ng matuklasan namin. Ang tanging n-nagpapatagal sa kaniya ngayon ay ang mga g-gamot niya, kahit kaunting oras lang," nabasag ang tinig ni daddy.

Doon ko ulit siya nilingon. Tinigil niya ang kotse sa daan at umiyak. Napasandal siya sa manibela ng kotse at doon nagbuhos ng luha.

Nahabag ako sa nakita kaya lumapit ako kay daddy at niyakap siya. "I can't stand seing her crying, begging for Him to give her a chance to live. She wanted to lived for us. She wanted to see you having a child and getting old. Marami pa siyang plano for us pero. . ." Napasapo si daddy sa mukha nito gamit ang isang kamay.

We cried our heart out the whole time hanggang sa magpasya si daddy na pumunta na kumpaniya.

Lutang akong nagtrabaho buong araw thinking about mom. Nangamba ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya sa bahay dahil wala kami roon. I kept texting Yaya Doring to check mom. Sinabihan ko ring i-update niya ako sa kung ano mang ginagawa ni mommy sa bahay.

Day by day, my anxiety keep on growing because of mom. Dahil baka isang araw, hindi ko na siya maabutan pang humihinga, na malagutan siya ng buhay na wala kami sa tabi niya. I'm overthinking to the point that I am spacing out on my work place that made me decide to took a leave for a month and spend it together with mom.

Alam niya na ring alam ko ang katotohanang iyon. Si dad ay nag-work from home muna dahil na rin kay mom. Gusto niyang makasama si mommy sa nalalabing araw ng buhay niya. Pumupunta na lang siya sa opisina kapag kailangang-kailangan talaga. Ngunit kapag naroon siya, tawag din siya nang tawag dito sa bahay para kausapin si mommy.

Alam kong nahihirapan na si mommy sa sakit niya pero pilit niyang tinatago iyon para huwag kaming mag-alala. There was a time pa nga na muntik na siyang matumba dahil pinilit niya ang sarili na tumayo at maglakad mag-isa without our help.

Malaki rin ang pinayat niya dahil wala na siyang ganang kumain these days. She was smiling to dad at sa akin, hindi ko nga nakitang umiyak siya dahil sa sakit niya hindi katulad ng gabing nalaman ko na may taning na ang buhay niya.

She refused to take her medication na rin at tanging tubig na nga lang ang iniinom. Seing her body deteriorate day by day made my heart sank. Sobrang sakit na makitang nahihirapan ang isang magulang at makita itong unti-unting kinakain ng sakit niya ang dating masiglang pangangatawan. At sobrang sakit ng katotohanang wala akong magagawa roon.

I'm always asking for a miracle to make my mom healthy again. Gabi-gabi akong nagdasal na sana ay isang araw, gumaling na siya, na sana ay isang panaginip lang ang lahat ng ito.

Nahihirapan na rin si daddy sa sitwasyon ni mommy pero hindi niya iyon pinapahalata. Dad was the source of mom's energy everyday kaya hindi maipakita ni daddy na basag-basag na siya sa nakikita niyang paghihirap ni mommy.

"Anak?" mahinang tawag ni mommy, tulak-tulak siya ni yaya sa wheelchair nito.

Maagap akong naglakad papunta sa kaniya ay napatigil sa ginagawang pagluluto. Tinuyo ko ang kamay at nag-sanitize. "Yes, mom? Ano'ng mararamdaman mo?" alalang tanong ko at sinuri ito.

Natawa siya ngunit mahina lamang. Tinaas nito ang kamay kaya agad kong inabot iyon. She was fragile, parang kahit anong oras ay mababali ang kamay nito kapag nilakasan ko ang pagkahahawak sa kaniya.

"Your. . . dad?"

Hindi ko iyon narinig nang maayos. "Si daddy po?" Mom nodded. "Nasa meeting po siya ngayon, mom, pumunta siya sa kumpaniya. Gusto mo po bang tawagan natin?" Napatango ulit siya kaya nagtipa ako sa cellphone para kontakin si daddy.

Ilang ring lang ay sinagot agad ito ni dad. "Anak? Anything happened? Si mommy mo? Okay lang ba siya?" tarantang tanong nito.

Hindi ako nakasagot at tinitigan si mommy na nakatingin sa labas ng garden. Her eyes today was sad at hinahabol nito ang hininga ngayon.

"Nothing bad happened to her, dad, she just wanted to. . . see you. P'wede ka na bang umuwi?"

"Okay. Okay, uuwi na ako. Put your mom on the phone, Rid."

"Mom, si daddy." Hinawakan ko ang phone at nilagay sa tainga nito. Hindi ko rinig ang sinabi ni dad pero nakita ko ang matamis na ngiti ni mommy.

"I. . . love. . .you, hon. Hintayin. . . kita," mommy said.

It was a simple phrase but full of love that made me cry. Tinapik ni yaya ang balikat ko kaya pinahiran ko ang mga luha. Naupo ako sa harap ni mommy. "Saan ang punta ni'yo ni yaya, mom? Bakit ka bumaba?" malambing na tanong ko.

"Iha, gusto kasing pumunta ni ma'am sa garden," agap ni yaya kaya napatango ako.

Ako na ang nagtulak sa wheelchair ni mommy at siya na lang ang tumapos nang niluluto ko sa kusina.

Marahan kong tinulak ang wheelchair ni mommy habang binabalikan namin ang kahapon.

"Remenber, mom, when you are planting these flowers? Nadapa ako dahil hindi ko nakita ang pot sa daanan kaya nagkasugat ako sa tuhod noon. You were worried dahil baka nabalian ako, which it didn't happened naman. Nagtawag ka pa nga ng ambulance dahil sa 'kin." Natawa ako at narinig ko rin si mommy.

"Ridaya. . . anak,"

"Yes, mom?" Tinigil ko ang wheelchair nito at naupo sa harap niya habang hawak ang dalawa nitong kamay.

Ngumiti siya sa akin pero umaagos na ang luha sa mata nito. "Alagaan mo. . . ang daddy, h-ha? Scold him if h-he didn't. . . didn't eat his food. A-ayaw k-kong. . . nali. . . lipasan siya ng gutom."

"Mom, bakit g-ganiyan naman kayo magsalita? Mommy, n-naman, e," nabasag nang tuluyan ang boses ko.

"Anak. . . thank you for being a good daugther to us. You know. . . how much I love you. . . you and your dad."

I hugged mom, maingat kong pinulupot ang kamay sa katawan nito at doon tahimik na umiyak sa balikat niya. She was caressing my back while humming my favorite song when she was singing when I was a child.

Naaninaw ko hindi kalayuan ang kotse ni dad na pumapasok na sa gate. Doon ko sinabi iyon kay mommy at pinaharap siya kay daddy.

Dad was rushing to mom after he got out on his car. He didn't even bother to parked it at basta na lang iniwan doon. Si Terry na ang nag-parked sa sasakyan kaya nginitian ko na lang ito.

Nang malapit na si dad ay roon ko lang nakita ang bakas ng luha sa mga mata niya. I think he knew what I meant a while ago. We knew what would happen next after this conversation of him to mom.

Putangina, ang sakit-sakit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top