CHAPTER 19

Chapter 19






1 MONTH had passed and we finally adjusted in the environment here. May nalalaman na rin akong hilagaynun words, thanks to Dexter.

Makakaintindi na ako ngunit putol-putol pa rin magsalita ng lengwaheng iyon. Naging malapit kaming dalawa ni Dexter at palagi akong tinutulungan mamili sa palengke at magtinda sa harap ng apartment namin.

Mabuti na lang at mabait ang land lady at pinayagan akong pumuwesto sa harap dito. Ang sabi pa nga niya ay nakakahatak ng costumer ang ganda ko kaya maraming nangungupahan dito ngayon.

"Dex, pakikuha nga itong tatlong hotdog at limang adidas. Order 'yan ni Aleng Hetty. Mix lang 'yong sauce, ha?"

"Opo bossing."

Sinamaan ko ng tingin si Dexter pero nagpatay malisya lang siya. Naging busy kami dahil sobrang daming  bumibili at galing pa sa kabilang barangay.

Nagpatulong na lang din si Daneil dahil hindi namin kaya ni Dexter ang tao. Sa susunod ay mag-e-extend na ako ng paglulutuan.

Noon pa naman kasi ay iyon na ang suhestyon ni Dexter pero hindi ko sinunod dahil panaka-naka lang naman ang bumibili. Hindi ko naman inaasahang magbo-boom itong lasa ng sauce na ginawa ko at ang paraan nang pagma-marinate ni mommy ang baboy at manok.

Mag-aalas syiete na ng gabi nang maubos ang paninda namin. Doon ko na rin sa apartment pinakain si Dexter at binigyan ng adobong manok para sa nanay nito.

"Salamat dito, Aya. Ang sarap mo talagang magluto kahit kailan."

"Nangbola pa. Umuwi ka na nga lang!" kunwaring singhal ko na ikinatawa niya.

"Aya. . ." seryoso itong napatitig sa 'kin.

"Hmm?"

"Ah. . .wala. Mauuna na ako. Maligo ka na ang dungis mo!" sabay kurot sa pisngi ko na ikinairap ko. "Aba, ang sungit na."

"Edi kapag maliligo ako ay mapapasma itong kamay ko! Gago ka!" tawa ko sabay hamlas sa likod nito.

"Aray! Ang lakas mo talagang manghampas! Ano bang klaseng kamay na meron ka, Aya?" Aabutin na sana ako nito nang sumigaw ito. "Aray!"

"O? Napaano ka?"

Napatingin ito sa paligid kaya agad ko ring nilibot ang tingin. Taka ko siyang binalingan.

"May bumato sa 'kin sa ulo! Tangina!"

Nanlaki ang mga mata ko at napaturo sa mukha niya. "May aswang ba?"

Seryoso din napatitig sa 'kin si Dexter pero agad na bumunghalit sa tawa. "May aswang bang namamato ng bato?"

I pouted. "Malay ko ba!"

"Hala!"

"Gago! Huwag mo akong tatakutin! Hindi ka na makakabalik sa bahay namin." Inambahan ko siya ng suntok pero umiwas lang siya habang natatawa.

"Sige na. Uuwi na ako. Pumasok ka na. Bukas ko na lang sasabihin."

"Ano ba kasi 'yan? P'wede naman ngayon," irita kong reklamo.

"Basta! Atat ka e. Sige na. Alis na! Kung 'di lang kita mah—" Taboy niya sa 'kin kaya napapasok na ako. Hindi niya rin tinapos ang sasabihin kaya hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil natawa na ito at nahawa na ako kakatawa.

Ang kulit si Dexter! Ewan ko ba at natagalan ko 'yong ugali niya pero nakakagaan talaga ng loob ang personality niya. He's like a bestfriend to me.

Pagpasok ko sa apartment namin ay agad kong hinanap si Daneil.

"Daneil?" walang sumasagot kaya napapunta ako sa kwarto ko.

Nadatnan kong nakahiga ito sa kama at nakatulala sa kisame kaya tinawag ko ulit. Doon na siya napalingin sa akin kaya napaupo ito ng maayos.

"Mom," malumanay na tawag niya.

I smiled to him and walked towards him. "Did you eat already?"

"No mom. I wanted to eat dinner together with you," he amswered.

Pansin ko ang pagiging matamlay ng anak ko kaua napahipo ako sa noo nito. "What's wrong anak? Do you have a problem? What are you feeling?" alala kong agap.

"Mom, what if dad will see us again? And want us to comeback. Will you go to him?"

I was taken a back by his question. Hindi ko inaasahang magtatanong ito patungkol sa daddy niya.

It's been months that we didn't seen him at nakakapagtaka at hindi niya naman kami hinahanap, knowing his connections and power. Sa isang kisap mata lang ay agad niya kaming makikita.

Nabuhay sandali ang mumunting pag-asang pilit kong binabaon sa iisang buwan. Ngunit 'gaya rin ng isang napakagandang bulaklak na nanumukadkad sa ilalim ng araw ay may katapusan din at nalalanta. Biglang naglaho ang pag-asang sumibol sa ilalim ng puso ko.

Why would he look for us anyway? Wala nman siyang pakialam at baka masaya na siya sa babae at anak niyang pinagbubuntis ng kinakalantari niya!

Mapait akong napangiti at napabaling kay Daneil na naghihintay ng sagot ko. "I don't know, anak."

"Even he will admit his unfaithfulness to you? Kahit na nagbago na siya?"

Napatigil ako saglit. Will I accept him if that happens?

Napatalikod ako kay Daneil dahil hindi ko alam ang isasagot ko. I diverted my attention sa pagsasalansan ng kutsara't tinidor.

Muli akong napahinto at tinitigan si Daneil. "Kahit nagbago man siya, anong silbi no'n kung hindi niya tayo mahal?"

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang pagitan namin ni Daneil. Ilang minuto lang ay naramdaman kong tumayo ito at naupo sa mesa.

"Mom, this school year, saan ako papasok?" biglang tanong niya.

I stop for what I'm doing and look at him. Oo nga pala. Maggi-grade 8 na si Daneil.

Dahil tuloy sa pagpapasya ko ay mag-a-adjust na naman siya sa eskwelahan.

"Gusto mo bang i-enroll kita anak sa isang private school?"

"No, mom. I want a public school this time. Mas malaki ang magagastos mo kapag magpa-private school pa ako."

"But we can afford it, anak."

"Mom, my decision is final. I want to go to a public school," pinal na aniya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang maalala si Juvian sa kaniya. Kapag kokontra ako minsan ay iyon din ang sasabihin niya.

We eat our dinner and afterwards we sleept. Kinaumagahan ay iyon ulit ang routine ko, magsasaing, maglilinis at magsasalay ng ititinda mamayang hapon.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda ng uling sa paglulutuan ko nang mapansin ang bagsak-balikat na naglalakad si Dexter. Agad akong napatigil sa ginagawa at tinitigan pa siya ng maagi.

Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mukha niya ngayong hapon. Ang ngiting palagi kong nakikita sa mukha niya kapag papalapit sa 'kin ay naglaho na lang bigla.

"Dex, anong nagyari sa 'yo? Bakit parang kalong-kalong mo ang problema ng buong mundo?" tanong nang makalapit ito sa 'kin.

Pabulagsak siyang naupo sa isang stool at malungkot na nakapatiyig sa 'kin. "Tinanggal ako sa trabaho ngayon, Aya."

"Ano?! Bakit?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Basta ang sabi ni boss ay kailangan niya akong tanggalin dahil kung hindi niya gagawin, pababagsakin ang negosyo niya."

My forehead knotted. "Wala ka naman bang ginawang masama?"

"Malinis ang konsensya ko, Aya. Nagtatrabaho ako ng maayos at walang palya."

Buong magdamag kong dinaluhan si Dexter. Kawawa naman. Iyon na nga lang ang pinagkukunan niya ng pera pero sinesante pa siya.

Dexter is a waiter sa malapit na restaurant dito. Konting-konti na nga lang ay pinangakuan siyang ipo-promote na maging manager ng restaurant.

Hindi ko alam bakit parang bigla-bigla ang pagsisisante sa kaniya. Mabait at responsableng tao si Dexter. Mabilis din matuto sa trabaho.

Sa gabing iyon ay tumawag si Dexter sa boss nito at nakiusap na sana ay makapagtrabaho pa siya sa restaurant.

He's a little tipsy but I know he can handle his self. At dahil naka loud speaker ang tawag ay malaya kong napakikinggan ang usapan nila.

"Boss, pakiusap naman oh. Kailangan ko ng pambili ng gamot at pagkain ang nanay ko," he pleaded.

"Pasensya ka na, Dexter pero hindi ko kayang malugi ang matagal kong pinapalakad na negosyo. May pinapakain din akong pamilya. Gustuhin ko man pero kinabukasan ng pamilya ko ang nakakasalalay dito," sagot ng boss niya sa kaniya.

Napahilot sa sintido si Dexter at naihilamos ang kamay sa mukha dulot ng frustrasyong nararamdaman.

I'm sure that the man he's talking about is the man who ordered him to fired Dexter. He's such a heartless man. Walang ginagawang masama si Dexter pero siya ang pinupuntirya.

Hindi ko tuloy maisawang isipin kung may nakaalitan bang mayaman si Dexter pero duda naman ako. Sa bait niya ito ay lahat ng tao ay gusto siya at natutuwa sa kaniya rito.

He have the personality that everyone wishes to have. Maasahang kaibigan at palaging tutulong kapag may nangangailangan.

"Kahit taga hugas lang ng piggan, boss. Magtatago naman ako at baka hindi ako makilala ng taong sinasabi niyo," pagsumamo niya.

Nahabag ako sa tono ng boses ni Dexter. He's stil hoping to get in to that restaurant. Nakagat ko na lamang ang labi at patuloy na makinig sa usapan nila.

"Pasensya ka na talaga, Dexter," pakinig ko sa boss nito. "Gustuhin ko man pero hindi talaga p'wede. Pasensya na. Maghanap ka na lang ulit ng ibang trabaho."

Nanahimik sandali si Dexter ay pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita ulit ito,"Panghuling request na lang po ito, boss. Sana ay payagan mo."

Nakarinig ako ng buntonghininga sa kabilang linya. "Sige, ano iyon, Dexter?"

"P'wede ko po bang malaman kung sino ang sinasabi mong maimpluwensyang tao?"

Muling binalot ng katahimikan ang kabilang linya. Nagkatinginan kami ni Dexter at may kakaunting kaba ang nabuhay sa aking puso.

Hindi ko maipaliwaga amg nararamdaman pero mas lalo lamang ako dinalahik ng kaba ng marinig ang pangalan ng taong nakayanang manduhan ang boss ni Dexter.

"Juvian Demetrius Soliven, iyon ang buo niyang pangalan, Dexter."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top