CHAPTER 18

Chapter 18






MUGTO ang mga matang napabalikwas ako sa kama nang marinig ang nag-a-alarm na cellphone. For a moment, my mind went blank and didn't know what to do.

Makalipas ang ilang minuto ay naalala ko ang mga bagay na ikakapunit ng puso ko. I cried over and over again.

Tears filled my face as I got off the bed at dumungaw sa veranda.

Madilim pa at tanging ilaw sa paligid lang ang nagsisilbing liwanag. Napatitig ako sa wall clock at alas cinco pa lang ng umaga.

Buong gabi kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko ngayong araw at kapag magawa ko na ay wala nang atrasan pa.

Mabilis kong kinatok ang kwarto ni Daneil kahit napakaaga pa para gumising. Bawat katok ko ay parang lahat ng bigat ng nararamdaman ko ay na roon nakaatang lahat.

When the door opened, bumungad ang mukha ng anak ko sa 'kin. His warmth smile wants my tears escape in my eyes.

"Good morning, mom. Bakit ang aga naman?" He kissed my cheeks.

"We will leave Manila. Pupunta tayong Iloilo," walang paligoy-ligoy na saad ko.

Daniel nodded parang ito na ang inaasahan niyang sasabihin ko. "Okay mom, mag-aayos lang ako," agap ni Daneil at hindi na nagtanong pa.

Bumalik ako sa  kwarto at niligpit ang mga damit na narito sa bahay. Isang maliit na maleta lang ang dadalhin ko at doon na lang bibili ng mga kakailanganin.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging buhay ko sa Iloilo dahil kahit isa ay wala kaming kamag-anak doon.

Mas okay na iyon dahil walang nakakilala sa 'min ng anak ko at sapat din naman ang pera at ipon ko para buhayin ng maayos ang anak ko.

I can provide his needs without a problem, thanks to my parents' wealth and my savings.

Nang masiguradong okay na ang lahat ay nakaantabay na si Daneil sa labas ng kwarto ko hawak ang isang backpack.

I smiled on him at ganoon din ang ginawa niya. "I love you, mom."

"I love you, anak." Sabay kaming bumaba at sinalubong kami ni yaya. "Yaya, kapag po ay pumunta ang kahit na sino rito at hahanapin ako ay alam mo na ang isasagot, ha?"

Lumapit si Yaya Doring sa akin at binigyan ako ng isang mainit na yakap patirin ang anak ko. Agad na nangiligid ang luha ko sa ginawa niyang iyon.

"Mag-ingat kayong dalawa roon, ha?"

Napatango ako. "Mami-miss kita, yaya, mag-ingat ka rito. Aalis na kami at wala na kaming oras."

Napatango si yaya at ngumiti. "Nawa'y gabayan ka ng Panginoon, iha. Palayain mo ang sarili mo, maging masaya ka. Natitiyak akong iyon din ang gusto ng mga magulang mo."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at pinalis ang luhang umalpas sa mata ko nang marinig iyon.

We bid our goodbyes to each other at tuluyan ng umalis sa bahay. Habang nakasakay sa taxi papunta sa airport ay tinanong ako ni Daneil, "Are you happy with this decision, mom?"

Pinagmasdan ko ang mga matatayog na gusaling nadadaanan namin at binalingan si Daneil. I smiled weakly. "Yes, anak. I'm happy."

The truth is, I felt empty. Parang kulang. Parang may naiwan ako. May parte sa puso ko na gustong manatili pero kinokontra iyon ng isip ko.

Nang makatapak kami sa airport ay agad nag-ring ang cellphone ko. It's Juvian, calling me.

Pangalan pa lang niya ang nakikita ko na naka-flash sa screen ay agad na may sumipa sa puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napatingin kay Daneil. I swipe the red button to decline his call but seconds after I did it, tumawag ulit ito.

Nagtalo na naman ang puso't isipan ko kung sasagutin ko ba ang tawag o hahayaan na lang siya.

Sa pag-iisip ko ay biglang nanumbalik ang sakit ng bawat babaeng dinadala niya sa bahay. Idagdag pa iyong balitang may nabuntis si Juvian.

I don't if it's true. Wala akong pruweba kung nagsisinungaling ba iyon o ano.

Inalis ko na ang isiping iyon sa isip ko.

Pinilit kong pinapatatag ang sarili at huminga nang malalim. Saglit akong napapikit. Nanginginig kong in-off ang cellphone at sa sandaling dumilat ang mga mata ko ay handa na akong humakbang patungo kung saan ako lalaya.

☆○●○●○●☆

"MOM, wake up. We're here," anang boses na nagpagising sa 'kin.

Agad kong minulat ang mga mata at matatayog na puno ay hitik sa halaman ang paligid ang unang bumati sa aking mga mata.

Ang mga ibon ay nagkakantahan kasabay sa pag-indayog ang mga puno sa bawat hampas ng nakagiginhawang hangin.

Napangiti ako sa ganda ng kapaligiran. Puro puno at mga bundok ang nakapaligid sa 'kin. Tuloy ay bigla akong naengganyong akyatin ang bawat bundok na nakikita ko.

"Ang ganda," I commented.

"True, mom."

"Tara na?" Napatango si Daneil at binitbit ang dala kong maleta.

"May nakita ka na bang pagtutuluyan natin, mom?"

"Yep. Malapit na iyon sa bayan kaya nakita ko ang apartment na iyon online."

Sumunod si Daneil sa 'kin at pagkalipas ng ilang minuto ay narating din naming ang tutuluyan.

"Tao po!" tawag ko. "Tao po?"

"Teka lang," sigaw ng boses ng isang babae.

Naghintay kami ng ilang sandali at tumambad sa amin ang isang ale na nakasuot ng daster.

"Ako po 'yong tumawag sa inyo, ate. Ako po si Ridaya at ito po 'yong anak ko," pagpapakilala ko.

"Ah! Oo, ikaw nga. Halika. Pasok kayo rito."
Iminuwestra niya ang kamay na sumunod kami kaya agad din naman kaming naglakad. Binuksan niya ang pinto at tumabad sa amin ang napakalawak na loob ng apartment.

Binubuo ito ng tatlong palapag at dahil ang bakante na lamang ay ang ikatlong palapag ay kinuha ko na iyon.

"Ito 'yong susi, iha. Saan pa kayo galing at bakit kayo napadpad sa Ajuy?"

"Sa Maynila po. Mahabang kwento po at pasensya kung hindi ko maikukwento sa inyo," magalang kong sagot.

Napatango ang ale tila nahalata na ayaw kong pag-usapan ang mga personal na bagay. "Oh siya sige. Kapag may kailangan kayo ay magsabi lang kayo, ha?"

"Maraming salamat po." Nang umalis na ang ale ay doon ko na rin isinara amg pinto. Napabaling ako kay Daneil."Sorry ay ito lang ang nakuha kong matutuluyan natin, anak."

"Mom, ano ka ba. Nakaya ko ngang mabuhay sa taong dinukot ako noon, mas malala pa nga ang bahay na tinutuluyan ko noon. This place is comfortable. Alam ko kasing andito ka."

Napangiti ako at naupo sa kamang hinihigaan niya. "Asus, totoo?" Sinundot ko ang tagiliran nito.

"Mom! Stop it!" natatawang suway niya pero hindi ako huminto. "Mom! Nakikiliti ako!"

"Talaga? Nakikiliti na ang big boy ko?"

"Mom, isa!" He laughed hard when I reached his armpit. Napilitan itong tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Tama na, mom, please?"

I chuckled. "Okay, okay, I'll stop. Magligpit na tayo."

That day, we are so exhausted, idagdag pa iyong naglinis kami ng buong apartment. May jet lag din kaming pareho kaya pinatulog ko muna si Daneil.

The next day ay umalis ako ng apartment para bumili ng mga ititinda. I want to do business here kaya magsisimula ako sa mga streetfoods dahil patok iyon sa kahit saan lugar.

"Kuya, isang kilo nga ng paa ng manok at harina."

Inabot ko ang bayad at naglibot-libot ulit sa palengke.

"Sorry, miss."

"Sorry po!"

Sabay naming saad matapos na magkabanggaan. Sa tantya ko ay nasa kaedaran ko rin ang lalaking ito.

Sabay din namin pinulot ang mga nabitawang plastic. Tinulungan ko na rin siyang ilagay ang mga nalaglag na kamatis sa lagayan niya.

"Salamat."

"Salamat."

Sabay ulit kami kaya natawa kaming dalawa.

"Pasensya gid. Wala ta ka nakita," aniya na ikinanganga ko dahil hindi ko iyon maintindihan.

"P-po? Sorry, hindi ko naintindihan. Bago lang kasi ako rito sa Iloilo kaya wala akong alam na hiligaynon." Napakamot ako sa ulo.

"Ah!" He cleared his throat. "Ang sabi ko kanina ay pasensya na at hindi kita nakita." Ngumiti ito.

"Uh. . . hindi, ako kasi 'yong hindi tumitingin sa daan kaya sorry."

"Pauwi ka na? Pauwi na kasi ako."

Napatango ako. "Oo, tapos naman na kasi akong bumili. Anong pangalan mo?"

"Dexter, ikaw?" Nilahad niya ang kamay kaya kinuha ko iyon ng walang pag-aalinlangan.

"Ridaya."

"Ang gandang pangalan naman."

"Asus, nambola pa."

"Uy hindi ah. Magandang pangalan nga, promise." Tinaas niya pa ang kamay para lang mapaniwala akong nagsasabi siya ng totoo.

Agad na nagkapalagayan kami ng loob at patuloy lang kami sa pag-uusap sa tricycle. Nakakagulat at sa gilid lang pala ng apartment building ang bahay niya.

Nakakatuwa lang dahil mayroon agad akong kakilala rito.

"So, paano? Mauuna na akong bumaba, ha?" paalam ko at napangiti.

"Sasabay na lang ako. Nasa gilid lang naman 'yong bahay ko. Ihatid na kita," walang pag-aalinlangan niyang aniya at bumaba na rin sa tricycle.

"Magtitinda ka?"

"Oo e. Para may mapagkukunan din ng pera."

"Nagagalak akong makilala ka Ridaya, pwede bang Aya na lang ang itawag ko? Napakahaba ng Ridaya," kunwa'y aniya at napakamot sa ulo.

Natawa ako at napatango sabay hampas sa balikat nito. Nagulat din ako sa ginawa ko kaya napalaki ang mata ko.

Nagkatitigan kaming dalawa, hindi ata inasahan ang paghampas ko na ganoon.

"Ang lakas mo pa lang babae, Aya. Kamuntikan nang umalis ang kaluluwa ko sa hampas ng kamay mo," biro niya sabay hagod sa parte kung saan ko iyon tinamaan.

"Baliw! Gusto mo isa pa? Umuwi ka na nga!" singhal ko ay natawa na lang sa huli.

"Basta kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako rito sa kabila."

Napatango ako at napangiti sa kabutihan nito. Dexter seems safe at walang gagawin na masama sa 'kin. I can feel it on his aura. Palabiro at palatawa. Hindi rin nawawalan ng kwento. I admit,  he's nice and. . .cute.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top