CHAPTER 16

Chapter 16





IT'S almost 6 days nang maparito kami sa bahay ni daddy. Each day is going smoothly. We bond and I cook for dad.

Tuwang-tuwa naman ito sa apo niyang si Daneil. He knew about him being adopted in which he gladly accepted it.

I smiled nang nakita kong tinutulak ni Daneil ang wheelchair ng lolo nito.

"Dad, anak, kain na. Our lunch is ready." Tinulungan ako ni Yaya Doring na isalansan ang mga pinggan.  "Yaya dito ka na po kumain. Pakitawag na lang po si Kuya Terry para sabay-sabay tayong kumain lahat."

"Naku, iha, huwag na. Mamaya na lang kami kakain kapag tapos na kayo."

"Yaya naman. Sige na."

I heard her sighed, a sign of defeat. In the end, Yaya Doring ang Kuya Terry eat together with us. Si daddy naman ay sinusubuan ko.

Naging masaya ang pagsalo-salo namin at kasalukuyan na kaming nasa living area nakatambay.

"How's Juvian, anak? Bakit hindi n'yo siya kasama?" biglang tanong ni dad.

It's been six days, akala ko ay wala lang sa kaniya na wala si Juvian. Mukhang napukaw ang kuryusidad nito bakit wala ang asawa ko.

Nagkatitigan kami ni Daneil ngunit bago ko maibuka ang bibig ay  inunahan na ako ng anak ko.

"He's busy with our business, lolo. He said that I will send his regards na lang po." Daneil smiled but the sarcasm is evident on his tone.

Hindi naman iyon napansin ni daddy at walang muwang sa gustong iparating ng anak ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon o hindi.

Tila sinasaksak ang dibdib ko sa nakikitang galit sa mga mata ni Daneil patungkol sa kaniyang ama.

Ang pinakainiiwas-iwasan ko pa naman ay ang magtanim ito ng galit sa magulang niya—kay Juvian.

Dad nodded. Daneil and dad talk about business at nakakamanghang nasasabayan iyon ng anak. Sa mura pa lang niyang edad ay malawak na ang kapasidad ng utak nito.

Hindi ko tuloy maiwasang umawang ang labi sa mga bagay na lumalabas sa bibig niya.

I'm definitely sure, Daneil will be successful in managing our company. I can see that he's happy with business talks and have a future plan in our company. The passion is igniting on his heart.

Kung ibang bata ang kaharap ko ay laro at gala lang ang nasa isip.

Nakakamanghan na iba mag-isip si Daneil. Talagang hindi lang ang pangangatawan nito ang nag-mature dahil pati ang isip nito.

We enjoyed each other's presence at hindi namin namalayan na maggagabi na. Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi si daddy ng gabing iyon.

Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa kwarto dahil hindi ako makatulog. It's already 12 in the midnight but here I am, wide awake.

Nabuksan ko na ang bintana at binilang ang mga bituin sa langit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Umilaw bigla ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. It's 12:02 am.

Because I don't have anything to do, I log in my facebook account and scroll in my feed for about an hour to kill time.

Halos maubos ko nang mapanood ang reels sa facebook.

Ano ba ang mayroon ngayon at hindi man lang ako dinadalaw ng antok? Gosh! Napu-frustrate na ako.

I decided to go outside. Total ay hindi naman na ako makakatulog ay maglalakad-lakad na lang muna ako sa bahay.

Nadaanan ko ang kwarto ni Daneil at hindi niya masarado ang pinto. Marahan akong pumasok at nakitang sarap na sarap ito sa tulog.

I put the blanket on his body and kiss his forehead. Napangiti ako ng wala sa sarili. I really love this kid.

Pinagpasyahan ko ring pumunta sa kwarto ni daddy. Nang buksan ko ang kwarto nito ay laking gulat ko na hindi pa ito natutulog.

Nakasandal ito sa headboard at may tinititigan sa cellphone nito.

"Dad? Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na ah?" alala kong ani at nagtungo sa kaniya.

"Ridaya," sambit niya ng marinig ako at napangiti. "Halika."

Marahan akong naupo sa tabi niya at sinilip kung ano ang pinagkakaabalahan nitong titigan dis oras ng gabi.

Nagulat ako ng si mommy ang tinititigan nito at iilang videos nila noong nasa simbahan sila. Their wedding is so grand!

"Mom is so beautiful, dad."

"Indeed. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, kayong dalawa."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa sinabi ni daddy. He never failed to show his love to our family.

We laughed together to the videos thay we are watching. It's a random clip of my mom. Nakakagulat dahil mukhang bata pa sila sa mga videos na ito at nakatago pa rin kay daddy.

We happened to stumble on my mom's picture in highschool. Hindi ako makapaniwalang siya iyon dahil sobrang layo ng pananamit niya sa nakasanayan ko.

"Is this really my mother, dad?" gulat pero natatawa kong sambit.

Napatango si daddy as he reminisced a happy scene.

I offered my phone for us to watch some videos I took when mom is alive. Marami-rami rin akong nakolekta at sinadya ko talaga huwag burahin.

Hagikhikan ang bumalot sa buong kwarto ni daddy at napuno iyon ng kwentuhan namin.

Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako sa gilid ng kama ni daddy.

Isang nakakasilaw na liwanag ang gumising sa 'kin noong umagang 'yon.

Payapang hinahawi ng mahinang ihip ng hangin ang kurtinang nakatakip sa malaking bintana.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi. Napansin kong nakatulugan din ni dad ang posisyong niya bago ako makatulog kagabi.

Nakasandal pa rin siya sa headboard at hawak-hawak ang cellphone ko. Marahan kong kinuha sa kamay nito ang cellphone. Nang umilaw ito ay tumambad ang pictures namin kasama si mom sa nalalabi nitong oras.

Tila may tumusok na karayom sa dibdib ko nang makita iyon. Agad na umagos ang lungkot sa sistema ko at pilit na pinapatatag ang sarili para huwag umiyak.

Dad really missed my mom.

I swipe the photo at muling nagpakita sa memorya ang masakit na kahapon. Parang kailan lang ay narito pa si mommy.

Life is indeed a cycle.

Mabubuhay, lalaki tayo at hahantong sa kamatayan. People have their own ending. Lahat ay pare-parehong babalik sa lupa. The only thing that is different for everyone is their  time of death.

Ibubulsa ko na sana ang cellphone nang maalala ang lamig ng kamay ni daddy nang madampian ko ng hintuturo kanina.

Humangos ako sa kinaroroonan niya at hinawakan muli ang kamay nito.

"Oh my god!" Napasapo ako sa labi at dumagundong ng husto ang puso ko.

Nanginginig kong tinapik ang pisngi ni daddy para sana gisingin siya but no response coming from him.

Mas lalo lamang dumagdag ang kaba ko nang masaksihan ang pagbaba ng kamay nitong nakapatong sa kaniyang hita.

My eyes filled with tears and shouted, "Dad!"

After that, several of foot steps rushed on this room.

"Mom! What happened?" tinig iyon ni Daneil at agad na nagpapalit-palit ang tingin nito sa akin at sa lolo niya.

My tears welled up like a river. "Your. . . lolo." Dinaluhan ako ng anak ko at maagap na nasalo ng umikot ang paningin ko.

"Call the doctor!" utos niya sa nurse. "Mom, please calm down."

"Daddy. . ."

Tila pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa katawan ni dad. Hinintay namin ang doctor at tanging malungkot lamang na iling ang ginawad nito sa 'min.

Pumalahaw ako ng iyak at niyakap ang malamig na katawan ni daddy. Napuno ng luha ang buong kwarto at naging malungkot ang simula ng araw na iyon para sa pamilya namin.

That day we decided to creamate my dad and mourn for him for days. Juvian visit us to our house pero wala sa hulog ang isip ko para pansinin ito.

And I decided to leave this house and stay on Juvian's place. I can't take any longer this pain in my heart if I'm with this place.

"Mom, eat your breakfast. Here, pinaghanda kita," ani Daneil dala-dala ang isang tray at pinatong sa gilid ng kama.

I smiled on him. "Ang daddy mo?" agarang tanong ko nang sinusubo ang prutas.

"Kakaalis lang, mom. Hindi ko alam kung saan 'yong tutungo, sa kumpanya ba o sa babae niya," matabang na sagot ni Daneil.

"Anak naman. Watch your words, ama mo pa rin iyon."

"All right, mom."

Hindi na siya nakipagbuno pa gaya ng ginagawa niya dati. He will just heaved a heavy sighed.

"Our school will have a family day the day after tomorrow. Can you come, mom?" he paused a bit. "But it's okay if you can't come, I understand."

"No, I'm free that day. It's a special day, hmm? Mom will go there."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top