CHAPTER 15

<3: Hello, maybe some of you notice that I changed something in some chapters. Yes, I did changed some scenes po, since I posted this months ago on tiktok. If ever you've stumbled upon it, just ignored po those comments. Hindi ko pa po naeedit yung Just His Wife in Law nang pumasok sa isip ko na ipromote yun sa tiktok. Enjoy reading my loves!♡♡♡
***

Chapter 15






"MOM, how long?" Lumambot ang ekspresyon nito at marahan akong hinawakan as if I'm the most fragile object that he had ever touch.

I keep my silence for a minute when he called  Aileen on the intercom to bring the first aid kit. I have bruises all over my body dahil sa babaeng iyon.

Ilang minuto lang ay hinatid na iyon ni Aileen. Gulat na gulat ito nang makita ang sitwasyon ko at humahangos na dinaluhan ako.

"Hala, ma'am! Ano po ang nangyari? Natulog lang ako at ganito ka na? Hala!" tarantang aniya at napatakip sa bibig na may nanlulumong mata.

"Ate, ako na muna ang gagamot kay mommy. Gusto ko munang pagpahingahin si mommy," magalang na utos ni Daneil kay Aileen.

Napatango ako kay Aileen dahil hindi pa ito sana susunod. "Okay lang ako. I want to rest muna."

Nang makalabas si Aileen ay tahimik akong ginamot ng anak ko. I smiled for what he was acting. Para na siyang matanda kung umasta. Parang kailan lang, oo.

"Mom, why are you smiling? Nasaktan ka na at lahat at heto ka, ngumingiti sa 'kin," reklamo niya at napatigil sa ginagawa.

"Anong gagawin ko? I can't help it. My baby boy is a big guy already."

"Mom!" He pouted but after a minute ay naging seryoso ulit ito. "Answer me, mom, hanggang kailan pa na ginagago ka ni daddy?"

"Daneil," suway ko. "Ama mo pa rin ang pinagsasalitaan mo ng ganiyan."

"Mom, I respect him but not this one! You've been hurt! Hindi ako papayag na gaguhin ka lang ni daddy!"

"It's. . . started when we get married."

"Fuck!"

"Daneil!" suway ko ulit sa matalim na dila nito.

"Mom. Leave him! He's not worth it! Hindi ka niya mahal dahil kung oo, hindi siya mag-uuwi ng ibang babae. Rerespetohin ka niya sa pamamamahay na ito kung mahal ka niya!"

He's right. Reality is slapping me hard today. A lone of tear started to escaped my eyes. Anak ko na ang magpapamukha sa 'kin na kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin ni Juvian.

"Pero. . . mahal na mahal ko ang daddy mo," mahina kong sambit. "Mahirap kumawala sa lubid na ikaw mismo ang nagtali, anak."

It's the truth that I can't deny. I love Juvian and I fall for him more and more all of this years.

"Mom, hindi ko kayang ginaganoon ka ni daddy. Imagine, six years had passed but no progress! He will never loved you, mom. Let's leave him."

Hinawakan ko ang kamay ni Daneil at ngumiti. "I'm sorry, anak, I can't leave your dad," nakarinig ako ng buntonghininga sa pinal kong sagot.

He wants to say something but prefer not to. Muli na niya na lamang itinikom ang bibig at pinagkaabalahang gamutin ang bawat kalmot sa braso ko.

Daneil even brushed my hair dahil sa sabog ito sa kaninang away. Silence invade the space between us at tanging tunog ng hairbrush ang bumubuhay sa paligid.

"Mom, can we visit lolo tomorrow? Or just have a vacation on his house? Just one week or two?" he asked.

Natahimik ako sa suhestyon niya, pilit na gumagawa ng paraan para malayo ako rito.

Napabuntonghininga ulit ako at napatango na lamang. Knowing Daneil, he will do anything just for me to decide quickly.

Okay naman ang suhestyon niya. Makakapagbakasyon na rin ako sa wakas sa bahay.


○••○••○••○


KINAUMAGAHAN ay nag-impake kami ng mga gamit good for 1 week. I don't want to stay longer in our house at baka mahalata ni daddy ang nangyayari sa buhay ko.

Ayokong isipin niya pa ako at problemahin dahil baka mas lalo lamang makasama sa kalagayan niya.

Aileen prepared the food in the dinning area. Before we go to dad ay mas pinili nalang naming kumain muna.

I knocked on my son's door. "Anak, let's eat our breakfast. It's ready."

Pagkasabi ko no'n ay agad na bumukas ang pintuan. Sumalubong sa akin ang magandang ngiti ni Daneil.

He pecked a kissed on my lips that made me smelled his minty scent. Dahil sa taas nito ay napayuko siya sa 'kin.

He look so good on his white polo paired with black pants. Napakalinis niyang tingnan na nagpangiti sa 'kin.

"Good morning, handsome," bati ko kaya may sumilay na ngiti sa labi nito.

"Good morning, beautiful," tudyo niya na ikinatawa naming dalawa.

Naglakad na kami papunta sa dining area at ganoon na lang ang pagkawala ng ngiti naming dalawa.

We didn't expect that Juvian is sitting on the dining chair patiently waiting for us the same as we always do some time.

When his eyes locked mine ay tila pinako ako sa kintatayuan. After what I did last night, tila ako ang nahihiya sa aksyong ginawa.

No scratch thay! Siya dapat ang mahiya dahil wala naman akong masamang ginagawa.

Napansin ko ang matalim na paninitig ni Daneil sa ama kaya agad ko itong sinuway.

Hanggang sa magsimula kami sa pagkain ay walang imikan sa pagitan namin dalawa ni Juvian at sa anak niya.

In a day to day basis, Juvian and Daneil will talk random things but today, silence and deadly stares are the words that our son wants to throw on his dad.

"Daneil. . ." malumanay na suway ko ulit. "Eat your breakfast na."

Sa pagsabi kong iyon ay parang hudyat sa kaniya na kumain. Napasulyap ako kay Juvian at napansing nakatitig ito sa mga kalmot ko sa braso at sa malaking pasa sa likod ng kamay ko.

May pasa sa gilid ng labi niya at sa gilid ng kaliwang mata, probably that's where Daneil punch him.

Pasimple kong tinago ang kamay at binaliwala ang tingin niya. Bawat subo ko ng pagkain ay siya namang pigil ko sa sarili na balingan si Juvian.

I can't breathe properly for the tension between us- Daneil an me, and Juvian. Eventhough we are eating, ramdam na ramdam ko ang madilim na aura ng anak ko. Tho, he is just eating and not uttering a single word.

When we are done, Daneil get his luggage and mine. Agad iyong napansin ni Juvian pero hindi man lang siya nagtanong kung saan kami patungo.

Wala ba talaga siyang pakialam sa 'kin? Sa amin ng anak niya?

Hanggang sa makalabas kami ng bahay at makasakay sa kotse ay wala man lang akong natanggap na kahit anong salita galing sa kaniya.

Narating namin ang bahay ni dad nang payapa at walang abirya. Sinalubong ako ni Yaya Doring at hinagkan nang nakapahigpit.

"Kumusta kanang bata ka? Matagal-tagal na rin nang bumisita ka rito!" masayang aniya.

Napangiti ako. This place is literally my place, my home and my comfort zone. Ganoon pa rin ang lugar at nakikita ko sa bawat gilid ang paboritong bulaklak ni mommy.

"Heto po, okay lang naman. Masayang mayroon nang anak."

"Ito pa iyong sinasabi mo sa akin?" Tinuro niya si Daneil. "Nakung batang ito, oo, ang laki at ang taas. Anong edad mo na, iho?"

Napangiti si Daneil at nagmano kay Yaya Doring. "Dose anyos pa lang po ako," magalang na sagot ng anak ko.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Yaya Doring, hindi naman na bago sa akin ang ekspresyong iyan. Halos lahat ata ng taong magtayanong sa anak namin ay magugulat.

"'Kay tangkad namang batang ito. Nagmumukha kang kapatid niya, Ridaya, iha."

Natawa kami ni Daneil sa sinabi ni Yaya Doring. Nagkamustahan kami at mga nakaligtaan kong balita dito sa compound namin ang mga kinuwento ni yaya.

"Si dad?" biglang tanong ko.

"Ayon at nagpapahinga sa kaniyang kuwarto, iha. Naging mahina na ang katawan ng daddy mo pero minsan nagpipilit talaga itong lumakad. Kamakailan lang ay nabalian ito ng buto pero ayaw niyang ipaalam sa iyo dahil baka mag-alala ka sa kaniya kaya nilihim naming lahat sa 'yo. Pasensya na at hindi ko nasabi sa iyo. Kabilin-bilinan kasi iyon ng ama mo."

"Ano po?" Napasapo ako sa ulo. Pati iyon ay nilihim nila sa akin? Napabuntonghininga na lang ulit ako. Si daddy talaga, oo. Napakatigas talaga ng ulo.

Umakyat na ako para silipin si daddy. Nadatnan kong mahimbing itong natutulog kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya.

May leg brace na nakakabit nga sa kanan nitong paa. Dad became skinny and aged a lot. Naging sakitin ito last year.

Nahabag ako sa sitwasyon niya at may kumurot sa dibdib ko.

Inaatake ng highblood, may pneumonia, minsan pa nga itong na-dengue. Sobrang hina ng risestensya niya. Na-stroke ulit si dad at ang sabi ng doctor ay mahihirapan na itong maka-recover pa.

Bago pa man ako makaupo sa gilid niya ay agad naman dumilat ang mata ni dad.

"Anak?"

"Yes, dad. It's me Ridaya."

Pinilit nitong maupo pero pinigilan ko na lang. "Huwag na po kayong bumangon, dad. Mahiga na lang po kayo."

"Kaya ko naman, anak."

"Daddy!" saway ko.

Totoo nga talagang ang tigas ng ulo ni daddy. Minsan na rin akong sinabihan ng private nurse niya nang makausap ko. Kesyo ayaw uminom ng gamot, ayaw matulog ng maaga o maligo man lang.

Kailangan pa akong tumawag at pakiusapan si dad para lang sumunod sa nurses niya.

Dad let out a low energy laughed. "You are always my Ridaya, anak. I miss you, honey."

Napangiti ako sa sinabi nito. "And you are always my favorite person, dad! I miss you more, daddy, kaya huwag matigas ang ulo, okay? Palagi mong sundin ang bilin ng doctor at 'yong mga gamot mo, inumin mo sa tamang oras," paalala ko.

Mas lalo siyang natawa. "Pumunta ka ba rito, anak, para sermonan ang daddy?"

"Dad, naman, eh!" ungot ko.

He raised his right hand at inabot ang ilong ko at kinurot iyon ng mahina. Gusto kong maiyak sa sitwasyon niya ngayon pero pilit kong nilalabanan iyon at pinapasaya ang sarili.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi dahil sa mumutla ang bibig nito. Kahit na sa pakikipag-usap ay hirap na hirap si daddy pero pilit niyang inaayos ang mga salita niya.

Nakakainis dahil sa nagdaang tatlong taon ay hindi ko na ulit siya nakamusta at napasyalan dito. Gusto kong magsisi at ibalik ang oras pero ano pa ang magagawa ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top