CHAPTER 14

Chapter 14





 
I SILENTLY walked to my room and cried all my heart there. Ilang minuto akong umiiyak nang mag-decide na puntahan si Juvian sa kwarto nito.
 
Nanginginig ang kamay kong inabot ang door knob at laking gulat na hindi iyon nakasarado.
 
Bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ng asawa ko ay napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Daneil.

Siguro ay natutulog na ito ng mahimbing ngayon. Sana nga ay huwag siyang magising dahil ayaw kong masaktan siya sa mga pinaggagawa ng ama.
 
Nang maitapak ko ang paa sa kwarto ay sobrang dilim sa parteng kinatayuan ko. Ang tanging ilaw lamang ay 'yung nasa bedside table ng kama ni Juvian.
 
It's like I'm being stab in millions when I saw that woman. Wala akong nakita sa babae na kahit anong saplot sa katawan at lalong nag-iinit ang ulo ko nang masaksihan ang estado nito.

Napasapo ako sa bibig at pilit na iniiwasang lumikha ng ingay sa lugar na ito.
 
Durog na durog na ang puso ko pero pilit ko pa rin pinupulot ang mga basag na piyesa para lang buuin ito at manatiling matatag.
 
Kahit na sabihin kong sanay na ako sa tanawing ito ay hindi ko pa rin maisawang magdamdam. Sino ba naman kasi ang taong iignorahin na lang ang ganitong sakit, hindi ba?

"Do you want me, now? Look at my nakedness. I can satisfy you for your lifetime," usal ng babae sa harap ni Juvian nang makalabas ito sa shower.

Nakatalikod  sa akin ang babae kaya kitang-kita ko mula rito ang magagandang kurba ng katawan niya. Nakalugay ang mahaba at bagsak na bagsak nitong buhok sa likod.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil hindi ko maisawang mainggit sa kagandahang katawan nito kahit nakatalikod sa 'kin.

Iyan ba ang gusto mo, Juvian? Kaya ba hinding-hindi mo ako makuhang mahalin sa ilang taong ito?

Noong una pa lang ay sinabi na niya na hindi niya ako kayang mahalin.  Ilang beses ko na ring narinig at nasaksihan ang ganitong mga kababuyang ginagawa niya.

"Andrei," Juvian said.

"It's not Andrei, it's Sam," the girl corrected.

Lumapit ng kaunti ang babae kay Juvian. Hindi ko alam kung ano ang nasa expresyon ng asawa ko dahil nakatakip ang katawan ng babae sa kaniya na naging dahilan para hindi ko siya lubusang makita.

Bawat segundong pumapatak ay napapakuyom ako ng kamao. Nalalasahan ko na ang dugong dulot ng mariing pagkakakagat sa labi.

"Sam, how many—"
 
Sa panonood ko ay hindi ko na namalayan na may dampot na  pala akong ballpen at mahigpit na hinahawakan ito. Kung saan ko man nakuha ito, ay hindi ko alam.
 
Umaagos ang luha kong sinugod ang dalawa. Tila napigtas na ang pisi kong pilit na hinahawakan.

"You bitch!" sigaw ko.

Tila hindi ko na alam ang gagawin at kusa na lang tumakbo sa kanila ang katawan ko at nakayuyok ang ballpen na hawak sa babae.
 
Gulat na napabaling sa 'kin ang dalawa at marahas na pinaksi ni Juvian ang kamay na nakapulupot sa leeg nito.
 
"Oh my god! Who is that bitch, DM?! Oh my god!" maarteng ng gagang babae  sabay takip ng hubo't hubad nitong katawan.
 
"What the fuck, Ridaya?!" galit na sigaw ni Juvian pabalik sa 'kin at walang hirap na hinawakan ang palapulsuhan ko.

Nawala ang pagkakahawak niya sa towel na nakapulupot sa bewang nito. Dahil kakagaling niya lang sa shower ay tumutulo pa ang buhok nito at dumadaloy ang tubig na iyon sa kaniyang walang saplot na pang itaas.
 
His gripped is so tight that I'm not able to move my hand. He stared at me as if I did something terrible. Tila ako pa ang may malaking kasalanan sa nanlilisik nitong mata.
 
I didn't mind the sight of the girl beside her naked. Wala akong pakialam sa hubo't hubad niyang katawan dahil nag-iinit ang kalooban ko sa galit.
 
"Ridaya!" Juvian glared on what I was holding.

Mabilis kong kinuha ang matalim na ballpen at nilipat iyon sa kabilang kamay at inambahan ang babaeng haliparot.

"Ridaya! What are you doing? You want to kill her?!" galit na untag niya.

Hilaw akong napangiti. "Ako pa ang pinapagalitan mo? Ha, Juvian? Ako pa? How dare you!" biglang naisatinig ko ngunit nabasag ang boses sa huling sinabi.

Ngayon pa lang ay nilabanan ko na ang nakakapasong tingin ni Juvian. Kung paano ko nagawa iyon, ay hindi ko alam.

"Let go of me!" madiin kong utos at nagpumiglas sa gawak niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak kaya napadaing ako.

Tila nagulat siya sa ekspresyon kong iyon kaya mabilis niyang nabitawan ang kamay ko.

"I'm sorry," he apologized but I ignored him.

Napabaling ako sa babaeng kinakalantari ni Juvian at prente lang itong nakasandal sa headboard ng kama ng asawa ko.

Ang lakas ng loob!
 
I want to cut her in cubes and throw her chopped body deep in the pacific. I threw her a deadly stare but she ignored me and smirked.
 
"You're a sad soul," she stated with a tone of sarcasm tila mas lalo akong inaasar.
 
Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi nito at tila nilipad ko ang maliit na distansya namin.
 
Tumalon ako sa kama at kinubabawan ang babae at pinagsasabunutan ito.
 
"Ouch! DM, help me! Ouch! My hair! Stop that bitch! Ang mahal-mahal pa ng pagpapa-salon ko 'ryan! Oh gosh!" sigaw niya at pilit na inabot rin ang buhok ko.
 
Nagsabunutan kaming dalawa pero hindi ako nagpatalo. Mas lalo kong nilakasan ang pagkakasabunot ko sa kaniya at may iilan akong buhok na nabunot.
 
I slapped her hard na naging dahilan para umiyak at sumigaw ito. "Get this bitch off me!"
 
"Ridaya!" Naramdaman ko na lang na umaangat na ako sa ere at pasan-pasan na ako ni Juvian.
 
"Bitiwan mo ako, Juvian!" mariing utos ko ngunit hindi niya ako pinakinggan. "Kailangan kong turuan ng leksyon ang babaeng 'yan! Let go of me!"
 
Pinagsusuntok ko ang likod niya pero wala siyang naging reaksyon. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan saka niya ako binaba.
 
Napaikot ang mata ko sa pamilyar na kwarto at napagtantong nasa secret room ako ng kwarto niya. Maliit lamang iyon ngunit kumpleto ang lahat.
 
This is not new to me, in fact, I probed this secret room of him years ago.
 
Matalim niya akong tinitigan pero nilabanan ko rin iyon ng masamang tingin. Hindi ko ininda ang mga kalmot ng babae niya sa 'kin at mahapding anit sa harap niya. Kahit na nakakatawa ang pagmumukha ko ngayon ay handa pa rin akong sugurin ang malanding iyon.
 
Without clothes on at tanging towel lang ang nakatakip sa pang ibaba nito, he exlaimed, "Why did you entered in my room?! Who gave you the right to do that, huh?!"
 
Halos takasan ako ng kaluluwa sa pagdagundong ng boses niya sa apat na sulok ng k‘wartong ito pero hindi ako papatibag ngayon.
 
I stood my grounds and didn't let fear escaped my eyes. "I'm your wife! I have the right to enter in your room whenever I want!"
 
He take a step closer ang pushed me against the wall. Hindi ko pinutol ang malamig nitong tingin at malakas na tinulak ang dibdib nito pero parang wala lang sa kaniya iyon. Hindi man lang napaatras sa lakas na ginawad ko.
 
He forcefully grabbed my hand ang pinned it on top me my head. Napadaing ako sa lakas niyang iyon at halos manghina nang ilapit nito ang mukha. "You are just my wife in law. Remember that!" diing aniya at marahas na binitiwan ako.
 
Impit akong napaiyak at hinawakan ang kamay na tumama sa bedside table. Hindi na niya nakita iyon dahil tumalikod na ito sa akin saka lumabas na ng kwarto.
 
I cried silently for the pain I felt. Hindi ko alam kung sakit ba ng mga sugat at kamay ko o 'yong puso ko.
 
Napatigil lang ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng malakas na kalabog nagmumula sa labas. Dali-dali akong napatayo at kumakabog ang dibdib na pinihit ang pinto
 
Pagkabukas na pagkabukas ko ay kinukwelyuhan ni Daneil ang ama nito. Nanlilisik ang mata nito at galit na galit.

Kahit na mataas si Daneil ay mas mataas pa rin sa kaniya ang ama nito. Hanggang dibdib lamang siya ng ama ngunit nagagawa niya pang kwelyuhan si Juvian.
 
Nanlaki ang mata ko at humahangos na lumapit sa anak ko.
 
"I respected you, dad!  But this is too much! Too much!" Inambahan niya ng suntok si Juvian kaya napasapo ako sa bibig.
 
Agad kong nilapitan si Juvian at inalalayan itong tumayo. "Oh my god!"
 
"Mom! Stop it!" pigil niya sa ginagawa ko.
 
Napatingala ako at seryosong nakatitig sa 'kin ang anak ko.
 
"Anak. . ."
 
Hinawakan nito ang kamay ko ngunit napangiwi ako nang dumampi ang hinlalaki nito sa likod ng kamay ko. Dumaan ang galit sa mga mata ni Daneil nang makita ang reaksyon ko at pagalit na binalingan ang ama.
 
"You did this, dad?! How could you!" Tiim-bagang niyang kinwelyuhan ulit ang ama at sinuntok sa panga.
 
"Daneil!" sigaw ko at niyakap ito sa likod. Napaiyak na rin ako dahil kung hindi ako pumunta sa kwarto ni Juvian ay hindi mangyayari ito. "Please, stop anak."
 
I felt his breathing calmed down kaya pinatayo ko na ito at pinalayo. Hindi pa rin nawawala ang matalim na titig nitong pinupukol sa ama niya.
 
"I respected you, dad! Nang ampunin mo ako, akala ko ay ikaw na ang pinakamabait na ama sa buong mundo! How could you hurt, mom like this?! I love you dad but this is too much! That bitch!" Dinuro niya ang babaeng nasa kama ni Juvian. "Baka kung ano ang magawa ko sa babaeng iyan kapag hindi mo pinaalis dito 'yan!"
 
Wala akong narinig na kahit ano kay Juvian. I can't read his emotion right now.
 
Namumula na ang mukha ni Daneil sa galit at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapailing si Juvian at hindi makapaniwalang nasuntok ng anak. As if something on his mind just pop up and he realized something.
 
Napatayo na ito sa kinakasadlakan at pinahid ang dugo sa gilid ng labi. I felt bad for Juvian and wanted to aid that wound on his lips but I just couldn't.
 
Napabaling si Juvian sa babae at malamig itong tinitigan. "Get the fuck out of my house!" he commanded.
 
Fear constrict on her faced and picked all her belongings. After that, she run towards the door. Nang wala na ito ay ganoon naman din ang paghila sa 'kin ni Daneil.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top