CHAPTER 13

Chapter 13






HINDI ako nakatulog ng maayos kakaisip sa araw na ito. Halos hindi ako mapirme sa kinauupuan at nagawa ko na lahat ng gawain dito sa kwarto.

Ilang ulit na ko na ring chi-in-eck ang light make up na nilagay ko sa mukha at ang kulay pink na lipgloss na nagpapabuhay sa bibig ko.

Halos sampung beses ko na ring napagmasdan ang sarili sa salamin at nagpaikot-ikot sa suot na maxi floral dress.

It's a light green color and I paired it with my light green flats. Gusto kong maging kumportable sa araw na ito at walang aalahaning takong na masisira.

When I get satisfied for what I look, agad akong pumunta sa kwarto ni Daneil. Aileen was there when I opened the door, matiyagang binibihisan si Daneil.

Nang mapansin ako ng anak namin ay agad itong ngumiti at tumakbo sa 'kin. "Mommy!"

I chuckled at ginulo ang basa nitong buhok. "Come to your Ate Aileen. Hindi pa siya tapos sa 'yo."

Napatango ito at sinunod ang sabi ko.

Masunuring bata at ang kulit.

Daneil is a tall kid for a nine-year-old boy. He have a fair skin at sakto lamang ang haba ng itim na buhok.

Nakasuot siya ng isang khaki short paired with a white polo shirt. Nakasuot din ito ng puting white converse shoes at isang kulay asul na relo. Probably this is all Juvian's choice of clothing.

Hindi naman siya nagkamali dahil napakagwapo tingnan ni Daneil. Idagdag pa na magaling itong magdala ng suot.

"Tara na sa baba, ma'am. Na roon na po si Sir DM, naghihintay."

Nanlaki ang mga mata ko at nataranta.. "Kanina pa ba?"

"Hindi naman po masyado," malumanay na sagot nito.

Dumagundong ng husto ang dibdib ko at gusto na lang liparin ang baba. Pero, agad kong inalis ang isiping iyon sa sistema ko.

Stop acting like a teenager girl, Ridaya.

Naglakad na kami pababa at nadatnan namin si Juvian na matiyagang naghihintay sa hapag.

When Daneil saw Juvian, agad na nagkumawala ito sa kamay ko sabay takbo sa kaniya.

"Daddy! Good morning! Ang gaganda po ng mga binili n'yo! Nagustuhan ko po!" aniya with a wide smile carved on his face.

Juvian smiled. A smile that I didn't see in my entire life. "Let's now eat our breakfast. Dad is hungry, hmm? Gusto mong mamasyal?" Napatango ng ilang ulit si Daneil. "Then we should go after this."

Napangiti ako sa tanawing iyon. Tila kinikiliti ang puso ko sa mainit na pagtatawanan nilang dalawa. Juvian looks good to be a father.

Namasyal nga kami at pinagbibili ni Juvian ng mga laruan si Daneil. Tuwang-tuwa ang bata at napakasaya nito sa araw na ito.

Alyn is with us today. Mabuti na lang at may nakakausap ako kahit papaano. Kain at gala ang ginawa naming lahat.

Nang makauwi ay pagod na pagod si Daneil. Nag-uumapaw ang kasiglahan nito ngayong araw kaya hindi na nakakapanibago na sobrang lata niya kapag uuwi na.

Palihim kong tinitigan ang mga litrato na nakunan ko habang nagba-bonding ang mag-ama.

I zoomed how Juvian laughed at Daneil.

Tila may kumirot sa puso ko na kahit kailan ay hindi magiging ganoon ang ngiti niya kapag ako ang kaharap.

When he will love me? Is it possible for him to love me back?

☆○○○○○☆


"HAPPY birthday, Daneil!" I kissed his cheek but he just pouted.

"Mom, I'm not a kid anymore. I'm twelve years old! I'm big enough, so please stop!"

I chuckled and dishevelled his hair. He's such a cutie.

Parang kailan lang ay ang liit pa nito noong nakita ko at inampon namin. And now, he's like a tower. Sobrang taas na niya at lagpas na sa 'kin.

For a twelve-year-old boy, he's huge! Parang disi-otso anyos na ang pangangatawan. No doubt that he's the biggest among his classsmates.

Natitiyak kong sa tunay na magulang niya namana ang ganiyang pangangatawan.

"Asus, bakit ayaw mo nang magpahalik? May girlfriend ka na, 'no?" tudyo ko sa kaniya.

"Mom! Wala ah! I'm too young for that!" inis na sagot niya.

Kita mo na, kanina malaki na raw siya, ngayon ay may pa too young pang patutsada.

Kids nowadays.

"Hmmm. . . okay." Ngumiti ako nang-aasar.

"Mom, bakit ayaw mong maniwala?" he frustratedly said.

Mas lalo akong natawa. Lukot na lukot na ang mukha ni Daneil dahil sa pang-aasar ko. "Naniwala naman ako, ah? I said, okay."

"As if, mom. Aish!" Sa pagkakairita niya ay ginulo nito ang buhok ngunit kalaunan ay tinulungan pa rin ako sa pagliligpit matapos ipagluto ko siya ng paborito niyang spicy adobo.

"Pasukan mo na next week. Sasamahan pa ba kitang mamili ng gamit mo? O 'yong driver mo na lang ang kasama mo?"

"I prefer to be alone, mom. I told you, I'm not a kid anymore."

Again, I chuckled. Okay, he's now a big boy. Big boy na raw, e.

Napatango na lang ako mgunit hindi mawala-wala ang ang mahinang hagikgik.

Tinulungan ako ni Daneil sa pagtatanim ng halaman sa garden at ng matapos kami ay agad siyang nagtungo sa kuwarto niya.

Naligo na rin ako and decided to take nap after that. Dahil ayaw kong matulog ng basa ang buhok ay blinower ko muna iyon.

Sabi kasi nila ay bawal matulog ng basa ang ulo. I don't know kung saan ba 'yan nanggaling pero mas okay nang matulog na hindi basa ang buhok.

Nagising ako sa malakas na kulog sa dapit hapon. Nang abutin ko ang phone sa bedside ay halos pasado alas tres na ng hapon.

The wind is howling and the trees are dancing wildly. Makanginginig ang ihip ng hangin kaya mabilis akong humakbang para maisarado ang sliding glass sa veranda.

May bagyo yata. Kanina ay parang okay naman ang panahon, ah. Doon ko lang naalala ang anak ko.

Hangos akong napababa at agad na hinanap si Aileen "Aileen?"

"Po, ma'am?" malakas na sigaw ni Aileen na nanggagaling sa kusina.

"Nakarating na ba si Daneil?"

Ilang ulit napatango ito. "Oo, ma'am. Nasa k'warto niya na po siya."

Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Ngayong maulanan ay napakadelikado dahil madulas ang daan kaya abot ang kaba ko kanina.

Napansin kong wala pa rin si Juvian sa kwarto niya kanina kaya agad akong nagtipa at tinanong siya kung na saan ba siya.

Isang oras akong naghintay ng text niya pero wala man lang akong text na nakuha. I smiled bitterly.

Kailan ba niya ako ni-reply-an, 'di ba? Kahit na ganoon, ay patuloy pa rin naman akong umaasa.

Hanggang sumapit ang gabi ay wala pa ring Juvian na umuuwi. Nilukob tuloy ang puso ko ng kaba. Halos nanlalamig na ang kamay ko kakaisip kung na saan ba siya o maayos ba ang kalagayan niya.

I tried to call him but still no response from him. Ring lang nang ring ang phone nito hanggang sa maging out of reached.

Mas lalo ring lumakas ang ulan at matatalim na kidlat ang nagpapaliwanag sa buong paligid. Kahit na nakakatakot iyon ay mas pinili kong patatagin ang loob para hintayin si Juvian dito.

Hindi ako mapirme sa kinauupuan sa sofa at palipat-lipat ang pwesto ko. Lahat na yata ng p'wedeng puwestuhan ay naglapat na ang puwet ko roon.

Juvian, where are you?

"Mom? Why are still here?"

Boses iyon ni Daneil kaya alam kong papalapit na siya sa pwesto ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng anak ko.

For these past three years, I know that he noticed why Juvian isn't in the house all the time. Alam kong may ideya na si Daneil sa relasyon naming dalawa ng ama niya, pero hindi ako nakarinig kahit kailanman ng pagbubukas niya ng topikong iyon.

"Is dad not yet home?" seryoso niyang tanong.

Napailing ako ay pilit na tinatago ang kabang nararamdaman. Maybe I'm just overthinking.

Ridaya, calm down.

"Go to your room, mom. Magkakasakit ka niyan kapag patuloy mong hihintayin si dad. Baka walang balak 'yon umuwi. Matulog ka na, mom," kumbinsi nito na ikinangiti ko.

"Baka mamaya andiyan naman siya, anak. Hihintayin ko lang ang daddy mo," pagpupumilit ko pa.

I heard him sighed. "Okay, mom. Pero kapag wala pa rin si dad after 20 minutes ay umakyat ka na po, ha?"

"I promise, anak. Go upstairs. Matulog ka na. " I kissed him on his lips at hinagod naman nito ang likod ko.

"Good night, mom."

"Good night, anak."

I smiled when I stared at him going to his room. Nang hindi ko na maaninaw ang likod nito ay agad akong naupo ulit sa sofa.

I decided to switch off the lights in the living area at tanging dim lights lang ang nagsisilbing ilaw sa bahay na nanggagaling sa kusina.

Naghintay nga ako ng bente minutos pero walang Juvian na umuwi. Tatayo na sana ako at akma nang aalis sa pwesto pero nakarinig ako nang pagbukas ng pinto.

Napalingon ako roon at isang pamilyar na bulto ng katawan ang naaninaw ko. Dahil tumigil ang kidlat sa labas ay hindi ko na makita ang kabuuan nito.

Ang mumunting liwanag ng langit mula sa labas ang nagsilbing ilaw ko para maaninaw ang bulto ng katawan ng taong iyon.

I know it's Juvian at napangiti akong napahakbang para sana batiin siya pero natigil sa pagbukas ng bibig ko nang mapansin ang isa pang bultong katawan na kasama niya.

"Babe, wait for me," mahina ngunit naglalanding tonong tawag ng babae.

Napatakip ako sa bibig nang masaksihan ang palitan nila ng halik. Nakalingkis sa likod ng asawa ko ang kamay ng babae at marahas na naghahalikan ang dalawa.

Dahil na rin sa kadiliman ay hindi ako masyadong nakikita sa sofa. Akala ko ba ay tapos na ang ganoong ugali ni Juvian dahil may anak na kami? Akala ko ay tumigil na siya sa pambababae niya.

I grabbed my chest because it's fucking hurts. Sanay naman na ako sa tanawing ito pero heto ako, palihim na umiiyak sa kadiliman at nagdudusa sa mga pinagaggawa ni Juvian.

Pinigilan ko ang sariling gumawa ng ingay para huwag nila akong mapansin. May sa loob-loob kong gusto sampalin at sabunutan ang babae pero hindi ko maigalaw ang buong katawan.

Malayang umaagos ang luha ko at walang sinuman ang nakakaalam kung hindi ay sarili ko lamang.

"Hmm. . ." ungol ng babae.

"Let's go to your room, babe," aya ng babae s at tumalina na papunta sa kwarto ni Juvian.

Nasaksihan ng dalawang mata ko kung paano niya ipinalupot ang kamay sa balakang ng babae. It just a sight but it has the most painful wounds that will ever carved on my heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top