CHAPTER 12

Chapter 12





 
"WHY. . . why are we here?" I asked confused. Nilingon ko si Juvian na kasalukuyang inaabot ang cellphone sa dashboard at sinirado ang pinto ng kotse.
 
Pinasadahan niya ako nang malamig na tingin at naglakad na lamang papasok sa lugar. Lulan ang pag-iisip ng kung ano-ano ay pinagpasyahan ko pa ring sumunod sa kaniya.

I don't have any idea for gonna happen and all I can do is to go with flow. Naikibit ko ang balikat at maingat na hinahakbang ang paa kung na saan man si Juvian.
 
"Magandang umaga, Sir," bati ng isang matandang madre ng maabot ko kyng na saan sila.
 
Juvian smiled on her. "Magandang umaga," malamimbing na anito.

Napatitig ako sandali kay Juvian dahil sa inaasta nito.  Bakit sa 'kin ay hindi ko man lang narinig ang tonong iyon?
 
"Naayos na po lahat, sir at p'wede ni'yo na siyang iuwi."
 
Napakunot ako ng noo sa pinag-uusapan nilang dalawa ngunit agad ding nagulat sa ginawa ni Juvian.
 
My heart beat race when his warm hand filled the gap of my fingers. Nakapakagat ako sa pang-ibabang labi sa hindi inaasahang aksyon nito.
 
"This is my wife, Ridaya Jey Soliven," pagpapakilala niya.
 
Nanindig ang balahibo ko sa pagkakabigkas niya ng pangalan ko tangan ang kaniyang apelyido. Kinikiliti ang bawat hibla ng ugat ko sa buong katawan sa nakakapanibagong tunog ng pangalan ko.
 
Ngumiti ang madre sa akin at agad na kinuha ang kamay kong hindi ukupado. Dahil sa katandaan ay kulubot at may kagaspangan ang kaniyang mga palad dulot na rin siguro ng mga gawaing nakaatang sa kaniyang balikat.
 
"Napakagandang babae naman itong asawa mo, sir. Natitiyak kong masisisiyahan ang batang iyon sa bago niyang pamilya," ngiting komento niya.
 
Kahit hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya ay ngumiti pa rin ako. Ayaw kong mapahiya pati na rin si Juvian kaya kailangan kong panatilihing natural at may alam sa nangyayari.
 
Juvian smile but I know it is not genuine. It's all for show and I don't need to feel in pain. However, my heart betrayed me and showed that feelings in my eyes.
 
Am I worth for this? Am I just for the show? Kailan ba niya ako matututunang mahalin? Kailan ba niya ako makikita na isang babae at huwag nang magdala ng mga babae sa bahay at kung saan-saan?
 
Kailan ko ba masasabi na akin lang siya? Darating pa ba ang araw na 'yon? O mananantili na lang na bigo ang puso kong umaasa na balang araw ay mahalin niya naman ako sana.
 
Mapait akong napangiti at pilit na isinawalang bahala ang namumuong luha. Juvian and Sister Ethel talked some random things. I just nodded for response to some questions at tipid na nagkukwento patungkol sa buhay namin ni Juvian kapag nauungat ng madre.
 
Sa pagdaan ng oras ay unti-unti kong nalalaman kung bakit kami narito.

It's for adoption!
 
Sa isiping iyon ay tila nabuhayan akong muli at nawala pansamantala ang bumabagabag sa puso't isipan ko.
 
Thinking about having a child through adoption warms my heart and makes me excited. Am I going to be a mother?
 
Oh my gosh!
 
Atat na akong malaman kung sino ang batang napili ni Juvian. I wonder why he's having this adoption.
 
I mean, he's a healthy man. I know he can produced a child for an instance. Duda naman akong baog siya. Goodness gracious! His sex life is active as hell! Impossible!
 
"Please, sign here, sir." Turo ng isang assisstant.
 
Pumirma naman si Juvian at nang matapos ay kinamayan siya ng madre. "Congratulations, sir. Nawa'y biyayaan kayo ng kasaganahan at malakas na pangangatawan sa buhay. Siguradong matutuwa ang batang iyon sa bago niyang pamilya."
 
Ngumiti ako nang balingan ako ng tingin ng madre at kalaunan ay tinawag ang bata. Nanlaki ang mata ko nang makilala ng tuluyan ang aampunin namin.
 
"Ate Ganda?!" he said confused at tumakbo sa 'kin nang matanaw ako. "Ikaw ang mag-aampon sa 'kin?" Malapad itong ngumiti, galak na galak. Tila walang pagsisidlan ang tuwa nito nang makita ako.
 
Napatingin ako kay Juvian at napatango ito kaya napatango rin ako sa bata. "Joshua. . ."
 
"Hindi po Joshua ang pangalan ko. . . mommy," malumanay tila nahihiyang tawag patungkol nito sa 'kin.
 
Tila may humaplos na mainit na kamay sa puso ko sa narinig na pagtawag niya sa 'king mommy. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at nangiligid ang luha.
 
Ganito ba ang feeling na maging ina? Hindi ko lubos maisip na sa ganoong pagtawag palang ay tila tatalon na ako sa tuwa.
 
"Anong pangalan mo?" Ngumiti ako.
 
"His real name is Daneil Barimo but I changed it to Daneil Kev Sujede Soliven. He's now our son," anang boses ni Juvian, hindi na hinintay ang sasabihin ng bata.
 
I can't stop myself from smiling widely. Humawak sa 'kin si Daneil. Sa ganoong tanawin ay nag-iinit ang sulok ng mata ko. I can't wait to see how this kid would be in the future.
 
We bid goodbye sa mga taong naroon sa orphanage at ilang minuto lang ay tinahak na namin ang daan pauwi.
 
"How old is he, Juvian?" baling ko sa kaniya nang mapansing natutulog na si Daneil sa balikat ko. He's heavy but I don't mind.
 
"He's nine," tipid na sagot niya.
 
Akala ko ay tatahimik na agad siya kaya minabuti ko na lang na huwag magsalita at pagmasdan si Daneil.
 
"That woman that you met is a kidnapper, Daneil is not his real son."
 
Mabilis akong napabaling sa kaniya na may gulat sa mukha. Akala ko ay sinasaktan lang talaga ang batang iyon ngunit may iba pa palang kahulugan ang bawat titig ng ale na 'yon sa batang ito no'ng naroon ako sa bahay nila.
 
I suspected her that she did something wrong but my idea didn't came to this thought—that she's a kidnapper.
 
"Alam mo ba kung sino ang tunay na magulang nitong si Daneil?" I asked curiously.
 
Kasi kapag meron nga, ano'ng mangyayari sa adoption na ito? Isasauli ba namin siya sa tunay niyang ama't ina? Hiram lang ba itong oagkakataon na ito?
 
The thought of being with him together with his parents made me feel sad. Tila may parte sa puso kong ipagdamot ang bata sa kanila. Na dapat ay manatili lang si Daneil sa puder namin.
 
Napailing si Juvian. "They are gone."
 
Am I a villain that the phrase I heard made me happy? Napakasama ko na bang tao dahil may mumumunting kasiyahan na sumibol sa puso ko?
 
"They. . . are gone? Why?" I asked hesitantly.
 
Napansin ko ang paglapat ng labi ni Juvian at mabilisang sumulyap sa 'kin at kay Daneil.
 
"They are trapped in their burning house with their eldest son. He's the only survivor."
 
Napatakip ako sa bibig at hindi makapaniwala sa narinig. Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko sa sinapit ng mga magulang ni Daneil.
 
Sa pagkakataong iyon, may kumalabit na konsensya sa puso ko dahil sa kasiyahang sumibol kanina.
 
I caressed Daneil's jet black hair. What he have been through is too much for his age. Without a father and mother figure along his growth will have a huge impact in his life.
 
I feel bad for the circumstance he have been. Sana ay walang trauma na nanatili sa puso niya.
 
When we reached our home, I stared Daneil's face peacefully sleeping. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko.

Marahan kong tinapik ang mukha ni Daneil para magising ito.

"Daneil, anak?" malambing natawag ko. "Anak?" Tinapik ko ulit ang pisngi at doon na siya tuluyang nagising.

"Nandito na po tayo?" biglang aniya at nawala ang antok na kanina ay ramdam na ramdam niya. Sinilip niya ang labas at manghang pinagmasdan ang mansiyon.

"Wow! Ang laki!" aniya

Bumaba na si Juvian para pagbuksan kami sa likod. Napangiti ako sa ginawa niyang iyon pero agad na nabaling ang atensyon kay Daneil na tuwang-tuwa.
 
Pinigilan ko ang sarili na huwag kiligin sa ginawa niya at napakagat sa pang-ibabang labi.
 
"Salamat," I said.
 
I didn't get any response but that action he did made my heart jumped. Mas lalong nagwala ang puso ko nang lumapit ito sa akin.
 
Tila kinikiliti ang sistema ko sa pabango nitong naamoy ko. Just by the scent of him drive me crazy.
 
Sinalubong kami ni Aileen na tila takot na takot kay Juvian. Nakasunod lang at nakayuko si Aileen, ni hindi man lang pinagkaabalahang sulyapan ako ng kaunti.
 
Natitiyak kong pinagalitan na naman ito ni Juvian. Alam kaya lahat ni Juvian ang lahat ng nangyari sa 'kin matapos kong mabangga si Daneil?
 
Kung may alam nga siya, paano? Umamin ba ang babaeng dumukot sa batang ito? O si Daneil ang nagsabi?

Sa edad palang ng batang ito ay pambihirang nakakasalaysay ito ng mga pangyayari sa detalyadong paraan.
 
Napatunayan ko iyon kanina nang magkwentuhan kaming dalawa. Matalinong bata, mabilis makaintindi sa mga bagay-bagay.
 
"Uh. . . may mga gamit na ba si Daneil sa magiging k'warto niya?" I asked him.
 
Hindi ito nagsasabi ng mga plano niya kaya heto ako, clueless sa mga ibang bagay.
 
"Kumpleto na ang lahat ng gamit niya. If ever he requested something, say it to me and I'll buy it immediately," pagmamando niya.
 
I can't believe that Juvian will be fond of children. Iba ang nakikita ko sa mata nito ngayong oras. Tila ibang tao ang kaharap ko ngayon.

"This is your room," aniya kay Daneil.

"Ang ganda!" he exclaimed.

It's just unbelievable.
 
Juvian slightly smiled. His eyes contained peace and warmth pero nang bumaling ito sa 'kin ay agad itong nanlamig tulad ng yelo at bumalik sa pagiging seryoso. Nababakas ang walang emosyon nitong mukha at nilampasan na ako.
 
"Go, sleep. Go to your room," mariing utos niya. "Let Daneil rest for today and prepare yourselves tomorrow," dagdag niya pa saka pinihit ang door knob at lumabas.
 
Doon ko lang napansin na nakamata sa 'kin si Aileen. Hindi ko maintindihan ang ekspresyong nasa mukha nito.
 
"What?" kunot-noo kong baling sa kaniya.
 
"Naku, ma'am, ah. Magdi-date kayo bukas? Kinikilig ako! Kasama itong si Daneil?" impit itong tumili. "Nakakakilig! Family bonding!"
 
Napailing ako sa tinuran niya. "Hindi naman siguro date 'yon. Wala namang sinabi si Juvian," pagkontra ko pa pero sa loob-loob ko ay excited at tumatalon na sa galak.
 
Sinundot ako ni Aileen. "Ayieee!" napalakas ang boses niya kaya sinuway ko. Tinuro ko na nariyan si Juvian at baka pagalitan siya. "Ay! Oo nga pala. Sorry, ma'am." Nag-peace sign ito sa 'kin kaya napailing na lang ako.
 
Nagpunta na ako sa kwarto at tahimik na kinikilig. Sa isiping bukas ay may family bonding kami kasama si Daneil ay hindi na mapagsidlan ang tuwa at excitement ko.
 
It's the first date of us of being a family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top