CHAPTER 11
Chapter 11
BUMUNGAD ang isang bahay na puro tagpi-tagping yero, sako bag at kahoy sa paningin ko. Sa dami ng pinagpatong-patong na bagay ay mayroon pa ring butas ang mga dingding na na naging dahilan para masilip ng iilan ang loob ng bahay.
Nakakahabag ang sitwasyon ng tahanan nila pero pinatili kong tikom ang bibig habang nakasunod sa ale.
"Pumasok ka sa loob! At kapag nakita pa kitang lumabas, hinding-hindi kita papakainin!" sigaw pa niya sa bata na takot na sumunod sa kaniya.
He moved his head and stared at me for a couple of seconds, naputol lang iyon nang tangkain siyang hagisan ng baso ng ale na kinuha niya sa mesang gawa sa kahoy.
"Pumasok ka!" gigil na utos niya at muling napabaling sa akin. "Kailangan mong bayaran ang ginawa mo," kalmado ngunit tunog bastos na sabi niya sa 'kin.
Hindi na ako nagulat pa sa inasta niyang ito pero sana binigyan niya man lang ng paunang lunas ang bata na puro gasgas sa katawan. Pera agad ang unang bukang bibig nito. Gustong mangasim ng mukha ko sa dating ng sinabi niya sa 'kin pero hindi ko iyon pinakita sa kaniya.
Mabait ako sa taong mababait pero itong aleng ito, she's getting into my nerves. Parang gusto kong kunin sa kaniya ang bata at parusahan siya sa pagpapalaki sa anak nito but I can't judge her based on this situation.
"Ano? Magtitinginan na lang tayo rito? Kung hindi ka makakabayad, pasensyahan na lang, hindi ka makakaalis dito, miss," banta niya.
"Ma'am, sorry po dahil hindi ko nakita ang—"
She cut me off. "Hindi ko kailangan ng sorry mo! Pera ang kailangan ko. Pera! Bayad-danyos!" galit na sigaw niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa 'kin tila nanggigigil.
Napaatras ako nang kumuha ito ng kutsilyo at nagsimulang maghiwa sa mesang kahoy nang padabog. I remained calm pero sobrang kabog na itong dibdib ko sa kutsilyong hawak ng ale.
I cleared my throat and speak, "Ma'am, magbabayad naman po ako. Ang akin lang ay gamutin po sana natin iyong anak mo. Kawawa naman po at baka maimpeksyon 'yong sugat."
"Ako na ang bahala sa batang 'yon! Problemahin mo 'yong ipangbabayad mo sa 'kin. Gusto mo bang ipakulong kita, ha?"
"Ma'am, hindi ko naman po kayo tatakbuhan. Alam ko pong mali ako kaya ako narito sa harap n'yo, pero bago po iyon, gamutin po muna natin ang anak n'yo," pagpapaintindi ko pa sa kaniya.
Tinitigan niya ako ng seryoso ng iilang segundo tapos ay bigla na lang siyang tumalikod at padabog na kinuha ang isa pang kutsilyo. "Bahala ka r'yan! Gawin mo ang gusto mo! Pero huwag mo akong lolokohin dahil kung hindi. . ." Malakas niyang tinusok sa mesang gawa sa kahoy ang patalim na hawak at tinapunan ako nang nagbabantang tingin. "Mabubutas 'yang tagiliran mo."
Napalunok ako sa banta niyang iyon pero agad kong binalewala iyon para sa bata. Ang tanging nasa isip ko ay gamutin muna ang bata bago ang sariling pansariling kaligtasan.
Maingat akong naglakad at nilabas sa bag ang biniling betadine at bulak kani-kanila lang. Napansin ko ang masamang titig ng ale sa akin pero pinagsawalang bahala ko iyon.
Lumapit ako sa kwarto kung saan ang bata. Lumabas naman agad siya at naupo sa tabi ko nang nginitian ko.
"Ayos ka lang ba?" malumanay na tanong ko at kinuha ang betadine.
Napatango ang bata at napansin ko ang paninitig nito sa akin.
"May nararamdaman ka ba?" Still no response from him. "Narinig ko kanina ang pangalan mo, Joshua tama?" Ngumiti na lang ako sa kaniya ng hindi niya pa rin ako kinakausap.
Pansin ko rin na panay tingin iyon sa pintuan tila may isang halimaw na lalabas sa anumang oras.
Marahan kong dinampian ng bulak ang mga gasgas na natamo nito. Nakamasid lang ang bata hanggang sa matapos ako sa ginagawa.
Muli ay ngumiti ako. "Okay na. Ito lagyan mo 'to, ah? Para mabilis maghilom 'yong sugat mo. Aalis na ako, ha? Pasensya na talaga at nabangga ka ni ate."
Akma na sana akong aalis at handa nang bayaran ang nanay nito pero naramdaman ko ang maliit na kamay na humila sa damit ko. Agad na dumapo ang tingin ko kay Joushua, ang mga mata nito ay nagmamakaawa.
"Hindi po Joshua ang pangalan ko. Daneil po, ate. H-hindi ko po n-nanay 'yong. . ." tila hindi na natuloy ang sasabihin niya sa dumaang takot sa mga mata nito. Agad niyang naitikom ang bibig at pumunta sa gild ng kama at sumiksik.
Confused, I looked at the door where he was staring. Hindi ako nagkamali na naroon na nga ang ale. Matalim niya akong tinitigan at hinagod nang naghahamong tingin ang kabuunan.
"Tama na 'yan at lumabas ka na!" Walang modo niyang nilahad ang kamay tila may hinihintay. Doon ko lang naintindihan nang malakas niyang tinusok ang kutsilyo sa hamba ng pintuan.
Taranta kong kinuha ang wallet at binigay sa kaniya lahat ng cash na mayroon ako ngayon. Naging malapad ang ngiti nito at agad na umaliwalas nang mahawakan na niya ang pera.
"Aalis na po ako. Pasensya na po sa abala."
"Umalis ka na sa harap ko! Atribida!" matabang niyang sambit.
Hindi ko pinansin ang masamang pananalita ng ale. Ang iniisipnko ay magiging kalagayan ng batang iyon sa kanay niya.
Napadapo ang tingin ko sa bata, gustuhin ko mang kunin siya rito ay hindi p'wede. Kung tama ang hinala ko ay kailangan kong makakuha ng malakas na ebedensya para madiin ang aleng ito.
Nilisan ko ang lugar na iyon na may mabigat na puso. I'm guilty for what I did and bothered for what that kid said. Pumasok na ako sa kotse at sinulyapan ang daang tinahak papunta sa bahay na iyon.
○••○••○••○
"WHERE have you been?!" bungad ng isang malalim na boses pagkatapak ng mga paa ko sa loob ng bahay.
Halos mapaigtad ako at ginapangan ng kaba na naging dahilan para pumintig ng mabilis ang puso ko.
Napapikit ako ng ilang segundo at nang naidilat ko ay ang malalim na titig ni Juvian ang sumalubong sa 'kin.
His icy stare is digging right through me, chaining my soul in a hot aluminum steel. For a second, I don't know what to do. My mind went blank tila nawala sa gitna ng kadiliman. Naglapat ang mga labi ko at napirmi sa kinatatayuan.
"Do I need to repeat myself?!" dumagundong ang boses niya sa buong mansyon na nagpatindi ng kabang nagtatago sa dibdib ko.
I swallowed the lump in my throat and answered him, "B-bumili lang ako ng stocks. . . n-natin."
Doon ko na napansin ang pag-igting ng panga nito at dinalahik ng kaba ang puso ko. He's mad and he knows I'm lying. Pero, paano niya nalaman na may nangyari sa 'kin?
And I remember, he's not Juvian Demetrius Soliven for nothing. Money makes the world go round, it's a power. A dangerous power that a person owns.
Mariin itong napapikit pilit na pinipigilan ang dapat sabihin sa 'kin. "Go to your room! Now!"
Halos himatayin ako sa malamig na boses niyang iyon. Hindi na ako nagsalita pa o kumontra sa desisyon niya. Basta na lang akong naglakad papunta sa kwarto ko nf walang sali-salita.
When I reached my room, agad akong napabuga ng hangin. Doon ko lang napagtanto na nagpipigil na pala ako ng hininga nang kaharap ko kanina si Juvian.
Ang bilis niya naman malaman ang nangyari sa 'kin?! Parang wala namang bodyguard na sumusunod sa 'kin kanina, how come? O sadyang hindi ko lang alam na may nakamanman sa 'king mata niya?
Tila nawala ang mga bagay na isusumbat ko kay Juvian. Gusto ko siyang kumprontahin sa babaeng nagla-lap dance sa kaniya pero hindi ko magawa dulot ng takot sa seryoso nitong aura.
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga bagay na nagyari ngayong araw. Time runs so fast at tirik na tirik na naman ulit ang araw. Binuhay ng isang katok na naggagaling sa pintuan ang wisyo ko.
Agad akong napadilat at agad na nasilaw sa sinag ng araw na tumatama sa bintana.
"Ma'am? Gising na po. Hinihintay ka po ni Sir DM sa hapag," ani Aileen. Akala ko ay iyon lang pero may kasunod pa pala. "Bilisan n'yo raw po at may pupuntahan kayo."
Bigla akong napatayo ng wala sa oras nang marinig iyon. Dinalahik ng kaba at hindi maipaliwag na excitement ang sumungaw sa sistema ko. Tila nawala ang mga panibughong nararamdaman at nabaon na lamang sa limot ang lahat.
Mabilis akong gumayak at pumili ng isang pink satin dress. It's just a simple plain dress at pinaresan ko iyon ng puting flat shoes. Pinusod ko rin ang buhok at naglagay ng lip gloss. I didn't put any make up excluding the lip gloss. I felt like I want my beauty to be natural for this day.
When I finished, I headed to the dining area. There's Juvian waiting patiently on me. When he noticed my presence ay agad niyang tinungo ang ulo. His eyes were inspecting every detail on my body, tila hinahatulan kung pasok ba sa panlasa niya ang kabuuan ko ngayong araw.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at kunwa'y inayos ang nakapusod sa buhok.
"Good morning," ngiting bati ko.
Tango lang ang balik niya sa 'kin kaya napatahimik ako ng wala sa oras.
He's wearing a blue shirt and a black jeans paired with a black shoes. A casual attire but looks amazing on him.
Sa tanawing iyon ay tila kinikiliti ang puso ko. His looks never failed to amaze me each day. At palagi ring tahimik na hinahangaan ang kaniyang kabuuan.
Tahimik kaming kumain sa hapag, a very normal day to me. Ganito ang set up namin tuwing umaga after all these years kaya hindi nakakapanibago.
"Let's go," utos niya matapos ang pagkain niya.
Mabuti na lang at tapos na rin ako kaya agad akong bumuntot sa likod ni Juvian.
"Saan tayo pupunta?" I asked out of curiousity.
I didn't get any answer kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Tuloy-tuloy ang paglalakad niya hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pinilit ang sarilii na maupo roon kahit walang nahihitang sagot mula kay Juvian.
He started the engine without making any conversation towards me. We are both silence along the way and my mind was wondering where we will be heading.
Papalit-palit ang tingin ko sa daan, kay Juvian at sa kamay nitong nagmamaneho sa manebela. The way is not familiar that lit a ball of fire of curiousity deep my soul. Gustuhin ko man na tanungin siya pero ayokong makarinig ng nakabibinging katahimikan kapag gagawin ko 'yon.
Halos kalahating oras at mahigit ang binyahe namin. I was confused and the same time amaze where we was.
Nasa harapan ko ang isang malaking orphanage at sa bakuran no'n ay ang mga batang naghahabulan. Kulay krema ang mga pintura sa pader at sari-saring kulay ang playground ang bumubuhay sa lugar.
The laughters of those kids made me smile pero nawala iyon ng may mapansin akong mga batang naglalaro sa isang monkey bar.
My gazed fixed to a specific kid who's busy climbing the bar, laughing with his playmates. Nangunot ang noo ko at pilit na kinikilala ang batang iyon at hindi talaga ako nagkakamali na siya 'yong batang nabangga ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top