CHAPTER 10
A/N: Did a quick editing on this chapter, sorry if you encountered some mispelled words along the way.
***
Chapter 10
MATAPOS na makauwi nina Aileen at manong ay ako na lamang mag-isa ang natira sa bahay. Pumunta ako sa kusina para alamin kung may stocks pa ba kami para mawala ang sama ng loob ko at maaliw ang sarili.
Nang makitang kaunti na lang ang mga nasa lagayan ay nagbihis ako ng pang-alis at kinuha ang wallet ko. Naisip ko ring bisitahin si daddy sa bahay bago mamili ng mga bilihin kaya minabuti kong bilisan para magtagal ako roon.
I search for his name on my contancts and called him. Naging matagal ang paghihintay ko dahil hindi niya nasagot ang telepono. I dialed his number again and this time, he picked it up.
"Hi, dad!"
"Ridaya, anak. Napatawag ka?" malumanay na tanong nito sa kabilang linya.
"Hindi na ba p'wedeng tumawag, dad?" I laughed when I heard him chuckled.
"Of course, you can call anytime you want, Rid."
I smiled. I missed him so much. Bakit ko nga ba nakaligtaang tawagan at kausapin si daddy nitong mga nakaraang linggo? Nangiligid ang luha ko kaya napatingala ako para huwag matuloy ang pag-agos no'n. Pinigilan ko nang maigi ang luha at napalunok para mawala ang nakabara sa lalamunan ko.
Ngumiti ako nang malapad as if dad will see it on the other line. Pinasigla ko ang boses para huwag niyang mahalata ang kalungkutan sa boses ko.
"Dad, nasa bahay ka ba ngayon?" tanong ko kaniya.
"Yes. I'm here, mamaya pa namang hapon kami maggo-golf ng mga kaibigan ko," he answered. "Why, anak?" dagdag na tanong niya.
Napakamot ako sa ulo. "Ano kasi dad, pwedeng. . . pumunta r'yan?"
"Oo naman. You are welcome in our home anytime, anak. Na-miss na rin kitang kasama rito, Ridaya. Iniwan ni'yo naman ako ritong mag-isa sa bahay ng mommy mo," kunwa'y nagtatampong aniya.
Natawa ako pero sa kabila no'n ang pag-alpas ng luha at pagtalunton no'n sa pisngi ko. How I wish mommy is with your side, dad, so that you will not be lonely. I want to say that to him but I prefer not to.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto at pinatay ang tawag. After I confirmed na nandoroon nga si dad sa bahay ay dumaan ako sa paborito nitong restaurant at in-order-an siya ng paborito nitong pagkain.
I drove to our house and it didn't take that long. Narating ko ang bahay ay napagmasdan ang kabuuan no'n. A wave of memory filled my mind the moment I saw the whole mansion. Parang kailan lang ay naglalaro ako sa garden ni mommy at nakikipaghabulan kay daddy.
Parang kahapon lang ang lahat ng mga alaalang nabuo sa mansyong ito. The happiness, sorrow, and arguements had happened to this place taking back the good old days.
I smiled weakly. Kung buhay pa kaya si mommy, narito kaya ako sa sitwasyong ito? Hindi ba babagsak ang kumpaniya kung buhay lang siya? At hindi ba ako gagawa ng desisyon na pupunit sa puso ko araw-araw?
I have a lot of what ifs, dahil lahat ng ito nagsimula noong malaman ang malaking dagok na dumapo sa pamilya namin—ang sakit ni mommy.
Napatigil ako sa pag-iisip nang pinagbuksan ako ng gate ng guard para makapasok ako sa compound. He greeted me dahil kilala na ako rito dulot na rin na dito ako lumaki. Nang makababa sa kotse ay agad kong namataan si dad na papalabas ng bahay.
He was wearing a simple blue t-shirt and plain white shorts. May nakaantabay sa kaniyang nurse dahil nai-stroke ito noong nakaraan taon. Thankfully, he recovered because of the series of therapy he had gone through. Pero medyo nahihirapan lang siyang ilakad ang isang paa nito—his left leg to be exact.
At first ayaw niya ng nurse pero ako na ang nagpumilit, para na rin may nag-a-update sa akin sa kalagayan ni dad at may kasama siya sa bahay.
"Dad!" I called while smiling widely. Tumakbo ako papalapit sa kaniya na ikinatawa niya. Mabuti na lang at naka-sneakers ako ngayon at pants kaya malaya akong nakagagalaw sa kahit ano mang gusto ko. "I miss you, dad!" I said and hugged him after I reached where he is.
Naramdaman ko ang pagtapik nito sa likuran ko, gaya ng ginawa niya noong bata pa ako kapag niyayakap ko siya. I smiled for it. Hindi iyon nagbago, ako pa rin ang prinsesa niya at siya ang amang hari ko.
Nakakaginhawa ang isang tapik pa lang nito sa akin. It calms my system and made me forget about Juvian for a while.
"I miss you too, anak. How are you? Kumusta ang buhay may asawa?"
Napatigil ako sa tanong niyang iyon. I was taken aback because of that question. Kumusta na nga ba ako? Am I really okay with this kind of situation rigth now?
Gusto ko mang sabihin ang lahat, hindi ko kaya.
"I'm good, dad, and. . . enjoying my life as Juvian's wife. He's such a sweetie and a caring husband!" I lied having a convincing smile on my face.
I wanted to cry and tell him that Juvian was treating me like I didn't exist. Gusto kong isumbong sa kaniya ang sakit ng puso ko tuwing mababalitaan kong may kasakasama itong babae.
Gusto kong sabihin ang mga hinanakit ko kay Juvian pero minabuti kong tumahimik at piliting ngumiti nang natural.
Pero sadyang malakas talaga ang pakiramdam ng magulang kaya napatigil si dad at pinuna ako.
"May problema ka ba, anak?" nag-aalala niyang tanong.
Hindi ako nakasagot sa tanong ni dad at nanatiling tikom ang bibig sa ilang minuto pero kalaunan ay nagsalita na ako.
I plastred a nice smile to him at kumunyapit sa kaliwang braso nito. "Of course wala akong problema, dad. Ito talaga si daddy, palaging nag-o-overthink. Naku!" Hinampas-hampas ko ang balikat nito ngunit marahan lang saka tumawa.
Natawa na rin si dad. "Maybe I'm just overthinking, anak. Kabilin-bilinan kasi ng mommy mo palagi kitang e-check if you have a problems."
"I-I don't have any problems, dad. Kung mayroon man, you're the one who will know first, okay?"
Dad nodded. "Promise me, anak."
"Aw. I promise!" I chuckled and raised my right hand.
Minabuti kong baguhin ang topic saka pinapasok si dad sa bahay. "Dad, 'wag ka na lang kaya mag-golf mamaya? Alam mo namang nahihirapan kang maglakad, 'diba?"
"I can handle myself, anak. Hindi naman sobrang nahihirapan. Kaya ko pa, saka, I promise to my friends na maglalaro kami mamaya."
Naglapat ang mga labi ko. I sighed. "Oo na po, basta ay may palagi kang kasama, dad, okay?"
Ang mabilisan sanang pagkakamusta ko kay daddy ay inabot ng ilang oras. Parang ayaw kong umuwi at dumito na lang muna sa bahay pero baka makahalata na si dad kapag ginawa ko pa iyon.
I spend hours with him and decided to go on my way to the market. Dad offer me his personal driver but I refused. Kaya ko naman ang sarili ko at kung may mangyari man, sana nga ay may pakialam si Juvian sa 'kin.
I erased that trail of thought in my mind and headed my way. I drove while thinking about Juvian and didn't noticed a kid crossing the street.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigawan ng mga taong nakakita sa insedente. Halos matuod ako sa kinauupuan, unable to do anything or to react on what happened. Natauhan lang ako ng may mga lumapit na tao at pinagmumura ako.
"Hoy! Bumaba ka r'yan!" galit na sigaw ng isang ale at hinampas ang hood ng kotse. "Kayong mga mayayaman talaga! Kapag may nasasagsaan, hindi ni'yo agad tutulungan! Ano, hit and run ito, ha?! Bumaba ka r'yang demunyo ka kung ayaw mong ipapulis ka namin!"
Oh my god! What I should do?!
I swallowed hard when I saw how furious the lady was. Napahigpit ang hawak ko sa manibela at ilang ulit na nag-ipon ng lakas ng loob na labasin sila.
Maraming ng tao ang tumatapon ng usig sa sinasakyang kotse ko. Dahil na rin sa heavily tinted itong kotse, hindi nila kita kung sino ang nasa loob.
What if they will all hurt me because of that kid? Bakit va kasi hindi ako nagpo-focus habang nagda-drive!
Mas lalong hunampas ng ale ang hood ng kotse kaya halos mapatalon ako sa kaba. Nanginginig man ang kamay ay taranta kong binuksan ang pinto ng kotse.
Sinalubong ako ng mga galit na tao kaya hindi ako nakapunta sa kinalalagyan ng bata. Hindi ko alam ang nangyari sa kaniya o kung ano man ang kalagayan niya ngayon. Nakapatay ba ako?
Oh, God, please, help me.
Natutop ko ang bibig ng maaninaw ko ang bata, may mga gasgas ang tuhod nito at umiiyak.
"Joshua?! Anong nangyari kay Joshua?!" pakinig kong sigaw nang tumatakbong babae papunta sa direksyon niya.
Agad akong lumapit dala ang kabasa dibdib dahil sa nagawa. Maraming nag-uusap sa paligid at ang iilan ay masama ang tingin sa 'kin kaya mas lalo akong nataranta kung ano nga ba ang gagawin ko.
"I-I'm sorry. I'm r-really sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasadyang banggain ang anak n'yo. . ." paumanhin ko.
Hindi ako pinansin ng ale. I noticed how she gripped the kid's arm, parang nanggigigil at galit pero kung pagbabasehan sa mukha ng ale ay hindi naman iyon ganoon.
Nilingon ako nito, finally she noticed me. "Ikaw ba ang sumagasa rito sa anak ko?!"
"A-ako nga po, m-ma'am. Pasensya na po talaga."
"Umuwi ka sa bahay, Joshua!" galit na sigaw niya sa bata na naging dahilan para otomatikong maglakad ang bata ng walang sabi-sabi.
May mga galos ang bata sa tuhod tapos pagpapalakadin niya lang? Anong klaseng ina ito? P'wede niya namang buhatin muna ang anak niya.
"Ma'am, alam ko pong galit kayo pero hindi po kasalanan ng bata na nasagasaan siya. Ako po ang may kasalanan ng lahat. Huwag ni'yo naman pong sigawan," malumanay na paliwanag ko.
Seryoso akong tinktigan ng ale at kalaunan ay napatitig sa paligid saka binalik ang tingin sa 'kin. "Sumunod ka," utos niya kaya napasunod ako.
"Ma'am, baka po napaano ang bata, ipa-hospital po muna natin si—"
"Hindi. Okay na siya!" galit na putol ng ale sa sinasabi ko.
Halos hindi maipinta ang mukha ko sa sagot niya pero nanatili na lang akong tahimik habang sinusunod siya.
Medyo malapit na pala sa palengke ang lugar na 'to. Maraming dikit-dikit na bahay at parang hindi na nga mapasukan ng kahit anong sasakyan ang lugar. May amoy rin ang paligid,amoy kanal, siguro ay dahil malapit sa palengke kaya ganito.
Maraming nagliliparang langaw kaya halos walang tigil ang kamay ko kakapaypay sa mga dumapo sa katawan ko.
Lumingon ang bata sa 'kin at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng nagmamakaawang tigin na 'yon.
As if he needs help and saying that I should save him. But how can I be so sure? Baka mali lang ako ng iniisip. Tamang duda lang ako at wala akong proweba sa isiping ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top