Kabanata 5

Kabanata 5

MARIE'S POV

"Turuan mo akong humalik."

Nanlaki ang mata ko sa ibinulong niya. Itinulak ko siya sa dibdib pero hinawakan niya ang siko ko at pinagtama ang mata naming dalawa. Ngumisi siya at inilapit ulit ang bibig niya sa tainga ko.

"Ipakita mong naka-move on ka na," bulong niya.

"Drake, h'wag ka ngang baliw diyan! First kiss? Hindi ba dapat sa special na tao mo makuha 'yan!" suway ko sa kanya. Napansin kong napatingin sa gawi namin si Leo nasa likod kasi ni Drake yung babaeng hinahalikan ni Leo, kaya naman magkaharap kami ng ex kong gago pero inirapan ko lang siya.

"Bakit? Special ka naman, ah? Mag-best friend tayo, Kei Marie." Bakit ba gustong-gusto niyang tawagin nang buong-buo ang pangalan ko?! Samantalang si Mama ayaw niyang mabanggit yung 'Kei'. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko sa sinabi niya ay nung sinabi niyang special ako.

"Sira ulo ka! May mag-best friend bang naghahalikan?!" sigaw ko sa tainga niya.

"Depende. Kagaya na lang ngayon. Hindi pa yata nakak-move on ang best friend ko. Mukhang kailangan niya ng tulong ko para maipakita sa ex niya na basura na lang siya at hindi kailanman kailangang i-recycle," seryosong bulong niya sa tainga ko. Medyo nagtayuan ang balahibo ko dahil na rin sa init ng paghinga niya.

Medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi niya. Talagang best friend na kami. Masyado siyang mabait sa akin.

"Yes, Drake, mag-best friend tayo. Pero hindi naman kailangang dumating sa point na maggagamitan tayo para lang maipakita na okay na tayo. Ayokong maging first kiss mo. Bilang best friend mo, gusto kong maging special yon para sa 'yo," bulong ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang tugtog. Naging sweet ito kaya naman mas lalo niya akong hinapit sa baywang ko. Nakayakap na siya ngayon sa akin, at inikot ko naman ang braso ko hanggang likod niya.

"Special, Drake. Kailangan special ang first kiss mo," paalala ko sa kanya, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at mariin na tinitigan ang mga mata ko. Napapitlag ako nang ilagay niya sa ilalim ng baba ko ang point finger niya at pinagapang niya 'yon pataas sa labi ko.

Napalunok ako nang sunod-sunod. Yung mga mata niyang nakatuon sa mata ko, lumipat sa labi ko ang titig.

"Then we'll make it special," bulong niya at halos mapapikit ako nang mariin nang pagsakupin niya ang mainit niyang labi sa labi ko! Hindi ako makagalaw. Parang biglang nawala yung tugtog sa buong bar.

Naramdaman kong una niyang iginalaw ang ibabang labi niya.

"Turuan mo ako, Kei Marie. Gawin mong special ang first kiss ko," bulong niya sa ibabaw ng labi k. Halos mapasinghap ako dahil sa init ng paghinga niya. Umiling-iling ako pero iginalaw niya ulit ang kanyang labi.

"Come on, Kei Marie," pakiusap niya, at naramdaman kong hinapit niya ulit ang baywang ko para mas maidiin yung labi niya sa akin.

"I'm begging you. Do this for me, Kei Marie. Ipakita mong naka-move on ka na." Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magsalita sa ibabaw ng labi ko.

Nakapikit pa rin ang mata ko. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at marahang tinanggap ang halik niya. Sa una, hindi niya masabayan ang paggalaw ng labi ko pero habang tumatagal, naramdaman ko nang marunong na siyang humalik at nagiging masarap na rin iyon.

Naramdaman kong nagtaas baba ang kamay niya sa likod ko at ang impit na ungol mula sa bibig niya ay kumawala na. Mas lalo niyang idiniin ang labi niya sa labi ko. Maging ang katawan niya mas lalong nagiging malapit sa katawan ko.

Magkasabay kaming pumutol sa halik para kumuha ng hangin. Halos maghabol na siya ng hininga; gano'n din ako.

"Thanks for teaching me, sweetheart. My heart skipped a beat for second. Ibig sabihin ba nito special ang naging first kiss ko?" nakangising sabi niya. Halos mag-init ang mukha ko dahil sa ibinigay niyang endearment. Geez, pang-matandang endearment talaga?! Pero bago pa ako mabaliw rito kay Drake, itinulak ko na siya. Nakita kong nakanganga si Leo habang nakatingin sa amin.

"Asshole," bulong ko habang nakatingin ako sa kanya. Sinigurado ko namang nabasa ni Leo ang iminungkahi ng bibig ko.

Umalis na ako sa dance floor at lumabas ng bar. Nagsindi ako ng yosi at mabilis na hinithit 'yon, pero bigla na lang may humila n'on at itinapon sa kalsada.

"What the—"

"Hell?" patuloy niya.

"Damn it! Drake!"

"Affected ka pa rin," pang-aasar niya. Titig na titig siya sa akin kaya naman tinalikuran ko siya. Pero hinila niya ang kamay ko at pinasakay ako sa kotse niya. Umikot siya sa harapan at sumakay na rin siya.

"Alam ko hindi ko dapat sinasabi sa 'yo 'to. Pero, Kei Marie, we have to move on. Alam nating hindi lang sila yung mga taong darating sa buhay natin, at alam kong may mas hihigit pa kaysa sa kanila," litanya niya sa akin.

"Naka-move on ka na ba, Drake?" biglang tanong ko. Deretso lang ang tingin ko sa harapan ng sasakyan niya; gano'n din siya.

"I'm not. Pero habang tumatagal, nawawala na yung sakit. Habang tumatagal, unti-unti nang nawawala ang pagmamahal ko sa kanya," seryosong sabi niya.

Sandali kaming natahimik. Ako kaya? Kailan ko kaya mararamdaman na mawawala na yung sakit?

"Pupunta akong Japan bukas." Napatingin ako sa kanya.

"A-ano'ng gagawin mo do'n?"

"Mag-aaral. Dalawang taon lang naman. Pero alam kong sobra na yung dalawang taon na 'yon para tuluyan ko na siyang kalimutan." Bilib din ako sa lalaking 'to. Ang bata-bata pa niya pero kayang-kaya niyang sabihin na magagawa niya ang isang bagay kung gugustuhin niya.

Tumingin siya sa akin.

"Makakahanap din ako ng taong paglalaanan ko ng pagmamahal ko, Kei Marie, at kapag nahanap ko na siya, sisiguraduhin kong magiging makatotohanan na 'to," mariing sabi niya.

"Kaya promise me na kakalimutan mo na siya at maghahanap ka na rin ng taong mamahalin mo. I know wala akong karapatan pagsabihan ka. But being your best friend, nag-aalala ako sa 'yo," bulong niya. Napakunot ang noo ko.

"Why, Drake? I mean bakit ang bilis mo namang mag-alala sa akin gayong kakikilala palang natin?"

Ngumiti siya.

"I don't know why. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya.

"Promise me, ha? At sana pagbalik ko galing sa Japan, may bagong boyfriend na ang best friend ko," paninigurado niya saka pinisil ang baba ko.

"Boyfriend ka diyan. Paano kung wala?"

"Kung wala? E di liligawan kita!" nakangising sabi niya.

"Sira ulo ka, Drake!" natatawang sabi ko. Kakaiba rin siyang magbiro, ha?

"Biro lang, best friend," nakangising sabi niya saka pinaandar ang sasakyan niya. Ni hindi na kami nakapagpaalam kina Rica kaya naman itinext ko na lang siya.

Tumigil siya sa isang coffee shop. Pumasok kaming dalawa ro'n at siya na mismo ang um-order ng kape.

"Mahaba-habang kwentuhan ang gawin natin ngayon dahil simula bukas, hindi na tayo magkakausap," nakangiting sabi niya saka umupo sa kaharap kong upuan.

Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. May bakas pa ng kaunting pagkatotoy pero halatang gwapo naman siya.

Uminom muna ako ng kape bago ko siya tanungin.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya. Sumandal siya sa upuan niya at isinuot niya sa bulsa niya ang dalawang kamay niya saka tinitigan ang mata ko. Ang lalim lang niyang tumingin, para bang hinuhukay niya yung pagkatao ko.

"Tell me about him. Gusto kong malaman kung bakit naging broken hearted ang best friend ko," seryosong sabi niya.

Huminga ako nang malalim. Wala namang masama kung ikwento ko sa kanya, and besides, siya na rin ang nagsabi, mag-best friend kami. Pero kung totoong best friend ang tingin niya sa akin, matatanggap niya ang past ko.

"He killed my baby," bulong ko.

Napakunot ang noo niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa mesa at mariin akong tinitigan.

"Let me say, anak namin," bulong ko. Ayan na naman yung mga karayom na tumutusok sa puso at katawan ko. Unti-unti na naman silang kumakalat. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Nakikinig lang siya sa bawat sinasabi ko at yung luha ko naman, tumulo na naman nang tumulo.

"Wala siyang kwenta. A-akala ko mahal niya ako, h-hindi pala. Kasi kung mahal niya talaga ako, hindi niya gagawin 'yon," umiiyak na sabi ko. Tumayo siya at lumipat sa upuan na katabi ko. Hinila niya yung tissue sa kabilang mesa saka pinunasan ang luha ko

"Kung una pa lang sinabi mo na sa akin 'yan, e di sana naiganti na kita kanina. Fuck, sinong lalaki ang manununtok ng babae?" galit na bulong niya. Napansin kong naikuyom niya ang kamao niya sa mesa.

"Gustuhin ko mang gumanti sa kanya, hindi ko magawa. Dahil unang-una, wala na rin naman yung anak ko. Para saan pa, 'di ba?" Hindi na naubos-ubos yung lintik na luha ko. Hinimas niya ang likod ko.

"Alright, tama na. H'wag ka nang umiyak. Sayang ang luha sa gagong 'yon. Kalimutan mo na siya, Kei Marie."

"Last na 'to," humihikbing sabi ko.

Tahimik lang kami hanggang sa kumalma na ako.

"Pasensya ka na. Ikaw kasi, eh," naiinis na sabi ko. Ngumiti naman siya. Wagas talagang magmura yung dimple niya.

"Pero at least, napagaan ko na 'yang pakiramdam mo," sabi niya saka inalalayan na akong makatayo. Do'n ko lang napansin sa wall clock ng coffee shop na alas dose na. Tama naman siya, e. Napagaan niya kahit papa'no ang loob ko. Parang nabunutan na rin ako ng maliit na tinik sa dibdib.

Sumakay na ulit kami sa sasakyan niya.

"Ikaw? Bakit ka naman nag-e-emote nung gabing nakilala kita?" pang-aasar ko sa kanya habang ini-start niya yung engine ng auto niya.

"Wala, napagpustahan lang ako. Pero wala na 'yon, wala na akong pakialam sa kanya. Madami pang babae diyan. Tama na yung pagmumukmok ko," natatawang sabi niya.

"Gano'n? Pero iniyakan mo nang bongga!"

"Sus, natural lang 'yon. Gano'n naman talaga kapag nasasaktan. Alam mo kasi, Kei Marie, kung hindi ka iiyak, mas lalong masakit," nakangiting sabi niya at pinaharurot nang pagkabilis-bilis ang sasakyan niya.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko, bumaba na kaagad ako. Sumunod naman siya sa akin.

"Thanks for tonight," nakangiting sabi ko sa kanya.

"H'wag ka nang iiyak," sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Yung usapan natin—"

"Maghanap ng taong mamahalin ka nang lubos," natatawang sabi ko dahil kanina pa niya pinaulit-ulit sa akin 'yan sa sasakyan niya. Ngumisi siya. Bigla na naman kaming natahimik pero yung mga mata niya ay nakatitig lang sa mga mata ko.

At halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang halikan na naman niya ako sa labi ko. Mabilis ko siyang itinulak.

"Baliw ka ba, Drake?!"

"Sarap mong halikan," nakangising sabi niya. Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Hoy! Nakatikim ka lang ng first kiss, sabik na sabik ka naman!" suway ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Special, e. Sige na, good night. See you soon, sweetheart," sabi niya sabay kindat pa bago sumakay sa sasakyan niya.

Napailing na lang ako sa pinaggagagawa niya.Pero at the same time, napapangiti ako.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top