Kabanata 4

Kabanata 4

DRAKE'S POV

Pagkahatid ko sa kanya, dumeretso na rin ako pauwi sa bahay namin. Pero hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa tapat ng bahay namin. Ang gago ng malabo kong mata, hanggang ngayon, maganda pa rin siya sa paningin ko kahit sinaktan niya ako.

"Drake." Para akong timang tuwing maririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko. Lalagpasan ko na sana siya dahil hindi rin naman niya sinagot ang tanong ko. Pero hinawakan niya ang braso ko.

"Drake, I'm sorry. H-hindi ko sinasadya."

"Alin ang hindi mo sinasadya? Ang gaguhin ako? Dahil ba 'to sa pang-aasar ko sa 'yo nung mga bata pa tayo? Ayan na, panalo ka na! Masaya ka na?! Nasaktan mo na ako!" Ayokong sigawan siya pero hindi ko mapigilan! Dahil hanggang ngayon, masakit pa rin yung ginawa niya.

"Hindi! Drake hindi yon!" Ngayon iiyak-iyak siya?

"Then, what?! Aminin mo nga sa akin, Misha. Ano'ng pinagpustahan niyo para magawa mong gaguhin ako nang ganito?!" Sandali siyang natigilan sa tanong ko. Nanginginig ang mga kamay niya at halatang natatakot sa pagsigaw ko!

"M-money," matipid na bulong niya na naging dahilan para mas lalong umapaw ang galit sa puso ko.

"P-pera?! Naghihirap na ba kayo, Misha?! Bankrupt na ba yung kumpanya ng lolo mo na ipapamana sa daddy mo?! Imposible naman yatang hindi ka binibigyan ng pera dahil kung kuya mo nga niregaluhan ng studio ng magulang mo! Ikaw pa kaya na pangalawang anak?!" Puta, pera?! Kapalit ng pagpapaikot sa akin? Nanatili siyang nakatungo habang umiiyak.

"H'wag kang umiyak, Misha, dahil wala kang karapatang umiyak sa ginawa mo sa akin. Sana umpisa pa lang, sinabi mo nang pera lang pala ang katapat mo para hindi na kita niligawan, babayaran na lan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang dumapo sa mukha ko ang kamay niya!

Sinampal niya ako.

"Hindi ko kailangan ng pera mo, Drake, dahil marami kami niyan. Oo, niloko kita nang dahil sa pera! Niloko kita just for fun pero hindi ko naman akalain na gano'n kabilis kitang mamahalin! Kaya natalo ako sa pustahan!" galit na galit na sigaw niya sa akin. Shit. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit natalo siya? Anong klaseng buhay 'to? Bakit ngayong sinasabi niyang mahal niya ako, mas lalo lang akong nasasaktan? Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at mariin ko siyang tinitigan sa mata.

"Tandaan mo, Misha, pagsisisihan mong ginago mo ako. At kapag dumating ang araw na 'yon, hinding-hindi mo ako mabibili. Kahit ubusin mo pa lahat ng pera niyo."

Tinalikuran ko na siya. At pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, doon na nagsimulang tumulo yung gagong luha ko para sa kanya.

"Kuya, pinatatanong ni Mama kung hindi ka ba daw talaga sasama sa Japan next month?" tanong ng kapatid kong si Yesha.

"Sasama na ako."

______

MARIE'S POV

"Hep! Sa akin 'to!"

"Ako ang nauna kaya sa akin 'to!"

Aba't! Kanina pa niya sinasagad ang pasensya ko, ha! Nakikipag-agawan lang naman sa akin itong isang bata sa dress na nakita ko rito sa department store! Ako ang nauna kaya sa akin dapat mapunta 'to! Kailangan kong mabili 'to para sa birthday ni Rica mamaya!

Nakipagtitigan sa akin ang babae kaya naman hinila ko ulit ito.

"Mineeee!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami rito sa mall.

"Ah... Eh... Ma'am, marami pa po kaming stock niyan. Kung gusto niyo, ikuku—"

"Hindi! Gusto ko ito!" halos magkasabay na sigaw namin nung babae. Nagkatinginan kaming dalawa at sa hindi malaman na dahilan, nagkatawanan kami na parang baliw.

"Tapos na kayo? Ang boring niyong panoorin. Gusto niyo ibili ko pa kayo ng tig-sampu niyan?" Napatingin naman ako sa pamilyar na boses na narinig ko.

Hindi lang boses ang pamilyar sa kanya! Maging ang mukha niya pamilyar na pamilyar!

"Whatever, Kuya! Miss! Since madami naman palang stock, magpakuha na lang tayo ng bago. Baka mamaya, puro germs pa 'to sa dami ng sumukat," nandidiring sabi nung babaeng kaagawan ko kanina sa dress. Napangiti ako.

"Alam mo, tama ka," pag-sang-ayon ko. So, nagpakuha na kami sa sales lady ng bagong stock na halata namang napapailing na dahil kung kanina halos magpatayan na kami nitong babae na 'to sa dress ngayon naman ay magkasundo na kami.

Tumalikod na ako nang makuha ko na ang new stock pero laking gulat ko nang hablutin sa akin 'yon ng lalaking naki-extra sa usapan namin nung babae.

"Regalo ko na lang sa 'yo 'to," nakangising sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Tinitigan ko siya nang mabuti at napatingin ako ro'n sa dimple niya. Saan ko nga ba nakita yung dimple na 'yon? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang gwapo niya, yung katawan niya medyo hubog. I mean nagbibinata? Medyo nagkaka-abs.

"Kilala ba kita?" kunot noong tanong ko. Tumawa siya nang nakakaloko!

"Miss. Kei Marie, nawala lang ang braces ko at nag-contact lens lang ako, hindi mo na kaagad ako makilala?" nakangising sabi niya na akala mo proud na proud sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God! Drake?!" hindi makapaniwalang sigaw ko.

"Kilala mo 'tong kuripot na 'to?!" sigaw nung babaeng kaagawan ko sa dress.

"Yesha!" pagbabanta niya. So, kapatid niya pala 'to. Small world, huh?

"Kuripot naman talaga. Isang dress lang nilibre sa akin," naiinis na bulong nung Yesha.

Sinuri ko ulit si Drake. Isang buwan lang ang lumipas, bakit nagkaganito na ang itsura niya?

"Ang macho mo na, ah!" pang-aasar ko sa kanya. Medyo lumaki kasi yung braso niya.

"Hay nako. 'Yang kuripot na 'yan, kulang na lang tumira na sa gym!" sigaw ni Yesha.

Napatawa na lang ako.

"Naka-move on na?" nakangising tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"Paano? Sagot ko na 'tong dress mo," alok niya.

"Tatanggi pa ba ako?!"

Ngumisi siya saka dumerestso na kami sa cashier. Pagkatapos niyang magbayad, hinila niya ang kamay naming dalawa ng kapatid niya. So, nasa gitna namin siya at pinagtitinginan kami sa mall. Baka iniisip nitong mga 'to dalawa kaming girlfriend! Duh!

"Kuya, saan tayo pupunta?" tanong ni Yesha.

"Kakain," matipid na sagot niya pero bago pa kami makapasok sa isang restaurant, may sumigaw ng pangalan ko.

"Marie!" Sabay pa kaming napalingon ni Drake.

"Rica?"

Lumapit siya sa amin at binigyan niya kami ng kakaibang tingin.

"Akala ko ba bibili ka ng dress para sa party ko mamaya? Eh mukhang hindi 'yon ang pinunta mo dito sa mall?" may halong pang-aasar na sabi ni Rica sa akin.

"Baliw. A-ano, si Drake, tapos si Yesha, kapatid niya."

"Hi! Best friend niya ako." Nanlaki ang mata ko. Bakit ba nagugulat pa rin ako sa tuwing sinasabi niyang best friend niya ako?

"I'm Rica." Inilahad ni Rica ang kamay niya na kaagad namang tinanggap ni Drake.

"By the way, baka gusto mong sumama mamaya sa birthday party ko? 9pm sharp!" anyaya ni Rica na nagpalaglag ng panga ko. Tumango-tango naman si Drake.

"Sure! Matagal-tagal na rin simula no'ng makasama ko 'tong best friend ko!"

"Aha! best friend," masuspetsang sagot ni Rica. Pinandilatan ko siya ng mata pero nginisian niya lang ako.

"Ako rin!" biglang sigaw ni Yesha.

"Sure. Wait, may invitation yata ako dito sa bag ko," masiglang sabi ni Rica saka inabot ang isang purple na invitation kay Drake.

"Thanks."

"No biggie."

Pagkaalis na pagkaalis ni Rica, hinarap ni Drake ang kapatid niya.

"You're not going," matigas na sabi ni Drake.

"What?! Kuya, hindi mo ba narinig? Invited din ako!"

"No, Yesha. Bata ka pa."

"So what?!"

"So what? Kei Marie, sabihin mo sa kanya kung ano'ng makikita sa bar party?" Napataas ang kilay ko nang sa akin naman ipasa ni Drake ang pagpapaliwanag sa kapatid niya.

"Ah, uhm... Bitch party?" mahinang bulong ko na medyo patanong pa.

"Ano naman?! Kuya, hindi naman yung mga bitch ang pupuntahan ko do'n. Yung party!"

"No, Yesha—"

"Ah, Drake, ano ka ba! H'wag ka ngang KJ diyan! Pasamahin mo na siya. Hindi naman bitch party 'yon. Niloloko lang kita."

"Kei Marie, minsan mo na akong hinila sa loob ng bar. Ayokong makakita si Yesha ng mga gano'n, and for Pete's sake, she's only fifteen!" ma-awtoridad na sigaw ni Drake. Nanlaki ang mga mata ko. Fifteen lang si Yesha?! Ang tangkad niya, ha!

"Aish... Kainis ka, Kuya!" sigaw ni Yesha saka siya tumakbo palabas ng mall.

"Huy, sundan mo!"

"Ayoko. Hayaan mo siya. Uuwi din 'yan, nagtatampo lang. Let's go," aniya saka kami pumasok sa loob ng restaurant.
____

Tinitingnan ko na ngayon sa tapat ng mirror ang dress na binili ko. Oops, binili pala ni Drake.

"Marie, anak nandiyan na yata yung sundo mo." Napataas ang kilay ko nang magsalita si Mama sa may pintuan ng kwarto ko. Sundo?

"Opo, Ma, malapit na po akong matapos!" sagot ko. Humarap muna ulit ako sa salamin bago ko isinuot ang heels ko.

"Aalis na po ako!" sigaw ko saka tumakbo na ako palabas ng bahay. Narinig ko pang sumigaw si Mama pero nagmadali na ako. I'm sure papagalitan na naman ako n'on dahil gabi na naman ako kung gumala. Simula kasi no'ng maghiwalay kami ni Leo, palaging naging umaga na ang gabi ko.

Pagkalabas ko ng gate, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Drake na nakahalukipkip habang nakapikit at nakasandal sa kotse niya. Tiningnan kong mabuti ang tindig niya. Ang laki na rin ng pinagbago niya kahit isang buwan pa lang ang lumipas. Kaunting tangkad pa, masasabi ko na talagang hindi na siya totoy. Napapitlag ako nang bigla niyang imulat ang mata niya at ngumiti. Kaagad siyang lumapit sa akin at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.

"Pangit mo," pang-aasar niya, Hinampas ko naman ang braso niya. Inirapan ko siya bago ako sumakay sa kotse niya. Tumawa naman siya.

"Binibiro lang kita. Sinabi ko na nga noon sa 'yo na maganda ka," aniya pagkasakay na pagkasakay niya. I know right? Maganda ako. Chusera lang.

"Bakit mo ako sinundo?"

"Sus, tatanong ka pa, nakaupo ka na nga diyan," nakangising sabi niya saka pinaandar na yung kotse niya.

"Sobrang ikli pala niyang dress na pinag-aagawan niyo ng kapatid ko," biglang sabi niya. Napansin kong napatingin siya sa hita ko pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Ano naman?" pagsusungit ko. Ngumiti na naman siya dahilan para magmura na naman yung dimple niya.

"Wala naman. Itatapon ko yung dress ni Yesha." Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ba ang mean mo sa kapatid mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi naman. Ayoko lang na isuot niya 'yon. Napakabata pa niya. Unlike you, ilang taon ka na nga?" Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagsalita.

"Twenty-one," matipid na sagot ko.

"See?Nasa edad ka na." Napailing na lang ako sa kanya.

Pagkadating namin sa bar kung saan gaganapin ang birthday ni Rica, dumeretso kami sa isang table kung saan nakaupo si Jasmin. Medyo marami na ring tao at sobrang lakas ng tugtog. May mga nagsasayaw na rin sa dance floor.

"Hey! Siya ba yung sinasabi ni Rica na best friend mo? Hindi mo yata naikukwento sa amin 'yan?" pang-aasar ni Jasmin.

"Ah, yeah. Drake, this is Jasmin, friend ko."

"Hello, Drake, what?"

"Cortezano," pagtatapos ni Drake. Tumango-tango naman si Jasmin.

"Bitch. Nasabi na ba sa 'yo ni Rica na nandito si Leo?" Bigla akong kinabaha. Napalunok ako nang sunod-sunod na para bang mag nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Damn it, Marie! Move on!

"Ah. H-hindi, hayaan mo siya," sagot ko saka kumuha ako ng vodka na dala ng isang waiter saka ko tinungga yon.

"Jasmin! Mind if I dance with you?!" sigaw ng isang lalaki.

"Oh, sure dear!" magiliw na sabi ni Jasmin saka tumayo.

Tumungga ulit ako ng vodka, pero laking gulat ko nang hawakan ni Drake ang braso ko para ibaba ang hawak kong shot glass.

"Move on, Kei Marie. Leo? Siya ba yung ex mo?" Alright. Nakalimutan kong hindi slow itong kasama ko.

"Ano ka ba? Naka-move on na ak—" Pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ng dalawang mata ko kung paano makipaghalikan si Leo sa isang babae ro'n sa dance floor.

"Siya ba 'yon?" bulong ni Drake sa tainga ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot. Ano ba! Akala ko ba naka-move on na ako? Pero bakit naninikip pa rin ang dibdib ko ngayong nakikita ko siyang may kahalikang iba?

Natauhan ako nang hilahin ako ni Drake papunta sa dance floor. At doon kami mismo pumuwesto sa tabi nina Leo!

"Drake!" sigaw ko sa tainga niya! Pero laking gulat ko nang hapitin niya ako sa baywang ko at bumulong siya sa tainga ko ng hindi ko inaasahan.

"Turuan mo akong humalik."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top