Kabanata 2
Kabanata 2
MARIE'S POV
Nakaupo kami nina Jasmin sa waiting area ng registrar office. Kukuhanin na namin yung TOR. Yeah, graduate na rin ako sa wakas. Tourism ang course ko, at gaya ng sabi ko nung una, nursing naman si Jasmin.
Naging magkaibigan kami ni Jas nung fourth year high school kami dahil 'yon yung panahon na nililigawan ako ni Leo. Oo, high school pa lang ako, nililigawan na niya ako. Maraming nagkakagusto sa kanya sa school namin at isa na ako ro'n. Sinagot ko siya nung graduation namin nung high school hanggang tumagal na kami kahit na alam ko namang una pa lang na lokohan lang ang gusto niya. Umasa ako na titigil siya sa pambababae niya dahil ako lang yung niligawan niya pero nagkamali ako.
"Nakausap ko si Le—" Hindi naituloy ni Jasmin ang sasabihin niya dahil biglang may humila ng buhok ko!
Damn it! Pakiramdam ko matatanggal ang anit ko sa pagwagayway niya sa buhok ko! Hinila ko ang kamay niya at itinulak ko siya sa tiyan niya!
"Ang kapal ng mukha mo! Pati boyfriend ko inagaw mo?!! Inagaw mo nga noon si Leo pati ba naman si Justin?!" Napakunot ang noo ko.
"Excuse me? Si Leo inagaw ko sa 'yo?! Baka nagkakalimutan tayo, ikaw itong haliparot na lumalandi sa kanya nung kami pa!" sigaw ko. Yeah, you heard me right! Isa siya sa mga babae ni Leo nung kami pa!
"Kahit na! Inagaw mo pa rin siya sa akin! Tapos ngayon, si Justin!" sigaw niya at akmang sasampalin ako pero kaagad kong nahuli ang kamay niya at mahigpit kong hinawakan iyon!
"Ano ngayon? Siya ang may gusto, hindi ako. Bakit hindi mo tanungin 'yang si Justin? Siya ang lumapit sa akin. Siya, Jenny. Siya ang humalik sa akin, siya ang—"
"Shut up!" Halos mabasag na ang boses niya sa pagsigaw. Oh well, baliktad na ngayon. Kung dati ako itong inaasar niya sa pang-aagaw niya sa akin kay Leo, ngayon naman, ako na. Tama naman siya. May nangyari sa amin ni Justin, at ginusto ko rin. Pero walang commitment. Mahirap na, baka masaktan lang ulit ako, and this time, marunong na akong mag-ingat.
Marahas niyang hinablot ang kamay niya sa pagkakahawak ko at padabog na umalis! Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa akin.
"What? Tapos na ang palabas. Masyado kayong sinuswerte. Libre na nga ang live show, mukhang gusto niyo pang magpa-autograph!" sigaw ko. Lahat naman sila ay agad nag-iwas ng tingin sa akin. Hinila ni Jasmin ang kamay ko.
"Bitch! Ano 'to? Hindi ka naman ganyan dati, ah? So, totoo ba ang mga naririnig ko? Na kung kani-kanino ka sumasama?!"
"Hindi kung kani-kanino, Jas. Pinipili ko... kng papasa sila sa taste ko," sabi ko saka nagsindi ng yosi. Hinila niya sa akin 'yon at itinapon.
"Ano ba, Marie?"
"Ano ba, Jasmin? Hindi ba gano'n ka rin naman?!" sigaw ko.
Napansin kong lumungkot ang tingin niya sa akin.
"Fine. Gano'n nga ako, Marie, pero ayoko namang magaya ka sa akin. Ayoko. Saka ano ba?! Nagkakaganyan ka dahil kay Leo?! Lalo mo lang ipinapakita sa kanya na malaking kawalan siya."
"Look who's talking? Hindi ba naging ganyan ka lang din naman dahil sa ex mo? Ano ba, Jas? Maging masaya ka na lang, and besides, nag-e-enjoy ako. Ang sarap pala ng feeling na maraming nagkakagusto sa 'yo," sabi ko.
"Maraming nagkakagusto sa 'yo noon pa. Sa katunayan, pwedeng-pwede mong iwanan si Leo noon. Ikaw lang 'tong tanga," litanya niya. Kailangan talagang isampal sa pagmumukha ko na tanga ako kahit matagal ko nang alam?
"'Yaan mo na..." 'Yon na lang ang naisagot ko sa kanya. Alam ko tumatawa ako, gabi-gabi laman ako ng bar, pero deep inside, sobrang sakit talaga. Buong sistema ko ay hinahalukay ng sakit dahil sa ginawa ni Leo. Buong pagkatao ko, pakiramdam ko ay ginago niya.
"Kei Marie Gonzales!" Sa wakas, tinawag na ako sa registrar. Kaagad akong pumirma at inilagay sa bag ko ang TOR pero natigilan ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Humarap ako.
"Hi?" Napanganga ako nang makita ko kung sino siya. Si Mr. Labo, malabo ang mata. Wow ha? Two weeks na ang lumipas. Akalain mong makikita ko siya.
"Oh, hey! Kumusta?"
"Eto, ikaw?" walang ganang sagot niya.
"Ayos lang. Mag-e-enrol ka dito?" tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot.
"Ikaw? Dito ka ba nag-aaral?"
"Uhm, dati. Kaka-graduate ko lang," sagot ko.
"Pano? Mauna na ko?" paalam ko pero bigla niyang hinila ang braso ko.
"Best friend, mamaya na. Hintayin mo muna akong matapos mag-enrol. Malapit na 'to. Gimik ulit tayo," nakangiting sabi niya. Ang cute lang ng dimple niya! Lumalabas kapag nagsasalita siya. Best friend talaga, ha?
"Eh? Ulit?"
Tumango siya.
"Do'n sa dati." At inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko saka bumulong, "May beer ulit ako sa compartment ng sasakyan ko."
Nanlaki ang mata ko. Gusto kong matawa sa kanya! Seriously? Kailangang ibulong?
"Sige na? Kei Marie?" tanda niya ang pangalan ko, pero siya hindi ko matandaan.
"Wait, ano nga ulit pangalan mo?"
"Drake," matipid na sagot niya. Magsasalita pa sana ako pero hinila niya ang kamay ko papunta sa cashier! Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Maging si Jasmin ay binigyan ako ng nakapagtatakang tingin.
Pagkatapos niyang mag-enrol, dumeretso na kami sa parking area at mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya. Ang lakas ng loob niyang maging kaskasero samantalang napakakapal naman ng salamin niya.
At kagaya ng sinabi niya, nandito ulit kami sa dati. Ibang-iba ang itsura ng lugar kapag maliwanag. Mas maganda pa rin kapag gabi dahil sa city lights. Binuksan niya ang compartment ng kotse niya at nanlaki ang mata ko sa dami ng beer.
"Alam ba ng nanay mo 'yan?" tanong ko. Ngumisi siya at umiling.
"Baka suntukin ako n'on kapag nalaman niya."
"Oh? Tomboy ba nanay mo?" natatawang biro ko.
"May pagka-boyish? Ewan, magulo. Tara," anyaya niya saka kumuha ng apat na beer.
Umupo ulit kami sa dati. Binuksan niya yung isang can ng beer at inabot sa akin. Wala pa naman ako sa mood uminom.
"Ayos ang palabas kanina, ah? Mataray ka pala," simula niya bago tumungga ng beer.
"Oh, nakita mo?"
"Yeah. Nakakatawa ka nga, e. Hindi bagay sa 'yo ang magsungit," nakangising sabi niya. Yung dimple niya, nagsusumigaw sa lalim.
"Whatever," matipid na sagot ko at tumungga ng beer.
"Ah! Bago ko makalimutan, kumusta ang duguan mong puso?" pang-aasar ko.
"Tsk, gano'n pa rin. Masakit."
"Nakakatuwa ka talaga."
Kumunot ang noo niya.
"Bakit naman?"
"Wala naman. Nagkukwento ka sa akin ng love life mo samantalang kakikilala mo pa lang sa akin."
"Ewan. Sa 'yo lang naman ako nagkwento. Saka isa pa, mas mabuti na yung sa bago ko lang kakilala ikwento para kahit papaano, hindi ako mahihiya," patuloy niya. Tumingin siya sa mga building. Tinitigan ko yung gilid ng mata niya na natatakpan ng salamin. Medyo singkit siya, yung ilong niya matangos, yung labi niya mapula at manipis. Nagulat ako nang ngumisi siya.
"May dumi ba ako sa mukha?" natatawang sabi niya. Napalunok ako!
"Wala, 'no! Trip ko lang titigan ka."
"Sana ganyan din siya. Sana matripan din niyang titigan ako," mapait na sabi niya.
"Sandali, nang-aagaw ka ng boyfriend ng iba?" biglang tanong niya.
"Oo," deretsong sagot ko. Halata namang nagulat siya.
"Bakit?"
"Anong bakit?!"
"Bakit ka nang-aagaw? Maganda ka naman, ah." Itong batang 'to, marunong mambola! Pero kulang pa sa practice.
"Alam ko."
"Naniwala ka naman," pambawi niya. Nanlaki ang mata ko at hinampas ko ang braso niya.
"Nakakainis ka!" Natawa siya.
"Biro lang. De seryoso, maganda ka. H'wag mong sayangin," payo niya.
"Wow. Itay ikaw ba 'yan?"
"Best friend mo ako."
"So, talagang idineklara mo ng mag-best friend tayo?" nakangising sabi ko. Ewan ko, ha? Pero nakakatuwa siyang kausap. Pansin ko lang simula no'ng makausap ko siya noon, puro tawa ang ginagawa ko.
"Ayaw mo? Hayaan mo, kahit ayaw mo best friend pa rin tayo!"
Natawa na lang ako.
"O, sige na. Best friend na," pagtanggap ko.
"Good. Now, tell me about him." Napapitlag ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at kahit nakasalamin siya, nararamdaman ko yung malalim na titig niya sa mga mata ko.
"Kei Marie, sa mga binitawan mong salita kanina do'n sa babae, alam kong may tinatago ka diyan." Itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.
"Nasasaktan ka. H'wag mo nang ikaila.Nararamdaman ko dahil gano'n din yung nararamdaman ko ngayon sa babaeng mahalko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top