Kabanata 1
Kabanata 1
MARIE'S POV
Tinawagan ko si Leo at sinabi kong mag-usap kami nang maayos. Hindi pa rin alam ni Mama ang kalagayan ko ngayon. Ayokong sabihin dahil gusto ko kapag nalaman niya ay kasama ko si Leo.
Pinapapunta niya ako ngayon sa apartment niya at doon daw kami mag-usap. Pero laking gulat ko nang makita kong nandoon ang ibang barkada niya. Masaya silang nag-iinuman doon.
"Leo..." tawag ko sa kanya.
"H'wag kang mag-alala! Tara," anyaya niya sa akin at hinila ako papunta sa kusina.
"Ikukuha lang kita ng juice," paalam niya bago siya tumalikod sa akin.
Pagkabalik na pagkabalik niya, kaagad niyang inabot sa akin ang juice. Iinumin ko na sana pero parang amoy alak.
"Ininuman ko kanina yan ng alak. Pasensya na nakalimutan kong hugasan," walang ganang sabi niya. Tumango na lang ako dahil napansin kong medyo may tama na siya ng alak at panay pa ang yosi niya.
"Yung... tungkol—"
"Ubusin mo muna 'yan. Mag-usap tayo pagkatapos niyan," aniya. Kung 'yon lang ang paraan para magkausap kami nang maayos, gagawin ko. Tinungga ko ang juice at do'n ko lang nakumpirma na may halong alak yon, pero hindi ko na binigyang pansin iyon.
"Now, mag-usap tayo."
Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.
"Leo..."
Mariin niyang ipinikit ang mata bago ulit siya tumingin sa akin.
"Alam mong hindi pwede, Marie. Hindi pa pwede. Magiging okay lang tayo kapag ipinalaglag mo 'yang bata." Hindi ako makapaniwala na sa kanya ko ngayong naririnig ko ang mga salitang 'yan. Pakiramdam ko ay sinusunog ako sa mga sinasabi niya.
"How dare you! Leo, dugo mo rin 'to! Paano mo nagagawang sabihin ang mga 'yan?!" sigaw ko sa kanya. Halos magwala ang puso ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya.
"Putang ina kasi bakit hindi ka nag-iingat?!" sigaw niya sa akin. Sinampal ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo! Tayong dalawa ang gumawa nito!"
Nag-unahan na namang tumulo ang luha ko at kasabay pa n'on ang pagsikip ng dibdib ko! Nginitian niya ako, isang ngiting nakakatakot.
"Wala ka nang magagawa, Marie, dahil sa ayaw at sa gusto mo, mawawala na 'yang bata na 'yan sa tiyan mo," matigas na sabi niya at saka hinila niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang balat ng gamot! Halos manlaki ang mata ko dahil sa ibinigay niya.
"Masarap naman yung juice, hindi ba?" nakangiting sabi niya. Kahit hindi ko itanong kung ano yung gamot na 'yon, alam ko na kung ano 'yon dahil sa ngiti niya.
"Demonyo ka!" sigaw ko sa kanya at magkakasunod na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
"Hayop ka, Leo!" Pilit niyang hinuhuli ang kamay ko pero magkakasunod na sampal pa rin ang ibinigay ko sa kanya. Pero halos mayanig ang mundo ko nang maramdaman ko ang kamao niya na malakas na dumapo sa tiyan ko! Halos mamilipit ako sa sakit! Hindi pa siya nakuntento, dalawang magkasunod na suntok pa ang natanggap ko mula sa kanya! Pakiramdam ko, mamamatay ako sa sobrang sakit. Kasabay n'on ang pag-agos ng dugo sa binti ko.
"No... my baby. Hayop ka, Leo!"
"Dude! What happened?! Ang daming dugo!"
"H'wag kang makialam ditong gago ka! Buksan mo yung pintuan!" sigaw ni Leo.
Hinila niya ang kamay ko at pilit niya akong ipinagtulakan palabas ng apartment niya. Nanghihina ako. Wala akong ibang magawa kundi ang hawakan ang dugo sa binti ko. Nahihilam na rin ako sa luhang tumutulo sa mga mata ko.
Mabilis kong hinanap ang cellphone sa bag ko nang marinig kong mag-ring iyon.
"Hey, bitch! Marie!"
"Jas... Jasmin... Help me..."
"Marie?!"
"Jasmin, tulungan mo ako! Nandito ako sa apartment ni Leo."
Hanggang sa mandilim na ang paningin ko.
_____
Iminulat ko ang mabigat kong mga mata at kaagad bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari.
"Marie!" Kaagad bumungad sa akin ang mukha nina Jasmin at Rica.
Puting kwarto. Nagsimula na namang mag-unahang tumulo ang luha ko nang maalala ko ang nangyari. Pilit akong umupo at hinawakan ang tiyan ko.
"Wala na siya, wala na..." Pakiramdam ko, mababaliw na ako ngayon. Bumalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko no'ng ipagtabuyan ako ni Leo, lalong-lalo na nang hindi niya tanggapin ang anak namin.
Pilit hinawakan ni Jasmin ang kamay ko at pinunasan niya ang luha ko. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa at nakita kong punong-puno ng katanungan ang mga mata niya.
"Self-induced miscarriage. Paano mo nagawang isikreto sa amin 'to, Marie? Pinalaglag mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Umiling ako. Damn! Yung luha ko ay ayaw tumigil sa pagtulo! Yung katawan ko naman ay parang tinutusok ng milyon-milyong karayom.
"Hindi... Hindi, Jas!"
"Then, what?! Bakit may hawak kang pampalaglag?" Yung balat, 'yon yung gamot na inilagay ni Leo sa inumin ko. Malamang alam ni Jas ang gamot na 'yon, nursing student 'yan. Umiyak lang ako nang umiyak.
Ikinuwento ko sa kanya ang ginawa ng pinsan niya. Yeah, magpinsan sila ni Leo. Hindi nila tinawagan si Mama dahil alam nilang mag-aalala sa akin si Mama.
"Bullshit. Kailangan kong makausap si Leo!" sigaw ni Jas.
"H'wag na, Jas."
"Tanga ka ba?! Hanggang kailan ka ba magiging tanga sa pinsan ko?! Hindi ba sinabi ko na sa 'yo noon pa na mag-ingat ka sa kanya?! Pinsan ko si Leo at kilala ko yung gago na 'yon!" litanya niya. Oo, alam ko ang tanga ko dahil simula pa lang, alam ko namang may mga babae siya, pero ano'ng magagawa ko?! Mahal ko siya at sa akin pa rin siya huling pumupunta kaya alam kong mahal niya rin ako.
Pero hindi na ngayon. Dahil yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya, napalitan na ng poot. Nagmakaawa ako sa kanya pero balewala sa kanya ang lahat ng 'yon. Ikinuyom ko ang kamao ko dahil naiinis ako sa sarili ko. Nawala ang first baby ko dahil sa kanya. Kriminal si Leo. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya.
____
"Two shots of tequila, please!" hiyaw ko sa bartender. Mag-isa lang akong nag-iinom ngayon dito sa bar, at as usual, umiiyak na naman ako. Ang tanga ko, e. Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako maka-move on.
Tanga, Marie. Paano ka makaka-move on kung nawalan ka ng anak?! May kumukurot pa rin sa puso ko sa tuwing maiisip kong nawala ang bata sa sinapupunan ko. Tatlong buwan na dapat siya ngayon.
Pinadulas ng bartender ang order kong tequila at kaagad kong tinungga iyon. Medyo mainit na rito sa loob ng bar kaya naman naisipan kong lumabas muna para magpahangin. Nagsindi ako ng yosi at matamang tinititigan ko ang dalawang batang natutulog sa kalye. Yung isa mukhang dalawang taon pa lang. Nasaan ang mga magulang nila? Bakit nila pinababayaan na matulog sa kalsada ang mga anak nila? Anong klaseng magulang ang gagawa ng ganyan? Bigla akong natigilan. Kung si Leo nga nagawang patayin ang anak namin, paano pa kaya ang ibang tao?
Magkakasunod na paghithit ng yosi ang ginawa ko nang may marinig akong nagbabasag ng bote sa gilid ng parking area.
"Ugh!"
Naglakad ako palapit doon at halos mapapitlag ako nang magbato ng isang bote ng beer ang lalaking nakasandal sa gulong ng isang Ferrari 458 na kulay blue. Natulala ako nang makita ko ang mukha niyang basang-basa sa luha. Tumungga ulit siya ng isang bote ng beer saka ibinato ulit iyon sa kawalan.
Hindi ko alam kung bakit ayokong umalis dito. Pero nanlaki ang mata ko nang tumingin siya sa pwesto ko at nakakunot ang noo niya.
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito?" malamig na tanong niya, pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay naka-uniform siya ng Infinite High School.
"Menor de edad ka. Ano'ng ginagawa mo dito diyes oras ng gabi?" Nakataas ang isang kilay ko nang sinabi ko sa kanya 'yan. Ngumisi naman siya saka tumayo.
Napaatras ako nang maglakad siya palapit sa akin. Gegewang-gewang pa siya maglakad, at kinorner niya ako sa gilid ng Ferrari 458.
"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Mahilig manakit? Tangina kasi eh, sagad na sagad sa pagkatao ko yung sakit." Imbis na magalit ako sa sinabi niya, parang nakaramdam ako ng awa dahil sa boses niya, ramdam na ramdam ko kasi yung lungkot do'n at sakit.
Dahil nga menor de edad pa siya kaya hindi pa siya gano'n katangkad, do'n ko lang napansin na may nakasabit na salamin sa uniform niya at naka-brace siya.
"Ilang taon ka na?" tanong ko.
"Psh. 17 hik! Never been touched. Never been kissed" Gusto kong matawa. Lasing na yata ang isang 'to!
"Baka ang ibig sabihin mo ay sixteen?" pagtatama ko sa kanya. Umiling-iling siya, namumungay ang mata.
"17 na ako ngayong araw na 'to."
"B-birthday mo?!" gulat na gulat na tanong ko. Nakakatawa lang bakit ko ba kinakausap ang lalaking ito eh ni hindi ko nga alam ang pangalan nito.
Tumango siya.
"Tara sa loob," anyaya ko sa kanya.
"Bawal ako diyan. Ayaw nga akong papasukin ng bouncer diyan, e," dismayadong sabi niya.
"Problema ba 'yon?!" Hinila ko ang polo niya na may tatak ng Infinte High. Naka-white tshirt naman siya na panloob, e.
"T-teka! Ano'ng gagawin mo? Re-rape-in mo ba ako?!" Nanlaki na ang mata niya at parang nawala ang pagkalasing niya. Nakakatawa talaga siya. Nag-e-enjoy akong kausap ang isang 'to, ha.
"Oo. Re-rape-in kita kung hindi ka sasama sa akin sa loob!" sigaw ko sa kanya.
"Grabe ka. Uuwi na lang ako." Halatang takot siyang pumasok sa loob dahil nga menor de edad siya.
"Kapag hindi mo ako sinamahan sa loob, sasabihin ko do'n sa guard na may naligaw na high school student dito," pananakot ko sa kanya. Ewan ko pero gusto ko siyang isama sa loob. Gusto kong maranasan niyang magsaya sa loob dahil nararamdaman ko yung sakit na tinatago niya sa loob ng didbid niya.
Hindi na siya umimik. Nagpahila na siya sa akin sa loob ng bar. Nauna akong pumasok dahil kilala naman ako rito kaya naman hindi na siya napansin ng bantay. Umupo kami sa bar stool.
"First time?" tanong ko sa kanya, napansin kong isinuot niya ang salamin niya at inilibot ang paningin.
"Ba't ang labo pa rin?" inosenteng tanong niya.
"Baka gawa ng usok, may mga nagyoyosi kasi. Isang margarita saka rhum!" natatawang sigaw ko ro'n sa bartender na kaagad namang ibinigay ang order ko.
Sandali niya munang tiningnan yung rhum at tinungga iyon. Napapikit pa siya dahil sa tapang.
"Happy birthday!" sigaw ko sa kanya dahil sorang lakas ng tugtog dito sa bar. Nginitian niya lang ako. Nakakatuwang makita yung inosenteng itsura niya na para bang ngayon lang siya nakalabas ng bahay.
"Gusto mong sumayaw?!" sigaw ko sa kanya.
"What?!"
"Sabi ko sayaw tayo!" anyaya ko sa kanya pero umiling siya.
"Hindi ako marunong sumayaw!" aniya. Tumango na lang ako at uminom ng margarita ko.
Maya-maya lang, inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong.
"Let's get out of here! Maingay!" reklamo niya.
"Saan tayo pupunta?! Ise-celebrate natin ang birthday mo!" sigaw ko sa kanya.
"Basta!" sagot niya at nagulat na lang ako nang hilahin niya ako palabas ng bar.
"Get in!" Nanlaki ang mata ko nang buksan niya ang kulay asul na Ferrari 458 kung saan ko siya nakita kanina.
"Sa 'yo 'to?"
"Mukha bang hindi?" Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako sumakay. Well, hindi ko talaga ine-expect na kanya 'tong sasakyan, 'no! Malay ko ba kung nakikitambay lang siya!
Sunod naman siyang sumakay at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya. Papatayin yata ako nitong bata na 'to!
"Hoy! Dahan-dahan naman!" Sigaw ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako at mas binilisan pa ang pagpapaandar. For god's sake!! Nasa highway kami!
Nag-seatbelt ako at mariin kong ipinikit ang mata ko!
"Damn it! May sakit ako sa puso!" sigaw ko! At halos habulin ko ang paghinga ko nang bigla siyang pumreno!
"Broken hearted ka rin?" Tanong niya.
"Sira ulo! Pwede ba magdahan-dahan ka! Ayoko pang mamatay!" sigaw ko sa kanya at nag-iwas na ako ng tingin. Oo, broken hearted ako, pero hindi lang yon. Dapat nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng anak ko. Bawat alaala kasi ng first baby ko, puro sakit ang nararamdaman ko.
Nag-drive na ulit siya, pero ngayon ay dahan-dahan na. Nakarating kami sa isang mataas na lugar kung saan kita yung city lights. Bumaba kaming dalawa at umupo roon sa malapit sa bangin. Medyo nakakalula pero ang sarap sa pakiramdam, lalong-lalo na yung hangin. Inabutan niya ako ng alak.
"Thanks."
Tahimik lang siyang uminom.
"Broken hearted ka, 'no?" untag niya. Napalingon ako sa kanya. Kahit sobrang kapal ng salamin niya, alam kong sa akin lang siya nakatingin. Tumawa ako, isang pilit na tawa.
"Ayos ah? Parang hindi ka broken hearted?" pagbabalik ko sa kanya ng usapan. Ayoko na kasing pag-usapan yung nangyari sa amin ni Leo. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Tumungga siya ng alak at tumingin sa malayo.
"First time, eh. First love." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. First love? Hindi ba first love ko rin si Leo?
Narinig kong huminga siya nang malalim.
"Gusto ko na ngang mamatay, e." Napatawa ako sa sinabi niya. Actually, nasabi ko rin 'yan nung nakaraang linggo, pero naisip kong masarap mabuhay. Hindi ako umimik at pinabayaan ko lang siyang magkwento.
"Mahal na mahal ko siya. Akala ko gano'n din siya sa akin, hindi pala. Takte, pinaniwala ko ang sarili ko na pwede pala... na pwede akong mahalin ng isang katulad niya." Kumirot ang puso ko nang marinig ko ang pagpipigil niya ng iyak sa ikinukwento niya. Parang nakikita ko rin ang sarili ko. Gano'n din ako, 'di ba? Akala ko mahal ako ni Leo, pero hindi pala.
"Ang sakit. Parang mamamatay ako sa sakit." Pumiyok na ang boses niya. Sandali kaming natahimik.
Uminom lang kami. Pansin ko sa kanya kahit na parang ang dami na niyang nainom, matino pa rin siya. I mean, yes, may tama siya nang kaunti pero hindi siya lasing.
"Sino nga namang magmamahal sa isang katulad kong nerd?" dagdag niya.
"Ano ka ba, wala naman sa panlabas na anyo 'yan," naiinis na sabi ko. Actually, dati akong kagaya niya. Nung high school ako, naka-brace din ako dahil sa sungki-sungki kong ngipin, tapos yung buhok ko sobrang buhaghag, pero iba na ngayon! May rebond na! Taray na nga ng panahon ngayon, eh!
Hinarap ko ang mukha niya sa akin at tinanggal ko ang salamin niya. Napakunot ang noo niya.
"Alam mo kahit totoy ka pa lang, gwapo ka naman, e. Bata ka pa. Marami pang iba diyan. 'Yon nga lang, matuto ka nang mag-ayos. Alam mo naman ang mga kababaihan ngayon, mahilig sa gwapo. Saka isa pa—" Kinurot ko ang tiyan niya na naging dahilan para magulat siya.
"Mag-work out ka! Parang puro baby fats 'yang nasa katawan mo! Tapos 'yang brace mo, patanggal mo na kapag maayos na ang ngipin mo," natatawang sabi ko sa kanya. Totoo naman. Totoy pa siyang tingnan pero kita naman na gwapo siya kapag mas lalo pang nagbinata.
Itinuro ko sa kanya ang bahay ko dahil nag-offer siya na ihahatid na niya ako. Medyo maliwanag na rin.
"Thank you!" sabi ko saka bumaba na ako ng kotse niya. Ngumiti lang siya.
Nagdo-door bell na ako pero bigla siyang bumusina at ibinaba ang bintana ng kotse niya.
"I forgot to ask your name!" sigaw niya.
"Kei... Kei Marie!" nakangiting sabi ko.
Tumango siya.
"Thank you, Kei Marie. Nice meeting you. Best friend!" nakangising sabi niya.
"Best friend?" pagtataka ko. Duh? Kakikilala palang namin, 'no!
"Yeah, best friend. First time na magkwento ako sa ibang tao. Ikaw lang yata yung nakipagkaibigan sa akin. Bye, Kei Marie."
Pero bago pa siya makaalis, itinanong ko na rin ang pangalan niya. Hello? Magdamag ko siyang kasama, at gaya ng sinabi niya, kinuwento na nga niya ang love life niya, e.
"I'm Drake... Drake Cortezano."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top