Epilogue
Dedicated ito sayo @monahos :) maraming salamat sa walang sawang paghihintay ng update kay Tyler hanggang huli.
At sa inyong lahat, thank you po talaga ng sobra sobra! <3 <3
ALC-DTC: Epilogue
Pikit ang isang mata ko nang masilaw ako mula sa liwanag do'n sa bintana ng kwarto ko, napabaling ako kay Tyler na ngayon ay nahihimbing sa pagtulog at nakadagan ang isang kamay sa tiyan ko.
"Good morning." Nakangiting bulong ko kahit pa tulog na tulog pa rin siya, pasko ngayon at birthday niya rin na masayang sinalubong namin kagabi. At kaninang madaling araw naman ay umuwi na muna si Tita Leny sa Batangas at babalik nalang siya sa New Years Eve.
Lasing na lasing siya kagabi dahil sa kasiyahang naramdaman niya nang makumpirma niyang dinadala ko ang anak naming dalawa. Para na nga siyang baliw dahil kahit pa magkatabi lang kami kagabi habang nag iinuman sila nila Cash ay tina-tag niya ako sa mga post niya sa facebook. Gustong gusto daw niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya kasaya na magiging ina na ako ng supling na inilagay niya sa akin.
"Surprise!" Sabay sabay na sigaw nila Cash nang makapasok na sila sa unit ko, pero hindi naging dahilan 'yon para maputol ang malalim na pagtitig sa akin ni Tyler. Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakikipag titigan ako sa malambing niyang mata.
"Sweetheart..." Muli niyang tawag sa akin at hindi ko naiwasan ang pag ngiti nang tumulo pang muli ang luha sa kanyang mata dahil sa kasiyahan.
"Yes, Tyler, buntis ako." Nakangiting sambit ko habang umiiyak, napapitlag ako nang bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas at hinapit niya ako sa bewang ko saka binuhat niya ako at nagpaikot ikot kaming dalawa na para bang noon ay sa palabas ko lang napapanood!
"Hanep! Parang pelikula lang ah!" Sigaw nila Axel na nagpahalakhak sa akin ng sobra.
"Bumili kayo ng maraming alak! Magpapakalasing ako dahil sa kasiyahan ngayon!" Ngumingising sambit ni Tyler saka naglapag ng pera sa lamesa.
Muli siyang humarap sa akin at siniil niya ako ng napakalalim na halik! "Sinasabi ko na nga ba, may nailagay ako." Pagyayabang niya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Yung totoo? Ang may pakana talaga nito ay si Cash!" Sigaw ni Axel ngayong nag iinuman na sila dito sa sala ng unit ko, pinag uusapan nila ang tungkol sa tshirt na suot suot namin ni Tyler.
Humalakhak si Cash, "Paano ko hindi maiisip 'yon? Itong si Monet, tumawag sa akin, humihingi ng idea kung paano daw sasabihin ni Althea, sayo na buntis siya. Then, after five minutes tumawag ka din, humihingi ka ng idea kung paano magpo-propose kay Althea." Kwento ni Cash na nagpahalakhak sa aming lahat. Panay ang haplos ni Tyler sa balikat ko habang nakikinig sa pamamangka ni Cash ngayon.
"Ang sweet kaya!" Hiyaw ni Monet, "Don't worry, kapag magpo-propose ako sayo mas sweet pa jan!" Tawa ni Cash dahilan para hampasin siya ni Monet.
Napuno ng tawanan ang buong unit ko hanggang sumapit na ang madaling araw at natapos na ang inuman.
"This is the best birthday gift ever!" Nabubulol na sigaw ni Tyler ngayong nakaakbay siya sa akin papasok sa kwarto ko, sobra ang kalasingan niya at natatawa ako dahil sa kadaldalang taglay niya.
"I know, kaya naman magpahinga ka na." Suway ko sa kanya saka tinulungan ko siyang makahiga sa kama.
Panay ang ngisi niya sa kawalan na para bang hindi na matapos tapos iyon. Napahiyaw ako ng mahina nang bigla niya akong hilahin sa pulso ko, dahlia para mapahiga ako sa ibabaw niya at damang dama ko yung sobrang init na yakap niya sa akin.
"Al, pinapangako ko sayo na ikaw ang magiging pinaka masayang babae sa buong mundo." Bulong niya, gumuhit ang ngiti sa labi ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya, nakapikit na siya ngayon at pulang pula ang mukha niya dahil sa maraming alak na nainom niya. "Thank you, Lord! The best ka talaga!" Muling sigaw niya saka tumuro pa siya sa itaas na siyang mas lalong nagpangiti sa akin ng sobra.
Hindi ko akalain na mararanasan ko ang mga bagay na ito kasama siya, sobra yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos na pinag bigyan niya akong maranasan ang magagandang bagay sa mundong ito. Muntik na akong sumuko, pero binigyan niya ako ng dahilan para ilaban ang isinisigaw ng puso ko. Binigyan niya ako ng kapatawaran sa kasalanang nagawa ko, upang maranasan ko ang kasiyahan na ito.
Marahan na iminulat ni Tyler ang mata niya at kahit pa namumula iyon dahil sa kalasingan ay hindi naging hadlang 'yon para mayanig niya ang pagkatao ko sa malalim na pagtitig niya sa akin.
"Sweetheart, kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw kung paano kita sinimulang mahalin. Dahil nung dumating ang araw na 'yon sa buhay ko, do'n ko napatunayang ikaw ang rason kung bakit ako nabuhay sa mundong 'to." Litanya niya kasabay no'n ang pagtulo ng kanyang luha, hindi ko napigilan ang pagkalabog ng puso ko.
Tumawa ako ng mapait, "Bakit ka ba umiiyak?" Tumatawang sambit ko kahit pa nanginginig na ang lalamunan ko dahil pinipigilan ko ang nagbabadiyang pagtulo ng luha ko.
Ngumiti siya at hindi ko talaga maiwasang hangaan ang dimples niya, "Tears of joy." Halakhak niya.
"Biruin mo, pinapangarap lang kita noon. Pero ngayon, magiging asawa na kita. Hanggang ngayon, hindi ko mahagilap yung dahilan kung bakit mahal na mahal kita." Patuloy niya habang umiiyak at ngumingisi.
Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga binibitawan niyang salita. "Basta ang alam ko lang, sayo lang tumibok ng ganito yung puso ko. Sayo lang nakalaan ang buong puso at buhay ko, Althea." Pagtatapos niya saka inabot niya ng sandaling halik ang labi ko na siyang napapikit sa mata kong naging malamlam sa pagtitig niya.
Nang matapos niya akong halikan ay maingat niya akong inihiga sa tabi niya at niyakap ng napaka-higpit. Bigla siyang tumawa, "Inuman lang dapat, walang iyakan." Bulong niya sa tenga ko na nagpangisi din sa akin.
Masaya akong maramdaman ang tinatawag nilang pagmamahal, lalo na at kay Tyler ko ito unang naramdaman. At kung hihiling man ako, gusto ko siya na rin ang huling lalaking mamahalin ko sa buong buhay ko.
Muli ko sanang ipipikit ang mata ko nang marinig kong mag-ring ang cellphone ko mula sa bed side table. Kaagad kong dinampot 'yon at nabasa ko ang pangalan ni Mama mula sa screen, umupo ako at tumikhim bago sinagot 'yon.
"Ma, Merry Christmas!" Masiglang bati ko, medyo maingay sa kabilang linya.
"Merry Christmas, anak." Sagot niya sa akin, magsasalita na sana akong muli pero natigilan ako sa sumunod na sinabi ni Mama.
"Sunduin niyo kami dito sa airport." Nanlaki ang mata ko at nahampas ko sa hita si Tyler dahilan para magulat siya at pupungas pungas na umupo din. "Nandito na kayo sa Pinas, Ma?" Nauutal na tanong ko.
"Yes, nag book kaagad kami ng flight ng Daddy mo nang mabasa namin ang mga pinag po-post ng kapatid mo, I mean ni Tyler! Are you pregnant, Althea?!" Sigaw ni Mama sa kabilang linya, walang halong galit ang boses niya pero nando'n ang pagkagulat na gustong malaman ang totoo mula sa akin.
"Ma..." Nanginiginig ang boses ko at tumingin ako kay Tyler, na ngayon ay sinasabunutan ang sarili dahil siguro sa hang over na nararamdaman niya. Naka-top less siya at boxer short, inilahad niya ang kamay at para bang hinihingi niya ang cellphone ko.
"Althea!" Muling sigaw ni Mama mula sa kabilang linya, sa sobrang kaba ko ay iniabot ko na kay Tyler ang cellphone ko, ini-loud speaker niya 'yon.
"Hey, ma." Namamaos na bati ni Tyler kay Mama.
"Tyler, umamin ka sa akin. Ano yung mga post mo sa account mo?!" Gigil na sambit ni Mama na siyang tinawanan naman ni Tyler kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Ma, relax! Hindi mo manlang ba babatiin ng happy birthday ang napaka-gwapo mong anak!" Nasapo ko ang noo ko dahil nakukuha pang magbiro nitong loko na 'to gayong sobrang kabado na ako!
"Drake Tyler!" Muling hiyaw ni Mama pero tumawa na naman ang loko. "Oh, nabuo na yung pangalan ko. Pero, oo, Ma! Tama ang mga nabasa mo! Magkaka-apo ka na!" Halos malaglag ang panga ko nang walang kahirap-hirap na ibalita niya 'yon kay Mama!
"Tyler! Mag uusap tayo! Sunduin mo na kami dito ngayon sa airport!" Inis na sabi ni Mama saka pinatay ang tawag. Panay naman ang halakhak ni Tyler kaya naman hinampas ko siya!
"Bakit naman gano'n ang pag sagot mo kay, Mama?!" Bulyaw ko sa kanya, ngumisi siyang lalo at niyakap ako ng napaka higpit. "Sweetheart, hindi dapat itinatanggi ang mga blessings! Kaya naman maligo na tayong dalawa at harapin natin ang napaka sayang reunion na ito!" Panunuya niya sa akin dahilan para hampasin ko siya ng sunod sunod.
---
Kanina pa ako hindi mapakali ngayong hinahanap na ng mga mata ko sila Mama dito sa arrival ng airport, samantalang si Tyler naman ay parang baliw na ngingisi ngisi sa kawalan. Kahit pa naka-shades siya ngayon ay kita ko sa gilid ng mata niya ang saya.
"Nagagawa mo pa talagang ngumisi sa pagkakataon na 'to?!" Bulyaw ko sa kanya, sasagot na sana siya pero natigilan ako nang biglang may dumapong kamay sa pisngi niya! Mahinang sampal lang iyon pero sapat na para magulat ako!
Nabalot ng kaba ang puso ko at para bang pakiramdam ko ay nakakaramdam na ako ng hiya
"Anong ginawa mo kay Althea?!" Hiyaw ni Mama sabay pinag hahampas siya! Mabilis namang nahuli ni Tyler ang kamay ni Mama at niyakap niya ito ng sobrang higpit. "Ma, masama ang nagagalit sayo hindi ba?" Wala pa ring katigil tigil sa pag ngisi si Tyler.
Napabaling ako kay Dad na ngayon ay tahimik lang at hindi manlang dumadako ang mga mata sa amin.
"Ang mabuti pa do'n na tayo sa bahay namin mag usap usap." Anyaya ni Tyler saka kinuha niya ang maleta ni Mama at inakbayan na ito upang alalayang maglakad patungo sa kotse.
"Susunod ako." Paalam ko kay Tyler saka saglit pa siyang sumulyap kay Dad pero hindi din ito lumingon sa kanya.
Humakbang ako palapit kay Dad at hinawakan ko ang kamay niya. "Dad..." Nanginginig na usal ko, sandaling tumungo si Dad bago niya ako tinabunan ng malamlam na tingin.
Huminga siya ng malalim at pinisil ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" Nasa boses ni Dad ang pag aalala, ngumiti ako ng tipid at tumango. "I'm fine, Dad."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo upang iwasan ang malamlam na pagtitig sa akin ni Dad. "Dad, I'm sorry, alam ko sobrang dami na naming kasalanan ni Tyler sa inyo. Dad—" Tumulo ang luha ko at pinagtagpo ni Dad ang mata naming dalawa.
"Are you happy?" Usisa ni Dad, tumango ako. "Sobra, Dad." Bulong ko, isang magandang ngiti ang ibinigay sa akin ni Dad dahilan upang makita ko ang dimples sa kanyang pisngi. Marahan niya akong hinila at ikinulong sa bisig niya, naramdaman ko ang pagtapik tapik ng kamay niya sa likod ko habang umiiyak ako sa dibdib ni Dad.
"I am happy when you are happy, hindi niyo kailangang humingi ng tawad ng paulit ulit." Paalala ni Dad na mas lalong nagpahagulhol sa akin mula sa mga yakap niya.
Para sa akin si Mama at si Dad ang nagsilbing guardian angel ko. Silang dalawa ang ipinadala ng Diyos sa akin upang maibigay sa akin ang lahat ng pangangailangan ko bilang isang anak. Napaka swerte ko dahil sila ang ginamit na instrumento ng Diyos upang iparating sa akin kung ano ba ang totoong pagmamahal. Habang buhay kong ipagpapasalamat ang lahat ng bagay na patuloy na ipinagkakaloob sa akin ng Diyos dahil alam kong kailanma'y hindi siya magsasawang pasayahin ako katulad ng pagpapasaya niya sa akin ngayon.
---
Kung kanina ay nakakapag biro pa si Tyler sa airport, ngayon ay hindi na niya magawa 'yon.
"What's your plan?" Ma-awtoridad na tanong ni Dad kasabay ng pag buntong hininga niya, nakahawak si Mama sa braso niya.
Habang kami naman ni Tyler ay magkatabi na hinaharap ang mga katanungan nila Dad.
"Magpapakasal kami, Dad and kahit naman hindi buntis si Althea naka plano na ang lahat para sa kasal naming dalawa." Sagot ni Tyler na nagpakunot sa noo ko, bumaling ako sa kanya at tinignan ko siya ng buong pagtataka.
Ngumiti siya sa akin bago muling bumaling kela Dad. "I may sounds crazy, pero bukod po kasi dito sa bahay na 'to, na prepare ko na ang lahat para sa kasal naming dalawa ni Althea. From wedding gowns to honeymoon." Litanya niya na nagpabagsak sa panga ko, marahan kong hinampas ang braso niya pero hindi niya ako pinag bigyang pansin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig nito at walang ibang nakakapag pabulabog sa puso ko kundi si Tyler lang.
"What?" Narinig ko ang pilyang halakhak ni Mama na siyang binalingan ni Dad, kinagat ni Mama ang kanyang ibabang labi at umiling iling. "I just can't believe na may mas korny pa pala sa Daddy niyo at ikaw 'yon anak." Patutsada ni Mama kay Tyler dahilan para mamula ang mukha nito.
"I'm sorry, Sweetheart? Korny?" Hindi mahagilap ni Dad ang tamang salita upang itama si Mama, ngumiti ng pilya si Mama at mas lalong hinigpitan ang kapit sa braso ni Dad.
"Yes, ang korny niyong mag ama. Pero, nakakakilig. Ang swerte swerte naming dalawa ni Althea dahil ipinagkaloob kayo ng Diyos sa amin." Pagyayabang ni Mama na nagpatawa ng tipid kay Dad, hindi ko alam kung bakit nabalutan ng pilyang kasiyahan ang puso ko ngayong nakikita ko na paunti unti ang mga ngiti sa labi ng dalawang taong pinakamamahal namin ni Tyler.
"Sweetheart, kausapin ko muna si Tyler." Paalam ni Dad kay Mama at saka tumayo ito at sinenyasan si Tyler na mag usap sila do'n sa bar area.
Sumunod si Tyler sa kanya at si Mama naman ay lumipat ng upo sa tabi ko.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at marahan na pinisil 'yon. Ang maamong mukha ni Mama ay binibigyan ako ngayon ng napakagandang ngiti. "Masaya ako para sayo, anak." Simula ni Mama saka inayos ang ilang hibla ng buhok ko.
"Ma, thank you sa lahat and sorry sa mga kasalanan namin ni Tyler." Bulong ko, umiling iling si Mama at tinignan niya ako sa mga mata ko na para bang lahat ng worries ko sa buhay ay unti unting nawala dahil sa malambing na titig ni Mama. "Tama na ang sorry, okay? Ang importante ngayon alagaan mo ang magiging anak niyo ni Tyler." Payo sa akin ni Mama na siyang nagpapula sa mukha ko.
"Kagaya ng sinabi ko sa inyo ni Tyler, wala akong ibang hangad o hiniling sa buhay ko kundi ang maging masaya kayo sa lahat ng desisyon na pipiliin niyo. Dahil kung masaya kayo ay masaya na rin kami ng Daddy mo." Sambit ni Mama na nagpatulo sa luha ko dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
"Gawin niyo ang lahat ng magpapasaya sa puso niyo, because life is too short to wake up every morning with regrets. There are so many beautiful reasons to be happy, isa na do'n ang magmahal ng malaya. Alam ko hindi mo pa nailalabas ang buong pagmamahal mo para kay Tyler dahil iniisip mo kami ng Daddy mo." Patuloy ni Mama na siyang pinapakinggan ko lamang habang ako ay umiiyak.
Umiling iling siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "But, sometimes you have to stop being scared and be true to yourself, anak, palayain mo ang lahat ng pagmamahal mo para kay Tyler dahil walang ibang gagawa no'n kundi ang sarili mo." Pakiusap ni Mama, tumango ako bilang sagot at niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa ni Tyler, natutunan kong pahalagahan ang lahat ng bagay mapamaliit man ito o malaking bagay.
Natutunan kong maging tapat sa mga mahal ko sa buhay at maging matapang para sa taong minamahal ko. Natutunan kong magtiwala sa damdaming pilit na umuusbong sa aming dalawa ni Tyler dahil alam kong 'yon ang magbibigay ng kasiyahan sa aming dalawa. Dahil ang pinaka masayang pakiramdam sa buong mundo ay ang magmahal at mahalin ka.
Sabi nga nila, kailanma'y hindi natin matuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin. Dahil kusa itong tumitibok sa taong hindi mo inaasahan.
---
Matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil kaharap ko na ang mga magulang ko. Pero mas lalo akong nilalamon ng kasiyahan ng puso ko sa katotohanang magiging magulang na kami ni Althea, na sa loob ng siyam na buwan ay masisilayan ko na ang isa mga inipon ko upang kumumpleto sa amin ni Althea.
Hindi ko mapigilan yung pag ngisi ko sa tuwing maiisip kong sa isang subok ay nakabuo ako. Hindi ako magsasawang subukan nang subukan hanggang sa kumota na ako.
Tinanggap ko ang alak na iniabot sa akin ni Dad sa isang baso saka magkasabay naming tinungga ang tig-isang alak na hawak namin. Alam kong napakarami kong kasalanan sa kanya at sa ilang linggo na nasa Japan sila ni Mama ay pinilit kong makabuo ng lakas ng loob upang humingi ng kapatawaran.
Tumikhim ako at tinanggap ko ang ma-awtoridad na mata ni Dad. "Dad, I know simula't sapul ay hindi ako naging mabuting anak sayo and I'm sorry I didn't turn out the way you wanted me to be. Napaka-gago kong anak." Punong puno ng kahihiyan yung lintik na puso ko ngayon dahil alam kong napakarami kong pagkukulang bilang isang anak.
Muling sinalinan ni Dad ng alak ang basong hawak ko, "You know what? I sometimes wish na sana isang batang maliit ka nalang ulit. You are my little world back then and I miss that little boy, yung bilhan lang kita ng bagong skim board alam kong sobrang mapapasaya na kita." Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot yung lintik na katauhan ko, para bang may kung anong tumutusok ngayon sa puso ko sa boses ni Dad na may halong hinanakit.
Muling tumungga si Dad ng alak, "Hindi mo man madalas marinig sa akin, but I'm so proud to have you as my son. Lahat ng achievements mo sa buhay magkasabay naming sine-celebrate ng Mama mo. Pero syempre, may mga panahon din palang masasaktan ako sayo anak dahil sa disappointments." Patuloy ni Dad na nagpalunok sa akin ng sunod sunod. "I'm sorry." Yun lang ang tanging naibulong ko.
Tinapik niya ang balikat ko at isang maliit na ngiti ang ibinigay niya sa akin, "Masasaktan ako, oo. Pero alam ng puso ko na sa bandang huli ay papatawarin pa rin kita. Anak kita eh, siguro sa ngayon hindi mo maiintindihan ang mga sinasabi ko. Pero kapag lumabas na yung anak niyo ni Althea, maiintindihan mo rin lahat ng galit na hindi ko sinasadiyang ibigay sayo. I only want what's best for you, kung kaya ko lang ibigay ang buong mundo para sa anak ko. Ibibigay ko." Para akong gago na biglang tumulo yung luha kaya mabilis ko itong pinunasan at magkasabay kaming tumawa ni Dad.
"Thank you, Dad." Buntong hininga ko, umiling si Dad at magkasabay naming ininom ang alak na hawak.
"Just promise me, na hindi mo sasaktan si Althea. Dahil alam mo naman kung gaano ko kamahal yung bata na 'yon." Hiling niya sa akin na siyang mabilis kong tinanguan.
"I promise, never kong sasaktan si Al. Araw araw akong nagpapasalamat sa kanya na tinanggap niya ako, she even gave me the greatest gift na inaasam asam ng lahat ng kalalakihan at yun ang magiging anak naming dalawa. I promise to be a good husband and father sa pamilyang bubuuin namin, Dad." Pangako ko kay Dad na mukhang nagustuhan naman niya.
Masaya akong hindi basta sumuko para kay Althea. Dahil ngayon ay nagbubunga na ang lahat ng ipinaglalaban ko para sa aming dalawa. Pagdating sa akin ay hindi uso ang salitang pag suko o salitang ayoko na. Because, when I really love someone, I don't give up. I fight for her and do whatever it takes because she's worth it. Kahit pa ilang beses akong masaktan, dahil yang sakit na yan kaya kong basta mawala nalang yan. Pero ang tuluyan siyang mawala? 'Yon ang hinding hindi ko makakaya.
---
"Feeling ko masikip." Bulong ko kay France, isa sa kilalang designer ng mga Cando. Nandito kami ngayon ni Tyler sa boutique ni France para maisukat ang gown na noon pa pinahanda ni Tyler. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakahanda na ang lahat para sa kasal naming dalawa, hindi ko ma-imagine na magagawa niyang lahat ng ito.
Bukas na ang photoshoot namin para sa pre-nup pictures. "Pwede ko pa namang i-adjust ito, ang bilis lumaki ng tiyan mo ha? For sure lalaki iyan, kasing laki ng ama." Panunuya sa akin ni France na nagpapula sa pisngi ko, ang totoo ay apat na buwan na ang tiyan ko at kagaya ng sinabi ng OB ko ay malaki ang dinadala ko ngayon.
"Pero diba na-adjust mo na ito last week?" Nguso ko sa kanya, dahil nung huling sukat ko nito ay masikip din sa akin.
Ngumiti si France, "Don't worry, abot naman ito sa kasal niyo next week." Paninigurado niya sa akin habang hinahaplos haplos ang gown. "Ipakita na natin kay, Tyler." Hiling niya na siyang tinanguan ko naman.
Hinawi ni France ang malaking kurtina at nakangiti akong humarap kay Tyler na ngayon ay nakaupo do'n sa mahabang sofa. Suot-suot niya ang maroon na tuxedo na sobrang bagay na bagay sa kaputian niya, medyo gulo ang kanyang buhok pero masasabi kong isa iyon sa mas lalong nagpapagwapo sa kanya.
Halos hindi ko napigilan ang pag ngisi nang mapansin ko ang pag-nganga niya habang kumikinang ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.
"Hu-wow!" Mas lalo akong napangiti nang sumigaw si Sebastian do'n sa tabi ni Kuya Ethan na ngayon ay ngiting ngiti sa akin, dahil kasabay namin silang dalawa para sa pagsusukat ng tux nila.
"You look so—" Mabilis na tinakpan ni Tyler ang bibig ni Sebastian at halos humagalpak ang tawa ko nang siya ang magtuloy ng sasabihin ni Seb. "Beautiful."
Lumapit siya sa akin at inalalayan akong humakbang pababa sa dalawang baitang na tinutungtungan ko ngayon. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa bewang ko habang patuloy niya akong tinitignan ng buong pagmamahal.
"Tyler, baka matunaw na ako." Panunuya ko sa kanya na siyang nginisian naman niya at nagpalabas sa dimples niya. "You are so beautiful, Sweetheart. Parang mas lalo kong gustong madaliin na ang kasal, bukas kaagad." Punong puno ng excitement ang boses niya kaya naman hindi ko naiwasan ang pag-tawa.
Humawak ako sa dibdib niya at binigyan ko siya ng napakagandang ngiti. "Damn it, huwag mo akong ngitian ng ganyan dahil mas lalong nabubuhay ang tulog sa katawan ko." Bulong niya na nagpatindig sa balahibo ko.
"Tyler!"
Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko.
"Pag laki ko magpapakasal din ako! Sa pinaka magandang babae sa balat ng lupa!" Hindi namin napigilan ang malakas na tawanan dahil sa sigaw ni Sebastian. "Really? Young man?" Pang aasar ni Kuya Ethan sa anak, tumango tango si Sebastian habang nilalaro laro niya ang dulo ng neck tie na suot suot niya.
"Pero syempre, susundin ko pa rin ang mga tinuro niyo ni Tito Tyler, Daddy!" Dagdag nito na nagpaawang sa labi ni Kuya Ethan. "Patay tayo diyan. Huwag kang makikinig sa Tito Tyler mo, masamang ehemplo ng mundo yan." Pang aalaska ni Kuya Ethan kay Tyler na nagpahalakhak sa amin.
"No, Daddy, Tito Tyler is a good man." Depensa nito sa malungkot na boses, ginulo gulo ni Kuya Ethan ang buhok ng anak na mukhang kinairita naman nito.
"Alright, young man! H'wag ka nang malungkot. Just promise me na hindi ka mananakit ng babae, okay? Dahil 'yon ang pinaka masamang kasalanan na magagawa mo sa Mama Claire mo at sa Mommy Briana mo." Hiling ni Kuya Ethan sa anak, ngumiti ito sa kanya at tumango.
Natutuwa akong makita kung paano kausapin ni Kuya Ethan ang anak niya sa kabila ng edad nito. Naisip ko tuloy bigla kung paano kaya maging isang ama si Tyler, kung paano niya kaya pangangaralan ang anak namin sa tamang paraan.
"Hey..." Biglang bulong niya sa akin dahilan upang muli akong bumaling sa kanya. "Hmm?" Ngiti ko.
Binasa niya ang kanyang labi gamit ang dila niya bago muling nagsalita. "Gusto ko na sanang sabihin sayo ang ilan sa wedding vows ko, dahil pakiramdam ko sasabog na yung puso ko kung hihintayin ko pa ang araw ng kasal natin." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko, napaawang ang bibig ko dahil sa kakaibang kiliti na inihahatid ngayon ng puso ko.
"Tyler..." Tawag ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang paglalaro niya do'n sa engagement ring na suot suot ko.
"Althea, I know I fight for what I really love; at ikaw 'yon. Muntik na akong sumuko, but I thank God na hindi niya pinabayaang sumuko yung puso ko para sayo. Sa halip ay mas lalong tumindi yung pagmamahal ko para sayo. Hindi ko maipapangako sayo na magiging perpekto ang lahat sa buhay natin, pero pangako ko sayo na sa habang buhay na pagsasama natin ay hindi ako magsasawang mahalin at paligayahin ka." Kinagat niya ang ibabang labi niya at para bang namumuo ang luha sa kanyang mata.
"Tyler, mahal na mahal kita. At kahit pa anong dumating sa buhay natin, pangako, hindi na kita tatalikuran pa." Sambit ko na nagpatuloy sa pagbagsak ng luha mula sa kanyang mata, huminga siya ng malalim at marahan akong hinila upang yakapin ng mahigpit.
"I will always be yours, Althea, even when you don't want me. Hindi ako magsasawang ipagpilitan sayo ang sarili ko ng paulit ulit hanggang sa mahalin mo ako ng pang habang buhay. Dahil walang saysay ang buhay ko kung wala ka." Patuloy na bulong niya sa akin na nagpapabilis sa tibok ng puso ko, ginantihan ko siya ng yakap at pikit mata kong dinama ang mainit niyang bisig.
"Come on, bro. Kailangan niyo pa bang ikasal next week? Parang dito palang kasalan na ang ganap." Pang aalaska ni Kuya Ethan dahilan para murahin siya ng mahina ni Tyler na siyang nagpatawa lang kay Kuya Ethan.
The only love worth having is the one worth fighting for, because sometimes you have to fight for someone to keep the one you really love most. Dahil kahit kailan hindi naging madali ang salitang pagmamahal, maraming laban ang dadaan upang subukin ang tatag ng isang pagmamahalan, para subukin kung hanggang saan mo kayang lumaban para sa isang tao.
Hindi mo lang basta ipinaglalaban dito ang taong mahal mo, because you're also fighting for your own happiness. Dahil aminin man natin o hindi, palaging nakasalalay ang kasiyahan ng mga tao sa kanilang minamahal.
❤ ♡ ♥ ღ ❣ ❥ Wakas ❤ ♡ ♥ ღ ❣ ❥
Wattpad
© asherinakenza
Created: July 21, 2015
Hiatus for 2 years...
Finished: August 21, 2018
AN:
Hi! Sweethearts! Unang una gusto kong magpasalamat sa lahat ng matiyagang nag abang nitong JBIAG, kahit na taon na ang inabot bago ko ito muling naipagpatuloy. Sobrang salamat! Dahil sinamahan niyo ako hanggang sa makawala ako sa writer's block na lumamon sa akin sa loob ng dalawang taon. Akala ko noon hindi ko na matatapos 'to. Pero, heto. Tapos na siya! At sobrang saya ko dahil nakaya ko, nakaya natin!
Salamat sa lahat ng love and support na ibinibigay niyo sa akin kahit na hindi naman ako magaling, kahit na isa lang akong puchu puchung manunulat na isinusulat ang mga gumugulo sa isipan ko.
Again, thank you! ❤ ♡ ♥ ღ ❣ ❥❤ ♡ ♥ ღ ❣ ❥ *hearts everywhere!*
FAQTS:
Magkakaroon ba ng part 2 ang JBIAG? – HINDI PO.
I-se-self pub po ba ito? – YES PO. MGA OCTOBER PO ANG TARGET.
May Special Chapter po ba? – YES PO. MERON PO, PERO SA SELF PUB KO NA PO IYON ILALAGAY. :)
Ilan po ang Special Chapter? – MAYBE 4 SPECIAL CHAPTERS? PAG KINAYA, GAGAWIN KO PONG 5 SPECIAL CHAPTERS. HEHEHE
Ano pong isusunod niyong story? – HINDI KO PA PO ALAM. BAKA YUNG PINAGTAGPO NG TADHANA? OR BAKA YUNG KAY SEBASTIAN, DEPENDE PO SA FEELS KO. HUHUHU.
Nasa MIBF po ba kayo? – YES PO. SEPTEMBER 15 PO AKO NAKA-SCHED, 1-3PM. :) KITA KITS PO!
Kung may mga tanong pa po kayo message niyo po ako dito sa wattpad or sa facebook at IG po. Late ko na nga lang po nababasa yung ibang messages, but I'm trying my best na masagot po kayong lahat. :)
Facebook: Asherina Kenza WP
IG: asherinakenza
Twitter: asherinakenza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top