DTC: Kabanata 4
DTC: Kabanata 4
Ipinikit ko ang mata ko at pilit kong kinakalimutan ang lahat ng ginawa ko sa kanya noon.
"Al.." Tawag ko sa kanya at hinarap ko siya, mainit pa rin ang titig niya sa akin at di ko na yata kakayanin ang galit at hinanakit niya. Humalukipkip siya at sinukat niya ang titig ko sa kanya.
Di ko alam kung paano magsisimula sa kanya. Damn it. "Look. I..I'm sorry." Simula ko at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mapait na pag ngisi niya. Itinaas niya ang kanang kamay at umiling.
"Shut up, Tyler. Sawang sawa na akong marinig yang walang sensiridad na sorry mo." Mapait na ngisi niya, pero hindi ko alam kung bakit natutuwa ako gayong galit na galit siya.
This is the fucking first time, na tinawag niya ako sa pangalan ko and it's fucking feels so good.
Damn it, Al, binuo mo ang araw ko. Sa sobrang kasiyahan ko ay gustong gusto ko nang atakihin ang labi mong noon ko pa pinapangarap madama.
Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko kahit pa ramdam ko ang galit niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay na may halong buong pagtataka dahil sa pag-ngiti ko.
Magsasalita pa sana ako pero bumukas ang elevator at magkasabay kaming bumaling doon.
"Woah! Mukhang may lakad ka." Sigaw ni Axel. Pero nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita kong kasama niya si Kate at Rylie.
Isang pag atras ang ginawa ko nang lumabas sila sa elevator at hinalikan ako ni Kate sa aking pisngi. Nakita ko ang pagtitig sa akin ni Althea na para bang nandidiri siya. Hell no. Ayokong makita niya 'to.
"Hey, Tyler. Yayain ka sana naming lumabas." Anyaya ni Kate at humawak sa braso ko na maingat kong tinanggal. Shit, alam kong baliwala kay Al ang lahat ng ito pero bakit pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya harap harapan.
"Uuwi kaming Zambales." Wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa walang emosyon na mukha ni Al.
"Talaga? Sama na kami! Wala naman kaming gagawin. Pito naman ang kasya sa sasakyan mo, kaya iiwan nalang namin ni Ry, yung kotse namin jan sa baba ng tower." Sabi ni Axel na nagpatunog sa panga ko at bumaling siya kay Al.
"Hi, Miss." Ngisi ni Axel kay Al na at para bang gusto kong basagin ang mukha niya sa malagkit na pagtingin niya dito.
"I'm Axel." Patuloy niya at pinunas pa ang kamay sa tshirt bago inilahad iyon, tinignan lang ni Al ang kamay ni Axel at nilagpasan siya para pindutin ang elevator na kasasara lang.
"Woah, ang sungit naman."
Nang bumukas iyon ay sabay sabay kaming sumakay sa loob. Tatabihan sana siya ni Axel pero hinila ko siya sa tshirt niya at ako ang tumabi sa kanya na kinairita naman niya.
Sumunod si Kate na hindi naaalis ang ngiti sa akin. "Kapatid mo?" Taas kilay na tanong ni Kate na nagpakuyom sa kamao ko.
Huminga ng malalim si Althea. "Sa kasamaang palad, oo." Ngisi niya. Pero tuwang tuwa yung sistema ko, ito na yata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Natutuwa akong marinig mismo sa bibig niya na isang kasamaan na maging magkapatid kaming dalawa. Fuck. Kahit pa alam kong isang pang aalaska ang mga sinabi ni Al ay mas ikinatuwa pa iyon ng pagtibok ng puso ko.
"Hindi mo yata nakukwento sa aming may kapatid ka? Sa Zambales ka rin ba nakatira?" Seryosong sabi ni Rylie, madalas silang pumunta noon sa Zambales pero sa tuwing darating sila ay pinagtatago ko si Althea sa kwarto niya at hindi pinapalabas. Yeah, alam kong isang kagaguhan ang ginagawa ko para itago sa lahat na may kapatid ako.
Dahil naisip ko na baka kapag maging pwede ang sa amin ay hindi iisipin ng iba na pinatulan ko ang sariling kapatid ko at hindi sasama ang tingin nila kay Al.
Huminga siya ng malalim at ngumisi. "Oo. Kung hindi nga lang malaki ang utang na loob ko ay baka lumayas na ako noon pa man sa isla na yon." Tumatawang kwento niya na nagpakunot sa noo ni Rylie.
"I like you." Biglang sambit ni Rylie na nagpabaling sa akin sa kanya. Naningkit ang mata ko at sumama ang tingin ko sa kanya, isang pagbabanta ang pagtitig ko pero tinawanan lang niya. Fuck, bumibilis ang paghinga ko dahil sa kabalbalang lumalabas sa bibig ni Rylie.
"Alright!" Sigaw ni Axel at tinapik ang braso ni Ry.
"Gusto ko yung ginawa mong pagtanggi kay Axel." Ngisi niya, tinitigan ko si Al pero nanatiling mataray ang kanyang mukha.
Hinila ni Rylie si Axel at lumapit sa amin ni Al. "Cash Rylie Caballero. Friends?" Lahad ni Rylie ng kamay kay Althea, tinitigan ko ng masama si Ry pero tinapik niya ang braso ko.
"Come on, bro. Ako ang bahala sa utol mo. I remember my sister to her, hindi rin kasi yon basta basta nakikipag kamay sa kung sino." Aniya, namatay ang kapatid ni Rylie last year dahil sa sakit. Mabuting kapatid si Rylie sa kapatid niya na pati kalokohan non ay kinukunsinti niya para lang maging masaya.
Nanatiling nakalahad ang kamay ni Ry habang nakikipagtitigan kay Althea. Nang tumunog ang elevator ay mabilis ko silang itinulak at nauna na akong lumabas!
Nang maramdaman kong wala pa sila sa likod ko ay lumingon ako sa kanila at di ko kinayang makita na tinanggap niya ang kamay ni Ry.
"Let's go." Hila ni Kate sa braso ko at tumungo na kami sa sasakyan ko. "Okay lang bang sa likod ka?" Hindi mapigilang tanong ko kay Kate nang umupo siya sa passenger seat. Tumawa siya at isinara ang pinto.
"Ano ka ba? Mukhang gusto ni Ry yung kapatid mo, hayaan mo nalang muna na magkausap sila sa likod." Ngisi niya at nagseatbelt! Hinampas ko ang manibela ko at napamura ako ng malakas na ikinagulat niya!
"What's your problem?!" Sigaw niya na natatawa tawa pa. Problema ko? Dahil ngayon ko lang nakita na may ibang lalaki siyang kinakausap bukod sa mga katrabaho at kaklase niya.
Pilit kong pinapakalma ang mabilis na paghinga ko habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa sasakyan ko na ngumingiti sa mga sinasabi ni Rylie.
Nauna nang sumakay sa likod si Axel at kasunod non si Al na naupo sa likuran ko. Tumabi naman sa kanya si Rylie at isinara ang pinto.
"So, Althea, right?" Simula ni Rylie nang magmaneho na ako, panay naman ang silip ko sa rear mirror para tignan ang bawat reaction ni Al.
Tumango si Al sa kanya nang nakangiti. Damn that precious smile, naghihimutok ang puso ko sa pagseselos sa ngiting binibigay niya sa gagong 'to. "Nag aaral ka pa? Or nagtatrabaho?"
"Parehas." Tipid na sagot niya na nagpakagat sa labi ko. Hindi ko gustong nahihirapan siya, pero ako ang dahilan nang lahat ng ito kung bakit naghihirap siya ngayon.
"Sandali, parehas? Eh ang yaman yaman niyo ah! Anak ng isang CEO!" Di makapaniwalang sambit ni Rylie, tumingin ulit ako sa rear mirror at nagtagpo ang mata namin ni Al na nagpabilis sa tibok ng puso ko, damn, mga titig lang niya ang nagpapahina sa akin ng ganoon.
"Sila lang ang mayaman, hindi ako. At saka isa pa, gusto kong mabuhay mula sa sariling pagod ko." Mapait na sambit niya na nagpalunok sa akin, umirap siya at tumingin sa labas. Kita ko sa mukha nila Rylie ang pagtataka.
"Wow. Napaka-independent mo naman, hindi gaya ng Kuya mo, ayaw pang mag-trabaho dahil may hindi pa daw siya nakukuha! If I know, virginity ng mga babae ang balak niyang ubusin!" Halakhak ni Axel na nagpangisi din kela Kate at Rylie, humigpit ang hawak ko sa manibela at para bang kahit anong oras ay makakasapak ako ng tao.
Napalundag ako sa inuupuan ko nang biglang may humawak sa braso ko. Sa sobrang pagtingin ko kay Al ay hindi ko na napansin ang presensya ni Kate sa tabi ko.
"Dahan dahan, Tyler. Muntik na tayong mabangga!" Suway sa akin ni Kate, tumingin ako sa kanya at ngumiti kahit na napipilitan lang ako. Mas lalo siyang tumabi sa akin at humilig sa braso ko at hinaplos haplos ang aking braso. Tumingin ulit ako sa rear mirror pero malayo ang tingin niya sa labas ng kalsada.
"Bro! H'wag mo kaming pansinin, kung may gusto kang gawin, gawin mo lang! Alam naman naming kung saan saan nakakarating ang kamay mo kahit nagmamaneho ka pa." Halakhak ni Axel na nagpamura sa akin ng sunod sunod! Panay naman ang tawa ni Rylie at Kate dahil sa kabalastugang sinabi ni Axel.
"Althea! Alam mo bang yang Kuya mo ang pinaka-matinik sa amin sa chicks? Titigan lang niyan ang babae maghuhubad na ng panty yon!" Halakhak ni Axel mula sa likod ni Al habang hinahawakan ang balikat nito. Damn it, maski anong oras ay maibabangga ko itong sasakyan na ito. Don't you dare touch my girl dahil mababasag ko talaga ang mukha mo.
"Gago. H'wag mo ngang kwentuhan ng ganyan si Althea." Ngisi ni Rylie at tinitigan ng malagkit si Al.
Isang malakas na pagpreno ang ginawa ko na nagpasigaw sa kanilang lahat.
"Mag drive ka, Rylie." Mariin na sambit ko at pinipigilan ko pa rin ang mabilis na paghinga ko. "Huh? Diba ayaw mo ngang pahawakan ang manibela ng sasakyan mo sa kahit na sino." Ani Axel.
"Masakit ulo ko." Pagtatapos ko at bumaba na ako saka binuksan ko ang pinto doon sa pwesto nila Rylie. "Baba!" Sigaw ko, umiling si Rylie at padabog na pumunta sa driver seat. Tinitigan naman ako ni Al ng masama pero di ko rin maiwasan ang pagtitig ko sa kanya na may kasamang hinanakit, sumakay na ako at umupo sa tabi niya.
"Tyler, inumin mo 'to para mawala ang sakit ng ulo mo." Sabi ni Kate at iniabot sa akin ang isang paracetamol. Tinanguan ko lang siya at nilagay sa bulsa ko ang gamot.
Panay naman ang tikhim ni Axel sa likod namin ni Al kaya naman bumaling ako sa kanya at sinapak ko siya ng isa na nagpangisi lang sa gago.
Naging tahimik na sila buong biyahe dahil nakatulog na rin si Kate, Axel at si Al na hindi sinasadiyang maihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. Damn. Bumibilis ang pintig ng puso ko.
Amoy na amoy ko ang mabangong buhok niya na siyang kinaadikan kong amoyin noon pa man sa tuwing makikita kong natutulog siya. Dahan dahan akong kumilos para abutin ang kamay niyang nakapahinga sa ibabaw ng hita niya at isinalikop ko iyon sa kamay ko, buong pag iingat ang ginawa ko para hindi siya magising.
"I'm sorry, Al."
__
Alas nuebe na ng gabi nang makarating kami sa Zambales at gaya ng dati malakas pa rin ang alon sa beach na kinalakihan ko na.
Tinitigan ko siyang humihikab at para bang pagod na pagod. Galing siya sa trabaho at alam kong stress na naman siya sa mga guest nila doon sa steak house. Kung minsan kasi ay pinapanood ko siyang magtrabaho, kung gaano kahaba ang pasensya niya sa mga guest nila lalo na kapag western ang mga ito, madalas ay nababastos pa siya na ikinagagalit ko kaya gusto ko na rin siyang paalisin doon.
"Tyler? Althea?" Boses iyon ni Mama at nanakbo papalapit sa amin saka niyakap kami. "Miss na miss ko na kayo." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mangiyak ngiyak na boses ni Mama.
Shit. Alam kong umuuwi lang din ako dito kapag uuwi siya o kaya naman kapag may gusto akong dalhing ibang babae para lang makawala sa damdaming pilit kong tinatakasan. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lamang kapursigido si Mama na pauwiin kami.
"Good evening po Tita." Sabay na bati nila Axel. "Oh, buti sumama kayo, may event kasing magaganap." Ngiti ni Mama.
"Good evening po." Basag ni Kate sa sariling katahimikan, ngumiti si Mama sa kanya at pagkatapos ay bumaling sa akin na may mapanuyang ngiti.
"Pang ilang babae na ba ang dinala mo dito, bro? At no comment na si Tita." Ngisi ni Axel, sinapak ko ang balikat niya at nauna na ako sa kanilang pumasok sa loob.
Nagsunuran naman sila.
"Wala ang Daddy niyo, bukas pa uuwi yon dahil abala sa pag-close ng deal sa isang investor mula sa Japan." Kwento ni Mama habang sabay sabay kaming kumakain, panay lang ang tingin ko kay Al na hindi ginagalaw ang pagkain at para bang hindi niya masikmurang kasabay ako kumain.
Uminom na ako ng tubig saka tumayo. "Teka, hindi ka pa tapos." Pigil ni Mama.
"I'm done, Ma. Sige na, kumain ka na." Sambit ko na nakatitig pa rin sa kanya saka tumungo na ako sa sala.
Nandoon ang mga pictures namin sa ibabaw ng piano, simula pagkabata at hanggang sa bago siya umalis dito sa Zambales.
Yung mga ngiti niya sa tuwing silang dalawa ni Mama ang magkausap ang mas lalong nagpapatunaw sa damdamin ko at alam kong kahit kailan ay hinding hindi ko na matatakasan.
Pinagtipon kami ni Mama sa sala kasama sila Axel, tumabi sa akin si Kate habang umiinom ng juice. Si Al naman ay kaharap ko doon sa kabilang upuan na tumatakas sa mga titig ko, alam kong nagpipigil nanaman siya ng inis at pagkamuhi sa akin dahil kaharap namin si Mama. Alam ko yon dahil ilang beses na niyang sinabing kung hindi dahil sa kanila ay hindi na siya tatapak pang muli sa bahay na ito.
"Mabuti nalang at sumama kayo Cash, pati na rin ikaw Kate." Simula ni Mama.
"Walang problema yon Tita, miss na nga namin ang luto mo!" Walanghiyang sigaw ni Axel na pinagtawanan naman ni Rylie.
Ngumiti si Mama, "Sa isang araw na kasi ang debut ni Althea." Biglang sambit ni Mama na nagpatigil sa akin, tumingin naman si Al kay Mama.
"Ma, tapos na ang birthday ko." Protesta niya na para bang hindi natutuwa sa kanyang narinig. "I know, at hindi ka umuwi dito sa bahay nung araw na yon. Nakaplano na ang lahat, pero hindi ka dumating anak. Kaya naman kahit ilang buwan na ang lumipas ay pinaghandaan ko pa rin iyon." Ramdam ko na ang hinanakit sa boses ni Mama. May 7 ang birthday ni Al at November na ngayon.
"Ayokong mag-celebrate Ma. Saka isa pa gastos lang yan. Tapos na yon." Sagot niya.
"Why? Once in a lifetime lang naman ito, Al. Sayang naman. Alam mo bang nung nag debut ako noon, pakiramdam ko napaka espesyal ko na babae." Ngisi ni Kate sa tabi ko na sinang ayunan naman ni Mama.
"Please, anak. Hindi lang ako ang sasama ang loob sayo, maging ang Daddy mo." Pagpupumilit ni Mama.
"Pumayag ka na." Wala sa sariling sambit ko na nagpabaling sa kanya sa akin. At halos patayin nanaman ako ng pagtitig niya.
"Sinong escort, Tita?" Biglang usisa ni Kate at inilapag ang baso sa center table. "Of course, ang Kuya niya." Ani Mama na nagpagalaw sa akin sa inuupuan ko.
Hindi ko alam pero bigla yatang nabuhay ang lahat dugo sa katawan ko na kanina pa namamatay sa matalim na titig niya. Damn, escort? Napaka childish isipin pero tuwang tuwa yung kaluluwa ko sa isiping ako ang escort ng babaeng kinalolokohan ko sa importanteng araw ng buhay niya.
"Mas lalong ayoko!" Biglang sigaw niya na ikinabigla din niya, tumingin sa kanya si Mama. Kumuyom ang kamao ko at kinagat ko ang ibabang labi ko sa pagkadismaya sa naging pagtanggi niya.
"Althea. Hindi pa rin ba tapos ang away niyo ng Kuya mo?" Suway nito sa amin.
"No. Papayag lang akong mag debut kung.." Tumigil siya.
"What?" Di man sabihin ni Mama ay alam kong mainit na ang ulo niya sa aming dalawa ni Al. H'wag lang aatakihin si Mama dahil alam kong may paglalagyan ang mukha ko sa mga kamao ni Dad na minsan ko nang naranasan nang mag away kami ni Al sa harap nila.
Pumikit si Al at halos hindi ko maitikom ang bibig ko sa isinigaw niya! "Papayag lang ako kung si Cash ang magiging escort ko!" Nakakuyom ang kamao niya nang isigaw iyon.
What the fuck.
Rylie?
"A..ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ry, iminulat ni Al ang mga mata at tumingin kay Ry saka tumango tango. "Please." Pakiusap nito na mas lalong nagpadilim sa paningin ko.
Eh anak ng demonyo naman pala ang gustong maging escort nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang tumayo ako ay hinila ko si Al paakyat sa itaas. Suway nang suway sa akin si Mama pero wala akong pinapakinggan!
Pilit niyang hinihila ang kamay niya sa pagkakahawak ko sa kanya pero di ako papayag na makawala siya! Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ko ay padabog ko siyang pinaupo sa kama ko at ini-lock ko ang pinto saka ako bumaling sa kanya.
"Ano nanamang problema mo?!" Galit na sigaw niya sa akin at para bang papatayin na ako ng mga titig niya. "Ikaw ang problema! Bakit pipili ka ng escort na ngayon mo lang nakilala?!" Bulyaw ko na nagpangisi lang sa kanya.
"Mas gugustuhin ko pang maging escort ang ngayon ko lang nakilala, kaysa naman sa taong matagal ko na ngang kilala pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tanggap!" Sumbat niya na naging dahilan para ihilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha!
Damn it! Tanggap kong dumating siya sa buhay ko! Pero hindi ko kailanman tatanggapin na maging kapatid ang katulad niya!
"Tyler!! Althea!!" Sunod sunod ang pagkatok ni Mama! Akmang tatayo si Al sa kama ko pero pinigilan ko siya.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo ako?!" Di ko na alam, sumisigaw na naman ako sa kanya at alam kong ayaw niya yon.
Ngumisi siya at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtulo ng luha niya na siyang nagpakirot ng sobra sa puso ko.
"Wala. Dahil kahit kailan nakaukit na sa puso't isipan ko kung paano mo ako maliitin. Kung paano mo ako itaboy at iparamdam na ayaw mo sa akin simula't sapul palang. Mas mabuti pa nga si Cash, dahil simula palang, ramdam kong tanggap niya ako. Ramdam kong gusto niya ako."
***
AN: Sorry na ang bagal ko! Hahaha! Thank you sa pagbabasa. :)
Love lots.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top