DTC: Kabanata 3

DTC: Kabanata 3

"Pahatid nalang muna siya kay Briana, mukhang sayo gusto sumama ngayon ni Seb." Utos ni Luke nang medyo mag-dilim na. Wala naman akong magagawa saka isa pa gusto ko pang makasama ang pamangkin ko.

Buong biyahe ay bibo si Sebastian at tanong nang tanong ng kung ano ano, at syempre may kasagutan lahat ng tanong niya kapag sa akin siya magtatanong.

"Tito Tyler, kailan kaya ako magkakaroon ng baby brother or sister? Para maging Kuya na ako!" Usisa niya.

Tumawa ako. "Kapag nagkita ulit kayo ng Daddy mo sabihin mo sa kanya galingan ang pag-babasketball! Shoot lang nang shoot!" Sagot ko sa kanya na ipinagkunot noo lang niya kaya hindi ko nanaman maiwasan ang katatawa.

"Thank you, Tyler." Sabi ni Briana, Mama ni Sebastian, bago pa ako umalis. "Tito Tyler! Minsan sunduin mo ulit ako ha? Madami pa akong tanong!" Hiling niya na nginisian ko.

"Mommy, madaming tinuro sa akin si Tito Tyler." Narinig kong bulong niya nang papasok na sila ni Briana sa loob ng bahay.

Bumalik na muna ako sa bahay ng magulang ni Luke para kuhanin yung sasakyan ko. Naiwan ko rin pala yung cellphone ko sa backseat kaya kinuha ko yon at nang buksan ko ay nakita kong puro tawag ni Mama yon, kaya ako na ang sumunod na tumawag.

Pinaandar ko ang makina, habang hinihintay ko ang pag sagot ni Mama.

"Oh, Ma?"

"Where have you been? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo." Sermon niya sa akin.

"Relax, Ma. Uuwi muna ako sa condo ko, maliligo lang ako tapos diretso na ako diyan." I said.

"Oh? That's good, dahil sasabihan sana kitang ihatid ang kapatid mo dito." Hiling ni Mama at huminto ako sa pagmamaneho dahil sa stop light.

"Miss na miss ko na ang kapatid mo. Makipag bati ka na sa kanya para naman dito na ulit siya tumira at mag aral." Sabi niya, huminga ako ng malalim.

"Di ko na naman siya inaaway. Siya yung umaalis ng kusa." Paliwanag ko at muli ko nang pinaandar ang kotse ko.

"Ty, anak. Hindi ko alam kung anong problema? Hiniling mo noon na magkaroon ng kapatid at nang ibigay naman namin sayo, inaway mo lang nang inaway. Buong buhay yata ng kapatid mo wala kang ginawa kundi ang pasamain ang loob niya. Hindi na ako natutuwa, anak." Suway sa akin ni Mama, marahas kong kinamot ang ulo ko at nagpaalam na kay Mama. Ayoko nang pag usapan pa yung tungkol sa pag adopt nila kay Althea noong limang taon palang ako.

Dahil ayoko nang balikan yon. Hindi nalang sana nangyari. At hindi ko nalang sana hiniling.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. At nang makita ko ang pangalan niya sa screen ay mabilis kong itinabi ang sasakyan ko para basahin ang text niya.

From: AL

Ayokong sumabay sayo. Pero wala akong choice. Ayokong atakihin si Mama sa pag aalala sa akin.

Hintayin kita sa labas ng condo mo.

Bumilis nanaman ang pintig ng puso ko nang malaman kong makakasama ko siya buong biyahe. Damn it. Walang wala nanaman ako sa sarili ko dahil sa kanya. Magtitipa na sana ako ng reply para sa kanya pero nagtext pa siya.

From: AL

H'wag kang magreply. Ayokong makita ang pangalan mo sa inbox ko. Buburahin ko rin ang text ko sayo dito.

One more thing. Babayaran ko yung makukunsumong gas mo.

Kagaya ng gusto niya, hindi ako nagreply. Pero hindi kagaya niya, lahat ng text niya sa akin hindi ko binubura, dahilan para hindi ko palitan ang bulok na cellphone na mayroon ako. Dahil simula nang magkaroon siya ng cellphone noong fourth year high school ako, ako ang una niyang tinext na tinitigan ko ng pagkatagal tagal ang screen.

From: 09********

Hi, Kuya! First year high school na ako, kaya naman may cellphone na rin ako! Nakahanap nanaman ako ng tulay upang sirain ang araw mo. :)

--AL

Mga panahong hinahabol habol niya pa ako para lang makipag ayos sa akin, pero ayoko dahil tinatawag niya ako sa paraang hindi ko matanggap.

From: AL

Hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo sa akin! Hindi ko naman gustong amuhin ka para magkaayos tayo, dahil si Mama at Dad lang naman ang may gusto! Kung ayaw mo, edi h'wag! Nakakapagod maging kapatid mo! I'm done with you, Kuya!

Pero ngayon, handa kong sundin lahat ng gusto niya. Lahat ng hilingin niya.

"Lahat ng gusto mo susundin ko, maging maamo ka lang sa akin, maging maamo lang ang pagtitig mo sa akin. Lahat lahat ibibigay ko." Gigil na sambit ko sa sarili na para bang naririnig niya ako.

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko at hindi ko na alam kung paano pa ako nakarating ng ligtas sa parking area ng tower ng condo ko, gayong lumilipad ang puso't isip ko dahil sa kanya.

Sunod sunod na pagpindot ang ginawa ko sa elevator para lang mabilis na bumaba ito, pero nang makita kong ang dalawang elevator ay nasa 15th floor, iritable kong tinahak ang hagdan patungo sa floor ng unit ko.

Fuck. Di ko na alam kung ilang hakbang ang ginawa ko sa mga baitang ng hagdan makarating lang sa 10th floor.

Mabilis ang paghinga ako nang matanaw kong nakaupo siya sa harap ng pinto ng unit ko. Ang pagpupumilit kong pagpapakalma sa hinahapo kong dibdib ay mas lalong bumibilis dahil napag-mamasdan ko nanaman siya.

She's beautiful. The one I can't stop thinking about, the one that I craved for so much love.

Hinampas ko ang dibdib ko at pumasok ulit ako doon sa may fire exit at sumigaw ng paulit ulit para mawala ang hapo ko!

"Fuck!" Sigaw ko.

Ilang ulit ko pang hinampas hampas ang dibdib ko bago ako nagpasiyang mahinahong humarap sa kanya. Nang makita niya ako ay nag alab nanaman ang mga mata niya sa galit. Tumayo siya dala dala ang bag niyang sa tingin ko ay may laman na mga damit.

"K..kanina ka pa?" Pigil na pigil yung lintik na hapo ko.

Umirap siya at huminga ng malalim. "Wala akong choice." Walang kwentang sagot niya sa tanong ko.

Tumalikod ako at binuksan ko ang unit ko para makapasok siya.

"Hihintayin nalang kita dito. Ayusin mo na ang gusto mong ayusin." Sabi niya sa akin nang ilahad ko ang kamay ko sa loob ng unit.

"Pumasok ka na muna. Mainit dito sa labas." Napaka bilis mag init ng ulo ko sa tuwing tinatanggihan ako ng isang ito.

"Hindi na kailangan. H'wag mong gamitin sa akin yang pagiging gentleman mo sa mga babae mo." Bulyaw niya na nagpaliit sa mga mata ko.

Walang pasabi sabi ay hinila ko siya sa kanyang braso at pinapasok sa loob ng unit ko. "Ano ba?!" Sigaw niya.

"Maliligo lang ako! Hindi ka ba makaintindi? Gusto kong pumasok ka dito sa loob." Pagdidiin ko at hindi ko sinasadiyang itulak siya sa sofa para makaupo.

Just for once, sana ay makinig siya sa akin.

Hindi siya umimik, tinitigan niya lang ako ng masama at padabog na inilapag sa sahig ang bag niya. Mabigat ang paghinga ko, kasing bigat ng pintig ng puso ko sa nakakapasong titig niya sa akin.

Umirap siya sa kawalan. "Bilisan mong maligo. Hindi ako makakatagal dito sa bahay mo." Pagtatapos niya.

I know. Hindi ang unit ko ang problema niya. Alam kong di na niya matagalang makasama ako at walangyang sakit yon para sa akin.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero pinigilan ko. No. Di ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, dahil alam kong mas lalo siyang lalayo.

Mas lalo siyang mawawala sa akin.

Damn, I need to control myself dahil alam kong sasabog nanaman ako sa harap niya. Pumasok ako sa kwarto ko at doon nagpasiyang maligo sa cr ng kwarto ko.

Nang maasikaso ko ang sarili ay dumiretso ako sa kusina. Pinagmasdan ko siya pero baliwala ang presensiya ko sa isang ito. Kung minsa'y nga hinihiling ko sana ibang babae na lang siya, yung tipong sa akin ang buong atensyon. Yung tipong mababaliw sa akin. Pero isang kalokohan na mangyari iyon.

Kumuha ako ng mga pagkain sa ref at sa cabinet ko para baunin.

"Di ka pa ba tapos diyan?" Iritableng tanong niya. "Kumukuha lang ako ng pagkain natin." Sabi ko.

"H'wag mo na akong idamay." Pagsusungit niya at narinig kong lumabas na siya ng unit ko.

"Shit." Garalgal na bulong ko at sumunod na sa kanya.

"Ayoko lang gutumin ka sa biyahe." Dahilan ko sa kanya at hinila ko ang bag niya saka nauna na akong maglakad sa kanya patungo sa elevator.

Nagwawala yung puso ko. Pero di ko alam kung paano ko pa nagagawang harapin siya at kausapin, gayong pakiramdam ko gustong gusto ko nalang siyang yakapin.

Naramdaman kong nasa likod ko na siya.

"Wow. Anong nakain mo at nagiging concern ka sa sikmura ko? Dati rati naman ni hindi mo ako niyayayang kumain. Ayaw mo nga akong kasabay sa hapag." Mapait na sumbat niya sa akin na para bang pakiramdam ko ako na ang pinakagagong lalaki sa buhay niya.

Gusto ko siyang kasabay kumain. Dati pa. Pero hindi bilang isang kapatid niya. Napaka simpleng bagay pero hindi ko maisakatuparan.

I want to take her to a dinner date as her man.

***

AN: Thank you ulit! Hahahaha! Nababaliw ako sa bespren ko puro kalokohan, kachat ko habang nagtatype ako ng update. Feeling ko gulo gulo hahahaha!

Salamat po!

Love you! Haha.

Ate Ash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top