DTC: Kabanata 2
Walang makakapigil sa bibig ng isang Cortezano!
DTC: Kabanata 2
Tapos ko nang kainin yung steak na inorder ko. Ultimo sauce non inubos ko kahit sukang suka na ako sa lasa dahil mag iisang taon na akong pabalik balik dito at lahat yata ng pagkain nila dito natikman ko na, para lang magtagal ako sa restaurant na 'to.
"Hindi ka pa rin ba tapos?" Angil niya, itinaas ko ang dalawang kamay ko at nginitian ko siya. Umirap naman siya sa kawalan at kinuha ang plato ko.
"Sarap! The best talaga steak dito, kaya binabalik balikan ko." Pagsisinungaling ko pero hindi niya ako pinansin.
"Uwi ka ba? Wala kang klase bukas diba?" Siguradong tanong ko. Hindi ko alam pero nasa buong utak ko na ang schedule niya.
"Mamaya pa after ng duty ko. Pinapauwi ako ni Mama." Aniya at akmang aalis, pero hinila ko siya sa braso.
"Five o'clock ang out mo. Sabay na tayo, uuwi rin naman ako." Ngiti ko sa kanya, pinagtaasan niya ako ng kilay at sumimangot. Damn, kahit simangutan niya ako gandang ganda pa rin ako sa mukha niya.
"Kaya kong mag-commute. Saka isa pa, ayokong sumakay sa sasakyan mo." Sabi niya saka tuluyan na siyang umalis, kinagat ko ang labi ko sa pagka-dismaya. Hinintay ko siyang lumabas mula sa loob pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya lumalabas. Ganun katindi ang galit sa akin ng isang yon, isang taon na rin ang lumipas magmula nang may masabi ako sa kanyang hindi maganda. Hindi ko naman gusto yon, pero kusang lumabas sa bibig ko dahil sa damdaming hindi ko lubos maintindihan, yun pala, yung pagka-ayaw ko sa kanya matagal na panahon ay isang kabaligtaran pala. I always want her to disappear, and when she did what I want, bumagsak yung puso ko sa isang katotohanang pilit kong iniiwasan. Nagpunta siyang Japan, kela Lola at doon nag-tagal ng tatlong buwan. Nang matapos ang tatlong buwan at nakita ko siyang ulit para akong asong ulol na hindi mapakali kapag hindi ko siya nakikita.
For years, I hated her so much. There are things she does that I really hate, at di ko mapigilan ang sarili ko na awayin o paiyakin siya sa tuwing ayoko yung ginagawa niya.
Tumingin na ako doon sa isang katrabaho niya para kuhanin yung bill ko.
Nag iwan na ako ng bayad at tip saka lumabas na ako ng restaurant na yon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko nang marinig ko ang boses niya.
Hinila niya ako sa kamay at tinitigan ko siya ng pagtataka nang maglagay siya ng pera sa kamay ko. "One thousand three hundred pesos ang bill mo. Hindi three thousand pesos." Nag aalab ang mata niya sa galit at maging ang paghinga niya ay bumibilis dahil sa sama ng loob sa akin.
Pinilit kong ngumisi at nilagay sa wallet ko ang perang binalik niya sa akin. "Hindi ka ba nagkaka-tip ng one thousand seven hundred jan sa restaurant na yan?" Pilit kong inaalis ang pait sa pananalita ko. Damn, gusto ko lang namang kumita siya hangga't maaga para mamaya hindi na siya magagahol sa ibang guest, pero bakit di nalang niya tanggapin?
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin at umurong nanaman ako nang magsalita siya. "Kung sayo lang din naman mang-gagaling, h'wag nalang. Mas gugustuhin kong magkapera mula sa sariling dugo at pawis ko, hindi yung umaasa daw pala ako sa pamilyang kumupkop sa akin sa loob ng labing walong taon!" Sigaw niya at tinalikuran na ako.
"Althea!" Sigaw ko pero tinaas niya ang middle finger sa ere at mas binilisan ang paglalakad.
"H'wag mo akong talikuran! Mas matanda pa rin ako sayo!" Sigaw ko sa kanya na nagpahinto sa paglalakad niya. Humarap siya sa akin mula sa malayo.
"Nang ano? Limang taon at anim na buwan? 22 years old ka na, pero utak ipis ang mayroon ka!" Sigaw niya na nagpainit sa ulo ko! Saka tinalikuran na ako!
"Althea Lauren Cortezano!!" Pero di na niya ako pinansin pa!
"Fuck!" Sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko at pilit kong pinapakalma yung lintik na sarili ko na habulin ang isang iyon at patahimikin gamit ang labi ko.
Fuck. Shit. Sa tuwing sisigawan niya ako mas lalo lang akong nang-gigigil na atakihin yung lintik na labi niya!
Tumunog ang cellphone ko at walang ganang sinagot ko yon. "Problema mong gago ka?" Halakhak ni Luke mula sa kabilang linya.
"Really, bro? Di ko na alam gagawin ko sa kanya. Nababadtrip na ako!" Himutok ko pero tinawanan lang ako ng gago. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot na yon habang kausap ko sa kabilang linya ang pinsan ko.
"Gago. Pag usapan natin mamaya, sunduin mo naman si Seb kela Mama, ngayon na ako mag-po-propose kay Claire, dun sa bahay na pinagawa ko." Utos niya at pinagmumura ko siya. "Hindi purket matanda ka sa akin ng ng isang taon eh uutos utusan mo na ako." Angil ko sa kanya para ibalik sa kanya ang hinaing ni Althea kanina! Mabilis kong niliko ang sasakyan patungo sa bahay ng Mama niya.
"Parang may choice ka ah? Do you want me to call, Auntie Marie, tungkol jan sa pagnanasa mo sa kapatid mo." Halakhak niya na nagpamura sa akin ng sunod sunod. Fuck, kung hindi ako nilasing nitong gagong 'to hindi niya ako mapapaamin sa sikretong buong buhay ko ay ako lang ang nakakaalam.
"Oo na. Tangina ka." Bulyaw ko at binato ko sa backseat ang cellphone ko.
Nang makarating ako sa bahay ng parents ng pinsan ko ay nakahanda na si Sebastian. May kung ano sa batang 'to na nagpapa-alis ng bad trip ko. Kaya naman pasalamat na rin ako sa pinsan ko at pinagkatiwala niya sa akin noon ang tungkol dito sa anak niya.
"Tito Tyler! Pick up car daw ang gagamitin natin!" Sigaw niya at itinuro sa akin yung puting pick up car na may lobong nakasabit.
Tsk, kakornihan talaga nung sira ulong yon.
"Walang problema, Sebastian! Basta susundin mo ang lahat ng ituturo ko sayo." Seryosong sabi ko.
"Tita, una na kami!" Paalam ko kela Tita Kei at humalik na ako sa kanila.
Tumungo naman kami ni Seb doon sa pick up car na pinapagamit ni Luke.
"Magiging Mama ko na talaga si Mama Claire, dalawa na Mama ko!" Excited na sigaw niya, di ko alam kung kanino nagmana 'tong pamangkin ko, samantalang yung Tatay niya parang galit palagi sa mundo.
"Sebastian, gusto mo bang matuwa ang Daddy mo?" Di ko maiwasang isilay ang ngiti sa labi ko dahil sa naiisip ko. Hindi man ako makaganti sa loko kong pinsan, tuturuan ko pa rin ang anak niya ng mga nararapat para sa isang tunay na lalaki.
Umayos ng upo si Sebastian at humawak sa seat belt niya habang nakangiting nakikinig sa akin. "Anong favorite food ng Daddy mo?" Tanong ko, mas maganda siguro kung sa pagkain ko sisimulan.
"Food? Hmm. Cherries! Mahilig siya sa cherries, Tito!" Sigaw niya na nagpatawa sa akin! Damn! I love cherries too..especially the fresh one.
"Really? Edi mamaya pala magandang magpaputok ng cherries. But, I'm one hundred percent sure that, it is already popped." Bulong ko habang tumatawa tawa.
"What, Tito Tyler? I don't get you." Pagtataka ni Sebastian, ngumisi ako at ginulo ko ang buhok niya.
"Mamaya, kapag pumayag na si Mama Claire mo na magpakasal sa Daddy mo. Ipaalala mo sa Daddy mo na, masarap kumain ng cherries mamaya! Lalo na kapag na-popped na, mas lulamalabas yung juice." Hindi ko mapigilan ang pagtawa sa pag iisip na uusok ang ilong ng pinsan kong gago.
"Why? Para ba sa lovers ang cherries? But..I love cherries too, Tito Tyler, kung ganon di pwede sa akin ang cherries." Malungkot na sabi niya na nagpatawa sa akin. Napaka inosenteng bata, nakakatuwa.
"May cherries na para sa bata, yun yung mga prutas na pwede sa mga bata! Pero yung cherries na para sa mga lovers na sinasabi mo, paglaki mo pu-pwede na rin sayo yon." Turo ko sa kanya at nginitian ang pamangkin ko.
"Really? Tito Tyler?! Sana malaki na rin ako, kagaya mo! I want to be like you! Idol kita eh!" Sigaw niya at tumayo sa upuan kaya mabilis kong hininto ang sasakyan para mahawakan siya. Gusto kong matawa dahil sa kainosentehan niya.
Umupo siya at nagmaneho na ulit ako. "Magkaiba ba ng itsura ang cherries fruits para sa kids at lovers?" Di mapigilang pagtatanong ni Sebastian, napaka talino ng batang ito. Sabi nga sa akin noon ni Mama matanong raw ako noon, panigurado sa akin nagmana 'tong pamangkin ko.
"Hmm. Oo, mabango yung sa lovers lalo na pag-na-popped. Amazing." Natatawang bulong ko na sa tingin ko ay hindi naman niya narinig.
"Tito Tyler, can I ask you a question? These past few days kasi palaging happy sila Daddy, may iba bang reason para maging happy? Dati naman lagi silang sad." Usisa niya, napabaling ako kay Sebastian sa pagbabago ng usapan.
"Ikaw ba Tito Tyler? Happy ka din ba?" Tanong niya.
Ngumisi ako. Kailan ba ako sasaya sa buhay ko? Kapag masasabi ko na lahat ng gumugulo sa damdamin ko? "No." Bulong ko at pag aakala ko ay hindi narinig ni Seb iyon pero nagkamali ako.
"Why?!" Sigaw niya na nagpangisi muli sa akin.
"Magiging masaya lang ang isang tao kapag nakatanggap na sila ng pagmamahal mula sa taong mahal nila." Sabi ko, maganda ring may kausap akong bata, hindi man niya maintindihan ang mga pinag sasasabi ko, gumagaan naman ang pakiramdam ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa subdivision kung saan nandoon ang bahay na pinagawa ni Luke para kay Claire. Sakto ang pagdating namin dahil mukhang pumayag si Claire sa proposal ng pinsan ko kaya naman pinaandar ko na ang sasakyan at bumusina sa kanila. Mabilis kong pinahawak kay Seb ang lobo na may singsing at yung tela na may nakasulat na kung ano.
"Seb! Don't forget to ask your Dad, about the cherries!" Ngisi ko at tumango tango si Seb na para bang excited na siya sa sasabihin sa Daddy niya.
Hindi ko maitago yung lintik na pagkasaya ko para pinsan ko, matagal na niyang pinapangarap ang babaeng hinahalikan niya ngayon na minsan eh muntik ko nang mabiktima. Gumuhit nalang ang ngiti sa labi ko at bumaba na kami ni Sebastian.
Kinuhit ko pa si Seb at tinanguan patukol sa pinag usapan namin.
"Daddy! Daddy! Are you ready to pop the cherry?!" Excited na sigaw ni Sebastian at kagaya ng inaasahan ko hahabulin ako ng suntok ni Luke kaya mabilis kong kinuha si Sebastian at nanakbo sa loob ng bahay na pinagawa niya.
Dalawang taon din ang ginugol niya para sa bahay na 'to. Kasabay nung coffee shop na pinangalan niya rin kay Claire, baliw na baliw yung pinsan ko. Kagaya ng pagkabaliw niya kay Claire, mas matinding pagkabaliw yata ang mayroon ako para sa kapatid ko.
Nasa taas si Claire at Sebastian, pinapaliguan ni Claire si Seb dahil sa paglalaro nito ng cherries. Hindi ko naman alam na narinig pala ni Sebastian ang pinag-bububulong ko kanina sa sasakyan papunta sa kanila.
Panay ang hithit at buga ko ng yosi dito sa may swimming pool, kasama si Luke.
"Samantalang ayos naman kayo nung kasal nila Marcus at Ara? Tinawag mo pa ngang clingy kapatid mo." Pang aalaska sa akin ni Luke, umiling ako sa alaalang yon.
Bago pa ang kasal ni Marcus ay nagkaayos kaming dalawa, dahil medyo kararating lang niya mula sa Japan simula nang hiniling ko sa kanya na umalis na siya sa paningin ko tatlong buwan ang nakalipas at pagkatapos ay sa Maynila na siya nagtigil. Kaya naman napagpasiyahan kong makipag bati sa kanya at mag-sorry sa mga kagaguhang sinabi ko, para h'wag na siyang umalis pang ulit. Di ko inaasahang yayakap yakapin ako nun dahil sa sobrang hindi siya makapaniwala na galing sa bibig ko ang sorry. Fuck, laking epekto non sa akin. Pero hindi ko nagustuhan na sinunod na niya sila Mama na tawagin akong Kuya nung araw na yon. Akala ko katapusan na ng away namin yung pakikipagbati ko sa kanya, pero mali pala ako.
Galit na galit ako sa kanya at bumalik ang pagkagago ng bibig ko sa kanya. Doon ko napatunayang kailangan ko pa palang awayin ang isang 'to para hindi ako tawagin sa ganoong paraan.
"Akala ko ba naka-moved on ka na dun nung nag Japan siya dahil matagal mo na siyang hindi nakita? At ikaw na rin ang nagsabing, kagaguhang mahalin mo yang kapatid mo. Mukhang mas lalo ka lang tumindi. Lalo ka lang nabaliw, gago." Ngisi ni Luke.
Umiling ako at humithit ng yosi. "Hindi ko naman ginusto, nangyari na eh. Akala ko nga, wala lang, na-attract lang ako dahil matagal ko siyang hindi nakita. Pero wala. Naramdaman ko nalang bigla."
Naramdaman ko nalang bigla na bumalik nanaman ang mabilis na pintig ng puso ko sa tuwing makikita ko siya.
***
AN: Salamat po sa pagbabasa ng maikling update! :) Salamat din sa mga nag-greet sa akin kahapon!
Sana makapunta kayo sa 9! :)
Love lots.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top