DTC-ALC: Kabanata 7



DTC-ALC: Kabanata 7

Patuloy ang paghalik ko kay Kate, humawak na ako sa batok niya at mas diniinan ko ang paghalik sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng ungol.

Pero kumunot ang noo ko nang makita ko na naman ang mukha niya, kaya pinakawalan ko si Kate na naghahabol ng hininga.

Tumalikod ako sa kanya at kinagat ko ang aking labi saka sinipa ang buhangin bago ako ulit siya hinarap.

"Go home." Bulong ko na nagpa-angat sa labi niya. "W..what? Tyler, hating gabi na." Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

"Ipapahatid kita sa isang driver namin." Sabi ko at hinila ko siya sa kanyang kamay at maingat na isinama patungo doon sa villa ng dalawang driver namin at ng mga kasambahay.

Kung hindi ko pauuwiin si Kate ay mawawala na naman ako sa sarili ko. Damn it. Ilang babae na ba ang nahalikan ko pero sa gitna ng mga halik na iyon ay mukha pa rin niya ang nakikita ko?

Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Kate kaya nilingon ko siya. "Tyler, ayokong umuwi ng ganitong oras." Pakiusap niya, nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil napansin kong namamasa ang mga mata niya.

"You have to go, papatayin ko ang sarili ko kapag naulit pa ang nangyari sa ating dalawa." Pag amin ko sa kanya, sa lahat ng kalokohan ko sa babae, ni minsan ay hindi ako umulit pa. Hindi na ako pumapangalawa pa pagkatapos ng unang pangyayari.

Kagaya nila Rylie, ang isang gabi ay tama na.

Sa kagustuhan kong tigilan ay hindi ko rin magawa sa tuwing nawawala ako sa sarili ko, matatawag ko na ang sarili ko na dakilang gago na ako.

Alam kong mali ang lahat, hindi tama na ganito. "Pero, Tyler. Ako ang may gustong maulit, hindi ikaw! Kaya, please? Just let me stay, kahit ngayon lang. Kahit walang mangyari, gusto ko lang kasama ka." Pakiusap niya habang patuloy ko siyang hila hila at nang makarating na kami sa tapat ng villa ng driver at kasambahay namin ay nag door bell na ako.

Hinarap ko siya. "Hiniling mong maging magkaibigan tayo, right? Pwes itong ginagawa ko ay bilang isang kaibigan mo." Suway ko sa kanya at muli akong nag door bell nang wala pang lumalabas ng driver.

"Tyler, please." Pilit siyang kumakawala sa mga hawak ko pero di ko hinayaan iyon.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang isang driver namin. "Sir Tyler, bakit ho?" Usisa ni Manong Lester nang makalabas.

"Pasensya na ho, gusto ko lang sanang ipahatid pa-Maynila ang kaibigan ko." Sambit ko at napatango si Manong Lester.

"Ah, sige ho, sige ho! Kukuhanin ko lamang iyong sasakyan!" Paalam niya at tumalikod ulit para kuhanin ang sasakyan.

Hinarap ko si Kate at hindi ko magustuhan ang pag iyak niya ngayon. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. "I'm sorry, Kate." Bulong ko at isang pagtango lang ang isinagot niya sa akin.

Nang maisakay ko na siya sa back seat ay binuksan niya pa ang bintana. "Tyler, natatakot ako."

Umiling ako. "Di ka pababayaan ni Manong Lester. Give me your phone." Sabi ko sa kanya bilang paninigurado, iniabot niya sa akin iyon at tinipa ko doon ang numero ko saka ibinalik sa kanya.

"Give me a call, kapag nakauwi ka na. I'll wait for your call o kahit text nalang. Di ako matutulog hangga't wala kang text, alright?" Siguradong sabi ko sa kanya para mawala na ang pangamba niya at kahit umiiyak ay ngumiti siya saka tumango.

"Thank you, Tyler. I'll see you sa Manila ha?" Pakiusap niya, isinilid ko ang isang kamay ko sa aking bulsa at tinanguan ko siya.

"Manong Lester, mag ingat kayo."

"Sige ho, Sir!"

"Nababaliw ka ng gago ka." Mura ni Luke nang tawagan ko siya at sabihing muntik na akong pumangalawa. "Come on, bro. Sinabihan na kita noon, tama na ang isang beses sa isang babae. I know, di maiiwasan yang lintik na one night stand na yan pagdating sa mga bar lalo na sayong gago ka, pero sinabi ko naman diba? Kapag pumangalawa ka parang sinabi mo na ring gusto mong mag-commit sa isang relasyon." Paulit ulit na paalala ng pinsan ko, di niya gawaing sumama sa ibang babae magmula nang mabuntis niya ang kaibigan niya noon, siguro ay nadala na. Humithit ako ng yosi at itinapon ko iyon sa ibaba ng terrace kung saan ako nakatayo ngayon.

"Tulog na ba si Claire?" Biglang tanong ko, naisip ko lang na baka naistorbo ko 'tong dalawang ito. "Gago." Mura niya na nagpangisi sa akin, masyadong baliw ang isang ito samantalang ikakasal na silang dalawa. Buong akala niya ay aagawin ko pa sa kanya si Claire, pero totoong natipuhan ko noon ang pagiging inosente nito.

"Ano na ang plano mo?" Pagbabago niya.

Huminga ako ng malalim at kagaya ng napag isipan ko ay sinabi ko sa kanya iyon.
"Celebration ng debut ni Althea sa isang araw." Sabi ko, "Ah, yes. Pinadalhan nga kami ng invitation, pero baka hindi kami makapunta ni Claire." Paliwanag niya at tumango ako.

"Aaminin ko na sa kanya." Seryosong sambit ko at magkakasunod na mura ang natanggap ko kay Luke.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Aatakihin si Auntie Marie." Paalala niya.

"I know, pero wala sa plano kong malaman nila Mama." Sabi ko.

Hinilamos ko ang isang palad ko sa aking mukha at punong puno ng iritasyon kong sinagot si Luke.

"Tangina. Sasabog ako kapag hindi ko nasabi sa kanya. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag nilihim ko pa 'to sa kanya." Paliwanag ko.

"At pagkatapos ano?" May pagbabantang sigaw ni Luke.

Sa susunod na sasabihin ko ay di ko maiwasan ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko gustong gawin pero dapat.

"Pagkatapos non, titigilan ko na." Sabi ko at huminto ako ng ilang sandali para lunukin yung lintik na bato na nakabara sa lalamunan ko. "Titigilan ko na ang mahalin siya." Pagtatapos ko.

___

"Fuck. Hindi ko ginalaw Dad! Walang pag papasarap na nangyari kagabi! Oo hinalikan ko, damn it! Humalik na naman ako ng ibang babae sa napaka raming pagkakataon. Shit. Pinauwi ko si Kate dahil naiisip ko si Althea!" Fuck, hindi ko na kontrolado ang puso't isip ko, maging yung lintik na bibig ko sumasabog na sa sobrang pakiramdam ko sa kanya.

Tumakbo siya sa taas at di ko alam pero mas lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko pinakinggan si Mama, lumabas ako at doon sa pampang ng beach nagpalipas ng sama ng loob.

Naramdaman kong may humawak sa ibabaw ng balikat ko kay tiningala ko yon at nakita ko si Mama. Umupo siya sa tabi ko.

"Noong bata ka pa, palagi mo akong kinukulit na sana magkaroon ka ng kapatid." Simula nito, nanatiling nasa kabilang isla ang paningin ko at piniling makinig na lang sa sasabihin ni Mama.

"Sabi mo pa nga noon, gusto mo galing sa akin." Tumawa pa siya at humawak sa braso ko. "Kung kaya ko lang noon, anak, ginawa ko na. Pero ayokong isugal ang buhay ko kung hindi ko naman kayo makakasama ng Daddy mo." Kwento niya, kahit ilang beses ko nang narinig kay Mama yon ay tinatamaan pa rin ang dibdib ko.

May sakit sa puso ang Mama at alam kong halos ikamatay na niya, mabuhay lang ako sa mundong 'to. "Kaya naman, para matupad ko yung kahilingan mo na magkaroon ka ng kapatid, inampon namin si Althea." Patuloy niya na mas lalong nagpabigat sa daga ng puso ko, ang bigat bigat ng dibdib ko at parang pinipiga.

"Nagustuhan ko ang sinabi mo sa Dad mo kanina, na nung gumagawa ka ng kalokohan ay naisip mo si Althea. Natuwa ako, dahil napatunayan kong kahit papaano ay may malasakit ka pala sa kapatid mo." Bulong ni Mama na nagpalunok sa akin! Kinuyom ko ang kamao ko dahil alam kong hindi ko man sadiyang gawin ay parang patuloy ang pagsisinungaling ko sa kanila.

"Pero, hindi ka na namin maintindihan ng Daddy mo, we are trying our best para maibigay ang lahat ng gusto mo, hanggang ngayon. Pero bakit ganyan ka? Kaliwa't kanan ang mga babae mo, iba iba nga yata araw araw, palagi pa kayong nag aaway ng Daddy mo, samantalang noon, kayo ang mag best friend." Kinurot ang puso ko sa paghikbi ni Mama, bumaling ako sa kanya at nanginig ang katauhan ko sa mga luhang lumalandas sa pisngi niya.

"What happened, Ty?" Humihikbing tanong niya sa akin na sumuntok sa dibdib ko. Kung pupwede ko lang sabihin sa kahit na sino kung anong kinababaliw ng sistema ko ay hindi na sana ganito kakomplikado ang lahat. Niyakap ko sa balikat si Mama at hinalikan ko ang buhok. "I'm sorry, Ma." That's all I can say, dahil hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko na sa sobrang kahibangan ko ay alam kong matinding pasakit na ang naibigay ko sa kanila ni Dad.

"I'm begging you, Ty. Maging mabuting kapatid ka na kay Althea at makipag ayos ka na sa Dad mo." Hagulhol ni Mama na nagpamura sa loob ko, alam kong nakaplano na sa isipan ko na tigilan ang lahat ng kahibangan ko kay Al, pero bakit sobrang sakit? Bakit ang hirap lunukin ng desisyong napipilitan lang akong gawin.


____

Nakatitig lang ako sa malaking salamin matapos akong ayusan ng kilalang stylist na kaibigan ni Mama. Suot ko na ngayon ang isang long gown na kulay cream at may kumikinang na maliliit na bato sa bandang dibdib ko, pa-tube ang ayos at nakalabas ang likod ko hanggang bago mag-baywang ko. Nakataas ang aking buhok na naging dahilan upang mas lalong makita ang balat ko.

"Ma, wala bang ibang damit?" Hindi mapakaling tanong ko kay Mama, nginitian niya ako at lumapit sa akin saka hinaplo ang balikat ko. "Anak, minsan ka lang magsuot ng ganyan. Bagay na bagay nga sayo." Ani Mama.

Naalala ko pa noon kung paano namin pinag-planuhan ni Mama ang magiging debut ko, sixteen years old palang ako noon.

I was so excited na para bang hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na yon, lalo pa at alam kong siya ang magiging escort ko, sinabi ko pa na pagkakataon ko na para magkabati na kami. Yun kasi ang sinabi ni Mama sa akin noon, na ngayon ay tinanggihan ko na ng lubusan.

Mula damit hanggang sa pinakamaliit na bagay na kailangan sa debut na ito ay naayos na namin noon ni Mama. Yun nga lang ay hindi natupad yung damit na gusto kong design dahil sa biglaang pag-alis ko kaya naman ang suot ko ngayon ay pina-rush na lang ni Mama sa designer ng M Clothe's Line na pag-aari ng magulang ng mga pinsan ko sa side ni Mama.

Dito na sa beach resort namin sa Zambales ang napili kong venue dahil kung tutuusin ay maganda ang beach namin dito at maganda sa pandinig ang bawat hampas ng alon mula sa dagat, at hindi para hindi na rin problemahin ang perang ibabayad pa. At kung ang problema naman ng mga bisita ang tutulugan ay mayroon kaming dalawang villa dito na malaki at may malaking anim na kwarto sa ikalawang palapag at dalawang kwarto sa ibaba. Isa iyon sa pinagawa noon nila Dad at ipinangalan sa aming dalawa.

Saka isa pa iilan lang naman ang bisita namin, mga malalapit na kamag anak at kaibigan lang ang sinabi ko kay Mama dahil ayoko ng engrandeng selebrasyon.

Hiniling ko rin noon kay Mama na ang mga paborito kong kanta ang gamiting tugtog sa aking 18th roses. Lahat na yata ng gusto ko ay ibinigay ng pamilyang ito, ultimo sa pinakamaliit na gusto ko hanggang sa pinakamalaki ay ibinibigay nila.

"Mrs.Cortezano, ready na ho." Tawag ng organizer kay Mama. "Okay, susunod ako." Paalam ni Mama, muli niya akong tinignan at hinaplos ang pisngi ko.

"Smile anak, ang ganda ganda mo." Puri ni Mama at tumango ako bago pa siya lumabas.

Ilang sandali pa ay may kumatok at kaagad iniluwa noong pintuan si Cash na naka-tux at maayos ang buhok. Matangkad siya at masasabi kong isa siguro siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga babaeng nakakasalamuha nila sa Manila. Maganda rin ang kanyang pangangatawan na mukhang alaga niya sa gym at tamang diet.

Lumapit siya sa akin at kaagad kong naamoy ang bango niya. "You look beautiful, Althea." Puri niya sa akin, ngumiti ako at nagpasalamat.

"Napaka swerte ko naman at ako ang escort mo." Ngisi niya na tinawanan ko rin, magaan ang loob ko kay Cash sa unang pagkikita pa lang namin, siguro ay dahil na rin sa kadaldalan niya nang ipilit niyang tanggapin ko ang kamay niya noong nagpapakilala pa lang siya.

"Maswerte ka talaga." Pagbibiro ko upang maibsan ang kabang nararamdaman ko. Inilahad na niya ang kanyang braso at kumapit na ako doon para maalalayan niya akong maglakad palabas ng villa.

Hinawakan ni Cash ang kamay kong nakakapit sa braso niya at natawa siya nang maramdaman niyang malamig iyon. "Why are you nervous?" Halakhak niya, lumunok ako at bumaling sa kanya.

"Hindi ako sanay sa ganitong celebration, mas gusto ko pa yung simple lang." Sambit ko.

"Simple lang naman ang celebration today ah? Iilan lang ang bisita mo, naging espesyal nga lang uti dahil birthday mo." Aniya.

Marahan niyang pinisil ang kamay ko. "H'wag ka nang kabahan, katabi mo naman ako." Ngisi niya at kasunod non ang pagtawag ng mc sa pangalan ko kaya naglakad na kami ni Cash patungo sa mga bisitang pumapalakpak ngayon.

Nakatayo sila Mama, Dad at siya..doon sa harapan. Si Mama at Dad ay nakangiting pumapalakpak habang siya ay hinuli ang mga mata kong nanginginig dahil sa kaba. Nakasuot siya ng tux na itim at kulay pulang necktie, habang nakapamulsa. Ang kanyang buhok ay natural na magulo. Inihawak ko ang kanang kamay ko sa kamay ni Cash na nakapatong sa kaliwang kamay ko at marahan kong pinisil iyon para pagbalingan ng kaba.

Dumapo naman ang mga mata ni Kuya sa kamay namin ni Cash at nakita ko ang kabiguan doon na siyang nagpakirot sa puso ko. Nag iwas ako ng tingin at pinilit kong ngumiti sa mga bisita kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan ako ng sobra.
Magkatabi kami ni Cash sa upuan habang nakikinig sa programme. Pero wala ang isip ko ngayon dahil ramdam ko ang mga titig ni Kuya na tumatagos na yata sa kaluluwa ko.

Maging sa 18th candles yata ang naintindihan ko lang ay message ni Mama, Lola na umuwi pa galing Japan, ni Monet at ni Monique. Ang sa iba naman ay tinatanguan ko na lamang kahit wala naman akong maintindihan.

Nang dumating na ang 18th roses ay si Daddy ang naging first dance ko. Isang magandang ngiti ang ibinigay ko kay Dad at saka yumakap ako sa kanya habang sumasayaw kami.

"Thank you for everything, Dad." Maluha luhang bulong ko, hinaplos ni Dad ang likod ko at umiling. "Anak kita, lahat ng pangangailangan mo ay dapat ko lang ibigay sayo." Aniya, sobrang blessed ko dahil sila ang naging pamilya ko. Kahit na minsan naiisip ko rin kung sakali ba na hindi nila ako inampon at nasa totoong magulang ko ako ay ganito rin kaya ako kasaya?

"I love you so much, Dad." Bulong ko. "I love you, anak. Happy birthday."

Kasunod na nagsayaw sa akin si Tito Drew, Tito Kyle, at ang mga pinsan kong si Marcus at Troy na panay ang pang aasar sa akin. Wala nga lang si Ethan dahil abala ito ngayon sa pag aasikaso para sa kasal daw nila ng mapapang asawa niya.

Sumunod ang mga kaibigan ko, maging si Cash at Axel ay isinayaw na rin ako. Habang tumatagal ay nanlalamig na ang kamay ko dahil nalalapit na ang huling sayaw na alam kong panghihinaan ng kaluluwa ko.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pagtayo niya at ang pagtapik niya sa balikat ni Cash upang siya naman ang magsayaw sa akin. Pinakawalan ako ni Cash kahit na labag iyon sa kalooban ko.

Hinuli niya ang mata ko at kasabay ng pagbigay niya sa akin ng pulang rosas ang pagsalikop niya sa kamay naming dalawa. Hindi ko alam kung normal pa ba itong panghihinang nararamdaman ko, dahil sa lumipas na taon na pagsusumamo niya sa akin para bumalik ang dating pakikitungo ko sa kanya ay nakakaramdam ako ng kakaibang bara sa puso at lalamunan ko. Humaplos ang kaliwang palad niya sa likod ko pababa sa baywang ko na naging dahilan upang magtayuan ang balahibo ko.

Ang kislap ng mata niya ay may halong lungkot na naging dahilan para kumirot ang puso ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito na nadiskubre at nakumpirma ko noong nakaraang buwan lamang.

Dahil sa mga pagsunod sunod at pagsusumamo niya ay hindi ko namamalayang nahulog ako ng hindi sinasadiya. Lumayo ako, pero napalapit naman ang damdamin ko.

Pero, alam kong kaya kong pigilan ito. Kaya kong takbuhan ang damdaming alam kong sisira sa pamilyang minahal ko ng lubusan.

Siguro ay naguguluhan lang ako sa ngayon, dahil wala pang gumagawa sa akin ng katulad ng pagsuyo niya sa akin. Siguro ay ganoon rin siya, pakiramdam niya ay mahal niya ako dahil magkasama kaming lumaki, alam kong maaga pa at kaya pang labanan ang lahat ng ito. Hindi ko na hihintayin pang dumating sa puntong hindi ko na maitayo ang sarili ko mula sa pagkakahulog sa maling tadhanang ito.

Nakatitig lamang siya sa mga mata ko at walang salitang lumalabas sa aming labi. Nang hindi ko na nakayanan ang pagtitig niya ay ako na mismo ang kusang bumitaw at huminto sa pagsayaw.

"P..pagod na ako." Iwas ko at laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang tugtog at hindi siya napahiya.

Nagpatuloy ang programme at ilang sandali ay nagkaroon na rin ng salo salo. Nagsayawan na rin ang mga pinsan ko at kahit mabigat ang pakiramdam ko ay nakisali ako sa kanila! Habang nagsasayaw kami nila Monique ay napansin kong kausap niya si Mama at nakatingin sa pwesto ko, ilang sandali pa ay ngumiti si Mama at tumango. Tinapik niya pa ang balikat nito bago tuluyang lumapit sa akin si Mama at hinila ako sa aking kamay.

"Gustong makipag ayos sayo ng Kuya mo. May regalo din daw siyang ibibigay, pero dahil nga may hindi kayo pagkakaunawaan ay kinakailangan ko pang hilahin ka sa dance floor na yan." Ngisi ni Mama gamit ang mahinahon na boses, napalunok ako at umiling. "Ma.."

"Dali na, Althea. Hindi ba't ito naman ang gusto mo noon pa? Ang magkaayos na kayo ng Kuya mo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mukhang pinakinggan ni Tyler ang mga hiniling ko sa kanya kahapon." Ani Mama at nang makalapit na kami kay Kuya ay hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Magkaayos na kayong dalawa, alam kong ikatutuwa rin ito ng Daddy niyo." Sabi ni Mama at tinalikuran na kami. Lumapit sa amin ang pinsan naming si Marcus at inabutan siya nito ng isang gitara.

Ngumisi si Marcus, "Mukhang ayos na kayong magkapatid ah?" Ngisi nito bago muling umalis.

Napansin ko ang paglunok niya. "Ah..sa kwarto ko tayo." Sambit niya at nauna na siyang maglakad papasok sa bahay namin.
Pumanhik kami sa itaas at sinundan ko siya na pumasok sa kwarto niya. Ito ang pangalawang pagkakataon na makapasok ako sa kwarto niya, ang unang beses ay nung nag away kami sa desisyon kong maging escort si Cash. Amoy ko kaagad ang pabangong madalas niyang gamitin. Maayos ang lahat ng kanyang gamit na sa tingin ko ay siya lamang ang nag aayos dahil kahit si Manang Lilia ay hindi pumapasok dito, maliban lang kay Mama at Dad sa tuwing may kailangan sa kanya. Ilang sandali pa ay pinatay niya ang ilaw, pero kasunod non ang pagbukas niya ng puting Christmas light na nakakabit sa kisame.

"B..bakit?" Hindi mapakaling usisa ko sa kanya nang hawakan niya ako sa aking kamay at pinaupo ako sa kama. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay hinila niya ang swivel chair doon sa study table niya at iniharap sa akin iyon at doon siya naupo habang nakapatong sa kanyang hita ang gitarang iniabot kanina ni Marcus.

"Ba..baka hinahanap na tayo!" Nauutal na sambit ko at akmang tatayo ako pero hinawakan niya ako sa braso ko at pinaupong muli sa kama niya. Hinuli niya ang mga mata ko at halos hindi ko kayanin ang malalim at malamlam na pagtitig niya sa akin.

Tumikhim siya, at sa kaunting liwanag na hatid ng mga Christmas Lights sa kisame ay kitang kita ko pa rin ang kakisigan na mukha niya. "Di mo man sabihin, ramdam kong natatakot ka sa akin." Simula niya na nagpa-estatwa sa akin. Ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa pinaghalo halong emosyon, takot, kaba, at malabong damdamin.

Hindi ko siya sinagot, tumungo lang ako at pinigilan kong h'wag bumagsak ang luha ko dahil sa mabilis na pintig ng puso ko.

Muli siyang nagsalita at hindi ko alam kung saan ko pa dadalhin ang sarili ko dahil sa mga salitang binitawan niya.

"No, h'wag kang matakot sa akin. I promise, pagkatapos nito titigilan ko na ang kahibangan ko sayo."

***
AN: Thank you so much sa pagbabasa guys! :) Sa nagsasabi na parang hawig daw ito ng isang manga story ng Japan na I'm In Love With My Younger Sister ba yun? (di ko na matandaan yung title na sinabi dun sa comment) Hehe, sorry po hindi ko po alam kung anong manga story ang sinasabi mo po. Dahil ito po ay nakaplano ko ng isulat (binuro ko na sa utak ko haha) nung tinatapos ko pa lamang isulat yung Just Fall In Love Again (story ni Drake at Kei Marie)  Pero dahil nga po matagal na akong mag-update mula nang magtrabaho ako, ay nalate ko na isulat ang mga stories na pinagpaplanuhan ko. Huhu. Pero kung sa tingin mo po ay parang pareho talaga, sorry po pero hindi ko po talaga intensyon iyon. :) Salamat po sa pag intindi. Hihi. Mua!

God bless!

Love lots! :*

Ate Ash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top