DTC-ALC: Kabanata 19

DTC-ALC: Kabanata 19

Sabi ko sa sarili ko, isang isa nalang, kapag ayaw talaga. Tama na. Pero makulit yung puso ko, kahit anong pigil ko walang kawala. Sinasabi ng isip ko na, tama na ang kagaguhan na 'to, pero sabi ng lintik na puso ko, kapit lang brad kaunting laban pa, mapapansin rin niya lahat lahat.

Ilang beses kong sinubukang magmahal ng ibang babae, ang ending siya pa rin.

Ilang beses ko na rin siyang sinubukan pakawalan, huling huli yung punta ko sa Japan. May nakilala akong babae, si Yuri, kamukha niya. Lahat ng kinahihiligan na gamit ni Al ay ibinibigay ko kay Yuri. Ewan ko, nabaliw ako sandali pero tinigilan ko na rin dahil sa katotohanang siya at siya pa rin. Masaya dapat ang gabing ito. Sinabi niyang mahal niya ako pero kapalit non ang pagpapaalam niya. Kumbaga sa isang kanta, kisapmata.

Hanggang ngayon ay dama ko pa rin yung iniwan niyang sakit sa puso ko. Nakakaloko, pero nasasaktan pa rin talaga ako sa bawat salitang pantataboy niya sa akin kahit na alam ko namang mahirap suyuin ang isang katulad niya.

Sa madaling salita, mahirap makuha ang pagmamahal niya.

"Come on, akala ko ba ititigil mo na yan kapag tinanggihan ka na niya ngayon." Sabi ni Luke nang tawagan ko siya. Sino pa nga bang masasabihan ko nito kundi siya lang, siya lang naman ang nakakaalam ng lahat.

"Kung ako sayo, makipag date ka nang makipag date para makalimutan mo siya." Suhestiyon niya. Huminga ako ng malalim.

"Kahit naman sinong babae ang iharap mo sa akin, siya at siya pa rin yung hinahanap hanap ko." Sabi ko bago ko tuluyang pinatay yung tawag.

Pagod na pagod na ako, pero pilit akong kumakapit dahil umaasa akong isang araw ipaglalaban niya rin ako.

_____

Ibinalik ni Monet ang resignation letter ko at kinunutan niya ako ng noo. "Hindi ko matatanggap 'to, Althea." Sambit niya, huminga ako ng malalim at tinitigan siyang mabuti.

Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang mapagpasiyahan kong lumayo. Alam kong biglaan ang desisyon kong ito, pero hindi ko na yata makakayanan pa kung magtitigil pa ako sa lugar kung saan nandoon si Tyler. Masyado nang maliit ang mundo para sa aming dalawa.

"I'm sorry, Monet. But I have reasons." Sambit ko.

Kumunot ang noo niya. "Like what?! Come on, Althea! Hindi ka lang basta empleyado dito, isa ka sa mga boss! Pinangarap nating dalawa ito diba? Ito na, unti unti nang natutupad lahat ng pangarap natin." Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Monet, naiintindihan ko siya. Sabay naming pinangarap ang lahat ng iti, pero heto ako, bumibitiw na.

Gusto ko man sabihin sa kanya ang dahilan ng pag alis ko, pero hindi ko magagawa iyon. Hindi ko magagawang sabihin na mahal ko si Tyler at kailangan kong pigilan iyon hangga't kaya pa. Hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang damdaming umuusbong sa aming dalawa ni Tyler.  "H'wag mo naman akong iwanan sa ere." Pakiusap niya.

"I'm sorry, Monet." Yun lang ang huling sinabi ko sa kanya at umalis na ako. Sinubukan niya akong habulin pero mabilis kong pinindot pasara ang elevator.

Tumulo ang luha ko dahil sa sakit na tumutagos hanggang buto. Matamlay yung puso ko at ngayon ko lang naramdaman ito. Bakit iba yung nararamdaman ng puso ko sa mga sinabi ko kay Tyler? Gusto kong ipaglaban, pero pinipigilan ng utak ko. Maling mali kasi, maling mali na gatungan ko pa ang kalokohang nararamdaman niya para sa akin. Hangga't hindi pa nag aalab ang apoy, siguro ay kaya ko pa itong pigilan.

Darating din yung araw na mawawala lahat ng sakit na nararamdaman naming pareho, na makakalimutan namin ang kung ano mang mga pinagtalunan namin.

Tutunggain ko na sana ang alak na nasa harapan ko nang biglang may kumuha non at siya ang tumapos noon. "Woah, bakit nandito ka? Tanghaling tapat ah!" Nakangising tanong ni Kuya Ethan sa akin, naka tshirt siyang puti na fitted sa katawan niya at naka-faded na jeans. Gulo ang buhok niya at masasabi kong talaga namang habulin ng mga babae itong pinsan kong ito dahil sa kakisigang taglay.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba, dapat ako ang magtanong sayo niyan, Kuya? Pamilyadong tao ka na pero nandito ka pa sa bar." Pang aasar ko sa kanya na tinawanan lang niya, umupo siya sa kaharap kong upuan at tinitigan ako.

Tumawa si Kuya Ethan, nakakatuwa lang na simula nang ikasal siya ay natuto nang maging masaya sa buhay ang isang ito. Noon kasi ay parang palagi siyang galit sa mundo, kabaligtaran ni Kuya Marcus. "May blessing ako ni kumander, kasama ko yung mga college friends ko, mini reunion. Ayoko sanang pumunta pero si Ate Claire mo na ang nagsabi na pumunta ako. Papunta kaming Surigao ngayon, surfing festival kasi ngayon doon sa Siargao, nagyayaya yung ilan para makigulo sa mga contestant." Pagmamalaki niya sa akin na siyang tinanguan ko.

Nagsalin ulit ako ng alak sa shot glass at kaagad tinungga iyon. Narinig ko ang pag ngisi niya. "Hindi makakatulong ang alak." Halakhak niya na nagpakunot sa noo ko.

"May pinagdadaanan ka ano?" Ngisi niya na nagpakalabog sa puso ko. Nandoon ang takot ko na baka malaman ni Kuya Ethan ang lahat, dahil alam kong kapag nalaman ng mga malalapit sa amin ang damdamin naming dalawa ni Tyler ay isang malaking kahihiyan at kasiraan sa pamilya.

Pinilit kong tumawa. "Kapag umiinom, may pinagdadaanan kaagad?" Pagpapanggap ko.

Ngumisi lang siya at nagkibit balikat. Hindi ko alam pero mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil sa pag ngisi ngisi ni Kuya Ethan na para bang alam niyang may tinatago ako. No. Napaparanoid lang siguro ako.

Ilang sandali pa ay may tumawag na sa kanya, narinig kong paalis na sila at pupunta na sa Surigao. Pero muli siyang bumaling sa akin. "Wanna join?" Anyaya niya na nagpaawang sa bibig ko.

"Come on, makakarelax ka doon!" Sambit niya at walang pasabi akong hinila palabas ng bar. Nagpatianod na lamang ako sa kanya hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya. Anim silang magkakaibigan at may sari-sariling dalang sasakyan.

Mabilis pinaandar ni Kuya Ethan ang kotse habang ngiting ngiti. "Kuya, wala akong dalang damit!" Sigaw ko.

Tumawa siya. "It's alright. Maraming bilihan doon." Aniya at mas nag-focus sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa airport ay kaagad niya akong binilhan ng ticket. Mabuti na lamang at dala ko ang ilang valid id ko maliban sa passport, ewan ko ba kung anong pagpapa-cute ang ginawa ni Kuya Ethan dahil naisingit pa ako sa flight nila pa-Manila to Cebu to Siargao, kanina kasi ay sinabihan kaming once a day lang ang flight patungong Siargao kaya mahirap makakuha ng flight.

Ilang sandali pa ay tinawag na ang flight namin. Nakakahiya dahil puro lalaki ang kasama ko, mabuti na lamang at nandito si Kuya Ethan.

"This is gonna be a good day for you, baby." Bulong ni Kuya Ethan na hindi ko manlang naintindihan dahil sa unti unting pagtaas ng eroplano ay nabibingi ako. "What?!" Hiyaw ko, ngumisi siya at umiling.

__

"Paano? Mauna na kami sa inyo?" Paalam nang isang kaibigan ni Kuya Ethan nang makarating kami sa General Luna, may mga motor na silang gagamitin papunta sa isla ng Siargao.

Masakit ang katawan ko dahil medyo nangawit ako sa eroplano kahit pa dalawang oras lang ang ibiniyahe namin.

"Sure, papunta na rin naman yung motor na susundo sa amin." Ani Kuya Ethan saka nakipag high five sa kaibigan.

Mabilis na pinaharurot ng mga kaibigan niya ang motor palayo sa amin.

"Gusto mong softdrinks?" Tanong niya, umiling ako at humawak sa batok ko. "Nangalay ako sa biyahe, parang gusto kong matulog na Kuya." Sambit ko.

"Come on, hindi ka nagpunta dito para matulog." Ngisi niya at ilang sandali pa ay nag ring ang cellphone niya kaya naman nagpaalam na muna siya sa akin na sasagutin ang tawag. "Si Ate Claire mo." May kinang sa mga mata niya nang sabihin niya iyon.

Napapangiti nalang ako dahil may mga tao talagang malaya nilang minamahal ang mga pinili ng puso nila. Yung sa akin nalang yata ang hindi magiging malaya dahil bawal na pag ibig.

"Kalokohan mo, Althea." Bulong ko sa sarili ko at pinag masdan ko na lamang ang mga motorsiklo na kung tawagin nila dito ay habal habal, may mga sakay iyon at parang ang sarap maexperience na sumakay doon.

First time kong makarating dito pero nakwento sa akin noon ni Monet na maganda daw sa lugar na ito. Maraming dumadayo dito lalo na ang mga surfers dahil sa cloud 9 dito sa Siargao, malakas daw ang alon at tuwing November ang surfing festival, gaya ngayon.

Bigla akong natigilan nang bumungad sa isipan ko ang mga surfers. Bigla kong naalala na mahilig magsasali si Tyler sa surfing competition! Napahinto ako sa pag iisip at bumilis ang kabog ng puso ko nang biglang may humintong kulay itim na bmw na motor sa harap ko. Sinalubong ng mga mata niya ang mata kong nanginginig sa kaba dahil sa kanya.

Naka-top less lang siya at maong pants, kita pa ang brand ng underwear na suot niya mula sa itaas ng pants niya. Inilayo ko ang mata ko sa katawan niyang natutuluan ng magulo at basang buhok niya.

"Tangina ka, Luke!" Sigaw niya na nagpalundag sa puso ko, pero sa akin nakatuon ang mga mata. May halong pagkainis ang mga mata niya. Bigla kong narinig ang pag ngisi ni Kuya Ethan sa likod ko.

Umakbay sa akin si Kuya Ethan, "Nga pala, isinama ko si Althea, naglalasing sa bar eh. Baka mamaya mapormahan itong pinsan ko doon, mahirap na." Natatawang kwento ni Kuya Ethan na naging dahilan para mas lalong mag alab ang mga mata niya na sa akin pa rin nakatitig. Nangangatog ang binti ko dahil sa pagtitig niya!

"Mauna na ako, sasakay nalang ako ng habal habal. Hindi tayo kasya diyan." Paalam ni Kuya Ethan sa amin pero hindi pa rin siya tinitignan ni Tyler.

Lumunok ako ng sunod sunod dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang pagtitig niya sa akin. "Sumakay ka na." Mariin na sambit niya saka nag iwas ng tingin sa akin. Lumunok ako saglit bago sumakay doon sa likod niya. Dahan dahan kong ikinapit ang dalawang kamay ko doon sa balikat niya but at the end napayakap ako sa baywang niya nang paandarin niya iyon ng pagkabilis bilis!

Hindi ko maipaliwanag yung kaba ng puso ko ngayong dama ko yung mainit na pangangatawan niya! Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami sa isla.

Maraming turista ngayon, hindi ko na masyadong mapagmasdan ang buong paligid dahil sa pagmamadali kong sumunod kay Tyler patungo sa resort.

Isla Cabana Tropical Island Resort.

Iyon ang nakasulat sa labas bago ako makapasok sa loob.

Dumiretso kami sa isang villa at pagkapasok ko doon ay nakakalat ang mga gamit niya pang surf niya sa sala, sumunod siyang pumasok sa isang kwarto kung saan may mga damit siya sa kama. Isa isa niyang dinampot iyon at nilagay sa malaking back pack niya.

"Tyl--"

"Damn it, Althea!!" Sigaw niya na nagpapitlag sa akin! Ibinato niya sa sahig ang isang damit na dinampot niya sa kama at masamang tumitig sa akin!

"Ilang beses ko bang sinabing h'wag kang mag iinom sa labas?! Bullshit! Gaano ba kahirap intindihin ang tagalog ko?!" Sunod sunod na pagmumura ang ginawa niya kasabay non ang pagkuyom ng kamao niya.

Lumunok ako at napakagat ako sa ibabang labi ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil sa kaba, "I'm sorry, hindi naman ako lasing." Sambit ko nang imulat ko ulit ang mata ko.

Naningkit lalo ang singkit niyang mata at maging ang dimples niya ay mas lalong lumalalim dahil sa pag sigaw niya. Yung litid sa leeg niya ay kita ko na ang galit, maging ang pag galaw ng adams apple niya dahil sa sunod sunod na paglunok ay napansin ko. "Hindi pa, Althea Lauren! Hindi pa! Paano kung wala doon si Luke? Are you out of your fucking mind?!" Mura niya na biglang nagpaiyak sa akin! Ewan ko, sumasakit ang dibdib ko sa pagmumura niya.

"Fuck!" Angil niya saka ibinato ang mga gamit na kanina ay sinasamsam niya. Lumabas siya ng kwarto at padabog na isinara ang pintuan!

Hindi ko maintindihan kung ano bang kinaiinit ng ulo niya? Dahil lang ba sa pag inom ko kaya siya magagalit ng ganon? Mas matatanggap ko pa ang pagmumura niya kung ang rason ay ang pag iwan ko sa kanya doon sa Zambales. Ilang sandali pa ay may kumatok sa kwarto kaya naman padabog kong pinunasan ang luha ko bago ko pinag buksan iyon.

"Kuya.."

"Inaway ka ni gago?" Usisa ni Kuya Ethan na ngayon ay naka beach short at sando na. Umiling siya, "Nga pala." Patuloy niya at inabot sa akin ang tatlong supot na may lamang damit.

"Nabili ko lang yan sa bayan, kung nasa Manila tayo, mabilis ma-contact si France para sa damit mo." Aniya.

"Okay lang, Kuya. Salamat." Sabi ko bago pa siya nagpaalam na aalis na.

Masama ang loob ko ngayon sa kanya dahil sa pagmumura niya sa maliit na bagay lamang. Nakaupo lang ako ngayon sa beach sand suot ang maikling beach short na binili ni Kuya Ethan pati ang two piece na itim. Isinama ako ni Kuya Ethan dito sa isla kung saan nandito ang tinatawag nilang cloud 9, kung saan malakas ang alon para sa mga surfer na gaya ni Tyler. Maraming tao ang nagkakagulo dahil sa surfing festival, handa ang mga surfer dala dala ang kanya kanyang skimboard. Narinig ko ang ingay ng isang grupo kung saan nandoon si Kuya Ethan at ang mga kaibigan niya.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siya na naglalakad, suot niya ang kulay puting beach shorts, nakatopless siya kaya naman kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan niya.  Kunot ang kanyang noo habang dala dala ang skimboard niya. Kulay blue iyon na may halong white, sa itaas noon ay nakaukit ang DTC sa gitna noon ay nakasulat ang 'Born at sea'. Pero ang nakapag pakunot ng noo ko ay ang maliliit na drawing na eroplanong papel doon na siyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko.

Bigla siyang napabaling sa akin at mas lalong kumunot ang noo niya, lumunok ako ng sunod sunod nang magtagpo ang mata naming dalawa. Hindi biro ang pagtindig ng balahibo sa batok ko dahil pagtitig na iyon. Umiling siya na para bang dismayado siya.

Sumigaw na ang host para sa festival na ito na magsisimula na ang event. Nag sigawan ang mga kababaihan at halos pangalan lang niya ang naririnig kong isinisigaw ng lahat. Nag echo ang boses ng judge mula doon sa maliit na kubo kung saan doon nila pinapanood ang mga surfer. Sinabi na nito ang judging criteria.

"The judges are looking for major manoeuvres, variety of maoeuvres, the speed, at huli ang power and flow with the waves." Yon ang narinig kong sabi ng isang judge.

"Go! Tyler! Show us your sexy bottom turn move!" Hiyawan ng mga babae na mukhang nahihiling din sa surfing.

Mas naiingayan pa ako sa kanila kesa sa announcer. Nagsimula na ang competition at naunang sumabak si Tyler kung saan siya pala ang defending Champion.

Sinimulan niya ang pag dive doon sa skimboard niya kasunod non ang pag drop in niya sa skimboard at nang simulan niya ang tinatawag nilang sext bottom turn move ni Tyler ay halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan!

"10 points for the bottom turn of our defending champion!"

Ang kaninang seryosong mukha ni Tyler ay napalitan ng pilyong pag ngisi niya nang sinubukan niyang salubungin ang mataas na alon at kasabay non ang magandang pagbagsak niya na hanggang ngayon ay matikas na nakatayo pa rin sa skimboard!

Napatayo na rin ako dahil sa husay niya! Hindi ito ang unang beses na napanood ko siyang mag surfing pero mas lalo siyang gumaling! Hindi ko mapigilan ang malapad kong ngiti dahil sa husay niya, hindi ko na rin namalayan na napapalakpak na ako dahil excitement.

"Ang galing!" Hindi sinasadiyang sigaw ko!

Nang matapos siya ay kaagad siyang sinalubong nila Kuya Ethan. Pinagmumura siya nito dahil sa galing. Ang mga kababaihan naman ay pilit siyang nilalapitan, pero kinabahan ako nang dumako ang tingin niya sa akin.

Walang pasubali siyang humakbang patungo sa akin? Sa akin nga ba? Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao doon. Bitbit niya ang kanyang skimboard nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay hinila niya ako sa aking kamay at nagpatianod na lamang ako kung saan siya patungo. Ramdam ko ang mainit na pagtitig sa amin ng mga tao sa paligid pero mukhang walang pakialam doon si Tyler.

Tumigil kami doon sa isang rest house at iniharap niya ako sa kanya. Mabilis ang paghinga niya pero ang mga mata niya ay malalim ang pagtitig sa akin. "Ulitin mo yon." Biglang sambit niya na nagpaawang sa labi ko.

"Ha?"

"That smile!" Hinihingal na sigaw niya.

"S..smile?" Ulit ko?

"Come on, Al, ngumiti ka ulit! Kagaya ng pag ngiti mo kanina habang pinapanood mo ako. Yung ngiting para sa akin!" Hindi mapakaling sambit niya, binitawan na niya ang kanyang skimboard at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko dahilan upang mapatingin ako sa braso niyang lalaking lalaki dahil sa ganda ng hubog.

"Ngu..ngumiti ako dahil ang galing mo kanina." Paliwanag ko. Ngumisi siya na para bang kanina ay hindi siya nagalit sa akin!

"Kaya nga ulitin mo! Gusto kong makita ulit." Para siyang bata na may kung anong hinihiling, hindi ko napigilan ang unti unting pag ngiti dahil sa inaasta niya ngayon.

"Oh, fuck. You're smiling at me." Paos na bulong niya at naramdaman ko ang pagpisil niya sa magkabilang braso ko. Nanginginig ang dalawang mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Ganoon katindi ang epekto ko sa taong ito at ipinagwawala iyon ngayon ng puso ko.

"Tyler..." Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang tinawag. "Al, that smile of yours is driving me crazy. Damn it, para sa akin yon." Gigil na sambit niya na nagpalambot sa puso ko.

Pero ang ngiti niya ay mabilis na napalitan na naman ng lungkot. Dahan dahan niya akong binitawan, "Para sa akin ang mga ngiti mo, pero bakit hindi mo magawang lumaban." Aniya na nagpakirot sa puso ko, dinampot niya ang skimboard niya at tinalikuran ako.

Buong akala ko ay iiwanan niya ako pero bumilis ang pintig ng puso ko nang magsalita siyang muli.

"Ayaw mo ba talagang subukan?" Ang kaninag excited na boses niya ay bumalik sa pagkamalamig. Kumirot ang puso ko at parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Natatakot ako." Nauutal na bulong ko, hindi ko alam, pero natatakot talaga ako.

Natatakot akong sumugal kahit na gusto ng puso ko, ngunit ayaw ng puso ko. Muli siyang humarap sa akin at tinitigan akong muli sa aking mata. Yung mga titig niyang para bang hinihila ako patungo sa kanya.

"Masisira ang pamilya natin, magugulo ang tahimik na mundo natin." Hindi ko alam pero may tumulong luha mula sa mata ko.

Ngumisi siya ng mapait, "Pero mahal mo ako." Hindi iyon isang katanungan kundi pagpapaalala niya sa akin. At yung mga mata niya ay hinihintay ang pag sang ayon ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumunok bago ako tumango na siyang mas nagpanginig sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim.

"Al, when you decide to fall in love you need to accept the reality that your life won’t be normal anymore. May magugulo may masisira, ganyan ang pagmamahal, Sweetheart, pwedeng baguhin ang lahat." Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin.

"Subukan mo naman." Pakiusap niya na mas lalong nagpalambot sa puso ko.

"Paano sila Mama? Sila Daddy?!" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Binitawan niyang muli ang skimboard niya at lumapit siya sa akin upang punasan ang luha ko. Yung malambing na paghaplos niya sa pisngi ko ang mas lalong nagpaiyak sa akin dahil mas nakumpirma kong mahal ko nga talaga siya.

"Just hold my hand, Sweetheart. Pinapangako ko sayong kaya kong ayusin ang lahat." Pangako niya sa akin.

Hindi ko na maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na ito. Pinapalaya ko na bang talaga ang kinikimkim ng puso ko?

"Subukan mo lang. Two days, Al. Two days sa islang 'to. Ikaw at ako lang, walang iba. Palayain mo ang pagmamahal mo para sa akin at kapag natapos na ang dalawang araw na yon, saka ka magdesisyon kung sasamahan mo akong ipaglaban lahat ng ito." Aniya, pumikit ako at marahang tumango bilang pag payag.

"I'm ready for war, Sweetheart."

"I will fight for you. Tandaan mo, hindi mo ako basta basta mapapasuko. Lalo na ngayong, alam kong mahal mo rin ako."

****

AN: I'M REALLY SORRY! Yes, I know, sobrang tagal. Huhuhu. I'm sorry, babies. Pero tatapusin ko naman talaga lahat ng nasimulan ko nang story. Salamat ng marami sa mga taong nandiyan pa rin hanggang ngayon para sa akin.

Love lots.

Ate Ash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top