DTC-ALC: Finale
Dedicated ito sayo @Akira_Elle oh eto na kras! Naku naku hahaha! Ewan ko sayo. Salamat kras! Love you! Thank you din sa inyo Sandykrungs sa paniniwala na matatapos ko ang story na ito. Sayo, shienemoj sa tiwala mo rin hehe.
At sa inyo po, pasensya na kayo natagalan ang update, nahirapan kasi akong isulat ang Finale dahil ang hirap nilang bitawan hahaha. Tapos nagka problema pa sa MS Word ko, buti nalang to the rescue yung napakabuti kong kapatid. Whahahaha.
Salamat sa lahat ng sumuporta ng JBIAG kahit na ang tagal nitong na-on-hold. Sobra sobrang salamat. Huhuhu.
May Epilogue pa ha?
Love you, Sweethearts! <3
FINALE
DTC-ALC: FINALE
Unrequited love is so painful. 'Yun kasi ang naramdaman ko nang sinimulan kong mahalin si Althea, wala na yatang mas sasakit pa sa katotohanang ako lang ang may nararamdamang pagmamahal para sa aming dalawa.
Sabi nila, kung hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo ay maghanap ka nalang ng iba na mamahalin ka rin. Pero hindi kasi uubra sa akin 'yon.
I know it's painful, pero sinubukan kong ipaglaban. Ano ngayon kung hindi niya ako mahal? Susubukan ko pa rin. Baka sakaling sa pagmamatigas kong ipaglaban siya ay matutunan niya rin akong mahalin. Kaya naman hindi ako sumuko, nagpatuloy akong umasa na isang araw ay malalaman niyang mahal niya rin pala ako.
I just can't imagine my life without her. Pakiramdam ko kasi napakahirap at napakalungkot. Kaya naman lahat ng pwede kong isugal, isinugal ko na masigurado ko lang na sa akin siya babagsak. Noon pa man ay ibang iba na ang tama ko sa kanya, para bang kahit anong hilingin niya ay kakayanin kong ibigay.
I feel so lucky and honored to be in love with her with all of my heart, dahil alam kong siya ang una at huli kong mamahalin ng totoo sa buong buhay ko.
She have no idea how much my heart races every time I see her, nakakagago pero natutunan ko nang habulin ang paghinga ko sa tuwing nagwawala ang puso ko para sa kanya. Lalong lalo na nung mga panahong hindi ko pa siya abot kamay. Yung malambing niyang mga mata ay hinihiling kong sa akin lang tumitig palagi, yung labi niyang manipis gustong gusto kong atakihin ng halik noon pa man, pero sobrang pagtitiis ang ginawa ko na huwag hawakan ni dulo ng daliri niya.
That's why, I made a promise to myself, na kapag hinayaan na niyang mahalin namin ang bawat isa, lahat ng espesyal na halik ay ibibigay ko sa kanya. I will shower her with kisses everyday for the rest of her life.
Lahat ng mahihigpit na yakap ipaparamdam ko sa kanya, hanggang sa hindi na rin niya ako makayanang bitawan pa. I'll make sure na mahihirapan siyang bitawan ako kapag naramdaman na niya ang pagmamahal ko at hinding hindi ko rin naman siya bibitawan o iiwanan.
Ngayon ay nangyayari na lahat ng kahibangan sa isipan ko. Ang sarap lang sa puso yung maramdamang mahal niya rin ako.
At heto na siya ngayon, binibigyan ako ng isang sorpresa na kailanma'y hindi ko maisipang magkakatotoo.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya kahit pa gustong gusto nalang ng katawan ko na ikulong siya sa bisig ko. Para akong sira ulong umiiyak pero ngiting ngiti.
"Bakit ka ba umiiyak?" Suway niya sa akin saka pinunasan ng malambot niyang kamay ang luha sa aking pisngi habang nakatingala siya sa akin.
Ngumisi ako at kinagat ko ang aking ibabang labi, "Wala. Ang tagal ko lang pinangarap lahat ng 'to." Hindi makapaniwalang bulong ko saka yumuko ako dahil nararamdaman ko yung pag iinit ng mukha ko dahil sa hiya.
Narinig ko ang magandang pag ngisi niya at pinilit niyang pag-tagpuin ang mga mata namin. "Kung ito ang palaging magpapangiti sayo, hinding hindi ako magsasawang sorpresahin ka sa araw araw." Ang hirap huminga! Hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil sobra yung ligayang pinapadama niya sa akin ngayon!
Hindi ko na napigilan yung sarili ko, ikinulong ko ang pisngi niya gamit ang dalawang palad ko at siniil ko siya ng napakalalim na halik! Naramdaman ko ang pagtapak ng paa niya sa ibabaw ng paa ko upang mas maabot ang labi ko.
Marahan siyang humiwalay sa akin at muli kong nakita ang paghahabol niya ng paghinga dahil sa halik na ibinigay ko.
Tumawa ako at hinalikan ko ang noo niya. "I love you." Bulong ko saka niyakap ko siyang muli, nakatuon ang ulo niya sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.
"Tyler?" Biglang usal niya. "Hmm?"
"S...sino ang first kiss mo?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa tanong niya.
"Why?" Ngisi ko.
"Ang galing mo kasing humalik, kaya siguro ang daming nahuhumaling sayo." Ramdam ko ang hiya sa boses niya pero baliwala sa akin 'yon.
Humiwalay ako sa yakap naming dalawa at inayos ko ang ilang strands ng buhok niya. Lahat yata ng mayroon siya sa kanyang katawan ay kinababaliwan ko.
"Lahat ng galing ko inipon ko para maibigay sayo." Ngisi ko, hinampas niya ang dibdib ko saka sinamaan ako ng tingin. "Sinungaling, ang dami dami mong babae noon!" Bulyaw niya na nagpatawa sa akin.
"But, that doesn't mean na hinalikan ko sila kagaya ng paghalik ko sayo ngayon, yung masarap na halik na punong puno ng pagmamahal." Paninigurado ko na nagpapula sa kanyang mukha.
Tumikhim siya at pilit iniiwasan ang malalim na pagtitig ko sa kanya.
"I..ikaw yung first kiss ko, kaya gusto kong malaman kung sino ang sayo." Bulong niya saka akmang tatalikod sa akin pero hinila ko siya sa pulso at pilit kong pinagtagpo ang mata naming dalawa.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Maniwala ka man o sa hindi, Althea. Ikaw ang kauna-unahang babaeng nahalikan ko."
"Narinig ko yung Ate ko, sabi niya kung sino ang first kiss mo. Siya ang makakasama mo habang buhay!" Hindi ko maiwasang hindi makinig sa usapan ng mga kaklase ko sa likod ko ngayong naglalakad na ako palabas ng school.
"Hindi totoo yan noh! Kung sino ang totoong mahal ka, 'yon ang makakasama mo habang buhay!" Pagtutol ng isa.
"Ang babata niyo pa pagmamahal na kaagad ang tumatakbo sa isip niyo! Magsipag aral kayong mabuti ng sa gano'n ay makatulong kayo sa mga magulang niyo!" Narinig kong pagalit ng isang teacher dahilan para magulat sila.
Napailing nalang ako at nagmadali nalang umuwi.
"Tyler, anak, aalis lang kami ng Daddy mo, bantayan mo si Althea. Okay? And please, stop fighting with your sister." Pakiusap sa akin ni Mama habang inaayos ang buhok sa tapat ng salamin.
"Okay," Walang ganang sagot ko dahil yan naman ang palaging sinasabi niya kapag umaalis sila ni Dad. Madalas kasi sila sa Manila dahil sa trabaho, kaya naman kami lang ni Althea ang naiiwan dito kasama ang Yaya namin.
"Kapag nagutom kayo, may pagkain pa sa ref. Ipainit mo nalang kay Yaya niyo, okay?" Bilin niya na tinanguan ko nalang.
"Bye! Tyler!" Magkasabay na sigaw ni Mama at Dad mula sa loob ng sasakyan bago pa ito tuluyang umandar. Nang makalabas na sila ng resort ay mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa taas kung saan ang kwarto ni Althea! Kailangan ko siyang mabantayan!
"Althea!" Sinubukan kong siglahan ang boses ko para lang tabunan ang kumakalabog sa dibdib ko. Damn it, fourteen years old palang ako para makaramdam ng ganito at hindi ko alam kung paano ba ang gagawin ko upang matakasan ito.
"K...Kuya." Napahinto ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya nang makita kong balot na balot ng blanket ang buong katawan niya. Humakbang ako palapit sa kanya. "Kuya, ang sakit ng ulo ko. Ang lamig lamig pa." Umiiyak na sabi niya habang nakapikit, hinawakan ko ang noo niya at parang napaso ako dahil sa sobrang init niya!
"You're sick!" Sigaw ko.
"Kukuha kita ng gamot." Pahabol ko pero hinila niya ang braso ko, "Kuya, huwag mo akong iiwanan. Natatakot ako." Pakiusap niya at napatingin ako sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko, nagsimula na naman ang pagwawala ng puso ko.
"Kailangan mong makainom ng gamot." Sabi ko sa kanya, umiling iling siya saka mas hinigpitan ang kapit sa akin. "Kapag iniwan mo ako dito, hindi na kita papansinin kahit kailan, Kuya!" Pagbabanta niya na nagpakaba sa akin ng sobra, kahit pa palagi ko siyang dinededma at tinataboy, ayokong mawala siya sa tabi ko.
Huminga ako ng malalim saka naupo sa gilid ng kama niya habang hawak hawak niya ang braso ko. "Alright, matulog ka nalang muna. Mamaya siguro ay maiisipan nang umakyat ni Yaya dito, ipapakuha kita ng gamot." Sabi ko sa kanya, tumango siya at muling ipinikit ang mata habang nakahawak pa rin sa akin.
She's really beautiful. Hindi ko talaga mapigilan yung umiingay sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi na normal ang pagtibok nito.
Ngayong nahihimbing na siya sa pagtulog ay hindi ko na naman maiwasan na pagmasdan mabuti ang maamo niyang mukha. Napalunok ako nang tumama ang pagtitig ko do'n sa manipis niyang labi at naalala ko yung sinabi ng mga kaklase ko kanina.
"Gusto kong ikaw ang makasama ko sa habang buhay, Althea." Bulong ko saka kinuyom ko ang kamao ko.
First kiss? Para makasama siya sa habang buhay.
Totoong mamahalin ka? Para makasama rin siya sa habang buhay.
Damn it, totoo yatang mahal ko siya kahit sa ganitong edad palang. Pero paano ko masisiguradong ako ang pipiliin niyang makasama sa habang buhay?
Para akong tanga na luminga sa may pintuan at siniguradong walang tao. Nang muli akong bumaling sa kanya ay lumunok ako ng sunod-sunod.
"I...I'm sorry." Bulong ko at sandali kong pinagdikit ang labi naming dalawa saka mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto niya saka tinawag ko ng malakas ang Yaya namin upang sabihing may sakit si Althea!
__
"Ano ka ba naman, Monet? Bakit kailangan ko pang magpa-check up?" Bulyaw ko sa kanya dahil hila hila na niya ako ngayon dito sa ospital. Huminto siya paglalakad at namewang saka hinarap ako.
"Althea Lauren, ang tigas ng ulo mo. Hindi biro ang pagkakahimatay mo kanina sa board meeting." Pagsusungit niya sa akin habang nakataas ang isang kilay, bigla nalang kasing nagdilim yung paningin ko nang matapos yung meeting namin.
Huminga ako ng malalim saka hinampas ko siya sa braso, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako nakapahinga ng maayos kagabi dahil tinapos ko yung report para sa kaninang board meeting." Paliwanag ko sa kanya.
Tumawa siya ng mapait, "At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Come on, Althea, ikaw yung kilala kong kahit bigyan mo ng napakaraming paper works ay hindi magkakasakit. Tingin ko nga sayo super hero ka eh! Pero hindi ngayon, Althea, makinig ka sa akin kung ayaw mong isumbong kita sa jowa mo!" Suway niya saka nagpatianod nalang ako sa paghila niya sa akin patungo sa kaibigan niyang Doctor.
Panay ang pananakot niya sa akin na isusumbong niya ako kay Tyler kapag hindi ako pumayag na magpa-check up. Ayoko nang dumagdag pa sa stress ni Tyler, dahil ilang linggo na rin siyang sobrang abala sa trabaho niya. Halos hindi na nga kami magkita sa gabi, darating siya minsan sa unit ko tulog na ako o di kaya naman ay may out of town siya. Naging sobrang busy kasi siya lalo, simula nang tumungo ng Japan sila Dad.
Matapos akong kuhanan ng blood test ay niyaya ko na munang kumain si Monet sa isang fast food restaurant. Panay ang ngisi niya habang nakatuon ang tingin do'n sa cellphone niya ngayong ngumunguya nguya siya ng burger.
"Ano bang tinatawa tawa mo diyan?" Pang iistorbo ko sa kanya, nag angat siya ng tingin sa akin at ipinakita ang cellphone niya.
"Yung jowa mo. Nagtatanong kung kinakahiya mo daw ba siya? Bakit daw hindi mo siya i-tag sa mga facebook status mo tungkol sa kanya. Eh, obvious naman na para sa kanya 'yon." Umiling iling si Monet at namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan, kaagad kong kinuha ang cellphone ko.
"Cheesy mo palang ma-in-love talaga, Althea." Panunuya niya sa akin.
"Monet!" Hiyaw ko dahil sa pagkapahiya. Pero ang totoo ay hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit sobrang gusto kong iparamdam ng sobra sobra ang pagmamahal ko kay Tyler.
"Hey! Ikaw! Ano 'to?!" Sigaw niya at muling ipinakita sa akin yung cellphone niya at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang picture na in-upload ni Tyler ngayon ngayon lang! Nakayakap ang binti ko sa binti niya!
Bakit niya inupload 'yon? Nakakahiya!
"Umamin ka nga! Anong namimiss ang mga yakap ng binti mo?! Siguro nag ano na kayo noh?!" Sigaw niya at nanlaki ang mata ko saka luminga linga sa mga katabi naming table na sandaling napatingin sa puwesto namin ni Monet!
Nagtakip ako ng mukha gamit ang kaliwang kamay ko. "Monet! Ang ingay mo!" Suway ko sa kanya, sumilay ang ngiti sa labi ni Monet na may halong pang aasar.
"Sarap ba?" Panunuya niya pang lalo sa akin!
Pinandilatan ko siya ng mata saka inirapan, pero tinawanan niya lang ako. Itinuon ko ang mata ko sa cellphone ko at sinagot ko ang comment ni Tyler sa post ko.
Althea Lauren Reyes
December 20 at 1:25 PM
When I say "I love you". I mean every word of it...
Drake Tyler Cortezano: Bakit hindi mo ako tinatag? Kinakahiya mo ba ako?
Like · Reply ·
Althea Lauren Reyes: No! Syempre hindi.
Like · Reply
Drake Tyler Cortezano: Then, tag me in your facebook status, Sweetheart.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa huling comment niya, para bang nadidinig ko ang pagbabanta do'n, dali dali akong nag-status ng panibago at tinag ko siya. Nakakaramdam ako ng hiya dahil hindi naman ako sanay na nag-popost ng mga ganito. Pero, pakiramdam ko kasi ay ito ang mga pagbawi ko para sa kanya at natutuwa ako dahil ramdam kong napapasaya ko siya sa simpleng bagay na ginagawa ko.
Althea Lauren Reyes is with Drake Tyler Cortezano.
December 20 at 1:46 PM ·
I love you so much and I won't stop loving you, until I've made sure that you're the happiest man on earth.
Drake Tyler Cortezano: I am the happiest man alive, Sweetheart.
Like · Reply ·
Bigla akong napatungga sa tubig na nasa harap ko dahil sa comment niya! Alam na alam niya kung paano palulundagin ang puso ko, wala na akong ibang naireply sa kanya kundi puro tuldok nalang.
Bigla akong natauhan nang marinig kong tumikhim si Monet, nagtaas ako ng tingin sa kanya at naglalaro sa mata niya ang panunuya na naman sa akin.
"Ayoko nang mag-facebook. Baka kagatin ako ng langgam." Ngisi niya na mas lalong nagpapula sa mukha ko!
Umubo ako ng sunod sunod, "Tara na! Baka ready na yung result ng blood test!" Bulyaw ko sa kanya saka nauna na akong lumabas ng fast food restaurant. Narinig ko namang sumunod sa akin si Monet na panay ang halakhak, ibinitin niya ang braso niya sa braso ko at nakangisi niya akong sinabayang maglakad.
"Haaay, kailan kaya ako magkaka-boyfriend ulit!" Pahabol na pang aasar pa niya sa akin saka nagpatuloy na kami sa loob ng ospital.
---
"Oh my God!" Sigaw ni Monet habang nakatakip pa ang isang kamay sa kanyang bibig at nanlalaki ang mata!
Ako naman ngayon ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso. Lumunok ako ng sunod sunod at muling bumaling sa Doctor na kaibigan ni Monet.
"A..ano po ulit yun, Doc?" Pag uulit ko dahil hindi ko halos mapaniwalaan ang naririnig ko ngayon.
"You're pregnant, Ms. Reyes." Ngiting ngiting balita niya sa akin, muli akong napalunok at napakurap kurap dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Ha? P..paano nangyari 'yon?" Wala sa sariling tanong ko dahilan para matawa si Doctora sa akin, maging si Monet ay natawa na rin.
Umiling iling ako, "What I'm trying to say is, parang ang bilis naman yata Doc? Parang isang buwan palang po ang lumipas, saka isang beses lang po 'yun nangyari!" Kabadong sambit ko, ngumiti si Doctora.
"If you happen to have sex on the same day as you have ovulates, then pwede kang mabuntis on the same day. But if you don't ovulate the same day you have sex, sperm can live for up to three days. So, pwede ka namang mabuntis maybe after two or three days." Malinaw na paliwanag niya sa akin at naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa sobrang kaba!
"Hindi lahat ng isang beses lang ay safe, lalo na kapag sharp shooter ang namimigay ng lahi." Pagbibiro ni Doctora saka nagsulat ng kung ano do'n sa reseta, nagkatinginan kami ni Monet at kita ko sa mukha niya ang excitement. Samantalang ako naman ay kinakabahan at natatakot. Kaya ko ba? Kaya ko bang maging isang mabutinng magulang?
"Ire-refer kita sa kaibigan kong OB, do'n ka na magpapa-monthly check up. For now, bibigyan kita ng vitamins para maging healthy ang pagbubuntis mo. Avoid mo rin ang stress, okay?" Sambit ni Doctora saka iniabot sa akin ang ilang papel.
Nagpasalamat na kami ni Monet sa kanya at nakatulala pa rin akong naglakad.
"Dapat malaman na ni Tyler, 'to!" Sigaw niya saka akmang may ida-dial do'n sa cellphone niya! Mabilis kong hinablot 'yon sa kanya.
"Hindi! Hindi pa dapat niyang malaman!" Suway ko kay Monet, bumagsak ang balikat niya at ngumuso siya. "At bakit? Hoy, Althea, huwag mong sabihing nagpalahi ka lang kay, Tyler?" Sambit niya na hindi ko naiwasang tawanan.
Tinapik ko ang pisngi niya, "Baliw ka na naman, Monet. Ayoko lang malaman niya muna dahil ilang linggo na niya akong inaasar na may laman ang matres ko." Kwento ko na nagpaawang sa bibig ni Monet.
Naglakad na kami palabas ng ospital at tumungo na kung saan naka-park ang kotse niya.
"So, ibig sabihin sinadiya niya talaga na mabuntis ka? Naninigurado ang loko at ang galing ha? Isang bayuhan lang?" Halakhak ni Monet sabay pinaandar ang sasakyan niya, hinampas ko siya sa braso niya.
"Ang bastos ng bunganga mo, Monet!" Suway ko sa kanya pero tumawa lang siya ng malakas.
"Alright, hindi ko sasabihin, pero kailan ang plano mo?" Usisa niya sa akin, bigla akong napangiti dahil naalala kong malapit na ang birthday niya. Ito na yata ang masasabi kong magandang regalo na maibibigay ko sa kanya.
Wish granted ang hiling ng loko.
"Sa birthday niya, tatawagan ko rin sila Cash at Axel para i-surprise siya." Alam na rin kasi nila Cash ang tungkol sa amin ni Tyler, noong una ay nagulat sila pero kalaunan ay naintindihan na rin nila ang lahat. Si Kate lang yata ang hindi matanggap ang relasyon namin ni Tyler dahil malaki talaga ang pagkakagusto niya dito, pero wala na akong pakialam pa kung sino ang ayaw o hindi dahil ang importante naman ay totoo ang pagmamahal na mayroon kami ni Tyler para sa isa't isa.
Napapangiti talaga ako kapag naiisip ko ang magiging reaction ni Tyler.
Alam kong nakakatakot maging isang ina, pero gagawin ko ang makakaya ko para mapalaki ng maayos ang magiging anak namin. Hinaplos ko ang tiyan ko at nakangiting tinitigan ang mga sasakyan sa labas.
----
"Sigurado ba kayo dito?" Paninigurado ko kela Cash dahil pinasuot na nila sa akin ang isang puting tshirt, na may naka-drawing na eroplanong papel at nakaangkas do'n ang isang baby, sa pakpak naman ng eroplano ay nakasulat ang 'See you soon, Daddy the player!' Lahat ng ito ay ideya nila Cash na ngayon ay pinagtatawanan ni Monet at Tita Leny.
Dito ko na pinagpasko si Tita Leny dahil ito ang unang pasko na magkakasama kaming dalawa. Masaya din daw siya para sa akin dahil magkakaroon na ako ng sariling pamilya na maitatawag kong akin.
"I'm sure na mahahalikan ka sa tuwa ng gago na 'yon." Ngisi ni Cash saka akmang aakbay kay Monet na mabilis na hinampas ni Monet saka inirapan siya.
Nagtawanan naman kami dahil sa kapilyuhan nitong si Cash.
"Basta, Althea, kunyare maiinitan ka. Huhubarin mo yung jacket mo sa harap niya. Make sure na nakatingin siya para kitang kita niya yung nakasulat!" Pagtuturo ni Axel na nginisian ko naman.
"Lalabas na muna kami nila Tita Leny, tapos babalik kami kapag nagkamabutihan na kayong dalawa! Huwag na munang i-score ha! Baka maging kambal pa 'yang inaanak namin!" Pang aalaska pa ni Axel na naging dahilan para hampasin ko siya.
"Oh, sige na! Baka maabutan pa kayo ni Tyler!" Suway ko sa kanila saka sabay sabay na silang lumabas ng unit ko.
Sandali ko munang tinignan kung kumpleto na ba ang mga pagkain sa mesa. Bukod sa pasko ngayon ay 28th birthday din niya, gusto kong maging memorable sa kanya ang taon na ito.
Hindi ko pa nasasabi kela Mama ang pagbubuntis ko dahil gusto kong sabihin iyon na kasama si Tyler.
Inaayos ko ang Christmas tree nang biglang bumukas ang pintuan ng unit ko, humarap ako at isang magandang ngiti ang bumungad sa akin mula kay Tyler. Messy ang buhok niya pero napaka gwapo niya pa ring pagmasdan, isabay mo pa yung napakalalim na dimples niya at ang medyo pagka chinito niya.
Naka-jacket siyang kulay itim at faded na maong pants, may dala dala siyang bulaklak na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya sa paningin ko.
Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Happy birthday, Sweetheart!" Sigaw ko habang yakap yakap ko siya, parang nagulat pa siya sa isinigaw ko kaya naman mabilis siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"Sweetheart?" Kumikislap ang kanyang mata nang itanong sa akin 'yon, ngumiti ako at tumango.
Napakaganda ng ngiti niya ngayon at para bang mas lalo akong na-i-in-love sa kanya. Pinisil niya ang ilong ko at iniabot sa akin ang bulaklak. "Thank you, Sweetheart and Merry Christmas." Bati niya sa akin at napapikit ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko.
"Ito yata ang first Christmas na magkasundo tayong dalawa." Paalala ko sa kanya, tumawa siya at hinapit niya ako sa bewang ko habang nakatingala ako sa kanya.
"Simula ngayon, lahat ng pasko o ano mang okasyon. Pinapangako kong magiging masaya tayo. At kahit walang okasyon, sisiguraduhin kong tayo ang pinaka masayang tao sa buong mundo." Litanya niya na nagpangiti sa akin, nakakatuwa pa ring isipin na ganito pala magmahal ang isang katulad niya. Yung tipong lahat yata ng magagandang salita ay nabitawan na niya.
"At bakit naman tayo ang pinaka masayang nilalang sa mundo?" Pang aalaska ko sa kanya, sandali niyang binasa ng dila niya ang kanyang labi bago sumagot sa akin.
"Kasi sayo ako, tapos sa akin ka. 'Yon na yata ang pinaka masayang katotohanan." Para siyang nananaginip ng maganda dahil sa pag ngiti nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.
Tumawa ako at tumingkayad upang maabot ang labi niya ng isang sandaling halik.
"Ang sarap naman non, natanggal lahat ng pagod ko mula sa trabaho." Aniya, halata ngang pagod siya. Ewan ko ba, noon pa man kahit pasko ay nagtatrabaho siya kahit half day lang. Pero mabuti na 'yon dahil baka mabuko niya ako sa pinaplano naming surprise nila Monet para sa kanya.
"Halika na nga at kumain na tayo." Sabi ko saka hinila ko na siya patungo sa kusina saka nag hain.
"Ang dami namang pagkain, saka nasaan si Tita Leny?" Usisa niya habang nakatayo do'n sa may gilid ng mesa.
"Ah, bumili lang saglit do'n sa babang convenience store ng softdrinks, nakalimutan kasi naming kumuha nung nag grocery kami." Pagbabaliwala ko sa tanong niya about sa maraming pagkain, dahil ang iba do'n ay dala dala nila Monet.
"Tatlo lang tayo, pero ang daming pagkain." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil mukhang hindi pa siya sumusuko tungkol sa mga nakahain sa mesa.
"Sila Mama ba tumawag na sayo?" Pagbabago ko ng usapan, narinig kong humakbang siya palapit sa akin at yumakap sa likod ko.
Nakahubad ngayon ang jacket niya kaya naman mas ramdam ko na ang init ng katawan niya.
"Nag-message siya sa akin, tatawag daw sila mamaya ni Dad via Skype." Sagot niya sa akin, napapitlag ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko.
"Tyler..." Nahihirapang suway ko sa kanya.
"Hmm? Sobrang namiss kita, ilang araw din tayong hindi nagkita." Bulong niya habang patuloy akong hinahalikan, laking pasasalamat ko dahil mabilis akong nakaharap sa kanya pero pinagsisihan ko 'yon dahil napasandal ako sa gilid ng lababo kaya naman mas lalo niya akong naikulong sa pagitan niya.
Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha, nginitian niya ako pagkatapos ay siniil niya ako ng napakalalim na halik na kaagad ko namang tinugon! Nakakabaliw ang paglalaro ng dila niya sa labas ng labi ko na para bang kumakatok 'yon upang makapasok sa loob.
"Ty—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabilis niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko, nanghina ang tuhod ko pero mabilis niya akong nahawakan sa kaliwang siko ko at mas pinasarap ang halik na ginagawa niya sa akin.
"Uhmm..." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang napaka-manly na ungol niya nang makagat ko ang dila niya dahil sa sarap ng halik na binibigay niya sa akin.
Narinig ko ang dahan dahan na pagbaba ng zipper nung suot kong jacket. Huminto siya sa paghalik sa akin at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa habang patuloy niyang hinuhubad ang jacket na suot ko, nagbaba siya ng tingin sa dibdib ko pero kumunot ang noo niya at bigla kong naalala yung nakasulat sa tshirt ko!
Ipinagpatuloy niya ang pagbaba sa jacket ko, tuluyan na niyang nabasa ang nakasulat do'n at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, kasabay no'n ang pagkislap ng mga mata niya! Nag angat siya ng tingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala.
"Sweetheart? B...buntis ka?" Nanginginig ang boses niya at biglang namasa ang paligid ng mga mata niya, ngumiti ako at biglang tumulo ang luha ko saka sunod sunod na tumango, magsasalita na sana ako pero napaawang ang labi ko nang makita kong may suot siyang kwintas na ngayon ko lang nakita at ang pendant no'n ay isang diamond ring, bumaba ang tingin ko sa suot niyang tshirt at halos mapasinghap ako nang makita kong may naka-drawing din na eroplanong papel do'n kung saan sa buntot nung eroplano ay may parang nakatali na tela na may nakasulat na...
Be the most beautiful bride in the world, Sweetheart, and marry me.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top