ALC: Kabanata 6
ALC: Kabanata 6
Nang kinaumagahan dahan dahan pa akong maglakad dahil sa takot na baka marinig ako ni Kuya na ngayon ay nakatungo doon sa gilid ng kama. Hindi na nga ako kumain kagabi dahil hindi rin siya umalis sa tabi ko hanggang sa doon na siya makatulog, ayoko naman siyang kausapin o harapin matapos ang mga nalaman ko.
Pero bigo ako dahil nagising siya at napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. "How are you feeling?" Namamaos ang kanyang boses dahil bagong gising pa lamang siya, kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinagsak ko ang balikat ko nang marinig kong naglakad siya papalapit sa akin.
Halos magtayuan ang balahibo ko nang hawakan niya ako sa balikat ko at hinarap sa kanya saka hinawakan ang noo ko. Laking pasasalamat ko na lamang dahil matangkad si Kuya at dibdib lang niya ang kapantay ng mga mata ko, hindi ko pipiliting matitigan siya dahil baka hindi kayanin ng takot kong pagkatao dahil sa mga narinig ko kagabi.
"Are you feeling better now? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong niya gamit ang nag aalalang boses habang nakalapat pa rin ang kanyang palad sa aking noo , mabilis kong hinawi iyon at tinalikuran siya!
"O..okay lang ako!" Sabi ko at nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko. Pero narinig kong sumunod pa rin siya sa akin.
Hinila niya ako sa braso ko. "Al, I'm sorry. Sorry kagabi, di ko sinasadiya. Nag alala lang ako sayo dahil gabing gabi na." Paumanhin niya at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang malamlam na pagtitig niya, hindi ko na alam kung paano pa ako aasta sa harapan niya gayong parang alam ko na kung anong dahilan ng ikinagagalit niya sa akin kagabi.
Alam kong imposible, pero bakit nakakaramdam ako ng takot? Bakit sa ikinilos at mga sinabi niya ay takot na takot ako.
"Are you sure?" Mangiyak ngiyak ang boses ni Mama nang itanong sa akin iyon, buo na ang pasya ko, pupunta ako ng Japan kung saan noon pa ako pinagbabakasyon ni Lola doon, Mama ni Daddy.
Tumango ako. "G..gusto ko po munang uniwas sa away namin ni Kuya, nakakapagod na rin pala Ma." Pagsisinungaling ko gayong ang nararamdaman ng puso ko ay puro takot.
Hinaplos ni Dad ang buhok ko, "Alright, mabuti na rin siguro na kahit tatlong buwan ay lumayo ka sa Kuya mo para naman maisip niya na mali ang pagtrato niya sayo." Suhestiyon ni Dad, tumango ako at lumunok ng sunod sunod.
"Mamaya ipapa-book kita ng flight sa secretary ko." Ani Dad, bumaling ako sa kanya at nakakahiya man ang hihilingin ko ay nilakasan ko na ang loob ko.
"Sana Dad kahit bukas na kaagad ang flight, gusto ko na talagang umalis." Sabi ko, kita ko ang pag aalala kay Mama.
Kung hindi ako lalayo, kailan pa? Siguro sa tatlong buwan na ititigil ko sa Japan ay maiisip ni Kuya na mali yung mga ginawa at sinabi niya nung gabing iyon.
Nang makarating na ako sa Japan ay nabalitaan ko kela Mama na panay ang pagdadala ni Kuya ng mga babae doon sa isang villa namin na madalas pag away nila ni Dad. Na sa tingin ko ay mas tama naman para tuluyan nang liparin ang damdaming palihim niyang sinabi sa akin.
Sa tingin ko naman ay hindi siya mahihirapang magkaroon ng nobya dahil kung tutuusin ay maraming naghahabol sa kanyang mga babae na hindi naman niya pinapansin noon. Marami siyang kaibigan oo, at puro babae yon, masyado kasing gentleman si Kuya na kahit magaan na bagay ay tutulungan niya ito na nagiging dahilan para mahulog sa kanya ang mga ito, pero sa akin ay hindi siya ganon, kahit makita niya pang nahihirapan ako ay hindi niya ako tutulungan.
Kaya sana naman, sana naman ngayon ay mabuksan ang isipan niya na mali. Na dapat ay sa ibang tao niya dapat ialay yung damdaming yon.
After three months ay napagpasiyahan ko nang bumalik ng Pilipinas pero hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa airport, hindi mapakali at palakad lakad doon. Mabilis akong nagtago at nang makakita ako ng taxi ay kaagad kong pinara iyon at sumakay na palayo sa lugar kung nasaan siya.
"Pasensya ka na talaga, pero ayoko na kasing bumalik sa Zambales." Paumanhin ko sa kaibigan kong si Monet nang abalahin ko siya sa condo unit niya dito sa Manila.
"Ano ka ba? Walang problema sa akin yon, saka isa pa mas gusto kong dito ka sa akin tumatakbo kapag nag aaway kayo niyang Kuya mong hilaw." Halakhak niya, hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing maaalala ko siya ay natatakot ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kahit na sino ang mga nalalaman ko.
"Alam mo, sayang yang kapatid mo eh. Gwapo na sana kaya lang napaka sama naman ng ugali. Nakwento ko na ba sayo na madalas kong nakikita sa bar yan? Iba iba ang kasamang babae, laklak dito laklak doon, kung makipag halikan akala mo mauubusan ng labi sa mundo." Kwento niya habang pinag hahain ako, nagkibit balikat ako sa ikinuwento niya kahit na umistambay sa utak ko ang sinabi niyang halik.
No..hindi niya dapat ginawa sa akin yon. Umiling ako at mariin kong ipinikit ang mata ko saka napag pasiyahang mag isip nalang ng iba pang bagay.
Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan panay na ang tawag sa akin nila Mama, nagpaalam ako sa kanila na ayoko na munang bumalik ng Zambales at kay Monet na muna ako magtitigil pansamantala, na sa tingin ko ay hindi nagustuhan nila Mama. Pinuntahan nila ako sa condo ni Monet at pinilit na pauwiin pero sa huli ay hindi ako pumayag, halos umiyak na ako at humagulhol h'wag lang nila akong pauwiin doon!
Malaki ang utang na loob ko sa pamilyang mayroon ako at hindi ako papayag na masira ang lahat ng yon dahil lamang sa takot kong harapin si Kuya.
"Anak..nandoon naman ako! Nandoon din ang Daddy mo, hindi naman kami papayag na awayin ka nang awayin ng Kuya mo." Umiiyak na pakiusap ni Mama, panay ang tulo ng luha ko at niyakap ko ang sarili ko saka umiling.
"Ayoko Ma, hindi ko na kayang kasama si Kuya sa bahay." Pagsisinungaling ko, kung tutuusin ay makakaya ko pang suyuin si Kuya, makakaya ko pa siyang makasama sa isang bahay. Pero ang magtigil ako sa bahay na yon kasama siya at may malalim na dahilan akong natuklasan mula kay Kuya ay hindi na tama.
Narinig kong nagmura si Dad na nagpapitlag sa akin, galit siya, matindi ang galit niya kay Kuya dahil sa desisyong pinili ko. "Hindi ko na nagugustuhan yang ugali ni Tyler, Kei Marie." Mariin na sambit ni Dad at tinalikuran kami ni Mama.
Hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "P..paano ka dito? Yung pagkain mo? G..ganito nalang, papadalan kita ng pera every month, okay?" Ani Mama na mabilis kong tinanggihan.
"Hindi na, Ma. Ako na po ang bahala sa sarili ko, may trabaho na po ako ngayon, sumama ako kay Monet magtrabaho sa isang restaurant." Sambit ko na ikinagulat ni Mama, napag pasiyahan ko nang h'wag na ring umasa kela Mama. Siguro ay tama rin naman si Kuya sa mga sinabi niya sa akin noon, na binuhay ako ng pamilya niya sa matagal na panahon kaya panahon na rin siguro para hindi na ako umasa pa sa kanila.
"Anak naman. Nag aaral ka at anong klaseng restaurant ba yan para tumanggap ng seventeen years old?!" Galit na suway sa akin ni Mama, sila Monet ang may ari ng fine dining restaurant na pinagtatrabahuhan ko, matinding pakikiusap pa ang ginawa ko sa parents niya para lang payagan ako, sinabi ko na sa susunod na taon ay eighteen years old na rin naman ako.
Nangako ako sa kanila na ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sa restaurant nila.
Sa huli ay wala na ring nagawa sila Mama, ang gusto pang mangyari nila Mama ay ikuha nila ako ang ng isang unit dito malapit kay Monet pero tinanggihan ko iyon, naisip kong kapag may sapat na pera na ako mula sa pagtatrabaho ko ay uupa nalang ako ng apartment, hindi naman pwedeng habang buhay ay makitira ako kay Monet.
Mas mabuti na sigurong sumama ang loob nila Mama kay Kuya dahil sa pag aaway naming dalawa, kaysa malaman nila ang totoong dahilan ng pag alis ko na sa tingin ko ay hindi rin nila matatanggap.
Akala ko ay matatakasan ko na siya, pero mali ako dahil maging sa trabaho ko ay nasusundan niya ako at doon ginugulo. Hindi ako sanay na pagsungitan o bigyan ng malamig na pakikitungo si Kuya dahil nasanay akong palaging dumidikit sa kanya, nasanay akong palagi siyang binabati sa tuwing magkakasalubong kami, pero kung hindi ko gagawin na ituring siya sa masamang paraan ay hindi niya ako lalayuan.
Bumangon na ako at pilit kong kinalimutan ang mga alaalang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko saka naligo at nag ayos na ako, matapos ay tumungo na ako sa kusina kung saan mukhang katatapos lang nila Manang at Mama na magluto.
"Good morning, anak. Pumunta ka na sa dining area, nandoon sila Cash, ilalapag na namin itong pagkain." Sabi ni Mama matapos akong halikan sa pisngi.
"Tulungan ko na kayo, Ma." Sabi ko at kinuha ko ang isang tray doon na may laman na orange juice at mga baso saka sumunod na ako kela Mama na dala ang mga pagkain.
Nang makarating kami sa dining area ay nandoon na si Dad na kausap si Cash at Axel na tungkol sa negosyo. Wala doon si Kuya.
"Si Tyler nalang talaga ang hinihintay ko na humawak sa isang project, dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang pagsabay sabayin lahat. Mabuti nga kayong dalawa, sa ganyang edad ay tumutulong na kayo sa kumpanya ng magulang niyo." Seryosong mungkahi ni Dad at natigilan siya nang makita na kami ni Mama.
"Hi, Dad!" Masiglang bati ko at lumapit kay Daddy saka humalik sa pisngi. "How are you? Nagmadali akong umuwi kaninang madaling araw dahil itinawag sa akin ng Mommy mo na nandito ka nga daw. Birthday celebration mo na bukas." Nakangiting sambit ni Dad na nagpalabas sa kanyang dimples na katulad na katulad ng kay Kuya.
"I'm good. I miss you, Dad." Sabi ko at niyakap pa siya sandali. Ngumiti si Dad at inilahad na ang kamay para paupuin kami sa hapag.
Kaharap ko si Cash at Axel, habang katabi ko naman si Mama at sa gitna ng hapag si Dad.
"Hindi pa ba pumapasok si Tyler?" Tanong ni Dad kay Manang nang mailapag ang lahat ng pagkain. "Uhm, Sir, sa pagkakaalam ko po eh kaninang madilim pa siya doon sa beach, nag-su-surf. Sinusuway ko na nga kanina dahil baka magkasakit." Sagot ni Manang Lilia, huminga ng malalim si Mama at akmang tatayo pero hinawakan ni Dad ang kanyang kamay kaya napigilan ito.
"Pinuntahan ko na siya kanina doon, I don't know kung anong problema. Hindi magsasalita yang anak mo kahit pilitin mo pa." Mahinahon na sabi ni Dad, lumunok ako at ilang sandali pa ay napagpasiyahan na ni Mama na mag-lead ng prayer bago mag-breakfast at matapos iyon ay sabay sabay kaming kumain.
Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagpasok ni Kuya at pagpanhik nito sa itaas. Tapos na kaming kumain lahat at nagkukwentuhan na ulit sila Dad at Cash nang muli siyang bumaba at tumungo sa dining area. Bagong paligo na siya, suot ang beach short at puting sando na fitted sa kanyang katawan na madalas pagpantasyahan ng mga tao sa labas ng resort namin. Nang mahagip ng mata niya ang aking mata ay kumunot ang noo niya na mabilis kong iniwasan!
Lumapit siya kay Mama at kaagad kong naamoy ang bagong paligong katawan niya, maging ang pabangong madalas na niyang gamitin noon ay naaamoy ko. Humalik siya dito, "Morning, Ma." Namamaos na bati niya, napalundag ako nang dumapo ang mainit niyang palad sa balikat ko at binati ako sa matabang na paraan sa likod ng tainga ko. "Good morning." Aniya, maging ang init na buga ng paghinga niya ay tumama sa batok ko at naiilang kong tinanguan iyong pagbati niya.
"Dad." Tinapik niya sa balikat si Dad at hindi man sabihin ni Dad ay kita ko ang pagkadismaya.
"Kumain ka na, hihintayin ka naming matapos." Sabi ni Mama at itinuro ang pwesto ni Kuya kung saan naka-set up na ang lahat ng kakainin niya.
Umupo siya doon sa tabi ni Cash na hindi ako binibigyang pansin at nagsimulang kumain. Kung dati ay hinihintay niya akong matapos kumain sa hapag, ngayon naman ay nakakaya na niyang kumain sa hapag kahit naririto ang presensya ko.
"Hmm, where is Kate? Anong oras na bakit hindi pa siya lumalabas ng villa?" Usisa ni Mama sa kanya, lahat kami ay nakatingin kay Kuya sa bawat pag kilos niya. Sa simpleng paghiwa niya ng bacon ay kapansin pansin ang braso ni Kuya.
Uminom siya ng juice at pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang table napkin na nakatiklop sa kanan niya. Bumaling siya sa amin at ang mga titig ko ang kaagad na sinalubong niya na hindi ko maintindihan pero nagpa-estatwa sa akin.
"Pinauwi ko na kagabi. Wala naman siyang gagawin dito." Malamig na sabi niya at muling nagbaba ng tingin sa pagkain niya at kumain ulit.
"What? Invited siya para sa birthday ni Althea." Suway ni Mama.
"Kaibigan mo ba siya?" Biglang taas niya ulit ng tingin sa akin na humalukay sa pagkatao ko, mabilis akong nag iwas ng tingin at uminom ng juice! Saka umiling ako at sa hindi ko malamang dahilan ay hinawakan ko ang kamay ni Mama at mahigpit kong kinuhanan ng lakas dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Cash at hinayaan kong tanggapin din ang mga titig ni Cash na masayang pinagmamasdan ang pagkilos ko.
"See? Di naman niya kaibigan, bakit kailangang nandoon?" Sagot niya, "I'm done." Malamig na sabi niya at tumayo na sa mesa pero tumigil siya nang magsalita si Dad na sa tingin ko ay kanina pa pinipigilan ang galit.
"Ganyan ba kita pinalaki? Hinahayaan kitang magdala ng mga babae jan sa kabilang villa dahil hindi ko malaman kung anong problema mo. Kanina lang nalaman ko sa Mama mo na may kasama ka ulit na babae." Simula ni Dad, kumuyom ang kamao nito sa ibabaw ng mesa na hinawakan naman ni Mama at umiling.
"Matutuwa na sana ako dahil sinabi ng Mama mo na mukhang nagseseryoso ka na dahil ipinakilala mo pa ito sa kanya. Sa tingin ko ay nagkakamali ka Kei Marie, pagkatapos magpasarap nitong anak mo ay itatapon niya lang kung saan?!" Sigaw ni Dad na nagpapitlag sa akin sa hapag!
"Drake.." Suway ni Mama, mariin kong ipinikit ang mata ko dahil ayokong makita ang galit ni Dad, ramdam ko na naman ang tensyon sa kanilang dalawa na alam kong kahit anong oras ay magiging mas matinding away na naman ito.
"Hindi ko naman siya itinapon. Pinauwi ko lang." Ramdam kong pilit pinapahinahon ni Kuya ang boses niya sa pagsagot sagot kay Dad.
"Mag isa? Come on, son. Hindi na ako bago sa mga ginagawa mo. Papayag ka ba na ganyan ang mangyari sa kapatid mong si Althea? Pagkatapos pagsawaan ng isang gabi ay iiwanan nalang?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na rin ako! Sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin ang mga susunod na maririnig ko.
Pero napahinto ako nang magsalita ng mariin si Kuya. "Fuck. Hindi ko ginalaw Dad! Walang pag papasarap na nangyari kagabi! Oo hinalikan ko, damn it! Humalik na naman ako ng ibang babae sa napaka raming pagkakataon. Shit. Pinauwi ko si Kate dahil naiisip ko si Althea!" Galit na sigaw ni Kuya na may sunod sunod na mura at nagpatindig sa balahibo ko.
Nabalot kami ng katahimikan. Ang bilis ng pintig ng puso ko at hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko ngayon. Naramdaman ko nanamang muli ang takot kagaya nang unang pagkakataon nang marinig kong sabihin niya na mahal niya ako.
Kuya Tyler, please. H'wag mong sirain ang pamilyang mayroon tayo.
"Nagmumura ka na naman sa harapan ng Mama mo." Galit na sambit ni Dad. "Drake, no." Bulong ni Mama na pilit pinapakalma si Dad mula sa galit nito.
"Ty, anak. Pumasok ka na muna sa kwarto mo." Dama ko ang pangamba sa boses ni Mama dahil sa maaaring gawin ni Dad, bago ko pa marinig ang mga yapak ni Kuya ay tumakbo na ako patungo sa kwarto ko at mabilis kong isinarado ang pintuan at itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha upang saluhin ang luhang tumutulo na naman dahil sa kanya.
***
AN: Sorry! Hindi ako nakapag update kahit na nakabakasyon naman ako. Huhu. Sorry na, try ko ulit mag-update mamaya! :) Thank you so much sa mga pumunta nung Sunday, grabe, the best kayo! Hindi ko inexpect iyon. Salamat sa maraming gifts at letters! Salamat talaga guys!
Love lots.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top